Biglang tumahimik sa loob ng kotse. Mapait na tumawa si Madeline sa pagod. "Jeremy, kahit na hindi ka maniwala sa akin, paano naman si Lolo? Isa siyang wais na tao at maraming karanasan sa buhay. Kung ganon ako kasamang tao, edi bakit siya pumayag na pakasalan kita? Bakit niya ako aalagaan at malamig ang pakikitungo niya kay Meredith?" Inakala niya na pag-iisipan ito ni Jeremy, ngunit sa sandaling tumigil siya sa pagsasalita, tumawa ito. "Alam na alam mo kung bakit mo ako napakasalan at bakit malamig ang pakikitungo ni Lolo kay Meredith." Halatang sinasabi nito na palihim nagsisimula ng hidwaan si Madeline sa pagitan ni Old Master Whitman at Meredith. Subalit di niya naisip na kung gaano kalaling problema ang isang babaeng tulad ni Meredith na ginustong maging isang kabit. "Madeline, tama na ang pag-arte. Dadalhin kita kay Lolo ngayon na. Ipapakita ko sa kanya ang tunay mong pagkatao." Malungkot na ngumiti si Madeline. Ayaw na niyang magpaliwanag pa. Ang pagkatao niya a
Tumigil si Meredith sa nakakaawa niyang pag-arte at naiilang na tumingin kay Old Master Whitman. Malumanay ang mukha ng old master at ang asal niya ay marangal. "Isa kang babaeng nangialam sa kasal ng iba at nagluwal ka pa ng isang anak sa labas nang buong tapang. Di ka lamang walanghiya sa ginawa mo, sa halip ay ipinagmamalaki mo pa. Walang granddaughter-in-law ang mga Whitman na walang respeto at pagmamahal sa sarili." "..." kumirot ang sulok ng labi ni Meredith nang mababasag na ang peke at mahinhin niyang maskara. Tila ba hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kaya ng old master. Kaya pala ayaw sa kanya ng old master. Nakita ni Madeline si Meredith na tinitikom ang kanyang mga kamao. Nahihirapn itong panatilihin ang kanyang pagpapanggap, subalit, hindi pa rin niya maibaba ang kanyang mahinhin na maskara. "Ama, wag mong sabihin yan. Si Madeline ang naunang nangialam sa kanilang dalawa. Siya ang kabit! Kung di siya namagitan sa dalawa para pagplanuhan si Jeremy, kasa
Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline. Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya. Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos, mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang. "Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng old master. Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito. "Miss Montgomery." Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon. Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman." "Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in
Dahil sa lakas ng pwersa, sumubsob ang katawan ni Madeline. Sumakit nang matining ang kanyang tiyan. Namaluktot si Madeline para mabawasan ang sakit, pero bago niya ito magawa ay hinila na siya ni Jeremy. Ang kanyang makisig na mukha ay hindi naaapektuhan ng kanyang galit at lalo pa itong tumindi sa kanyang harapan. Tinitigan nang masama ni Jeremy si Madeline. "So inaamin mo na drinoga mo ako para makaakyat sa kama ko noon?" Tinitigan ni Madeline ang mukha na kanyang minahal sa loob ng napakaraming taon at ngumisi. Kung sa tingin mo ginawa ko 'yon, eh di sige, Mr. Whitman." Hindi na niya gustong magbigay ng mga hindi kailangang paliwanag. Subalit, huminto si Jeremy at tinignan ang nakangising mukha sa kanyang harapan. Isang ngisi na kahalintulad nito ang lumitaw sa kanyang isipan at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Madeline. Pagkatapos ng ilang saglit ay napuno ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Napaka-cheap mo." Sinambit niya ang mga nakakainsultong salitang iyon mula
