Biglang nakaramdam ng matinding lamig si Ava sa kalagitnaan ng kanyang pagkahilo. Nanginig siya at tuluyang nagising dahil sa lamig. Sa kanyang malabong paningin, nakita ni Ava ang isang pigura na dahan-dahan na naglalakd palapit sa kanya. Nahirapan siyang tumingala at nakita niya ang isang pamilyar na mukha na may masamang ngiti sa luhaan nitong mga mata. Ito ay si Esther. Pumikit si Ava, at naalala niya kung ano ang nangyari bago siya nawalan ng malay, at dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. “Syempre, ikaw.” Huminga ng malalim si Ava at pinakalma ang kanyang sarili. Naalala niya, pero ng gumalaw siya, may sumipa sa kanya ng malakas mula sa kanyang likuran. Ang sipa na ito ay tumama sa kanyang likod, na nagdulot ng hindi mawaring sakit. “Ah!” Napasigaw si Ava sa sakit habang nakabaluktot siya, ang malamig na tubig na bumabasa sa buo niyang katawan ay nanunuot sa kanyang balat. Sa mga sandaling ito, hindi maganda ang kanyang pakiramdam, ngunit hindi pa din siya
Babala ni Esther ng may malagim na mukha. Sa mga sandaling iyon, wala na sa kanya ang imahe ng isang mahinhin at eleganteng babae. Para na siyang isang tusong tao na gumagawa ng mga kabaliwan at walang katuturan na bagay. Nakahiga sa lapag si Ava habang pinakikinggan ang walang humpay na pagmumura ni Esther saknayang mag tenga. Pagkatapos ay pinikit niya ang kanyang mga mata. Nagkamali siya. Masyado siyang nagpadalos-dalos nung ginawa niya ang hakbang na ito. Dapat ay pinakinggan niya si Madeline at hindi nagpadalos-dalos na hinanap si Esther. Dapat ay nanatili na lang siya sa Whitman Corporation at naghintay kay Jeremy na makahanap ng palatandaan bago siya kumilos. Ngayon, hindi na niya alam kung makakalabas pa ba siya dito ng buhay. Tahimik na naisip ni Ava, ngunit huli na para sa kanya na pagsisihan ang bagay na ito. Sa mga oras na ito, nag-aalala pa din siya tungkol kay Daniel sa kanyang puso. “Danny…”‘Nasaan ka na ba?‘Malapit ka lang ba sa akin?’Si Est
Binato ni Esther sa malayo ang pamalo at inutusan ang dalawang lalake na bantayan si Ava bago siya umalis. Nang makasakay siya sa kanyang kotse, tinawagan niya pabaliks is Ethan. Lalong nagalit si Esther nang marinig niya na na hinahanap siya ni Daniel. Subalit, hindi niya ito ipinakita. Sumagot siya ng may malambing na boses na namimilis iya sa labas at malapit na siyang makauwi bago niya binaba ang phone. Nung naisip niya na ang buhay ng kanyang mahal na anak, na inalagaan niya ng higit sa 20 taon, ay wala na, lalo lang lumakas ang kagustuhan ni Esther na maghiganti. Sinundan nila Madeline at Jeremy si Daniel papunta sa mansyon ng Mendez family, ngunit hindi nila inaasahan na nasa bahay si Ethan sa mga oras na iyon. Kung ikukumpara sa kasungitan ni Esther, mukhang isang magalang na tao itong si Ethan. Kahit na masama ang kanyang loob at nagsisisi tungkol sa nangyari kay Naya, nararamdaman niya na pinagbabayaran lang ni Naya ang mga kasalanan niya. Wala siyang pweden
Tinanong ni Daniel si Esther tungkol sa kinaroroonan ni Ava nang may kasiguraduhan. Bumilis ang tibok ng puso ni Esther, pero ang mukha niya ay puno ng inis. Dahan-dahan siyang naglakad papunta kay Ethan at walang pakialam na umupo sa sofa. "Kakaiba. Ano namang koneksyon sa'kin kung hindi niyo mahanap ang babaeng yun? Bakit niyo ko tinatanong kung nasaan siya?" Nang makita nilang walang pakialam si Esther na para bang wala siyang kinalaman rito, nagsimulang kabahan si Madeline. "Mrs. Mendez, may mga dahilan kami para maniwala na nagpunta rito si Ava para hanapin ka, at sa mga sandaling umalis si Ava, narinig namin na nagkataon ay may pinuntahan ka." Pagkatapos pakinggan ang mga salita ni Madeline, biglang ngumisi si Esther. "Mrs. Whitman, kakaiba talaga ang sinabi mo. Hindi ako ang pinakamamahal kong anak na ngayon ay nakakulong dahil friname up niyo siya. Nawalan siya ng kalayaan at nakakulong siya sa kulungan araw gabi. Isa akong malayang babae kaya pwede akong pumunta sa
Hindi napigilan ni Ethan si Esther kaya magalang lang siyang nagsabi ng ilang salita kina Jeremy bago umakyat. Nanatili si Daniel sa kinatatayuan niya nang marami ang iniisip. Sobra siyang kinakabahan at kumalat ang hindi maipaliwanag na pag-aalala sa puso niya. Pagkatapos, unti-unti itong bumalot sa puso niya na parang isang malaking itim na kurtina. "Dan, pumunta muna tayo sa istasyon ng pulis." Natauhan si Daniel sa boses ni Madeline. Tumango siya, hindi nagsalita, at sinundan sina Jeremy at Madeline papunta sa istasyon ng pulis. Sa daan nila papunta roon, nakita ni Jeremy sa phone niya ang surveillance footage ng pagsakay ni Ava sa taxi para sundan si Esther. Ang mga sumunod na surveillance footage mula sa kalsada ay hindi naibigay kay Jeremy kaya imposibleng malaman kung saan bumaba sina Esther at Ava. Nakatayo si Esther sa balkonahe habang pinapanood ang kotse na umandar papalayo nang nakangisi. "Kung gusto mong tumawag ng pulis, sige lang. Kahit na hanapin niyo siy
Sa daan papunta sa istasyon ng pulis ngayon lang, pinakiusapan ni Madeline si Jeremy na pababain siya ng kotse sa kalagitnaan ng biyahe. Bumalik siya sa lokasyon malapit sa manor ng Mendez family para makita kung lalabas pa ulit si Esther. Hindi nagtagal, nagawa ni Madeline na maghintay hanggang sa makalabas si Esther. Pagkatapos, nagtawag siya ng taxi para sundan ang taxi ni Esther. Hindi niya inasahan na mapapansin siya ni Esther. Nang makita ng driver na huminto sa harapan niya ang kotseng sinusundan niya, lumingon siya at nagtanong kay Madeline. "Miss, gusto mo pa rin ba silang sundan?" "Hindi na, salamat." Direktang bumaba si Madeline ng kotse pagkatapos magbayad. Bahagyang nabigla si Esther na makita si Madeline na bumaba ng kotse, pero kasabay nito, hindi siya masyadong nagulat. "Mrs. Whitman, bakit mo ko sinusundan?" Tanong ni Esther nang nakangiti. Humakbang si Madeline at binuka ang mga labi niya nang may maliit na ngiti. "Pwedeng gamiting ng kahit na sino ang
Sa loob ng coffee shop. Magkaharap na naupo sina Madeline at Esther. Dinampot ni Esther ang mainit na kape na kakahain lang sa kanya, ininom ito, at naunang nagsalita. "Mrs. Whitman, may tatlo lang anak, tama? Narinig ko na pinahirapan ng isang babaeng miyembro ng gang ang nag-iisa mong anak na babae hanggang sa hindi na siya makapagsalita. Pipe pa rin siya hanggang ngayon. Totoo kaya yon?" Medyo nailang si Madeline sa biglaang pagkabanggit kay Lily na sa sobrang takot kay Lana ay nawalan ng tapang na magsalita. Gayunpaman, kalmado niya pa ring tinaas ang kanyang tingin at bahagyang binuksan ang kanyang bibig. "Mrs. Mendez, pwede mong sabihin ang gusto mong sabihin. Nakarating na tayo sa puntong ito at may mga bagay na naiintindihan na kahit hindi ito pag-usapan. Hindi mo na kailangang magpaligoy-ligoy pa." Bahagyang ngumiti ang mapupulang labi ni Esther. "Hindi ko pa rin maintindihan kung anong ibig mong sabihin nang sinabi mo ang mga salitang iyan. Gusto ko lang malaman k
Pagkatapos marinig ito, malapit nang sumabog sa galit si Esther. "Ikaw… Eveline, sinusumpa mo ba ang anak ko?" "Hindi ko siya sinusumpa; sinasabi ko lang ang totoo." Isang matingkad na ilaw ang unti-unting kuminang sa mga mata ni Madeline. Mas matanda ka kaysa sa'kin kaya imposibleng hindi mo naiintindihan ang mga bagay na'to. Bilang isang ina, ikaw dapat ang magtuturo ng magandang asal sa anak mo imbis na kunsintihin mo siya at hayaan siyang maligaw ng landas." "Manahimik ka, Eveline! Wag ka nang magsalita!" Hindi na napigilan ni Esther ang sarili niya. "Hindi mo ko kailangang pagsabihan. Wala kang pakialam kung paano ko palalakihin ang anak ko. Sarili mo na lang ang isipin mo at tandaan mo to. Hindi mag-isa si Ava sa pagtulak kay Naya sa maling landas. May parte ka rin rito!" Tumalikod si Esther para umalis pagkatapos nag-iwan ng parang isang pagbabanta. Hindi nagpaligoy-ligoy si Madeline. Kaagad niyang sinundan si Esther at tahimik na tinawagan si Jeremy mula sa kanyang re