Napuno ng kuwentuhan ang pagsasalo-salo sa agahan nila Father Mer, Nana Conrada at Manong Jerry. Nagsimula ang huntahan nila mula sa mga personal nilang buhay hanggang kasaysayan ng simbahan at ang mga pari nito. Medyo hindi nga lang nagustuhan ni Father Mer ang tabas ng dila ni Manong Jerry dahil panay ang paninira nito kina Father Tonyo at Eman. Napaisip tuloy siya kung ganoon nga ba talaga ka-salbahe ang mga ito.
Pero sa palagay ni Father Mer, mukhang hindi naman. Sa airport kasi, sinalubong siya ng Asosasyon Ng Mga Kababaihan ng Villapureza at Villadolid, isa sa mga grupong sinusuportahan noon ng dalawang pari, lalo na si Father Tonyo. Kasama rin nila si Mira, ang punong tagapamahala ng Sanctuary For The Abandoned Elders. Umaasa na gaya ni Father Tonyo, ipagpapatuloy din ni Mer ang pagsuporta sa kanyang organisasyon. Lahat sila, panay ang papuri sa mga pari.Paglabas pa lang niya ng sliding doors ng airport, binati nila siya sabay tanong kung alam ba niya kung saang lupalop nagtanan ang dalawa. Miss na miss na raw nila si Father Tonyo at Eman at okay lang daw sa kanila na bakla ang mga ito at hinding-hindi nila ito ipagsasabi sa kahit na sino. Walang maisagot si Father Mer. Umiling na lang siya at sinabing ipagdasal na lang ang kaligayahan nila kung saan man sila naroroon ngayon. Kita niya ang lungkot sa mukha ng mga kababaihan noong sinabi niya iyon. Mahal nga nila si Father Tonyo at Eman."Ehem..." kunwari'y nasamid si Father Mer, pero ang totoo ay gusto lang niyang putulin ang walang katapusang dakdak ni Manong Jerry. Uminom siya ng tubig at siya naman ang nagsalita. "Kumusta na nga po pala 'yung apo niyo? Minggay po 'yung pangalan niya, 'di ba? Ano pong sabi ng doktor?""Ayos lang naman daw po, Father. May nabali lang siyang buto sa paa, pero nalagyan na rin ng benda. Hindi naman po malala. Pinagpahinga ko na lang muna. Pero bukas balik na siya sa paglilinis dito sa buong bahay. Sa ngayon, ako na lang po muna ang bahala," anang Nana Conrada."Bumalik na lang siya sa paglilinis kapag magaling na magaling na siya at baka kung ma-pa'no pa siya. Pagtulungan na lang natin linisin 'tong bahay." Tumayo na si Father Mer. "Nana, Manong Jer, ayos lang po ba na mauna na muna ako sa inyo? Pakainin ko lang mga alaga ko sandali. Nginangatngat kasi nila 'yung mga gamit ko kapag gutom.""Ayos lang po, Father. Sige po. Balik na rin ako sa trabaho ko d'yan sa hagdanan nang sa gayon eh matapos ko na rin mamaya bago magdilim." Humigop pa muna ng kape si Manong Jerry at nauna na siyang umalis samantalang si Nana naman ay inisa-isa nang iligpit ang kanilang pinagkainan.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+"Ito na mga gremlins ko! Dahan-dahan lang ha. 'Wag kayong mag-agawan." Inilapag ni Father Mer ang food bowl na may umaapaw na dog food at agad namang itong sinunggaban ng mga aso.Naglagay din siya ng malinis na tubig sa inuman ng kanyang mga alaga at saka siya muling nahiga sa kanyang kama para tumitig sa kisame at sa chandelier na nakasabit. Dapat nga sana ay nagpapasalamat siya ngayon dahil sa napakalaki at mala-five star hotel na kuwartong inilaan sa kanya ng mga tao dito sa simbahan. Dapat sana nagpapagulong-gulong na siya ngayon sa kanyang kama. Dapat sana masaya siya, pero hindi. Ang bigat ng pakiramdam niya. Mas gusto pa niyang matulog na lang buong araw. Wala siyang gana. Hindi siya makaramdam ng motibasyong kumilos. Para sa kanya, mas maigi na magtago na lang siya sa mundo. Inaatake na naman siya ng depresyon.Hindi malinaw kay Father Mer kung saan nanggagaling ang sakit niya. Basta ang sabi lang sa kanya ng doktor sa Italy ay sari-sari ang puwedeng dahilan nito. Puwedeng dahil sa stress, chemical imbalance sa utak, panahon, namana mula sa isang kapamilya, sa mismong personality na ng tao o sa mga nagdaang trauma.Noong una, akala ni Father Mer na ang nakakadurog na lungkot na nararamdaman niya ay dahil lang sa panahon. Malamig kasi sa Europa madalas at mag-isa lang siya roon. Hindi kasi siya 'yung tipo na palakaibigan. Introvert kumbaga. Hindi rin nakatulong na wala siyang kapwa Pilipino na kasama niya sa Vatican. Hindi sila nagpapansinan masyado ng mga katulad niyang pari at seminarista dahil siguro sa kulay ng balat niya o baka na rin dahil sa magkakaiba sila ng lenguwaheng ginagamit.Pero nitong huli, mas nangibabaw kay Father Mer ang dahilang baka siya nagkaroon ng depression ay dahil sa tindi ng traumang inabot niya sa kamay ng madrasta. Noong bata pa kasi sila ng Ate Isabel niya, madalas na silang sinasaktan at ikinukulong sa aparador ng kanilang ina-inahan."Hay naku, Mer. Tigilan mo nga 'yan," awat niya sa sarili sabay tayo. Isa raw mabisang paraan para labanan ang depression ay maglibang at ituon ang isip sa ibang bagay. At dahil sa payong iyon, naalala niya bigla ang notebook na nakita niya sa may hagdanan kanina.Inilapag niya iyon sandali sa ibabaw ng kabinet at saka niya binalikan ang dalawang matanda sa kusina para sabayan sila mag-agahan.Kinuha niya ang notebook. Medyo magaspang ang cover nito. Gawa yata sa balat ng hayop. Hindi nga lang niya mawari kung anong klase. Sa pinakagitna, nakaukit ang pangalang, "Padre Mauricio Espejo". Sino kaya siya?Binuksan niya ang kuwaderno. Karamihan sa mga pahina ay nakasulat sa salitang Tagalog, minsan sa salitang Kastila. Pero ang ikinabahala ni Father Mer ay ang mga nakaguhit dito.May imahe ng nakabaligtad na krus, pentagram, mga tao na may ulo ng kambing, kabayo, usa, mga n*******d na babae na nakagapos at sinusunog ng buhay. Ang iba naman ay may nakatusok na palaso sa iba't ibang parte ng katawan. Mga lalaking tila humihingi ng saklolo habang nalulunod sa dagat ng apoy at masayang pinagmamasdan lang ng mga batang demonyo sa pampang. May mga sanggol na pinaghahati ang katawan na parang karneng baboy sa palengke.Binasa ni Father Mer ang ilan sa mga nakasulat subalit hindi niya maintindihan ang kahulugan ng mga ito."Sa araw at gabi, ako ay nananalangin na pawiin nawa ng maykapal ang aming takot.""Ang Villapureza ang simula.""Paano ba lulutasin itong napakalaking daluyong ng kawalang pag-asa?""Ang katapusan ay isang tubig na umaagos mula sa isang lagusan.""Isang madilim na ulap ang nakadapo ngayon sa aming bayan.""Ako ay dadalaw sa bayan para iwaksi ang aking mga pangamba at pag-aalala."Isinara niya ang notebook at tinignan ang likurang bahagi nito. Wala namang nakasulat na kahit ano."Satanista ba may-ari nito?" tanong ni Father Mer sa sarili.Maya-maya ay may narinig siyang boses galing sa labas. Si Minggay. Sinilip niya ito mula sa kanyang bintana. Nakita niya ang dalaga na masaya at palukso-luksong pumasok sa loob ng Casa kahit na may benda ito sa paa.2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."
Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W
Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am
Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang
Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan
"Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los