Nakakita si Madeline ng isang pares ng mamahaling itim na sapatos na gawa sa balat at isang pares ng mahahaba at balingkinitang mga binti. Itinaas niya ang kanyang ulo, at sa kanyang nanghihinang kalagayan, nakaaninag siya ang isang pamilyar na mukha bago siya mawalan ng malay. Nang magising si Madeline, natuklasan niya na nasa ospital siya. Nakabantay sa kanyang tabi si Ava. Nakita ni Ava na gising na siya pero hindi pa rin gumagaan ang kanyang loob. "Maddie, hindi mo ba alam ang kondisyon ng katawan mo? Bakit ka lumabas sa ulan at napunta sa ganitong sitwasyon?" Nakita ni Madeline na mangiyak-ngiyak na si Ava. Namumula ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang mga labi. "Gising na ako, hindi ba?" Ngumiti si Madeline. Subalit, naramdaman niya na baka lumala na ang kanyang katawan. Ayaw na niya itong isipin pa. Naalala niya kung paano niya ginastos ang natitira niyang buhay para sabihan ng masama si Jeremy kanina. Siguro dahil matatapos na rin ang kanyang buhay kaya nak
Nang naisip ni Madeline na hindi siya makakailag, isang matangkad at matikas na anyo ang lumitaw sa kanyang harapan. Tumapon ang kape ni Meredith sa bagong plantsang damit ng lalaki. Napakabilis ng pangyayari na sina Madeline at Meredith ay parehong nagulat. "Miss, pwede kitang kasuhan ng assault dahil lang sa ginawa mong pagtapon ng mainit na kape sa ibang tao," sabi ng lalaki. Malalim at suwabe ang kanyang boses, parang red wine sa kanilang tainga. Hindi kagaya ng sa iba ang kanyang tindig. Tinignan muna ni Meredith ang mukha ng lalaki bago mayabang na nagsalita pagkatapos niyang matauhan, "Tsk! Tinatakot mo ba ako? Eh ano naman ngayon kung sasaktan ko siya? Sasaktan ko talaga yang p*ta na 'to. Bakit ka biglang humarang?" "Si Miss Crawford ay empleyado ko. Bilang kanyang superior, mayroon akong responsibilidad na protektahan ang aking staff." Nang marinig ito ni Madeline ay sobra ang gulat niya. Nang may sasabihin sana siya, nagtagpo ang kanyang mata at ang mga malalim
Ano? Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig. Parang ilusyon nga ang pagtawag sa kanya ni Jeremy bilang asawa, pero ang mas nagpagulat sa kanya ay kung ano ang tinawag nito sa kanyang boss. Uncle? Hindi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya ng dalawang beses. Alam niya lang ay tinatawag siyang Mr. Whitman ng mga nagtatrabaho roon. Subalit, hindi ito masyadong pinag-isipan ni Madeline noong mga oras na iyon. Napakaraming tao ang magkakaapelyido sa buong mundo. Kaya hindi niya inaasahan na tito pala siya ni Jeremy. Mabagal na lumabas si Felipe Whitman mula sa kanyang kotse at nagtatakang tumingin kay Madeline. "Kung ganoon, ikaw ang asawa ni Jeremy?" Binuka no Madeline ang kanyang bibig pagkatapos niyang matulala. "Sa ngayon." Nanlumo ang mukha ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ni Madeline. "Sa ngayon?" Naging interesado si Felipe sa kanyang sagot. Tinignan niya si Jeremy nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganoon, hindi kita pipig
Madilim na sa labas at tinulungan ni Madeline ang lasing na si Ava papasok sa taksi. Paglingon niya, nagulat siya nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakatanday siya sa kanyang kotse. Ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa habang ang isa naman ay may hawak na sigarilyo. Nakasindi ang dulo ng sigarilyo bago ito unti-unting maglaho sa gabi. Mukha siyang malungkot. Lumukso ang puso ni Madeline. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya. Gusto niyang lumayo kay Jeremy pero nakita na siya ng lalaki. Malamig ang titig niya kay Madeline. "Sakay." Lagi niya siyang inuutusan, hindi niya hinahayaan si Madeline na makapili. Kalmadong nilihis ni Madeline ang kanyang tingin. "Pasensya na, Mr. Whitman. Bukas na tayo mag-usap. Gabi na masyado." Kumunot ang noo ni Jeremy. Sa inis niya at tumayo siya sa harapan ni Madeline. "Ang sabi ko, sakay." "Sino 'yan? Bakit ang ingay?" Mayroong nakaharang sa kanyang daanan kaya tumingala si Ava habang lasing na lasing. T