Wala pang alas siyete ng umaga, nagising na lang sa ingay ng pukpok ng martilyo si Father Merlindo "Mer" Fabian. Nakahiga siya sa kanyang malaki at malambot na kama, ninanamnam ang bawat sandali, ang bawat tahimik na minutong natitira bago siya bumangon. Sa kisame, nakasabit ang nakakalula sa laki na chandelier. Masyadong magara ang inilaang kuwarto para sa kanya. Hindi siya sanay sa ganito kahit na pangkaraniwan na lang niya itong nakikita noon sa mga sinaunang simbahan at monasteryo sa Italya. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang mas simple.
Umupo siya sa gilid ng kama at nag-alay ng maikling dasal ng pasasalamat kahit na ang totoo, pakiramdam niya ay wala siyang dapat ipagpasalamat. Bago kasi siya bumiyahe ng Pilipinas, na-diagnose siyang may anxiety disorder bunga ng depression. Kaya't madalas, kahit na mataas ang araw at masayang nagsisi-awitan ang mga ibon sa labas, hindi pa rin magawa ng mga ito na mapa-ngiti siya.Pagtayo, nag-uunahan na binati siya ng kanyang dalawang ampon na aso. Ang isa ay si Kape, dahil sa makapal na balahibo nito na kulay brown. Iniligtas niya ito mula sa lethal injection sa isang dog pound sa Rome. Mahigit isang taon na rin ito sa kanya. At ang isa naman ay si Ulan na nakita niyang nanginginig at basang-basa sa gitna ng kalsada sa kasagsagan ng isang dumaang habagat sa Maynila."Good morning sa mga alaga kong matatakaw. Nag-pray na ba kayo bago kayo mangulit?" Bati sa kanila ng pari. Dinilaan lang ng mga ito ang kanyang kamay at braso.Binati agad siya ni Nana Conrada paglabas ng kuwarto. Iniwan na muna niya sa loob sina Kape at Ulan. "Good morning, Father. Nakahanda na po 'yung almusal sa kusina.'Yung kape, kayo na po muna ang bahala. Hindi Hindi ko pa po kabisado ang timpla ninyo. 'Yung dyaryo rin po nakapatong na sa lamesa, kung gusto niyo pong magbasa-basa habang kumakain."Napabilib si Father Mer sa matanda. "Ah, okay lang naman po, Nana Conrada. Can I call you "Nana" na lang po? Masyado po kasing mahaba kapag buo eh.""Wala pong problema, Father." Nangingising tugon sa kanya ng kasambahay. "Dito po tayo sa kusina."Sinundan niya si Nana at papunta ay nasalubong nila si Manong Jerry, ang hardinero na minsan rin ay karpintero ng simbahan. Ang taong gumising sa kanya kanina. Pansamantala muna itong tumigil sa pagma-martilyo para batiin ang bagong gising na pari. "Good morning, Father. May ilan pang plywood na nakatambak d'yan sa likod kaya ginamit ko na para masarhan na 'tong hagdanan papuntang second floor. Buwisit na nga po 'yung dalawang pari sa hagdanan na 'to dati pa. Lahat ba naman kami ilang beses nang nadisgrasya dito. Kaya lumipat na lang sila d'yan sa kuwarto niyo po ngayon at ginawa na lang pong bodega 'yung mga kuwarto nila sa taas. Dati pong tatlong kuwarto 'yung inyo pero ginawang isa na lang. Gusto rin naman nila 'yun para magkatabi sila sa gabi. Mga bakla pala ang mga h*******k."Nagpanting ang tenga ni Father Mer. Isa siyang pari at masugid niyang sinusunod ang kanyang paniniwala. Pero para sa kanya, hindi ito puwedeng gawing lisensya para hamakin ang kapwa. Sa ngayon, palalampasin muna niya ang sinabi ng hardinero. Hangga't maaari ayaw niya ng may kasamaan ng loob lalo na't bago pa lang siya sa