“Señora! Señor Mateo!” gulat na sigaw ni Ate Delia nang makita ang dalawa sa bungad ng tarangkahan ng mansiyon. Tumila na ang ulan, parehong basang-basa ang mga kasuotan at mga buhok.
Nangunot ang noo ng Mayordoma nang makita ang dalawa sa ganitong hitsura, nakayukong tila may itinatago ang Babae samantalang si Mateo ay taas noo at ngiting-ngiti. Napapikit na lamang sa labis na hiya si Vahlia habang nakayuko at nakakulong sa mga bisig ni Mateo. Maya-maya pa’y muntik na siyang mapatalon nang bigla siyang buhatin ni Mateo pababa ng kabayong kan'yang sinasakyan.
“Maaari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling at kayo’y basang-basa?” nag-aalalang tanong ni Ate Delia sa kanila habang naglalakad papasok si Mateo buhat-buhat si Vahlia sa kan'yang m
“Disculpe Gobernadorcillo Gonzales, pero lo que pido es la prueba de culpa enfatizada en Don Gonzalo. (Mawalang galang na Gobernadorcillo Gonzales, ngunit ang aking hinihingi ay ang mga patunay na pagkakasalang idinidiin kay Don Gonzalo.)” Walang mababakas na emocion at tanging ang tindig nitong kakilakilabot habang kaharap ang balbas saradong gobernadorcillo ng bayan ang mapupuna. Nasa tanggapan sila ngayon na siyang pinuntahan ni Mateo nang malamang dinala rito si don Gonzalo. Apat na guwardiya ang nakapalibot sa kanilang dalawa ngayon, at sa ano mang maling galaw niya ay siguradong dadamputin siya ng mga ito. Ngunit tila hindi niya ito alintana dahil pagkapasok niya pa lamang ay dire-diretso siyang lumapit sa tinitingalang namu
Nilingon ni Mateo ang bukas na bintana, sa labas ay isang matayog na puno. Dalawang ibon ang tila naglalampungan sa kaniyang harapan na siyang ikinairita niya’t tumalikod na lamang. ‘Kung sana’y hindi ko na tinakasan ang proyektong iyon at tiyak na kasama ko na ngayon si Victoria. Natanggap na kaya niya ang sulat na aking ipinadala?’ aniya sa kaniyang isipan. Maya-maya pa’y hinablot niya ang isang papel at ang pluma. Sinimulan na niyang magsulat ng panibagong liham na kaniyang ipadadala. Ito na marahil ang ikalimang sulat na niya kay Victoria magmula nang makarating siya rito sa Maynila. At ito na siguro ang magiging huli sa oras na lumisan siya papuntang Madrid. Ang kaniyang paglisan at ang dahilan nito a
Sa sinabing iyon ng Kaibigan ay nangunot nag noo niya, “Oh? Papaano naman naging problema iyon? Hindi ba’t isa iyong magandang balita? Matagal mo na rin siyang niligawan noon.”“Isa nga iyong magandang balita, ngunit kasalukuyang nagdadalang-tao si Milagros,” aniya na ikinaluwa naman ng mata ni Mateo. Ibinalik nito ang tingin sa kaibigan, matamlay ang mga mata nito at ngayon lamang niya napansin ang pamumutla nito. “P-Paanong… Bakit? Hindi ko inaasahang magagawa mo ang bagay na iyon.”“Dulot ng aking kapabayaan, hinayaan kong lamunin ako ng aking emoción. Nangamba akong tuluyang ilalayo nila don Flaviano si Milagros mula sa akin, kung kaya’t kinailangan kong maghanap at gumawa ng paraa
“Anak ng t-tupa,” daing ni Vahlia habang iminumulat ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa kan'yang mukha. “Ay pasensiya na, Señora. Utos po ni manang Delia na hawiin ko na ang kurtina pagkat pasado alas nuwebe na ng umaga,” boses ni Karolina ang sumagot sa kaniya. “Ano ‘ka mo? Alas nuwebe na ng umaga?” paglilinaw ni Vahlia sa pagkagulantang. Hindi inaasahang aabutin siya ng mahabang oras sa pagtulog. Maya-maya pa’y tumama sa kan'yang memorya ang oras kung kailan na nga ba sila nakatulog kagabi, pasado alas onse na kaya! “O-Opo, Señora. Utos din po ni señor Mateo na gisingin namin kayo kapag sumobra na po ang inyong pagkakahimbing, pinapasabi rin niyang huwag na muna kayong sumunod sa
Sa sinabing iyon ng Ginang ay napangiwi si Mateo samantalang napakunot-noo naman si Vahlia dulot ng hindi niya maintindihan ang pag-eespanyol nito. “Ina, sa tingin ko'y hindi pa po ito ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” tutol ni Mateo sa sinabi ng Ina. “Nagbibiro lamang ako, mi Hijo. Kumalat ang usaping patungkol kay Victoria at Alvaro, hindi lamang sa buong Isla Oriente kundi sa mga kalapit na lalawigan. Tanyag ang mga pangalang inyong dala-dala kaya’t sa aking pakiwari ay kinukuha nila ang pagkakataong ito upang pabagsakin ang inyong pamilya,” paliwanag ng Doña na ngayo’y kalmadong sumisimsim sa kan'yang baso. “Mateo, nec
“At sakaling magkaroon nga tayo ng anak, nais kong bigyan siya ng pangalang naiiba.”“Tulad ng?” kunot-noong tanong ni Vahlia habang pinupunasang maigi ang paligid ng mga mata niya.“Atticus,” taas-noong sagot naman ni Mateo.“Atticus? Bakit naman Atticus?” muling pagtatanong niya nang makaabot na sila sa escalera ng mansiyon. “Bakit? Hindi ba kanais-nais?”“Maganda naman, pero bakit nga?”“Naisip ko lang. Hindi ko alam kung maaari bang dagdagan pa ang kan'yang pangalan ngunit nais kong taglayin ng kan'yang mga mata ang kislap ng buwan tulad ng ating unang pag
“Wala pa ba siya?”“Ay eh, wala pa po, Señora.” Isang pilit na ngiti ang namuo na naman sa kan'yang labi, tulad ng mga nagdaang araw ay ganito na lamang ang palagi niyang naitatanong kay Flora o kung hindi naman ay kay Karolina. Halos isang linggo na rin na palaging maagang umaalis si Mateo mula sa mansiyon at kung umuwi naman ay pasado alas-otso na. “Kumain na rin po kayo, Señora. Masama pong magpalipas ng gutom, baka po magkasakit kayo,” anas ni Karolina na bakas ang pag-aalala sa kaniya.“Mauna na muna kayo, hihintayin ko lang saglit si Mateo.”
“ Tres (Tatlo,)” sagot ni doña Vivian sa tanong ng Anak. “Sa halos limampung pagawaan at tindahan ay tanging tatlo pa lamang ang nagagawa nating ibalik,” dagdag naman ni Estrella. Marahang inilapag ni Vahlia ang baso ng tubig sa kaharap nilang lamesita. Pagkarating niya pa lamang kanina ay siyang pag-alis naman ng kalesang sinasakyan ni don Gonzalo. Napabuntong-hininga na lamang siya, talagang pagdating sa negosyo ng kanilang pamilyang hindi pa rin tuluyang naibabalik sa normal ay halos hatiin na ng Don ang sarili sa iba’t ibang bagay na inaasikaso. &nb