Share

Kabanata 4

Author: Sixteenth Child
Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.

Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…

“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”

Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.

Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.

Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata ni Jeremy.

Malambing ito at madaling makausap sa mata ng lahat.

Bukod pa roon, mataas talaga ang pagtingin niya rito dati.

“Tanga ka rin. Bakit nagkamali ka ng pasok ng kwarto?” Nagreklamo pa si Rose, ang nanay ni Meredith.

“Gusto kong maging mas masaya kaya ininom ko na rin ang droga. Hindi ko naman akalaing epektibo pala talaga?” Naiinis na sagot ni Meredith. “Anong sunod nating gagawin? Ayokong manatili siya sa posisyon niya bilang Mrs. Whitman kahit isang segundo lang! Akin si Jeremy!”

“Simple lang naman. Kita mo naman ang pag-aalala ni Jeremy ngayon. Sabihin mo lang ang isang salita, hihiwalayan niya ang hayop na iyon!” Kampanteng sagot ni Jon.

Nagsimulang tumawa si Rose. “Tama ang papa mo. Napilit lang naman si Jeremy ng matandang iyon. Ikaw talaga ang mahal niya. Kahit anong sabihin mo, sa iyo ang posisyon ng Mrs. Whitman!”

Napasinghal si Meredith. “Sino ba ang walang kwentang iyon? Ang kapal naman ng mukha niyang labanan ako para kay Jeremy. Kung hindi lang nag-match ang bone marrow namin, hindi naman siya makakatapak sa bahay natin. Alam mo ba kung paano ako nandidiri sa tuwing tinatawag ko siyang kapatid?”

Nang marinig ang mga salita ni Meredith, naramdaman ni Madeline na nandilim ang kanyang paningin. Tila ba may gumagapang na lamig sa paanan niya.

Hindi siya inampon ng Crawford para sa ikabubuti niya kundi dahil kailangan ni Meredith ang bone marrow niya.

Sa nakalipas na limang taon, tinatawag siya ni Meredith na kapatid bilang isang pagpapanggap lamang.

Sa tuwing wala siya, walang halaga si Madeline sa kanila.

Heh.

Isang malaking biro.

Nasusuka si Madeline bigla. Tila ba hindi niya mawari ang pangit na katotohanan.

“Nakakainis nga eh! Sinadya ko pa naman itong pekeng pagpapakamatay para iwan ni Jeremy ang babaeng ‘yun. Subalit, bago ko pa siya makausap, kailangan na niyang umalis para isang emergency meeting,” nagreklamo si Meredith.

Gawa-gawa lang rin pala ang pagpapakamatay na ito; isang eksena lang ni Meredith para iwan siya ni Jeremy.

Naisip ni Madeline na kalokohan ang lahat ng ito. Paanong ang isang matalinong lalaki gay ani Jeremy ay nagkagusto kay Meredith?

“Mer, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko si Jeremy mamaya at sasabihin kong nanggulo na naman siya rito, dahil doon, gusto mo na namang magpakamatay at kinain ka ng emosyon mo. Sigurado akong papayag siya na mag-divorce kapag nangyari iyon.”

Rinig ang plano ni Rose mula sa loob at mukhang masaya rin dito si Meredith.

“Ang galing mo talaga, Ma. Gawin natin iyan!”

Ang huling tulo ng pagmamahal ni Madeline para sa kanila ay nawala sa isang kurap ng mata.

Tumawa siya nang mahina at naglakad papunta sa pinto sabay sabi nang walang alangan, “Naniniwala rin ako na hangga’t buhay pa ako, ang posisyon ng Mrs. Whitman ay hindi mapupunta sa iyo, Meredith!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status