Maagang gumising si Minggay kinabukasan. Naghilamos muna siya at saka inangat ang panaklob na nakapatong sa ibabaw ng lamesa upang tingnan kung may pandesal ba sa ilalim nito o kahit na anong puwedeng gawing pang-almusal.
Wala siyang nakita.Tulog pa ang mga kapatid niya at mukhang wala na naman silang makakain pagkagising kaya magtitiis na lang muna sila sa tig-isang takal ng kape. Kung tutuusin, bawal pa sa kanila ang ganoong inumin. Masyadong matapang ang kape para sa mga katulad nilang bubwit pa ang sikmura, pero mas maigi na raw iyon sabi ni Mama Linda. Mabuti na raw na kahit papa'no madampian man lang ng kahit kaunting init ang kanilang katawan sa umaga.Pagkalabas ng bahay, nakita niyang nakaupo ang Mama Linda niya sa pahabang bangko na nasa bakuran ng katapat na bahay. Sa tabi niya ang may-ari at nakatayo sa harap nila ang tatlo pang mga babae. Libangan na ng Mama Linda niya ang makipag-tsismisan tuwing umaga at hindi buo ang araw nito kapag hindi nakakasagap ng sariwang balita mula sa buhay ng ibang tao.Nahuli ni Minggay ang mama niya na may kinakain at sa kamay nito ang may kagat ng pandesal. Nang magtama ang kanilang mga mata, agad na sinubo ni Mama Linda ang natitira pang piraso ng tinapay at saka ito nilunok nang hindi man lang nginunguya. Ngitian niya si Minggay pagkatapos at si Minggay naman ay nagkibit-balikat na lang na kunwari ay hindi iyon nakita.Nilakad lang niya mula bahay hanggang sa palengke ng Villadolid. Maagang makaka-delihensya, maaga ring makakauwi. Nadatnan niyang maraming tao sa palengke noong mga oras na 'yon. Dali-daling nakihalo si Minggay sa daloy at humanap ng mabibiktima. May nakita siyang matandang babae at tinabihan niya ito."Magkano po isang kilo nito?" Tanong ni Minggay sa tindera. Kunwari ay bibili siya pero ang kaliwang kamay niya ay dahan-dahan nang gumagapang sa bag ng katabing matanda na abala sa pagkilatis ng mga isda."Eighty five isang kilo," sagot naman sa kanya ng tindera. Hindi rin nito pansin si Minggay dahil nasa iba pang mamimili ang atensyon nito.Sa wakas! Napitas na ni Minggay ang wallet ng matanda at agad niya iyong itinago sa ilalim ng suot na t-shirt. Lumakad siya palayo at nang makahanap ng ligtas na lugar, binuksan niya ang pitaka. Trenta pesos lang ang laman. Napabuntong-hininga na lang si Minggay. Ibinulsa niya ang pera at saka itinapon ang pitaka sa kanal.Bumalik siya ng palengke para kumulimbat ng mas malaki pang pera. Kulang ang trenta pesos pambili pa lang ng bigas. May natanaw siya sa 'di kalayuan. Matandang babae ulit na mukhang mayaman kung pagbabasehan ang suot nitong mga kumikinang na singsing at bracelet. Sa tabi nito ang katulong na naka-uniporme ng kulay light blue na siyang kasa-kasama ng matanda bilang taga-bitbit ng mga pinamili. Tangan din ng katulong ang bag ng mayamang matanda. Lumapit si Minggay sa tabi ng katulong."Ate, magkano po isang kilo nito?" 'ika ni Minggay sa tindera. Parehong tactic ulit kagaya ng sa nauna. Muling naglumikot ang kamay ni Minggay pagdikit sa hawak na bag ng katulong. Isa-isang gumapang ang mga daliri nito papunta sa zipper. Kasamaang palad nga lang, mas maagap ngayon ang tindera at agad nitong tinawag ang atensyon ng katulong."Miss, Miss, 'yung bag mo. Ingatan mo 'yan. Maraming kawatan dito," babala ng tindera. Napalingon naman ito sa bitbit na bag at naaktuhang nakasuksok ang kamay ni Minggay sa loob. Ni hindi man lang niya ito naramdaman noong una."Ay puke ka!" Napalakas ang boses ng katulong sabay bawi sa bag. Niyakap