Share

Kabanata 17 Handang Isakripisyo ang Sarili para sa Kanya

Ngayon lang natandaan ni Arianne Wynn na ngayon pala ang campus function event at darating din ngayon si Mark Tremont…

Hindi pa siya umuwi simula noong araw na iyon. Anong mararamdaman niya kapag nakita niya ngayon si Mark Tremont?

Sa isang saglit, binalot ng emosyon ang puso ni Arianne.

"May… sinabi ka ba sa kanya?"

Hindi napansin ni Tiffany Lane ang tuliro niyang kaibigan.

"Wala naman. Pero nagreklamo ako sa kanya tungkol sa kuya mo. Epal kasi yung kuya mo, eh!"

Walang masabi si Arianne.

Kaya pala ang galit ni Mark Tremont sa kanya ay parang sumabog na bulkan – este, parang iceberg na sumira sa titanic…

Sumama siguro ang loob ni Mark Tremont habang sinusumpa siya ng harap-harapan ni Tiffany.

Sa isang saglit, umalingawngaw ang mga sigaw at tili mula sa baba. Sumabog ang adrenaline ni Tiffany, kaya hinila niya si Arianne at tumakbo sila papunta sa baba ng school. "Nandito na si Mark Tremont! Puntahan natin siya!"

Kinabahan si Arianne dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Mark Tremont.

"Tiff, bitawan mo ko… mauna ka na, hindi ko siya pupuntahan…"

"Ari, malaki ang tinulong siya sayo. Kailangan mo siyang pasalamatan!" Nadismaya si Tiffany kay Arianne, habang hinila niya ito pababa.

Si Arianne Wynn, na gustong umiwas sa lalaking iyon, ay napahinto nang makita niya kung ang taong nasa harapan niya.

Naglalakad sa direksyon na iyon si Mark Tremont at sa likod niya mga guro at estudyante na sumusunod sa kanya.

Saktong-sakto sa kanya ang kanyang tailored suit. Contrast sa kanyang balat ang inky black shade, mas lalo siyang pumuti dahil dito, at bumagay pa ang ngiti sa kanyang bibig.

Kahit saang lugar pa siya pumunta, namumukod tangi siya.

Tinulak ni Tiffany sa harap si Arianne na tuliro. "Mr. Tremont, salamat sa ginawa mo. Hindi magaling magsalita si Arianne. Ako na mismo ang nagpapasalamat sayo, para sa kanya."

Ayaw tingnan ni Arianne Wynn ang mukha ni Mark Tremont. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang damit para pakalmahin ang sarili niya.

Lumapit ang nag-bow sa harapan niya si Mark Tremont. "Mas maayos na ang itsura mo. Mukhang gumagaling ka na."

Nakita ni Tiffany na hindi sumasagot si Arianne, kaya sinagi niya ang kanyang balikat sa kanyang kaibigan. "Uy, kinakausap ka ng nakakatanda sayo…"

"Salamat…" hindi na nakaiwas pa si Arianne kay Mark Tremont. Nakita niya ang mahinhin na mga mata ng lalaki sa kanyang harapan.

Hindi namalayan ni Arianne na bumilis ang tibok ng puso niya.

"Walang problema, see you." Maingat niyang tinapik ang balikat ni Arianne, isang normal na gesture mula kay Mark Tremont. Pero nabulabog si Arianne sa sinabi niyang "see you."

Nakikita niya na ang mangyayari pagkauwi niya.

Sa isang saglit, isang lalaking naka-cap ang mabilis na tumakbo papunta sa likuran ni Mark Tremont. Sa anggulo ni Arianne, napansin niya ang kutsilyo na hawak ng lalaking iyon.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla niyang tinulak palayo si Mark Tremont. Dahil dito, siya ang nasaksak ng lalaking iyon.

Sumigaw ng malakas si Arianne at tumalsik ang kanyang dugo sa mukha ni Mark Tremont. Nagulat siya ng saglit, pagkatapos ay sinapak niya ang lalaki at hinila niya papunta sa kanya si Arianne.

“Ari!”

Mabilis na pinigilan ng campus security ang kriminal habang si Mark Tremont ay nagmadaling tumakbo sa labas ng gate habang buhat niya si Arianne.

Naisip ni Arianne na punasan ang dugo sa mukha ni Mark Tremont.

Clean freak si Mark Tremont, kaya baka nadudugyutan siya sa dugo na nasa mukha niya – nakasimangot pa kamo siya...

Nagblack-out si Arianne bago pa makaabot ang kamay niya sa mukha ni Mark Tremont.

Mukhang handang pumatay ng tao si Mark Tremont habang naghihintay siya sa corridor sa labas ng emergency ward.

Nakakatakot ang itsura niya kaya walang kahit sino ang nagtangkang lumapit sa lalaking ito.

Nanginginig naman sa kanyang tabi ang dean. Hindi naisip ng dean na magkakaroon ng aksidente sa bawat pagkakataon na bumisita si Mark Tremont sa campus nila.

"Mr. Tremont… malaking aksidente lang ito. Sinabihan ko na sila na imbestigahan ang kriminal na 'yon. Sisiguraduhin ko na ibibigay sa kanya ang angkop na parusa!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status