lugar. "Ummmm... Ikaw po ba si Manong Jerry, 'yung hardinero rito?" Nilingon ni Father Mer si Nana Conrada para ikumpirma kung tama ang kanyang pagkaka-alala noong mabanggit siya kagabi.Pero ang hardinero na ang sumagot. "Opo, Father. Ako nga po 'yon.""Ikaw lang po mag-isa gumagawa? Kung gusto niyo po tumawag pa tayo ng isa pang tutulong sa inyo. Baka nahihirapan na po kayo," alok ni Father Mer. Pansin niya kasi na may katandaan na talaga ang hardinero. Malamang nasa pagitan na ito ng 65 hanggang 70 taong gulang. Maliksi pa naman itong kumilos at maayos pa naman ang pandinig. Hindi nga lang sigurado si Father Mer kung malinaw pa ang mga mata nito. Baka mamaya niyan mapukpok pa nito ang sariling mga daliri o 'di naman kaya ay mabagsakan pa siya ng makapal na plywood. Tiyak na hindi kakayanin ng patpatin nitong katawan ang bigat nito."Ay hindi po, Father. Kayang-kaya na po niya 'yan. Hanggang ngayon nga po kaya pa niyang magbuhat ng tatlong sako ng bigas nang sabay-sabay. Laking bukid kasi 'yan," salo ni Nana Conrada nang mapansing tila minamaliit ni Father Mer ang kakayahan ng kanyang kaibigan kahit hindi naman. Isa pa, ayaw din talaga nila ni Manong Jerry na magpapasok ng kung sino-sino sa loob ng Casa Del Los Benditos. Mahirap na lalo't may pinaka-iingatan silang sikreto sa loob ng mga dingding nito."Ah, gano'n po ba? Sige po, kayo pong bahala. Pero kung medyo pagod na po kayo, okay lang din na magpahinga," payong kaibigan ni Father Mer. "Hindi naman po siya rush job."Paalis na sana sila ni Nana Conrada papuntang kusina nang biglang may sumutsot sa kanya.Pssst!Mabilis at parang nasa malapit lang. "Bakit po, Nana?" tanong niya sa kasama sa pag-aakalang siya ang tumawag sa kanya.Agad na tumigil si Nana sa kung ano man ang iniisip at saka siya tinangala. "Ha? Ano po 'yun?""Tawag mo ako?""Hindi po.""May sumutsot po sa akin."Luminga-linga si Nana Conrada. "Wala naman po ako narinig. Tayong tatlo lang naman po nandito. Uy Jerry, tawag mo ba si Father?""H-hindi. Bakit?" Nirolyo nito ang hawak na tape measure at saka ibinalik sa tool box.Parang napahiya si Father Mer. Baka guni-guni lang ang narinig niya, epekto ng anti-depressant drug na iniinom niya ngayon. "Ah okay. Sorry. Akala ko kasi... Anyways, medyo gutom na ako. Kain na muna ako almusal. Kayo po ba nagsikain na kayo? Tara po, sabay-sabay na tayo."Nagkahiyaan pa ang dalawa nu'ng una. Noon kasi mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na naimbitahan sila nila Father Tonyo at Father Eman na kumain sa hapag kasabay sila. Iyon ay sa tuwing may okasyon pa. Nakakapanibago.Pinaunlakan ng dalawang matanda ang paanyaya. "Eh sige po, maraming salamat kung gano'n. Sa totoo lang, nakalam na rin ang sikmura ko. Uminom lang kasi ako ng kape kanina bago umalis ng bahay." Hinimas-himas ni Manong Jerry ang tiyan na walang laman at dumiretso na ito sa kusina."Tara na po, Father. Baka lumamig na 'yung sinangag. Nilagyan ko pa naman iyon ng maraming bawang," aya ni Nana Conrada."Ah sige po, mauna na po kayo. May nakalimutan lang po ako sa kuwarto. Alam ko naman po papuntang kusina. Sunod na lang po ako sa inyo.""Sige po, Father." At sinamahan na ni Nana Conrada si Manong Jerry para kumain.Nag-imbento lang talaga si