Share

Kabanata 20 Ayaw Ko

Penulis: Lemon Flavored Cat
Nanginig ang kamay ni Arianne na nakahawak sa kutsara. Tiningnan niya ang bowl at nakita niya na kalahati na lang ang soup. Nagdalawang isip muna siya bago niya sinabi, "Mary, bigyan mo pa ako ng soup..."

Alam ni Mary kung anong ginagawa ni Arianne kaya malumanay siyang sumagot, "Ah, bakit ka ba takot kay sir? Hindi ka naman niya kakainin."

Pagkatapos niyang kumain, naglakad si Arianne paakyat ng hagdan matapos linisin ni Mary ang lamesa.

Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng master's bedroom, kumatok pa rin siya bago pumasok.

Binabasa ni Mark Tremont ang mga dokumento sa harap ng French Window habang may sigarilyo sa gitna ng kanyang mga daliri.

Makikita ang kalahating wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi niya.

Agad niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya dahil umubo si Arianne. "Pasok ka."

Lumapit siya kay Arianne. "May kailangan ka ba?"

Binaba ni Mark Tremont ang mga dokumento sa kanyang mga kamay. Sa isang saglit, hinila at niyakap niya si Arianne Wynn. "May business trip ako sa ibang bansa bukas. Sumama ka sa akin."

Naapektuhan ng pangyayaring ito ang isip ni Arianne. Hindi siya makapag isip ng maayos na't nakaupo pa siya sa mga binti ni Mark Tremont.

Kumuha ng lakas si Arianne mula sa sinabi ni Mark Tremont na gusto niyang ilabas siya ng bansa. Hindi niya napigilan ang sarili niya, "Business trip yun… mas… mas maganda kung hindi mo ako kasama, 'di ba?"

Sa loob ng sampung taon, makikita lang si Arianne sa school o sa bahay. Madalang siyang makipag-interact sa ibang tao o sa publiko.

May kaunting social anxiety siya. Nababalisa siya kapag pumupunta siya sa mga hindi pamilyar na lugar at kapag nakikipag usap siya sa mga taong hindi niya kilala. Hindi niya makita na magiging maganda ang sitwasyon kapag sumama siya kay Mark Tremont.

"Ayaw mong sumama?" Binulong ni Mark Tremont sa tenga ni Arianne. Lalong naging intimate ang sitwasyon kaya namroblema si Arianne.

Ayaw ni Arianne na sumama ang loob ni Mark Tremont, pero ayaw niya talagang sumama.

Biglang sumagot si Arianne, "Ayaw ko, eh. Hihintayin na lang kitang makauwi."

Kuntento na si Mark Tremont sa sinabi niya. Hinawakan niya ang baba ni Arianne at hinalikan niya ito sa labi.

Unti-unting naakit si Mark Tremont sa matamis na lasa ng labi ni Arianne. Gusto pa sana niyang magpatuloy pero biglang lumayo si Arianne.

"Ayaw mo? O… ayaw mo ako?" Lumalim ang boses ni Mark Tremont, kaya kinilabutan si Arianne sa kanya.

Napakagat si Arianne dahil naisip niya ang itsura ni Mark Tremont kalag nagalit. "Hindi…"

Biglang nag-ring ang phone ni Mark Tremont na nasa higaan. Parang nakalaya si Arianne, kaya tumayo siya para kunin at iabot sa lalaki ang phone.

Napakunot si Mark Tremont habang tinitingnan niya ang incoming call, pero mabilis niya binaba ang tawag.

Naintindihan ni Arianne ang nangyayari. Nakangiti siyang tumalikod para umalis at naramdaman niyang gumaan ang kanyang loob dahil dito.

Siguro may ibang tao nang gusto si Mark Tremont, baka ang taong iyon ay gusto nang magpakasal at magpamilya. Siguro kung totoo iyon, pakakawalan niya na si Arianne? Umaasa ang dalaga na mangyari iyon.

Pagkabalik ni Arianne sa kwarto, binuksan niya ang kanyang phone. Makulay ang kanyang homescreen dahil malapit na ang pasko sa kanila, pero wala itong epekto sa puso ni Arianne.

Nakuha ang atensyon ni Arianne ng text message ni Tiffany na lumabas sa notification bar.

Huminto ang hininga sa lalamunan ni Arianne nang mabasa niya ang text. Bumalik na si Will Sivan...

Kakaiba ang naramdaman ni Arianne, kahit na alam niyang pupunta lang dito si Will Sivan para bisitahin ang pamilya at mga kaibigan niya at babalik rin agad siya sa ibang bansa.

Walang bahid ng dumi ang lalaking ito. Ang mga bituin sa langit ay nasa mga mata niya at espesyal sa puso ni Arianne si Will Sivan.

Dalawang magkaibang lalaki si Will Sivan at Mark Tremont.

Tinawagan ni Arianne si Tiffany. "Tiff, kailan… kailan aalis ng bansa si Will?"

Maririnig ang mapangasar na boses ni Tiffany, "Musta? Bakit? Gusto mo na agad siyang umalis? Hindi ko alam, pero may gathering bukas, eh. Siya nga pala yung host, pwede kang pumunta? Oo nga pala, may gusto akong ipakilala sayo, yung boyfriend ko. Sabihin mo sa akin kung makakapunta ka."

"Pupunta ako," kusang lumabas sa bibig ni Arianne.

Inisip ni Arianne si Mark Tremont bago niya sabihin iyon. Naisip niya na aalis na kinabukasan si Mark Tremont. Pwede siyang tumakas kapag wala na ang lalaking ito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status