“Pagkatapos kong pirmahan ang mga papel na ito, saan ni’yo sila dadalhin?”
Matatalim na titig ang kanina pa ipinupukol ni Vahlia kay Alvaro magmula nang bumungad ito sa kanilang sala mayor pagkababa pa lamang niya. Limang magkakaparehong kopya ng isang kontrata umano ang nakalatag sa lamesa. Tulad nitong nakaraang mga araw, hindi na naabutan pa ni Vahlia ang kaniyang Ama. Magmula nang mawala si Estrella, nang tuluyang bumagsak ang pamilya Villamarquez na tila naglaho ang pangalang iyon sa buong bayan, nag-iba na rin ang pakikitungo ni don Gonzalo.
“Siyang kalakip ng ikatlong pahina. Malinaw na isinasaad ng mga nakatala riyan ang ating kasunduan, pumapayag kang burahin ang pangalan ng lalaking iyon kapalit ng kanilang buhay at kalayaan sa malayong
“Señorita, ipinapasabi po ni doña Vivian na bumaba na raw ho kayo sa ibaba upang mananghalian,” muling katok ng isa sa mga tagapagsilbing kanina pa nagpapabalik-balik sa kaniyang silid. Tulad ng kanina ay hindi siya sumagot at nanatiling nakadukmo sa lamesang nasa tabi ng bukas na bintana. Nakapikit ang mga mata ngunit gising na gising ang diwa, namumugto at namumula na rin ang paligid ng mga ito. Ilang araw nang ganito si Vahlia, lalabas na lamang tuwing batid niyang walang sasabulong at kakausap sa kaniya upang kumain at maligo, pagkatapos ay babalik muli sa kuwarto at magkukulong buong araw. Napapakapit siya nang mahigpit sa du
“Marahil ay isa ito sa epekto, hangga’t hindi niya magawang tanggapin ang mga pangyayaring ito. Ako’y nangangambang mas mahihirapan siyang gumaling at makabalik sa dati.” Malalim na napabuntong hininga ang mag-asawa nang marinig ang sinabing iyon ng Doktor. Sa pagkakataong ito ay agad nang umalis si doktor Flaviano nang masuri si Vahlia. Mula kahapon ay hindi pa rin nagigising ang kanilang anak, mataas din ang lagnat nito at hindi pa rin bumabalik sa dati ang pangangatawan. “Hindi ko magawang pigilan ang aking sariling manisi, Gonzalo. Sa susunod na lingo ang pinagkasunduang kasal ni Victoria at ng Alvaro na iyon. Nais kong tanungin kung ipagpapatuloy mo pa bang ipagkait sa ating anak ang natitirang kalayaang mayroon siya,” nanun
Vahlia’s POV Maingay, magulo at abalang-abala ang buong pamilihan. Mahinahon kong isinara ang bintana ng kalesang sinasakyan ko nang muling magbulungan ang mga taong nagkukumpulan, at hindi ko man tanungin ay batid kong ako ang pinapaksa nila. Magmula nang araw na lumaganap sa buong bayan ang pagkakasakdal at pagbibigay ng parusang kamatayan sa mga Villamarquez ay tila naging nakakadiring sakit ang pangalang Victoria Esperanza. Paksa ng bawat salitaan, na ang babaeng ito ay walang ibang pinili kundi ang kayamanan at kapangyarihan. Na ang babaeng ito ay hinayaang mamatay ang pamilya ng kaniyang unang asawa para lamang makuha ang mas malaking kaban ng ginto’t karangyaan sa piling
Sa pagbabago ng tagpuan ay kakaibang lamig ang bumalot sa buong katawan ko. Si Victoria na nakatayo sa muwelyo at ang kaharap nitong si Alvaro dala-dala ang ilang mga bagahe. At sa kaunting oras ay aalis na ang bangkang nasa pampang. “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Mala
Alas-nuwebe na nang nagsimulang tumakbo ang kalesang sinasakyan ko. Napapalibutan ito ng iba’t ibang bulaklak at mga sedang puti, ganoon din ang kabayong nasa harapan ay kulay puti. Maaliwalas ang araw at hindi ko maiwasang ngumiti, hindi dahil sa ikakasal akong muli… Kundi ay dahil sa magagawa ko nang tapusin ang lahat sa araw na ito. Siguradong mapupuno ang simbahan, at masasaksihan ng lahat kung anong kayang gawin ng isang Alvaro dela Cerna sa harap ng isang katulad ko. Kaunting oras na lamang. Inilabas ko ang matalim na balarao (punyal) mula sa lihim na bulsa ng aking saya at pinagmasdang maigi, kumikinang ito at pulidong-p
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng