Masusuot ng sanggol sa kanyang tiyan ang mga damit na ito kahit ano pang kasarian nito. Magbabayad na sana si Madeline para sa mga damit. Subalit paglingon niya, nakita niya si Meredith. Tila ba mag-isa siya. May masama itong ngiti sa kanyang mukha. Gusto siyang lagpasan ni Madeline, ngunit hinarang siya nito. "Maddie anlaki na ng problema mo pero may gana ka pang mamili? Diba hinahanap ka ng mga pulis?" Naguguluhan si Madeline sa kung ano bang tinutukoy niya. Pagkatapos nagpatuloy si Meredith. "Napakagaling mo ring magpanggap noh. Ayos lang kung wala kang talento, pero bakit ka nag plagiarize ng gawa ng iba? Kinasuhan ka ng Minora sa pagsira sa pangalan ng kompanya nila. Atsaka kinakasuhan ka nila sa paglabag sa intellectual property rights. Kung mahuli ka sa krimeng ito makukulong ka." Naguluhan si Madeline. Ang kompanyang binanggit ni Meredith ay ang kompanyang nagtiwala sa kanya na magdisenyo ng mga couple ring. Subalit sarili niyang likha ang mga iyon. Di siya kailanma
Nakakulong si Madeline sa presinto. Makalipas ang dalawang araw, nakita na niya sa wakas si Jeremy. Yun ang same na meeting room gaya ng dati. Subalit, mas mukha siyang balisa kaysa noon. Sa kabilang banda, mas galit tignan ang lalaki kaysa noon. Para siyang isang demonyo mula sa impyerno. Sa sandaling pumasok siya, hinablot niya ang kwelyo ni Madeline nang halos tusukin siya ng malamig na titig nito. "Madeline, ano bang sinabi ko sayo noon? Napakahirap bang mamuhay nang tahimik? Gusto mo bang mamatay?" "Di ko siya tinulak Jeremy. Si Meredith ang sadyang bumitaw sa kamay ko matapos akong hablutin! Pwede mong panoorin ang security footage kung ayaw mong maniwala sa akin! Baka may mga security camera sa shop na yun! Jeremy, malalaman mo ang totoo pag nakita mo ito!" Kumakapit na si Madeline sa huling tyansa niyang mabuhay. Diniin niya ang mga sinabi niya. "Ang totoo ay tinulak mo si Mer! Kitang-kita sa security footage!" "Ano?"Nagulantang si Madeline. Nagblangko ang kanyang
Pagkatapos ng kanyang pumalpak na apela, napilitan si Madeline na tanggapin ang hindi kapanipaniwalang sitwasyon. Tatlong taon. Tumawa siya nang mapait. Hindi pa rin niya alam kung mabubuhay pa siya hanggang sa ipanganak ang kanyang anak. Hindi sinabi ni Madeline sa officer ang kanyang pagbubuntis. Hindi niya nakalimutan kung paano siya pinagbubugbog noong sinabi niya ito. Subalit, naroon pa rin ang kanyang kinakatakutan. Sa gabing iyon, binugbog si Madeline ng isang grupo ng mga kalbong preso. Walang lakas na lumaban si Madeline. At higit pa roon, pinapahirapan rin siya ng kanyang tumor. Nagsimula siyang mangingig sa sakit. Wala siyang magawa kundi mamaluktot para hindi nila masipa ang kanyang tiyan. Minsan ay nangyayari ang ganitong sitwasyon. Buti na lang at hindi nila tinatamaan ang kanyang tiyan. Sinumbong na ito ni Madeline ng ilang beses, pero walang nangyari. Sa bawat gabi ng kawalan ng pag-asa, nagkikiskisan ang mga ngipin ni Madeline sa sobrang sakit. Naka
Nanlamig ang puso ni Madeline nang marinig niya ang tanong ng officer. Dahil din dito ay mayroong siyang napagtanto. Matagal na pala itong napagplanuhan. Lahat sila ay kasabwat dito. Nangyari ang lahat ng ito dahil nahulog ang loob niya sa isang lalaki na hindi niya dapat minahal. Hinawakan ni Madeline ang malamig na rehas at lumuhod sa lapag. 'Jeremy Whitman, kung pwede ko lang ulitin ang lahat, sana 'di na lang kita nakilala.' Hindi inaasahan ni Madeline na mabubuhay pa siya hanggang sa araw na makalaya siya mula sa kulungan. Siguro dahil ang gamot na pinadala ni Daniel sa kanyang mga tao ay mayroong malakas na epekto laban sa mga tumor, o kaya dahil ito sa kanyang matinding kagustuhan na makita ang kanyang anak na dinakip pagkatapos siyang pinilit na manganak. Sa maikling salita, milagro siyang nabuhay. Maaraw noong araw na nakalabas siya sa kulungan. Subalit, hindi nito naitaboy ang hamog at sakit na kinimkim niya sa kanyang puso sa loob ng tatlong taon. Ang pagpapa
Sa sumunod na araw, bumili si Madeline ng prutas at mga paboritong merienda ng kanyang lolo bago pumunta sa ospital. Kaagad siyang dumiretso sa kwarto ng kanyang lolo pero natuklasan niya na wala na roon ang kanyang lolo. Nagpunta si Madeline sa reception para magtanong tungkol dito. Nang makita ng nars na kamag-anak pala siya ni Len Samuels, tinignan siya ng kakaiba ng nars. Hindi rin maganda ang kanyang tono. "So, ikaw ang apo ni Mr. Samuels? Ganito ba dapat ang behavior mo bilang kanyang apo? Tatlong taon na siyang patay. Bakit nandito ka pa? Pumunta ka sa funeral parlor. Nandon ang mga abo niya." Klank! Nalaglag sa lapag ang mga prutas sa kamay ni Madeline. Nanlaki ang kanyang mga blankong mata at nanatiling nakatulala. Nagsimulang kumalat ang sakit na kanyang nararamdaman sa buo niyang katawan. Akala niya ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay manhid na ito para makaramdam pa ng kahit na anong sakit. Subalit, nahihirapan siyang huminga dahil sa tindi ng sakit na kan
Nadurog ang puso ni Madeline. Mas malala pa ito sa sakit ng isang milyong pana sa kanyang puso. Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Malupit siyang pinilit na manganak at kinuha ang kanyang anak mula sa kanya. Hanggang ngayon, di pa rin niya alam kung lalaki o babae ang anak niya. Mas kamukha niya kaya ang bata o mas kamukha ito ni Jeremy? Tinginan ni Madeline ang Twitter account ni Meredith at nakita niya itong nagyayabang. Pinagyayabang niya ang kanyang mga mamahaling kotse, branded na bag, at ang kanyang reputasyon pati na ang kanyang pamosong tunay na magulang. Pinagmamayabang niya rin ang kanyang anak kay Jeremy. Nasa masamang babaeng kagaya niya ang lahat-lahat ngayon. Sa kabilang banda, siya, si Madeline, ay walang-wala. Nakakatawa. Mayroong ilang pagkakataon na gustong hanapin ni Madeline si Jeremy. Subalit, napagtanto niya na wala pala siyang katapangan na gawin ito. Walang pigil siyang pinahirapan sa kulungan at maisip niya pa lang ito ay napapa
Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa kanyang mga luha. Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalupit si Jeremy. Napakakaaya-aya ng batang iyon. Magagawa niya ba talaga iyon sa bata? Hinila ng buong lakas ni Meredith ang maikling buhok ni Madeline. Tinignan niya ang simple pero magandang mukha ni Madeline at nakaramdam siya ng galit sa kanyang dibdib. "Madeline, kilala mo ba kung sino na ako ngayon? I'm Miss Montgomery, at magiging Mrs. Whitman na ako soon. Who are you para kalabanin ako?" Sinipa niya si Madeline na hinang-hina na para makalaban pa. Malagim siyang ngumisi at nagsabing, "Di ba gusto mong ibalik ko ang anak mo?" Nanginig si Madeline. Naaninag niya ng kanyang malabong paningin si Meredith na may hawak na maliit na boteng kasinglaki ng kamao. Mayroong puting pulbos sa loob nito. "Andito ang anak mo." Ano?Pakiramdam ni Madeline ay natuyo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at pati na ang kanyang kalamnan ay malinis na tinanggal. Buto na lang
Ang bawat salita na kanyang binanggit ay parang asin sa kanyang sariwa at madugong mga sugat. Namanhid ang buo niyang katawan dahil sa tagos-butong sakit na kanyang naramdaman. "Hehe…" Nakakaawang tumawa si Madeline. Sa huli pala ay napakasama niya na nagawa niyang burahin ang presensya ng kanyang anak. Kaya niya palang duruging pino ang buto ng kanyang anak para sa demonyong babaeng iyon! Akala ni Madeline ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng kahit na anong sakit. Subalit, hindi niya inaasahan na hahapding muli ang mga sugat na iyon pagkatapos niyang makitang muli ang lalaking iyon. "Jeremy, I didn't expect na dadating si Madeline para gumawa ng gulo sa sandaling makalabas siya ng kulungan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ang anak natin. Isang beses na niyang pinatay ang anak natin. Ayoko nang mangyari pa 'yon ulit." Sumandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy habang umiiyak. Napakainosente niyang nagsasalita, per