niya ito na parang isang sanggol. Nagsilingunan ang mga tao sa direksyon nila. "Ate, itong bata may kinukupit sa bag mo," sumbong nito sa amo."Uy, ano yan? Ba't nagnanakaw ka?" Sigaw ng kargador sa malapit na agad na inilapag ang buhat-buhat bloke ng yelo.Napa-atras si Minggay at saka siya tumalilis ng takbo. Hindi siya lumilingon kaya hindi rin niya alam kung may humahabol ba sa kanya. Hindi siya humihinto kahit na parang sasabog na ang dibdib niya sa hingal. Paulit-ulit kasing naririnig ni Minggay ang sinabi ng Mama Linda niya na hindi siya mapapiyansahan nito kung sakaling madakip siya.Nang masigurong niyang malayo na sa palengke ay saka lang siya huminto sa tapat ng isang lumang gusali. Napasandal siya sa dingding nito at nilanghap niya ang lahat ng hangin na puwedeng ipasok sa kanyang baga para ibsan ang pagod at kaba. Nang sandaling iyon, natanto niyang hindi na siya puwedeng bumalik sa palengke dahil namukhaan na siya ng mga taga-roon kaya naisipan na lang niyang umuwi sa kanila.Sa daan pa lang, sinalubong na siya nh bunsong si Caloy. Kinarga niya ito pauwi at nakitang nakaabang na sa may pintuan ng bahay nila ang kanyang ina-inahan."Asan na delihensya mo?" Nakasahod ang kamay ni Mama Linda.Ibinaba ni Minggay si Caloy at dinukot ang trenta pesos na nakaw. Napamulagat si Mama Linda. "Ano? Bakit ito lang?""Muntik na akong mahuli, Ma. Buti nga nakatakas pa ako," paliwanag ni Minggay. Hindi siya makatingin sa mata ng Mama niya dahil kahit siya parang nahiya sa kakarampot na perang inabot niya."Mamaya, mag-uusap tayo," sabay talikod ni Mama Linda tangay ang trenta pesos.+-+-+-+-+-+-+-+-+-Inaya ni Mama Linda si Minggay sa may fast food chain malapit sa kanila. Naroon lang sila sa labas dahil wala naman silang perang pambili ng pagkain. Doon napili ni Mama Linda na sabihin kay Minggay ang plano niya para hindi ito marinig ng nga kapatid niya. Umupo sila sa paanan ng streetlight na katabi ng restaurant."Mukhang pahina nang pahina benta natin du'n sa shabu. Tapos di ka na rin puwedeng mandukot dahil kilala ka na ng mga tao. Kung sa panlilimos naman tayo aasa, hindi tayo mabubuhay dahil pinapalayas na mga kapatid mo doon sa plaza, wala na tayo mapuwestuhan doon," ito agad ang unang sinabi sa kanya ni Mama Linda. "Kaya may ipapagawa ako sa'yo. Kapag ito nagawa mo nang tama, hindi na natin kailangan pang magnakaw ulit dahil kikita tayo dito ng tiba-tiba."Na-intriga naman agad si Minggay. Ni hindi na nito natanong kung bakit siya ang napili ng Mama Linda niya na kausapin para sa plano nito. "Ano 'yun, Ma?"Alam mo 'yung simbahan natin, 'di ba?" Tumango si Minggay at nagpatuloy si Mama Linda."Alam kong alam mo rin 'yung patron natin dito sa bayan natin - 'yung Mahal na Birhen ng Villapureza." Tumango ulit si Minggay tanda ng pagsang-ayon. "Ngayon, may nakapagsabi sa akin na 'yung korona ng mahal na birhen ay yari pala sa ginto at diamante. Ang gusto ko, kunin mo 'yung korona. 'Pag nakuha mo 'yun meron na agad akong buyer na bibili sa korona. Malaki-laki rin 'yung alok niya. Hindi na tayo magugutom. Hindi mo na kailangan magnakaw."Natulala sandali si Minggay. "Korona ng Mahal Na Birhen Ng Villapureza? Hindi po ba masyado naman yatang... mapanganib po 'yun. Buong bayan na ng ng Villapureza ang ha-hunting sa akin 'pag ganon. Saka bakit ako?""Huwag kang mag-alala," paniniguro sa kanya ni Mama Linda. Idinantay nito ang kaliwang kamay sa nakayukom na mga kamao ni Minggay. "Oras na makuha mo na ang korona, lalayas agad tayo sa bayang ito. Hindi