LOGINAll these years ay napaniwala si Aubrey sa isang malaking kasinungalingan. Mahal pa rin pala niya si Anthony, ang lalaking tinalikuran niya sa araw ng kanilang kasal. Ngunit paano niya maibabalik ang tiwala at pagmamahal nito kung may iba ng nagmamay ari ng puso nito? Ang kanyang Ate Lindsay, ang kanyang kapatid na sumagip sa buhay niya nuong siya ay fifteen years old pa lamang. Makakaya ba niyang traydurin ang taong pinagkakautangan niya ng kanyang buhay? At paano kung ang lahat ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ay ang siya rin palang sumisira sa buhay niya?
View MoreMALAMIG ang mga mata ni Anthony habang nakatingin sa kanya, bakas ang itinatagong galit sa mukha nito at ang tahimik na panunumbat ngunit tumatagos iyon sa kaibuturan ng kanyang dibdib. Paano niya ito nagawang iwanan sa araw ng kanilang kasal? Bagamat hindi na niya maalala kung paano nangyari ang lahat, at kung ano ang naging pakikitungo ni Anthony sa kanya nuon, para pa rin siyang walang mukhang maiharap dito. Nagi-guilty siya na tinakasan niya ito sa araw ng kanilang kasal.
Naalala pa niya ang kwento sa kanya ng kanyang Ate Lindsay. “I’m sorry, Aubrey kung hindi ko napigilan ang damdamin kong umibig kay Anthony. Nuong hindi ka sumipot sa araw ng kasal ninyo, dinamayan ko siya dahil nakita ko kung paano siya nasaktan nang bigla ka na lang nawala ng walang paalam. At. . .at hindi namin napigilan ang aming mga damdamin na umibig sa isa’t-isa.”
Tahimik lang siya habang nakikinig sa kanyang kapatid. Nauunawaan niya ito. Limang taon siyang nawala, ni ha ni ho ay hindi man lamang siya nagparamdam. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya at kung bakit niya iniwanan ang lalaking ito sa araw ng kanilang kasal.
Ayon pa sa kwento ng kanyang Ate Lindsay at ina-inahang si Devorah, nuon pa man ay nararamdaman na nilang may lihim siyang pagtingin kay Doctor Hector Bonifacio bagamat naguguluhan ang utak niya dahil bilyonaryo si Anthony, kinakailangan niya ng malaking salapi para sa operasyon ng kanyang Ate Lindsay. Naaksidente kasi ang kanyang kapatid nuong fifteen years old pa lamang ito, dahil iniligtas siya nito sa isang aksidente. Utang na loob niya rito ang kanyang pangalawang buhay kaya ganuon na lamang siya kapurisigido na mapaoperahan ito upang muling makalakad. She was only seven years old that time. Nagalit kasi siya sa kanyang ama nang iakyat nito sa bahay ang bago nilang madrasta na si Devorah. Tumakbo siyang palabas ng kanilang mansion. Hinabol siya ng kanyang Papa at ng kanyang Ate Lindsay. Isang rumaragasang sasakyan ang sumalubong sa kanya, ngunit kaagad siyang naitulak palayo ng kanyang Ate Lindsay kung kaya’t ito ang nasapol ng sasakyan.
Simula nuon ay sobra-sobra na ang guilt na nararamdaman niya sa nangyari. Naisip niyang napaka-selfish niya. Pati ang kanyang ama ay siya palagi ang sinisisi sa nangyari. Nakamatayan na nga nito ang galit na iyon ng ama.
Ang dami pang mga masasamang nangyari after that. Nalubog sila sa utang at kung anu-ano pa. Kaya nang makilala niya si Anthony, she grabbed the opportunity para mabayaran ang pagkakautang nila sa bangko, at matulungan ang kapatid na makalakad muli. Ngunit sa araw nga ng kanilang kasal ay tumakas siya at sumama kay Hector.
Pero bakit ngayong kaharap na niyang muli si Anthony, pagkatapos ng limang taong pagtatago, bakit parang iba ang nararamdaman ng puso niya?