Father Mer ng dahilan para magpa-iwan. Hindi kasi siya mapalagay sa sutsot na narinig kanina. Baka doon sa apo ni Nana na si Minggay galing 'yon, 'di kaya? Tinignan niya ang likod ng hagdanan at ang palibot nito, pero wala siyang nakita na kahit na sino.Hindi puwedeng guni-guni lang 'yung narinig niya. May kung ano sa loob niya na nagsasabi na totoo iyon. Napadapo tuloy ang mga mata niya sa ikalawang palapag, sa pinakatuktok ng hagdan. Ang dilim-dilim sa bahaging iyon ng bahay, pero bakit parang hindi niya maalis ang mga mata niya sa pagkakatitig doon. May dumadaang enerhiya sa kanya na hindi niya maintindihan na nagmumula sa mga baitang. Tila isang mainit na hangin na galing sa kung saan. Magnet na dahan-dahan siyang hinihikayat na umakyat. Napalunok siya ng laway.Humakbang siya at itinapak ang kanang paa sa unang baitang. Hindi niya napansin na natungkab na pala ni Manong Jerry ang tabla kaya lumusot ang paa niya sa ilalim. Buti na lang walang pako roon o alinmang matulis na bagay para sumugat sa balat niya. Pero may naramdamang siyang kakaiba. Inalis niya ang paa at bumungad sa kanya ang isang kulay brown na bagay na hugis kuwadrado. Dinampot niya ito, isang notebook. Balot na balot ito ng makapal na alikabok. Hinipan niya at winalis-walis ng kamay ang dumi bago niya nabasa ang nakasulat sa pabalat nito:Diario del Padre Mauricio Espejo.Sa ingles: Diary of Father Mauricio Espejo.Napuno ng kuwentuhan ang pagsasalo-salo sa agahan nila Father Mer, Nana Conrada at Manong Jerry. Nagsimula ang huntahan nila mula sa mga personal nilang buhay hanggang kasaysayan ng simbahan at ang mga pari nito. Medyo hindi nga lang nagustuhan ni Father Mer ang tabas ng dila ni Manong Jerry dahil panay ang paninira nito kina Father Tonyo at Eman. Napaisip tuloy siya kung ganoon nga ba talaga ka-salbahe ang mga ito. Pero sa palagay ni Father Mer, mukhang hindi naman. Sa airport kasi, sinalubong siya ng Asosasyon Ng Mga Kababaihan ng Villapureza at Villadolid, isa sa mga grupong sinusuportahan noon ng dalawang pari, lalo na si Father Tonyo. Kasama rin nila si Mira, ang punong tagapamahala ng Sanctuary For The Abandoned Elders. Umaasa na gaya ni Father Tonyo, ipagpapatuloy din ni Mer ang pagsuporta sa kanyang organisasyon. Lahat sila, panay ang papuri sa mga pari.Paglabas pa lang niya ng sliding doors ng airport, binati nila siya sabay tanong kung alam ba niya kung saang lupalop nagta
Sa ikatlong palapag ng bahay, tuloy-tuloy lang ang inuman nila Nana Conrada at Manong Jerry kahit pasado alas onse na ng gabi. Sa gitna nila ang isang pabilog na lamesa kung saan nakapatong ang isang antigong candelabra na ninakaw pa ni Nana sa simbahan. Balak nila itong ipagbili sa isang antique collector sa Maynila. 'Pag nagkataon, puwede silang kumita ng kinse hanggang bente mil dito na paghahatian nilang dalawa."Kailan ka luluwas ng Maynila para makita na 'yan ng buyer, ha?" tanong ni Manong Jerry. Wala kay Nana ang atensyon niya habang nagsasalita. Sa halip, tinitignan niya ang mga tao at bahay sa ibaba ng terasa na para bang hari na pinagmamasdan ang kanyang nasasakupan."Hay naku. Bakit ako? Ikaw ang dapat lumuwas sa Maynila. Alam mo namang hahanapin ako nu'ng bagong dating na pari. Baka mahalata tayo nu'n 'pag nalaman niyang wala ako sa Casa." Nagbuhos pa ulit ng alak si Nana sa kanyang baso at nilagok lahat iyon nang tuloy-tuloy.Hindi na sapat kina Nana Conrada at Manong Je