na nila yun malalaman.""Ma, parang ayokong gawin. Natatakot ako.""Saan? Kanino? Sus! Ito namang batang 'to. Hindi ka ba naaawa sa mga kapatid mo? Tingnan mo nga, ang papayat na tapos hindi pa nakapag-aral. Kapag nabenta natin 'yung korona ng Mahal Na Birhen, makakaraos na tayo sa hirap." Nakangiti si Mama Linda habang kinakausap si Minggay. Na-i-imagine na kasi nito ang magiging buhay nila kung sakaling marami na silang pera.Hindi agad maka-kibo si Minggay. Parang ang dami biglang naglaro sa isip niya. "Bakit ako, Ma? Puwedeng iba na lang?""Ikaw lang ang puwede, anak. Hindi ka paghihinalaan sa itsura mo," giit ni Mama Linda. Kumpara kasi sa mga kapatid niya, mukhang hindi galing sa hirap si Minggay dahil sa makintab at tuwid nitong buhok na umaabot hanggang braso at mamula-mula nitong mga pisngi. Mga pisngi na tinernuhan ng singkit nitong mga mata, may katangusang ilong at makinis na kayumangging balat. Mas mukha siyang anak-mayaman na babad sa beach.Napalingon bigla si Minggay sa ingay na narinig niya sa kanyang likuran. Galing iyon sa isang pamilyang kalalabas lang ng fast food restaurant na masayang nagkukuwentuhan papunta sa kanilang sasakyan. Buong buhay ni Minggay, wala pa sa kanilang magkakapatid ang nakakapasok sa restaurant na iyon kahit halos araw-araw nila itong nadadaanan. Pangarap ni Minggay na maka-kain sila roon."Sige Ma. Kelan ba?"Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n
Nakita ni Minggay si Father Eman na nakaupo sa gilid ng kama. Sa kamay niya ang kuwintas na may pendant na susi na ngayon ay inangkin na niya. Ninanamnam ni Father Eman ang ganda nito na para bang unang beses pa lang niya iyon namasdan.Sinuot ng pari ang kuwintas. "Ayan. Mas maganda pala 'pag ako ang may suot sa'yo." Tumayo ito at humarap sa salamin. Kaliwa't kanan siyang nagpabaling-baling para sipatin nang maigi kung bagay ba sa kanya ang kuwintas kung titingnan sa iba't-ibang anggulo. Kasama ni Minggay sa sahig si Father Tonyo. Ang nakabukas nitong mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Nalaman ni Minggay na patay na nga talaga ang pari noong hindi ito kumurap ni minsan sa kanya. Pansamantalang nilunok muna ni Minggay ang nagbabantang sigaw sa kanyang lalamunan. Saka na. Mas gusto na lang muna niyang humiga dahil medyo nahihilo at sumasakit pa ang kanyang balikat."Anong masasabi mo Father Tonyo? Ako na ngayon ang may hawak ng susi. Ako na ngayon ang bantay. Tapos na ang pagh
Inaamoy-amoy ni Father Tonyo ang panty ni Minggay habang pinaliligaya niya ang sarili sa kubeta. Para sa kanya wala ng mas babango pa sa halimuyak ng isang birheng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. Ang libido niya sa katawan ay umaapaw. Ang totoo, si Mary Beth talaga ang gusto ni Father Tonyo, pero noong hingin na ito sa kanya ni Serberus, wala na siyang nagawa kundi ang ialay ang bata rito.Pero mabait talaga siguro ang santo sa kanya. Siniguro muna nitong may ipapalit siya kay Mary Beth bago niya inumin ang dugo nito. At ang pagnanasang iyon ni Father Tonyo ay nalipat kay Minggay pero mas malalim. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. May kasama itong damdamin. Hindi nga lang siya isang daang porsyentong sigurado kung pagmamahal na ba ang matatawag niya roon. Basta ang alam niya, gusto niyang nakikita si Minggay palagi. Hindi niya pinalilipas ang isang buong araw na hindi niya ito nakakausap. Masaya na siya kahit sa isang simpleng kumustahan lang.
"Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la