Share

Kabanata 21 Ang Party ni Will Sivan

Kinabukasan, umalis ng maaga si Mark Tremont.

Sobrang gulo ng damitan ni Arianne Wynn dahil wala siyang mahanap na susuoting damit para sa party. Ito ang unang pagkakataon na naisipan niyang mag-shopping. Niyaya niya si Tiffany Lane na samahan siyang bumili ng damit, kaya magkasama silang pumunta ng mall.

Noong oras na para magbayad, napanganga si Tiffany nang makita niya ang halaga ng ginastos ni Arianne mula sa online bank ng kanyang phone. “Ari, sobra naman yata ‘yan. Akala ko mahirap ka, pero mukhang nagkukunwari ka lang na mahirap, huh! Mayaman ka pala!”

Nagdalawang isip si Arianne na sabihin kay Tiffany na galing kay Mark Tremont ang pera niya, kaya simple lang ang sagot niya, “Loka, Tara na.”

Ginanap ng gabi ang party sa family beach villa ni Will Sivan.

Marami nang tao noong nakarating si Arianne Wynn at Tiffany Lane sa party. Hindi kilala ni Arianne ang halos lahat ng mga bisita na nandoon. Napukaw ang atensyon niya kay Will SIvan na talagang bukod tangi kumpara sa lahat mga taong nandoon.

“Ang tagal natin ‘di nagkita.” nakangiting lumapit si Will Sivan sa kanya. Nakatingin ng maigi ang magandang mga mata ng lalaki kaya biglang nahiya si Arianne.

“Oo nga, eh…”

Inasar sila ng mga taong nandoon, “Will, siya ba ang rason kung bakit ka nagpa-party?”

“Oo, siya nga. Bakit?” prangkang sinabi ni Will Sivan. Nakikipag lokohan lang siya, pero hindi malayo sa katotohanan ang mga salitang ito. Yumuka at namula ang mukha ni Arianne para hindi mahalata na kinikilig siya. Naramdaman niyang tumibok ng mabilis ang puso niya...

Hawak ni Tiffany Lane si Ethan Connor habang naglalakad mula sa pulong ng mga tao.

“Ari, boyfriend ko nga pala. Si Ethan Connor!”

Tiningnan ni Arianne si Ethan Connor na tumango sa kanya.

Gwapo at matangkad na tao si Ethan Connor. Nahirapan si Arianne ang itsura nito, dahil mukha siyang nakakairita at makikita ang socialite character nito. Ngumiti si Arianne sa kanya nang biglang may humila sa dalaga papunta sa main hall.

May bumukas ng heater sa hall at nilakasan rin nila ang music.

Pagkarating nila sa hall, natuwa si Tiffany sa lakas ng music at may dumaan sa kanilang waiter na may dalang bote ng fruity alcohol.

“Hindi masyadong mataas ang alcohol percentage at fruit-flavored din ‘to. ‘Wag mong sabihin sa akin na magtu-tubig ka lang? K.J. (kill joy) mo naman.”

Uminom ng kaunti si Arianne. Binalot ang bibig niya ng kaunting lasa ng alak at nangibabaw ang orange flavor. Nagustuhan niya ito kaya uminom pa ulit siya.

Unti-unting uminit ang katawan ni Arianne, kaya tinanggal at tinapon niya sa couch ang kanyang jacket. Nakaupo sa couch na iyon si Ethan Connor at Tiffany Lane na lasing at malapit sa isa’t-isa.

May binulong si Will Sivan sa tenga ni Arianne, pero hindi niya ito narinig. Natapilok si Arianne at nahulog siya sa yakap ni Will Sivan, hindi niya na alam kung anong sumunod na nangyari...

Kinabukasan, nagising ai Arianne sa sakit ng kanyang ulo. Tumalikod siya at binuksan niya ang kanyang mga mata, nabigla siya nang makita niya ang mukha ni Will Sivan sa kanyang harapan! Nagulat at nataranta si Arianne dahil dito.

Tumayo at nabalisa si Arianne noong nakita niyang iba na ang damit na suot niya. Makikita sa kanyang katawan na damit ng lalaki ang suot niya!

Hindi niya matandaan ang nangyari kagabi, pero halata naman kung anong nangyari base sa itsura niya.

Walang ideya si Arianne kung anong gagawin niya. Ito ang unang pagkakataon na natulog siya sa ibang bahay. Patay siya kay Mark Tremont kapag nalaman niya ito!

Nakita niya ang kanyang damit at sinuot niya ito, bago pa magising ang lahat. Hindi niya mahanap ang jacket niya kaya wala siyang nagawa kundi suotin ang jacket ni Will Sivan, dahil malakas ang buhos ng snow sa labas.

Nagmadaling bumaba ng hagdan si Arianne, may mga lasing na nakahiga sa couch. Masasabi na sobrang wild ng nangyari kagabi. Lalong kinabahan si Arianne habang tinitingnan ang mga eksenang ito, kaya umalis agad siya.

Sa oras rin na iyon, bumabyahe si Mark Tremont papunta sa airport. Nakakunot siya dahil masakit ang kanyang ulo sa sobrang pagod.

Nakita ni Chauffeur Brian Pearce mula sa rearview mirror na masama ang pakiramdam ni Mark Tremont, kaya nagbakasakali siya, “Sir, ayaw mong i-postpone muna ang byahe mo? Iniba ang departure time kahapon at nagtrabaho ka hanggang gabi kahapon, tapos ba-byahe ka kaagad ngayon. Hindi ‘yan kakayanin ng katawan mo…”

“Hindi na.” Tiningnan ni Mark Tremont ang phone niya. Naisip niyang tumawag sa Tremont Estate nang biglang may lumabas na balita sa notification bar.

Nakita niya ang headline kaya binuksan niya ang article. Bumungad sa mga mata niya ang malinaw na litrato ni Will Sivan at Arianne Wynn na magkasama sa higaan!

Muntikan nang masira ang phone niya, dahil sa higpit ng pagkakasara ng kamay niya. Galit na galit siya sa kanyang nakita, “Pearce, umuwi tayo!”
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Joyce Cabardo Gaviola
bat hindi ko ma unlock may points nmn ako
goodnovel comment avatar
Let's Malinao Bornias
unlock pls
goodnovel comment avatar
Juvilyn Joy Rivera
san pani ma update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status