Lumipas na naman ang tatlong araw na gaya lang din ng mga nagdaan. Si Mr. Aragon, tila wala pa rin sa sarili samantalang si Father Tonyo naman napapansin niyang dumadalas ang pakikipag-usap sa kanya. May mga pagkakataon pa ngang pakiramdam ni Minggay, gumagawa na ito ng kung ano-anong dahilan para makita at makasama siya. Naiilang na si Minggay sa inaasal ni Father Tonyo kaya minsan nag-iisip na lang din siya ng kung ano-anong dahilan para makaiwas sa pari. Ang kapwa niya ampon na si Lila, lagi namang matamlay at inaantok. Sabi nito sa kanya na dahil daw iyon sa patuloy na pagbisita sa kanya ng lalaking naka-sutana at pulang sapatos. Ayaw na lang daw niyang magsabi sa dalawang pari dahil alam niyang hindi rin naman siya seseryosohin ng mga ito. Gusto sanang sabihin ni Minggay na ang santo sa second floor ang may kagagawan ng mga pagbisita, pero hindi niya iyon kayang mapatunayan. Base lang iyon sa kutob niya. Kutob na walang konkretong ebidensya lalo na't imposible itong mangyari da
Nag-iyakan ang mga kapatid ni Minggay, lalo na ang tatlong paslit na sina Beng, Lito at Caloy. Hinahabol nila ang tricycle na naghatid sa Mama Linda nila sa ospital. Muntikan pa ngang makaladlakad si Beng nang sumabit ang suot nitong sando sa nakausling bakal ng sasakyan. Buti na lang nakita iyon ng kapitbahay na si Ate Wena at agad iyong tinanggal.Kinausap sila ni Ate Wena at maya-maya ay pumara na ito ng isa pang tricycle na susunod sa nanay nila sa pagamutan. Inalalayan muna nila si Edgar na may kapansanan na sumakay at sa tabi niya, nag-kandungan na lang ang tatlong maliliit. Si Erika naman ay umupo sa likod ng driver. "Ate Wena, pakitingnan na lang po muna ang bahay. Puntahan lang namin si Mama sa duktor," naluluhang pakiusap ni Edgar. Ang mga binti niya ay kasing nipis na lang ng palito ng posporo. Parehong winasak ng polio at malnutrisyon."Oo, sige. Ako na ang bahala. Ila-lock ko na lang 'yang pinto. Ingat kayo roon," walang pag-aatubiling sabi ni Ate Wena.At humarurot na a
Nakabalik si Minggay sa Casa Del Los Benditos bandang alas sais 'y medya na ng gabi. Gusto pa niya sanang puntahan ang mga kapatid sa plaza kung saan namamalimos ang mga ito ngayon para kumustahin, pero nalaman niyang binabantayan pala sila ng Kuya Iking nila. Nakita niyang nagyo-yosi ito sa may basketball court, malapit sa kung saan nakapuwesto sina Edgar at ang iba pa.Hindi pa rin mawala sa isip ni Minggay ang nakita niyang pananakit sa ga-tingting nilang bunso na si Caloy. Sobrang laki ng katawan ng kanilang tiyo para pumatol sa walang kalaban-labang bata. Sa sobrang galit nga ni Minggay, hindi niya napigilang magsisisigaw sa kalsada habang naglalakad siya kanina pauwi. Minumura niya si Iking mula ulo hanggang paa, bahala na kung sinong makarinig o makakilala sa kanya. Ang payong na dala-dala, pinaghahampas niya sa railing ng tulay na nagdudugtong sa Villapureza at Villadolid hanggang sa ito ay magkagutay-gutay. Sa isip-isip ni Minggay, mukha ng Kuya Iking niya ang railing at ang
"Minggay, are you listening?" Kinatok ni Mr. Aragon ang kanyang desk. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni."Yes po. Sorry po, sir." Inayos niya ang pag-upo at sinubukang ayusin ang nagusot na uniporme. Nakapangalumbaba na siya simula pa lang ng klase habang panay ang sulyap niya sa bakanteng silya nila Mary Beth at Lila."Please try to concentrate better. I might give an exam tomorrow," paalala ni Mr. Aragon. Noong sinabi ni Minggay na wala na si Lila rito dalawang araw na ang nakalilipas, ni hindi man lang niya ito nakitaan ng kahit na katiting na reaksyon. Walang tanong, walang pagtataka, walang pag-aalala . Ni hindi man lang nga nito napansin na wala na si Lila kung hindi pa sa kanya binanggit iyon ni Minggay. O baka naman kasi sinabihan na rin siya ng mga pari.Ewan."Opo sir. Ummmm, Sir, hindi po ba kayo nagtataka kung bakit parang isa-isa kaming nawawala rito? Hindi po ba kayo nag-aalala na baka isang araw mawala na rin ako - baka umuwi na ako sa pinanggalingan ko tapos wala na k
Gising na si Minggay ng eksaktong alas singko ng umaga. Nag-almusal lang siya ng tatlong pirasong pandesal na coco jam ang palaman at isang mug ng mainit na chocolate drink. Alas singko kuwarenta 'y singko, inumpisahan na niyang linisin ang Casa Del Los Benditos. Naunahan pa nga niya sa pagbangon si Nana Conrada."Ang aga naman ng gising mo," bati sa kanya ng matanda. Kinukusot-kusot pa nito ang mga mata."Opo. Para po mamaya wala na akong lilinisin." Patapos na siya sa pagpapahid ng floor wax sa hagdan. Tulad ng dati, hindi na niya ginalaw ang ikalawang palapag. Si Nana Conrada na ang bahala roon. Kaya ipinagpatuloy na lang niya ang paglalampaso sa simbahan. Makintab pa naman ang sahig doon kaya pinasadahan niya lang ito ng bunot at walis. Salamat na lang din at kaunti lang ang mga lantang bulaklak sa altar na kailangan niyang alisin.Alas otso ng umaga, naligo na si Minggay para sa klase niya kay Mr. Aragon at saktong alas nuwebe, nadatnan siya ng guro na katatapos pa lang gawin an
"Pasensya na po, mga Father. Wala po kaming search warrant. Pero gusto lang po naming mag-check and mag-confirm. You don't need to show us around," sabi ni inspector Rod Marasigan, ang pulis na kasama ni inspector Fuentes habang paakyat sila sa ikalawang palapag. "May nag-tip po sa amin na may nawawala raw pong bata dito and we would just like to clarify that po sana sa inyo.""No, it's okay, inspector. Gusto ko kayo mismo makakita na wala kaming itinatago sa inyo and Father Eman and I are willing to show you every nook and cranny of this house para malinaw. Also, the church itself. And yes, may dalawang bata kaming kasama dito na ngayon ay wala na. But not in a way na iniisip nang kung sino mang nag-tip sa inyo. They are the ones na boluntaryong pong umalis. Pansamantala po namin silang kinupkop dito sa simbahan. 'Yung isa nagpunta sa Maynila para makapagtrabaho at hanapin ang magulang niya sa Jedah and 'yung isa naman po ay kinuha na ng kanyang ate," malumanay na paliwanag ni Father
"Tama na! Tama na, Papa! Hindi na po ako uulit" Nakaluhod na si inspector Fuentes. May hinahawi ang mga kamay nito kahit wala namang humahawak o dumadampi sa kanya. Nakikiusap siya at nagmamakaawa sa isang taong siya lang ang nakakita. "Sorry na po, Papa!""A-anong nangyayari sa'yo? Ate Rose! Ate Rose!" Nag-aalalang hinawakan ni Inspector Marasigan sa magkabilang balikat ang kasamahan at saka ito marahang niyugyog. "Ate Rose! Ate Rose! Huy!"Humingi siya ng tulong sa mga pari. Maging sila ay gulat at nagtataka rin sa ikinikilos ni Inspector Fuentes. "Father, may tubig ba kayo d'yan? Pampakalma lang sa kanya."Agad na inutusan ni Father Tonyo si Nana Conrada na kumuha ng isang baso nito sa kanyang mini-ref. Nagmamadaling bumalik ang kasambahay na bitbit hindi lang isang baso kundi ang buong pitsel ng tubig at saka iniabot ang mga iyon kay inspector Marasigan. "Heto Ate Rose, inom ka muna. Sige na.""Tama na Papa. Tama na po, please." Tinabig ni Inspector Fuentes ang basong may lamang t
"Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la