Marami siyang hindi maalala, ngunit parang hindi nakakalimot ang kanyang puso? Huminga siya ng maalim at binalewala ang kung anumang nagpapagulo sa kanyang isipan. Humila ng silya si Hector para duon siya umupo.
“Now that our famiy is complete, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo,” nakangiting anunsyo ni Devorah, itinaas nito ang hawak na kopita, “Cheers.” Sabi pa nito. Simula nang maaksidente ang Ate Lindsay niya dahil sa kanya, unti-unti na niyang tinanggap sa buhay nila si Devorah. In fairness ay naging mabait naman ito sa kanilang magkapatid at itinuring silang parang isang tunay na mga anak since hindi naman na ito nagkaanak pa. Sabagay, after a year ay namatay na rin naman ang Papa niya at hindi na muling nag-asawa pa si Devorah. Buong buhay nito ay inilaan na lamang sa pag-aalaga sa kanilang magkapatid. Hindi siya gaanong naging close kay Devorah ngunit nakita niya kung paano nito inaalagaan ang Ate Lindsay niya kaya okay na iyon sa kanya.
Itinaas rin niya ang kopita at nakiayon na lamang sa mga ito ngunit nangatal ang kanyang kamay na may hawak niyon nang muling magtama ang kanilang mga paningin ni Anthony, ramdam niya ang tila nanunuot na mga titig nito na waring gumapang sa kanyang mga kalamnan.
Hindi niya maipaliwanag ang damdaming lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon, pero may naalala siya at that moment na tila nakapagpainit sa kanyang pakiramdam.
Yeah, naalala niya ang maiinit nitong mga halik. Tila naramdaman iyon ni Hector kung kaya’t pinisil nito ang isang kamay niya na nakapatong sa mesa. Napasulyap siya sa kanyang suot na diamond ring. Sinadya ba iyon ni Hector upang ipaalala sa kanya na engage na siya rito?
Tila nakakapagpataranta sa kanya ang mga samu’t saring isipin. Kung iniwanan niya si Anthony para sumama kay Hector, bakit ganito ang damdamin niya ngayon? Bakit tila may isang pamillyar na pakiramdam ang nabubuhay sa pinakatagong bahagi ng puso niya?
“SANA BAGO PA ITAKDA ANG WEDDING NATIN, ipinagtapat mo na sa akin ang totoo para hindi mo ako inilagay sa isang malaking kahihiyan.” Narinig niyang nanunumbat na sabi ni Anthony mula sa kanyang likuran. Nasa terrace siya at nagpapahangin, malayo rin ang takbo ng utak niya kung kaya’t hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Humiwalay kasi siya sa mga ito at nagtungo sa labas para lumanghap ng sariwang hangin.
Nilingon niya ito. Mula sa liwanag na nagmumula sa lamp post, animo ay isa itong Greek god na bumaba mula sa kalangitan. Hindi rin maitatatwa ang napakaganda nitong tindig at pangangatawan na natatandaan niyang isa sa mga bagay na dahilan kung bakit maraming kababaihan ang nababaliw dito. Tanda niya, maging ang executive secretary nito ay halos maballiw dito. Bukod kasi sa napakayaman nito, napakakisig at gwapo pa. And yet nagawa pa rin niya itong talikuran?
Kaya nga hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.
“I’m sorry. . .” Iyon lamang ang tanging nasabi niya rito.
Dumilim ang mga mata nito, “I deserve an explanation, Aubrey. Hindi ganitong bigla ka na lang muling susulpot na parang wala lang saiyo ang lahat,” Singhal nito sa kanya. Nangangatal ang kanyang mga labi, pilit siyang humahanap ng tamang isasagot dito ngunit blangko ang utak niya sa ngayon. Huminga ito ng malalim, “Sabagay, what do I expect from a selfish woman like you?” Galit na sabi nito.
Ramdam niya ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Nang mga sandaling iyon, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang maramdamang muli ang makulong sa mga bisig nito at matikman ang maiinit nitong mga halik.
