LOGINSa loob ng apat na taon, wala nang ibang pinangarap si Elize Monteverde kundi ang maikasal sa kanyang nobyo na si Calvin Sarmiento. Subalit sa araw mismo ng kanilang kasal, hindi sumipot si Calvin sa simbahan dahil mas inuna nitong tulungan ang kababata nito na humingi rito ng saklolo. Dahil labis na nasaktan, nagpasya si Elize na makipaghiwalay sa nobyo, magpakalayo-layo at muling makipagkasundo sa kanyang pamilya na nakasamaan niya ng loob mula nang piliin niya ang tawag ng pag-ibig kaysa sa pakiusap ng mga ito. Sa muling pagbangon ni Elize, muli niyang bubuuin ang kanyang buhay at mga pangarap sa tulong ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. At kung kailan inaakala ng dalaga na maayos na ang takbo ng kanyang buhay, saka niya makikilala si Rafael Dominic Del Fierro o Ralph, ang bilyonaryong kinatatakutan ng lahat dahil sa magaspang na pag-uugali nito. They will share one drunken night together, prompting Ralph to offer her marriage the next day. “K-kasal? Hindi ginagawang biro ang kasal, Mr. Del Fierro,” ani Elize, puno ng pagtutol ang tinig. “And who told you I’m joking? I’m dead serious. Marry me, Ms. Monteverde.” “P-pero bakit? It’s just a one-night-stand!” Umangat ang gilid ng labi ni Ralph. “I only have one reason, your brother is my enemy. Now, you marry me or you will never ever go back to your family.” Napasinghap si Elize, nanginig. Ano na naman ba iyong pagkakamaling nagawa niya?
View MoreMalakas ang buhos ng ulan. Marahas din ang pag-ihip ng hangin sa kapaligiran. Sa ‘di kalayuan ay panay ang pagguhit ng kidlat sa papadilim nang langit, kasunod niyon ang kulog na yumayanig sa kalupaan ng burol.
Sa ituktok ng burol ay naroon ang Santuario de Sta. Ignacia. Isang maliit na simbahan na madalas pagdausan ng kasal ng magsing-irog na sumusumpa ng walang hanggang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ayon sa mga sabi-sabi, ang sino mang magpapakasal sa chapel na ‘yon ay kailanman hindi maghihiwalay. Kaya naman kahit na may kalayuan sa mismong siyudad ng Sta. Ignacia, dinarayo ang simbahan na iyon. Kaya lang…
Sa kalagitnaan ng malakas na patak ng ulan, maririnig ang malalakas na paghikbi ni Elize Monteverde. Nakasalampak sa harapan ng simbahan ang dalaga, basang-basa ang bulto sa gitna ng ulanan, suot-suot pa rin ang kanyang wedding dress at nasa kamay pa rin ang kanyang bouquet.
‘Darating siya. Darating si Calvin,’ pangungumbinsi ng dalaga sa sarili bago nag-angat ng tingin sa pinto ng simbahan na kanina nakapinid na.
Tatlong oras. Tatlong oras na siyang naghihintay sa pagdating ni Engr. Calvin Sarmiento, ang kanyang fiancé. Ang sanay masayang okasyon na ilang buwan ding plinano at pinaghandaan ng dalaga ay tila nauwi sa isang bangungot nang lumipas na ang takdang oras ng kanilang kasal ay ni hindi pa rin ito tumatawag o nagpaparamdam man lang sa kanya.
Pasado alas singko ng hapon nang sabihan si Elize ng mga namamahala sa simbahan na kailangan na nilang isara ang pinto dahil tapos na ang operating hours ng lugar.
Gusto pa sanang makiusap ni Elize, humingi ng kaunti pang oras para sa nobyong tila naglahong parang bula sa araw mismo ng kanilang kasal subalit, hinindian na siya ng caretaker ng simbahan.
‘Kailangan pong lumuwas si Fr. Rey ngayon dahil Linggo bukas at siya ang magbibigay ng homily sa malaking simbahan sa siyudad. Pasensiya na po kayo talaga, Hindi na namin mahihintay ang groom ninyo.’
Iyon ang sabi ng caretaker kay Elize kanina bago nito isinara ang simbahan. Pinanood ng dalaga ang unti-unting pagsara ng pinto at ang tuluyang pagguho ng kanyang pangarap sa araw na iyon.
Apat na taon. Apat na taon niyang pinangarap ang araw na iyon. Mula nang sagipin siya ni Calvin sa isang aksidente hanggang sa maging sila at sabay na nagtrabaho sa construction firm na silang dalawa ang bumuo, wala nang inisip pa ang dalaga kundi ang tungkol sa araw na ‘yon—ang maikasal silang dalawa ng lalaking kanyang mahal. Subalit…
Ang pagdantay ng jacket sa kanyang balikat ang nagpaangat ng tingin ni Elise. Bumungad sa dalaga ang mukha ni Daisy, ang isa sa mga empleyado sa firm. May hawak itong payong at pilit siyang inilililim doon kahit na kanina pa siya basang-basa. “Ms. Elize, tayo na. Tumayo ka na d’yan. Hindi na siguro darating si Sir Calvin. Mukhang malabo na,” anito.
Muling humalo ang luha ni Elise sa patak ng ulan, humapdi ang lalamunan. Alam niya ang bagay na ‘yon. Alam niyang hindi na darating pa ang nobyo. At kahit pa dumating ito, wala rin namang silbi, Sarado na ang simbahan. Nakaalis na rin ang pari at ang kanilang piling mga bisita.
Piling mga bisita.
Maliit lang ang Santuario de Sta, Ignacia. Kaya naman halos limampu lang ang mga bisita nila. Piling-pili lang ang imbitado. Karamihan kakilala ni Calvin. Ang bisita lang niya, ang mga magulang niya sana na hindi rin nakarating dahil sa hindi nila pagkakaunawaan mula nang baguhin niya ang takbo ng kanyang buhay para kay Calvin.
Para kay Calvin. Tama, sa loob ng apat na taon, uminog ang mundo niya para kay Calvin. Bawat galaw at kahit na paghinga niya, para lahat kay Calvin. Ganoon niya kamahal ang kasintahan kaya lang…
“Ms. Elize,” pukaw ni James, isa sa mga engineers sa firm. Nakalapit na rin pala ang binata nang hindi namamalayan ni ng dalaga. “Na-contact ko na po si Sir Calvin,” anito, inabot ang cellphone nito sa kanya.
Sa nanginginig na kamay ay tinanggap ni Elise ang cellphone at dinala sa kanyang tainga. “C-Calvin, nasaan ka?”
Isang marahas na buga ng hininga ang pinakawalan muna ni Calvin sa kabilang linya bago sumagot. “Elize, nahulog sa hagdan si Tita Ramona. Hindi ko maiwanan si Juliette. Alam mo namang ako lang din ang inaasahan niya ng tutulong sa kanila.”
Tila may kumamal sa puso ni Elize at piniga iyon ng anong higpit. Si Juliette. Si Juliette naman ang dahilan, anang dalaga sa isip.
Sa nakalipas na tatlong taon mula nang sumama siya kay Calvin sa Sta. Ignacia, lagi nang nakapagitan sa kanilang dalawa ang kababata nitong si Juliette. Ang sabi ni Calvin, malaki raw ang utang na loob ng pamilya nito sa pamilya ni Juliette. Kaya nang pumanaw ang ama ni Juliette, lagi nang nakaalalay si Calvin sa mga ito.
Pero pati ba araw ng kasal nila, handang isakripisyo ni Calvin alang-alang kay Juliette at sa ina nito?
“W-were getting m-married today, Cal. N-naalala mo 'di ba?”
“El, please don’t make it hard for me,” ani Calvin, may bahid na nang inis ang tinig. “Alam ko ang okasyon ngayon. Don’t make it sound like na napakalaki ng kasalanan ko. Kasal lang naman ‘yan. Pwede pa tayong ikasal sa ibang araw. Pero hindi pwedeng balewalain ang buhay ni Tita Ramona.”
Pinigil ni Elize ang humikbi. Bawat salitang binitiwan ng nobyo ay parang kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib,
Kasal lang. Para dito, kasal ‘lang’ ang gagawin nila, hindi importante at walang halaga.
Muling humapdi ang lalamunan ng dalaga. Gusto niyang sigawan si Calvin, awayin ito at sisihin kung bakit naging ganoon ang buhay niya sa loob ng apat na taon—isang bulag na sunud-sunuran sa pag-ibig. Naging isa siyang suwail na anak dahil kay Calvin. Itinapon niya ang kanyang mga sarilng pangarap para kay Calvin. But in the end, he will never do to her any of what she had done for him.
Nanginig sa magkahalong galit at sama ng loob ang dalaga. Apat na taon. Apat na taon siyang naging tanga.
“Elize, are you still there?” pukaw ni Calvin kay Elize. “I need you to do me a favor. Naiwanan ko ‘yong cheque book ko sa opisina. Can you go and get it for me at dalhin mo dito sa ospital? They are asking for a deposit para sa operasyon ni Tita Ramona at—“
“Go get it yourself,” mahinang sabi ni Elize.
“What did you say?”
“I said, go get it yourself,” sagot nang dalaga sa mas mabigat na tinig, umigting ang panga.
Calvin scoffed. “Anong—What the hell is wrong with you? Alam mong may emergency dito tapos ganyan ka pa? I need that cheque book, Elize. Trabaho mong dalhin sa akin ‘yon bilang assistant ko!”
Doon na tuluyang sumulak ang galit ni Elize. “Then you could get another assistant, Engr. Sarmiento, because I quit! Ayoko nang maging assistant mo. Pagod na kong pagsilbihan ka. Pagod na kong unawin ka. At higit sa lahat pagod na ‘kong maging girlfriend mo!” gigil na pahayag ng dalaga bago tuluyang tumayo.