Isang panibagong araw na naman. Isang panibagong pakikipaglaban. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya na tila may nakadagang truck sa kanyang mga binti't hita. Pero kailangang bumangon. Ito kasi ang araw na magdadaos si Father Mer ng misa sa Villapureza. Unang araw na makikilala niya ang kanyang mga parokyano.Tulad ng dati, umupo siya sa gilid ng kama at umusal ng isang maiksing dasal ng pasasalamat. Pinakain din niya sina Kape at Ulan at pagkatapos ay dumiretso na siya sa kubeta para maligo at magbawas. Tinagalan niya ang pagbababad sa ilalim ng shower. Dinadama niya ang bawat patak ng tubig sa kanyang balat dahil nararamdaman na naman niya ang maitim na ulap na papalapit sa kanyang dibdib. Unti-unti na namang namumuo ang pagkabalisa sa kanyang isip. Paano kung may aksidenteng mangyari? Paano kung masunog ang mantel sa altar? Paano kung matapon ang alak at ang ostiya sa sahig? Nakakahiya. Baka pagtawanan siya. Paano kung hindi siya tanggapin ng mga taga Villapureza bilang kanilang ba
"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bigla mo na lang nilayasan parishioners mo," tanong ni Ate Isabel. Nasa loob sila ng kuwarto ni Father Mer. Dumating na pala ito sa Villapureza galing Malolos apat na araw na ang nakararaan, pero hindi niya ito sinabi sa kapatid dahil balak niya sana itong surpresahin."I'm okay. Nahilo lang ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina." Pa-simpleng inaayos ni Father Mer ang mga kalat niya sa kuwarto. Ayaw kasi ng Ate Isabel niya ang burara."Are you sure? Puwede kitang samahan sa duktor para magpa-check up. Just tell me when para ma-set aside ko na iba kong schedule." Dinampot ng ate niya ang isang puting t-shirt na parang basahang nakasuksok sa isang sulok. "Ano 'to?""Ah, akin na Ate. I'm sorry." Hinablot ni Father Mer ang damit at saka inilagay sa hamper sa likod ng pinto ng banyo.Naglibot-libot pa si Isabel. Kuntento naman siya sa hitsura ng kuwarto. Malaki, marangya at bukod sa naka-kalat na t-shirt kanina, mukha namang nasa ayos. Hanggang sa may
"Good morning, Minggay. Magaling ka na ba?" bati ni Father Mer sa dalaga. Alas siyete 'y medya pa lang pero naabutan na niyang naglalampaso na ito ng sahig.Gumanti rin ito ng bati. "Good morning, Father. Medyo sumasakit pa rin po yung pilay ko, pero bumubuti na siya." Alam naman ni Father Mer na nagsisinungaling ang isang 'to sa kanya. May pilay bang kumakandirit? May benda pa rin ang paa ni Minggay pero kung oobserbahan, mukhang naigagalaw na niya ito nang maayos. Maayos na maayos na parang hindi naman talaga ito nabalian. Pero pinalampas na lang niya ito."Kanino 'yan?" Ang tinutukoy ng pari ay ang pulang bayong na nasa tabi ni Minggay. "Anong laman n'yan?""Wala pong laman. Pinakuha lang po ni Lola dahil lalagyan daw po ng mga pinamili niya mamaya. Uuwi siya sa kanila... Ummm sa amin mamaya. Pero babalik din daw po siya agad dito."Hindi napansin ni Father Mer ang pagkadulas ni Minggay. "Ah gano'n ba. Uuwi lang pala. Akala ko aalis na siya nang tuluyan. As in iiwan na niya rito.
"Gremlins, matagal pa ba kayo? Inaantok na kasi ako." Mag-a-alas nuwebe na ng gabi at sampung minuto nang palakad-lakad sina Kape at Ulan sa hardin pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakapagbawas. Nakaupo siya sa bench at nakatingala sa langit. Walang kahit isang bituin siyang makita. Natabunan siguro ng mga ulap, baka uulan ngayong gabi.Hindi maalis sa isip ni Father Mer ang narinig na mga iyak at boses kanina sa may hagdan. 'Yung iba parang nagmamakaawa, humihingi ng saklolo. Galing ba 'yon sa second floor? Imposible naman yata. Walang tao roon. Napakadilim pati. Saka parang nasa malayo galing ang mga boses na kanyang narinig. Pero bakit niya naririnig kung totoong nasa malayo nga ito? Isa pa, bakit gano'n na lang ang inasta nila Kape at Ulan? Unang beses na nakita niyang ganoon ang mga alaga niya. Maaamo ang mga ito. Ni hindi mo nga maaasahang maging bantay sila ng bahay dahil siguradong kakaibiganin lang nila ang magnanakaw. Ano kaya kung akyatin niya ang ikalawang palapag? Wa
Sa loob ng tricycle, seryoso si Father Mer. Ni hindi man lang niya magantihan ng kahit maiksing ngiti ang driver na nakikipagbiruan sa kanya sa sasakyan. Nagpupuyos kasi siya sa galit. Paano ito nagawa ng dalawang matanda sa tahanan ng Diyos pa man din? Isang 'di katanggap-tanggap na krimen.Ibinayad ni Father Mer ang natitirang singkwenta pesos sa kanyang bulsa. Hindi na niya hinintay ang sukli. Basta nagmamadali siyang bumaba ng tricycle para makapasok na siya sa compound ng simbahan at magkulong na lang sa kanyang kuwarto buong araw sa sobrang inis. Pero napahinto siya sa may gate. Bakit bukas 'to? Sinarado niya 'yung gate bago umalis kanina, iyon ang pagkaka-alala niya. May narinig siya sa kanyang kaliwa. Parang mahinang iyak ng pinalong tuta. Nilingon niya iyon at nakita si Ulan ilang metro lang ang layo sa kanya. May inaamoy-amoy ito sa damuhan. Tinawag niya ang alaga pero hindi siya nito pinansin kaya siya na lang ang lumapit."Ulan, anong ginagawa mo dito sa labas? Nasa'n si.
Halos hindi na maidilat ni Father Mer ang mga mata sa sobrang mugto ng mga ito. Bumangon siya at muling napahiga dahil sa sakit ng kanyang ulo na para bang tinadyakan ito ng tatlong kabayo. Inabot niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lamesitang katabi ng kama para basain ang nanunuyo niyang lalamunan. Pakiramdam niya ay naubos na ang lahat ng tubig sa kanyang katawan sa ilang oras na pag-iyak noong nagdaang gabi.Nakatingin siya sa kisame. Kumurap-kurap para alisin ang agiw ng antok at pagod. Kahit na bigat na bigat ang buo niyang katawan, pinilit pa rin niyang umupo sa gilid ng kanyang kama para magdasal ng pasasalamat para sa panibagong araw na ipinagkaloob sa kanya. Noong una ay puro pa siya papuri sa Diyos hanggang sa napalitan ito ng pagsusumbong sa kanya at pagmamaktol. Bakit ayaw mawala ng bigat ng kalooban niya? Ng sakit niya sa pag-iisip? Bakit ba siya tina-traydor ng mga taong itrinato at pinakitaan naman niya ng kabutihan? Bakit kailangan niyang kunin si Kape? Hind