Share

Part 23 - Laway

"Po?"

"Ang sabi ko kung anong ginagawa mo? Saan ka galing?" Humigop muli si Father Eman ng mainit na tsaa.

"Ah eh. Kasi... Ummmm... Ano po.. naglinis lang po sa taas," palusot ni Minggay.

"Naglinis? Nasaan ang mga kagamitan mo? Anong pinanglampaso mo? Damit mo?"

"H-hindi po. Ano po kasi... Hinahanap ko nga po kasi 'yung... 'yung bunot po sana kaso di ko makita sa taas. Baka naiwan ko kasi doon nu'ng nakaraan. Baka bukas na lang po ako maglinis. Magta-tanghali na rin po kasi," nangingising tugon ni Minggay.

Inubos na ni Father Eman ang iniinom. "Sa susunod, bago ka umakyat d'yan siguraduhin mo munang kumpleto ka na sa mga gamit. Tatandaan mo rin na hanggang sa may hagdan ka lang. Bawal kang magpalakad-lakad sa mga kuwarto roon. Ayaw namin ng maingay d'yan ni Father Tonyo at nakaka-istorbo sa oras ng pagdarasal namin," paalala ni Father Eman, pero may bahid ng suspetsa ang tingin nito sa kanya. "Teka, bakit pawis na pawis ka yata."

"A-a-ano po kasi... ummmm... Bago po kasi rito, nilini
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status