“Dammit! Elize, magulo na ang isip ko ngayon, h’wag ka nang dumagdag! I’ll give you fifteen minutes to get that cheque book or else—“
Hindi na hinintay pa ni Elize ang ibang sasabihin ni Calvin, tinapos ang tawag at ibinalik kay James ang cellphone nito, bago nagmartsa patungo sa bridal car.
“Saan po tayo, Ma’am?” anang driver.
“K-kahit saan, basta malayo dito sa Sta. Ignacia,” sagot ng dalaga bago muling yumuko at muling lumuha.
‘Nasaan ako?’ iyon ang unang pumasok sa isip ni Elize nang magising kinabukasan. She was in an ufamiliar room, without any clear memory of what happened last night.Last night, pag-uulit ng dalaga sa isip. Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi at kung paano siya humantong sa silid na iyon. And how the hell did she have that splitting headache!Napasapo sa kanyang ulo ang dalaga, bumangon sa kama.“Good morning!” anang pamilyar na tinig kung saan.Bumaling si Elize sa bandang kanan ng silid. Upang mapasinghap lamang nang makita roon si Ralph, prenteng nakasandal sa pinto nang sa tingin niya ay isang walk-In closet.Lalong hindi napagsalita si Elize, kumapit sa kumot na tumatakip sa kanyang kahubdan. Lalong nanirik ang lohika ng dalaga nang mapagtanto niyang wala siyang ni isang saplot sa kanyang katawan! She also felt sore all over, especially down there. Especially down there!Oh god! She did not…“Sa tingin ko unti-unti mo nang naaalal ang nangyari kagabi. Tama ba ‘ko, Elize?” p
“Dammit, Mark! Can’t you drive faster?” singhal ni Ralph sa assistant na noon ay siyang nasa manibela. Patungo sila sa penthouse ng binata dahil malapit lang iyon sa bar kung saan sila galing.“I’m trying my best, Sir,” sagot naman ni Mark, bakas na rin ang taranta sa tinig bago lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.Napabuga ng hininga si Ralph, niyuko ang nakasiksik pa rin na bulto ni Elize sa kanya. Beads of sweat was already forming on her forehead. Her skin feels hot and she cannot stop moaning as if…Lumunok ang binata nang biglan hilahin ni Elize ang kanyang kwelyo na siyang nagpangyari upang maging gagahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Namumungay ang mga mata nito habang titig sa kanya. At magsisinungaling siya kung hindi siya naapektuhan sa mga kinikilos nito. Sa katunayan, nakakaramdam na rin siya kanina pa ng init na hindi niya alam kung saan nagmumula. Subalit patuloy niya iyong nilalabanan. He must keep a level-head. Hindi siya dapat nagpapadala s
“Ms. Monteverde, we meet again,” bati ni Ralph kay Elize pagkapasok na pagkapasok ng dalaga sa loob ng VIP Room ng binata.“Mr. Del Fierro, thank you for the drink,” pormal na bati ng dalaga.“Please, don’t be too formal. Wala na tayo sa opisina. Call me, Ralph,” anang binata, umupo na sa sofa na naroon. “Please have a seat and make yourself comfortable."Tensiyonadong ngumiti si Elize. Malawak ang VIP Room. Subalit mag-isa lang si Ralph sa loob. He had the room all for himself. Wala ba itong kaibigan na pwedeng makasama kapag gusto nitong lumabas?Well with his reputation of being cold and ruthless, hindi na rin siya magtataka kung iwas ang lahat ng tao rito. She wonders how he copes up with loneliness.Maingat na umupo sa katapat na sofa si Elize. “What do you want to talk about, Mr. Del—I mean, Ralph?”Sandaling tumitig si Ralph sa kanya, ngumiti. “Wala naman masyado. I just want to know why you are here, just like me, alone.”Marahang ibinaba ni Elize ang kopita na hawak sa maliit
“Are you sure okay ka lang, El? Gusto mo doon na lang ako matulog sa inyo? We can do a sleepover,” ani Ivy kay kay Elize nang manatiling tahimik ang kaibigan habang nakatanaw sa papalubog na araw sa ‘di kalayuan. Nakaupo ang dalawa sa buhanginan ng resort kung saan sila kasalukuyang naroon.They took a drive outside the city because Elize wanted to clear her head after talking to Calvin. At bilang isang supportive na kaibigan, sinundan ni Ivy si Elize. Hindi nito iniwan ang kaibigan. Hanggang sa mapadpad sila sa isang beach resort, dalawang oras ang layo mula sa siyudad.Ang masaya sanang celebration lunch na balak ng dalawa, nauwi sa isang simpleng lunch sa resort na halos hindi rin kinain ni Elize.“I’m really stupid before, am I?” ani Elize, bumaling kay Ivy. Ayaw niya sanang magpaapekto sa muli nilang pagkikita ni Calvin. Subalit, magsisinungaling siya kung sasabihin niyang she was not affected by it even for a little bit.Seeing Calvin again, was a reminder of how she stupidly
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews