Share

Kabanata 3

Author: Sixteenth Child
Natumba si Madeline sa lapag matapos sipain. Pinrotektahan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Bago pa man siya makapagpaliwanag, sinampal ulit siya ni Jon sa ulo.

“Ikaw p*ta ka! Bakit naman papatayin ni Meredith ang sarili niya para sa isang kagaya mo! Ikaw ang dapat na mamatay.”

Habang nagngingitngit ang ngipin, binitawan ni Jon ang mga salitang ito. Talagang sagad sa buto ang galit niya kay Madeline.

“Papa, ayos lang po. Hindi talaga ako itinadhana kay Jeremy. Hindi ko po sinisisi si Maddie.” Rinig ang mahinang iyak ni Meredith mula sa kabilang dulo ng kwarto.

Dumudugo ang gilid ng labi ni Madeline, at pumapantig ang ulo niya mula sa sakit. Tiniis niya lang ito at inangat ang ulo. Bilang resulta, nakita niyang nakasandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy. Ganoon din, naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata niya.

Hagkan ni Jeremy ang umiiyak na si Meredith. Puno ito ng lambing tila ba pinoprotektahan niya ito.

Nakakatuwa ang eksenang ito, subalit masakit ito sa puso ni Madeline.

Kung hindi iyon nangyari, si Meredith dapat ang magiging asawa ni Jeremy at hindi ang isang kagaya niyang ampon at nakikitira sa bahay ng iba.

Kahit hindi naman niya pinlano ang lahat, sa pagkakataong ito, nakaramdam siya ng matinding inis sa sarili.

“Mer, talagang tinutulungan mo pa ang walang kwenta na iyan? Kung hindi niya ginawa ang patibong na ito, Mrs. Whitman ka na dapat ngayon! Hindi ka malulungkot sa puntong papatayin mo na ang sarili mo dahil di mo makapiling si Jeremy. Masyado kang mabait sa pagtulong mo sa kanya!’ Nagagalit na si Jon para sa anak niya.

“Pa, tama na.” Bumuntong-hininga si Meredith at tinignan si Madeline na puno ng sakit ang mga mata. “Maddie, kung gusto mo talaga si Jeremy, sinabihan mo na lang sana ako. Hindi na ako makikipag-away sa iyo. Bakit mo ba iyon ginawa? Nadismaya ako.”

“Mer, hindi ko…”

“Sino ka para sabihing hindi ikaw ‘yun!” Galit na talaga si Jon. “Ang tigas pa rin ng ulo mo ha, wala kang kwentang hayop ka? Sige, ako na ang papatay sa iyo!”

Binuhat ni Jon ang upuan sa kwarto pagkatapos iyon sabihin. Sa kabilang banda, nanginginig sa takot si Madeline at agad niyang tinakpan ang tiyan niya.

“Bakit andito ka pa? Gusto mo bang mamatay?” Malamig na sabi ni Jeremy.

Natigil si Jon sa ere habang hawak ang upuan.

Nanginig si Madeline at agad na tumayo mula sa lapag.

Para sa kanyang anak na hindi pa lumalabas sa mundo, agad siyang tumakbo.

Ibinaba niya ang kanyang ulo mula sa mga nanonood at sa mga taong kinukutya siya. Tinakpan na lang rin niya ang namamagang mukha at tumakbo habang nag-iika-ika nang lakad.

Nang makaabot na siya labasan, napansin niyang wala ang cellphone niya. Kaya kinailangan niyang bumalik.

Nang maabot na niya ang elevator, biglang nagbukas ito at nakita niyang palabas doon si Jeremy.

Nakatayo lamang ito nang tuwid at walang takot. Ang kanyang gwapong mukha ang dahilan para mangibabaw siya.

Subalit, nagtaka si Madeline kung agad itong aalis. Hindi ba dapat magtagal muna siya kasama si Meredith?

Hindi na siya nag-isip pa. Ibinaba na lang niya ang ulo at naglakad papunta sa elevator.

Para siyang isang nahihiyang magnanakaw. Nagtungo siya sa pinto ni Meredith at kinuha niya ang kanyang cellphone sa gilid ng dingding.

Gusto nang umalis ni Madeline nang kunin niya ang kanyang cellphone. Subalit, sa pagkakataong yumuko siya, narinig niya ang masiglang tawa ni Meredith sa loob ng kwarto.

“Hmph, ang saya ko talaga nang makita kong nabugbog ang ignoranteng iyon. Hindi niya na nga ma-i-angat ang ulo niya eh.”

Ignorante?

Hindi makapaniwala si Madeline. Siya ba ang tinutukoy nito?

“Hmph, kung hindi ako nagkamali ng pinuntahang kwarto no’n, ako sana ang kasama ni Jeremy sa gabing iyon! Paano ko naman hahayaang ang ignoranteng iyon ang magkaroon ng benepisyo rito? Galit nag alit ako sa tuwing iniisip ko na nadumihan na niya ang pagkatao ni Jeremy.”

Pagkatapos iyan sabihin ni Meredith, namutla ang mukha ni Madeline. Nanigas siya at tila ba nahirapang huminga.

Nagsimula nang lumitaw ang katotohahan subalit wala siyang lakas para paniwalaan ito.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nan
Nakakalongkot subrang inaapi si Madiline
goodnovel comment avatar
Chineta geromiano Roscales
Parang bobo tong babying buntis but Hindi ka umalis maganda b Ito Kong Hindi ayaw ko ng tapuson ka inis min sa played by Faye ako at sa tycoons triplets Subrang Ganda wlang Subrang matter
goodnovel comment avatar
Joven Arabes
full episodes plsss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status