“Anthony. . .” Bago pa niya maipagpatuloy ang kanyang sasabihin ay nakita niyang pumasok ang Ate Lindsay niya.
“Hey, nandito lang pala kayong dalawa!” Sabi nitong nakangiti, punong-punong ng sigla ang mukha, “Don’t tell me ngayon pa kayo mag-aaway? Aubrey is getting married to Hector now. At mag-asawa na tayo ngayon, Anthony,” paalala pa nito. Hindi naman niya iyon kinabakasan ng selos bagkus ay parang gusto lamang silang biruin.
“Hah, good luck to Hector!” sabi ni Anthony na kaagad naglakad na palayo.
Huminga ng malalim ang Ate Lindsay niya, “I’m sorry, Aubrey,” sabi nitong niyakap siya nang mahigpit, “Siguro ay gusto lamang niyang bigyan ng closure ang nangyari nuon. Don’t worry, ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Saka mapapatawad ka rin nun. Nagulat lang siguro dahil bigla ka na lang lumitaw after five years ng pagtatago mo. . .ninyo ni Hector.”
“Ate. . .” natahimik siya nang mapansin ang kasiyahan sa mga mata ng kapatid kung kaya’t pinilli na lamang niyang huwag isatinig ang mga naiisip.
“At saka once malaman ni Anthony ang good news, mabubura ring lahat ng galit nya saiyo.”
Kumunot ang nuo niya.
“Sa atin lang muna ito ha, maski si Mommy hindi pa alam ang tungkol dito,” sabi nitong hinaplos ang tummy, “I’m three months pregnant!”
MATAPOS MAKAUSAP ANG KANYANG sekretarya sa telepono ay panatag na ang kalooban ni Andres nang mahiga sa kama. Isang buwan na sila dito sa Singapore. Matagal-tagal na rin silang naghihintay ng makaka-match na organ donor ng ama ni Jessica habang dumadaan ito sa gamutan dito sa bansa. Malaki-laki na rin ang kapital na pinapakawalan niya. Ngunit balewala lang naman sa kanya ang magpakawala ng pera basta makasigurado lang na maligaya si Jessica sa lahat ng ginagawa niya. Isa pa, malaki naman ang balik niyon sa kanya.Dahil kasama niya si Jessica.At umaasa siyang sa lahat ng pagmamahal at pag-aalalagang ibinibigay niya dito at sa pamilya nito ay tuluyan na nitong makakalimutan ang dati nitong kasintahan. Oo, aminado siyang napaka-seloso niya. Gusto niya, lahat ng sa kanya ay sa kanya lang at wala siyang ibang kahati. No more. No less. Siguro naman, sa lahat ng ipinapakita niya sa asawa, magiging faithful ito sa kanya.Dahil hindi niya alam kung ano ang magagawa niya sa oras na pag
NASA MAYNILA NA SI JUSTIN and yet hindi maalis sa isipan niya ang pag-aalala sa ama lalo pa at nabalitaan niyang pansamantala itong magbabakasyon kasama ng asawa nito. Kung kailan ito babalik ay hindi niya alam. Deserve naman ng ama niya ang pahinga. Ang hindi lang niya gusto ay alam niyang sasamantalahin iyon ng asawa nito.Tinawagan niya si Raymart. Ngunit gaya ng dati, hindi na naman niya ito makontak. Isa pa ang lalaking ito. Hindi na ito bumabata and yet napaka-iresponsable pa rin. Tuloy, pakiramdam niya na ang lahat ng responsibilidad ay nasa kanyang mga balikat.Damn.Sa lahat ng naging babae ng Papa niya, dito sa pinakahuli siya masyadong nag-aalala. Malakas ang kutob niyang ito ang magbibigay ng matinding sakit ng kalooban sa kanyang ama. Kung bakit may ganuon siyang pakiramdam ay hindi niya alam.NGAYON ANG ARAW na patungo sila sa Singapore ni Andres upang kausapin ang espesyalistang titingin sa kanyang ama. Nag-usap na sila ni Andres at pumayag itong dumito muna s
NAPASUGOD SA OSPITAL SI JESSICA nang mabalitaang nawalan ng malay ang kanyang tatay. Ang sabi ng Kuya Dino niya, bumaba raw ng husto ang blood sugar nito kaya halos maparalisa ang utak. Mabuti na lamang at naagapan kaagad na madala ng Kuya Dino niya sa ospital.Napapaiyak na naupo siya sa gilid ng kama. Kung anu-anong apparatus ang nakasaksak sa katawan ng kanyang ama. Pero sabi naman sa kanya ng Kuya niya ay wala na raw silang dapat na ipag-alala pa. Ganuon pa man ay hindi pa rin mapapanatag ang kanyang kalooban hanggang hindi niya ito nakakausap."Kuya, nagsabi na ako kay Andres. Ililipat natin siya sa private hospital. At kapag lumakas-lakas si Tatay, biyabyahe natin siya sa Singapore para duon magpatingin. Sasamahan raw ako ni Andres para matiyak na maasikaso ng maayos si Tatay." aniya sa kapatid.Humugot ito ng malalim na hininga. "Hiyang-hiya na ako kay Don Andres.""Alam naman niyang kasama ito sa napagkasunduan namin." aniya dito.Hindi na umimik pa ang Kuya Dino niya.
GOD, ANO BANG GAGAWIN KO? Daing ng utak niya. Litong-lito ang kanyang damdamin kung susundin ba niya ang puso niya. Ngunit sa huli ay nagpasya siyang huwag na lamang kitain pa si Edward. Alam naman kasi niyang kapag pinagbigyan niya ang kahilingan nito ay masusundan na naman iyon hanggang hindi na niya alam kung paano pa makakaiwas dito. Ngayon pa nga lamang ay hirap na hirap na siya, paano pa kaya kung makikipagkita siya dito?Pinakalma niya ang kanyang sarili. Hindi niya dapat na pinapairal ang kanyang emosyon. "I'm sorry Edward. Ayokong pag-isipan ako ng masama ni Andres. Asawa ko na siya ngayon kaya hindi magandang nakikipagkita pa ako saiyo. Please, Edward, intindihin mo naman ako. . .""For God's sake, Jessica. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong magsakripisyo para sa pamilya mo!" Yamot na sabi nito sa kanya, "Paano tayo? Paano ang kaligayahan nating dalawa, ganun-ganun na lang ba iyon?""Wala ng tayo, Edward. Ilang beses ko ba itong dapat ulit-ulitin saiyo? Ple
“SINO ka?” Nagpupuyos sa galit si Anthony sa galit nang tingnan siya nito. Napalunok si Mirabella, hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Kaninang tinawagan siya ng ina at sabihin nito sa kanya na sinugod ni Anthony si Aubrey sa kwarto nito ay kaagad siyang nagpanic. Pakiramdam niya ay dumatin
WARING NAHIMASMASAN SI ANTHONY nang makita si 'Lindsay' habang nagwawala ito. Bumangon siya at lumapit sa babae. "I'm sorry." masuyo niya itong hinalikan, "I'm sorry."Bahagya itong kumalma, nagsusumamo habang nakatingin sa kanya, "Ipaglaban mo naman ang pamilya nating ito oh. May anak na tayong
ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang pinakawalan ni Devorah nang makita ang babaeng dinala ng kanyang mga tauhan sa bodega. "Inutil talaga kayong lahat!" Sigaw niya, muli niyang sinampal ang matabang lalaki na nasa harapan niya, "Hindi siya ang ipinahahanap ko sa inyo." Nangangatal ang kanyang buong katawa
HINDI NIYA ALAM KUNG MASOKISTA NGA BA SIYANG TALAGA. Nangako siya sa kanyang sarili na ayaw na niyang makita pa si Aubrey matapos ng patong-patong na mga kasinungalingang ginagawa nito sa kanya. And yet nang bumalik siya sa Cebu ay pinuntahan niya ang kanyang Ninong Andres sa kompanya nito, nguni
















![SECRETLY MARRIED to My Father's COLLEAGUE [A.G.S #2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews