Share

Chapter 29

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-03-28 16:55:46

Chapter 29

Margarita

Tumigil kami sa simpleng bahay. Ang ganda rin dito, ang daming mga tanim at naka-organize pa. Agad akong bumaba sa golf cart.

"Wow, sir, ang dami namang mga gulay dito. Kompleto na yata ang gulay na nasa kanta na 'Bahay Ko,' ah" sabi ko pa at lumapit sa mga gulay. "May mga nakalagay pang pangalan, ang sipag naman ng mga nagtatanim dito, sir. Nilagyan pa nila ng mga pangalan, hindi naman siguro sila maliligaw o magkakapalit-palit ng bunga, hano?" daldal ko sabay tawa.

"Never ending na pagtatanong na naman iyan, Marga," suway sa akin ni sir. Nagsawa na yata siya sa kadadaldal ko.

Hindi ko na lang siya pinansin. Binasa ko ang mga pangalan ng gulay. Kumanta na lang ako bigla ng 'Bahay Kubo.' Yung pagkanta ko, parang nasa choir sa simbahan. Nagpaikot-ikot pa ako sa gulayan. Tinuturo ko ang mga gulay habang binibigkas ang mga pangalan nila. Kaya lang napatigil ako dahil kulang sila, walang singkamas, labanos, wala ring bawang at linga.

"Ay sayang! Itigil na ang pagk
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 30

    Chapter 30 Margarita Sa unahan ay mga bagong tanim pa lang, tapos dito banda ay marami nang mga bunga at namamatay na rin ang iba dahil sa hinog na ang mga bunga ng mga gulay."Wow, ang dami naman gulay dito. Saan n'yo po binibenta, Nanay, ang mga gulay na ito?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa kapaligiran. Ang lawak naman ng lupa ng amo ko. Karugtong na yata ang lupang ito sa mansyon niya. Parang isang barangay na sa lawak ng lupa. Ang amo ko lang rin yata ang may ganitong kalawak na lupa dahil may maliit pa siyang bundok dito."Pinapaangkat namin sa palengke para ibenta at 'yung iba pinamimigay ni Sir sa mga kamag-anak niya. Meron rin para sa pamilya ng mga trabahador niya dito sa mansion. Kapag kunti ang ani namin, kunti lang rin ang paghahatian ng lahat," kwento ni Nanay Diday.Ang bait at mapagbigay rin pala ang amo ko. Lahat ay may matatanggap kapag anihan pala ng mga gulay at prutas. Siguro yung pagbenta ng gulay at prutas iyon ang pambili nila ng abono at fertiliz

    Last Updated : 2025-03-29
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 31

    Chapter 31 Margarita Tapos na kaming nag-harvest, nagtungo na muna kami sa kubo na gawa ni Tatay Osting. Pahingaan raw nila sa tanghali dahil presko ang hangin. Dala ko ang pagkain na pinabili ni Sir, buti na lang medyo dinamihan ko yung binili kong chicken fried. Kakain na raw muna kami habang nagpapahinga bago umuwi. "Nay, Tay, kumakain ba kayo ng pritong manok? Hindi kasi ito mabuti sa kalusugan ninyo lalo na't matatanda na kayong dalawa," sabi ko pa. "Ayaw mo ba silang bigyan sa binili mong fried chicken, Marga? Bakit nagtatanong ka pa kung gusto nila o hindi?" singit ni Sir. "Hindi naman sa ayaw ko mag-share ng pagkain, Sir. Concern lang naman po ang dalaga dito. Mas maganda kasi kapag healthy palagi ang kinakain para humaba ang buhay nila sa mundong ito," mahinahon ko namang sagot sa amo ko. "Kanina lang concern ka sa mukha ko kunwari. Pero face-shaming ka lang pala, makalait ka sa mukha ko wagas. Ngayon health concern naman pero ayaw mag-share ng pagkain. Kunwari ka pang

    Last Updated : 2025-04-01
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 32

    Chapter 32 Busy na ako sa paglalagay ng mga gulay na nakuha namin sa gulayan, sa gulay storage. Ang iba ay inilagay ko sa loob ng fridge para hindi madaling masira. Naghugas ako ng isang kamatis at agad ko itong kinagat matapos ko itong mahugasan. "Hmm, sarap! Ang tamis naman ng kamatis na ito. Bakit 'yung ibang kamatis na tanim ni Tatay ko maasim at matabang?" kausap ko pa sa sarili ko. "Beefsteak tomato ang tawag sa malaking kamatis na 'yan," boses agad ni sir ang narinig ko. "Ay puta!" gulat kong sigaw. Pero hindi ako pinansin ng amo ko. Nagpatuloy lang ito sa sinasabi niya. "Madalas itong gamitin sa salad, sandwich, at kahit toping para sa burgers. May iba't ibang uri ng mga kamatis, at ang naitatanim siguro ng Tatay mo ay 'yung klase ng kamatis na madalas nabibili sa palengke na very common na sa Pilipinas. Yung mga tanim ni Nanay Diday ay imported na galing pa sa ibang bansa. Kaya masarap ang mga tanim nila," walang pakialam kung nagulat niya ako. "Kamuntik na akong ma-he

    Last Updated : 2025-04-01
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 33

    Chapter 33 Margarita Sampung minuto na at hindi pa rin bumababa ang amo ko. Baka nakatulog ito, akyatin ko na kaya siya? Lumamig na kasi ang niluto ko, hindi na masarap kapag lumamig ang pagkain. Parang sa pag-ibig rin habang tumatagal, lumalamig ang pagmamahalan, hindi na masarap, hindi na masaya, kaya basta na lang itinatapon sa tabi. Ang masama pa, siniraan ka na nga, nilait ka pa. "Buwisit 'yan! Napahugot tuloy ako," sambit ko habang nanginginig ang ulo. Kakain na sana ako, kaya lang ayoko namang mas mauna akong kumain kaysa sa amo ko. Kaya akyatin ko na nga ang pa-importanteng amo. Papasok pa lang ako sa dining room nang makasalubong ko ang amo ko. Pupungas-pungas na naglalakad patungong kusina. "Anong nangyari, bakit ka sumisigaw?" mukhang kagigising lang ang amo ko. Pero imbes na sumagot, napatulala ako sa harapan niya. Paano nakahubad ang lalaking ito na papasok sa kusina. Boxer shorts lang ang suot at susme, bakat na bakat ang ampalaya niya. Ang umbok at ang... bigla s

    Last Updated : 2025-04-02
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 34

    Chapter 34 MargaritaExcited akong nagbihis dahil mamaya lang ay aalis na kami ng amo ko para sa pangalawang hearing sa kasong hawak niya. Ang bata pa pala ang minolestiya ng alkalde. Parang walang anak at asawa ang gago! Sisiguraduhin kong makukulong ang matandang gurang na iyon. "Buwesit siya!" gigil kong sambit. Kahit sino naman ay magagalit sa walang silbing alkalde na iyon. Manyak ang puta! Sa bata pa talaga inabutan ng libog. Siraulo! Lumabas na ako sa kwarto ko. Sa sala ko na lang siya hintayin, baka iwan niya ako nang bigla. Mas maganda nang maaga akong nakabihis kaysa sa paghintayin ko ang amo ko. Simpleng pants at white shirt lang naman ang suot ko. Lip gloss at pulbo lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Nagulat pa siya nang maabutan ang amo sa sala. Nakadekuwatro ito habang nakaupo, at nakatutok ang paningin sa cellphone. Seryoso ang mukha at mukhang galit dahil naggalaw ang panga niya. Madilim rin ang aura ng kanyang mukha. Parang may kaaway sa cellphone, baka buway

    Last Updated : 2025-04-03
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 35

    Chapter 35 Margarita Itong building na ito rin pala ang pupuntahan namin. "Ang Dela Berde Law Firm Building." Hindi kami sa opisina nito nagtungo kundi sa lobby lang, at may isang pasilyo kaming dinaanan bago makarating sa isang kwarto. Pumasok rin ako agad nang pumasok na ang amo ko. May bata akong nakita na nakaupo lamang at mukhang tulala. Kaya ngumiti agad ako nang lumingon ito sa gawi namin ni sir. "Hello, anong pangalan mo?" magiliw kong tanong. Mukhang nahiya pa ito sa pagbati ko, kaya hindi niya ako sinagot, nagyuko lang siya ng ulo. "Pagpasensyahan mo na siya, Miss. Mahiyain at medyo takot ang anak ko. Na-trauma yata sa pagiging palakaibigan niya," paghingi ng pasensya ng ginang sa akin. "Ayos lang po iyon, Madam. Naiintindihan ko po. Sana makuha na po natin ang hustisya para sa anak niyo, Madam," nakakaunawa kong sabi. Kita ko ang takot at pag-aatubili sa kanyang mga mata. Huwag naman sana nilang iurong ang kaso dahil lang sa takot sila sa anumang banta o pananakot m

    Last Updated : 2025-04-03
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 36

    Chapter 36 Margarita Ang kaso ay diringgin sa RTC (Regional Trial Court), partikular sa Family Court, dahil menor de edad ang biktima. Nagtungo na kaming lahat doon, at nahuli kami ng secretary ni Sir Harrison na si Sir Danilo. Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Sir Harrison sa bata at sa nanay ng bata. "Lord, sana huwag kabahan ang bata. Gabayan mo po siya para makuha na niya ang hustisya na nararapat para sa kanya. Palakasin mo po sana ang loob niya at maging matapang sa pagsagot. Ikaw na po ang bahala sa bata, Lord," taimtim kong panalangin. Naupo kami ng secretary ni Sir Harrison sa likod. May mga kasama naman si sir na ibang abogado. Tapos, ang ilan sa pamilya ng biktima ay dumalo. Sa kabilang panig naman ay medyo mas marami sila kumpara sa side ni Sir Harrison. Nagkatitigan si Sir Harrison at ang lalaking nasa mahigit limampung taon gulang na. Nakangisi ito na mukhang nanghahamon pa. "Iyan ang lalaking gumawa ng kabastusan sa bata," bulong sa akin ni sir Danilo, ang sec

    Last Updated : 2025-04-04
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 37

    Chapter 37 Margarita Lumapit agad ako sa mag-ina at sa iba pang kapamilya nila na nakikisimpatiya sa batang hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Tahan na, Kathleen, maraming nagmamahal sa'yo at sumusuporta sa'yo. Magpakatatag ka at maging matapang sa lahat ng oras. Fighting, okay?" pang-aalo ko pa sa bata. Yumakap naman ito sa akin kaya wala sa sariling niyakap ko rin ng mahigpit ang bata. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ng bata. "Magiging okay rin ang lahat. Magiging normal ka na ulit na walang kinakatakutan, walang pangamba, at pag-aalala sa puso mo. Manalangin ka lang palagi at balang araw makukuha mo rin ang hustisya na nararapat para sa'yo. Naiintindihan mo ba ako, huh?" mahinahon kong sabi sa bata. "Opo, salamat sa pagpapalakas mo sa akin, Ate Marga. Promise ko po na magiging matatag at matapang ako, gaya mo po," determinadong sabi ng bata. "Ganyan dapat, Kathleen, ipaglaban natin ang katotohanan," sambit ko pa. "Salamat sa'yo, Marga, sa pagpapalakas sa anak ko," pas

    Last Updated : 2025-04-06

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 88

    Chapter 88Margarita Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa mansion ng dating amo ko. Pero hindi na niya ako kasambahay ngayon kundi taga-luto na lang ng pagkain niya at sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung anong papel ko dito sa mansion. Kung anong label na kami ni Harrison. Wala naman siyang sinasabi kahit man lang sana "I love you Margarita" kaso wala. Huwag na umasa pa!"Tangina talaga siya!" sambit ko."Ginawa niya akong clueless dito," sobrang inis na ako sa kanya. Ramdam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Anong gusto niyang mangyari, maglalambing ako sa kanya? Hahalikan na lang niya ako kung kailan niya gusto? Tapos sa bandang huli, ako na naman ang malandi? Ako na naman ang masama! "Nakakainis na talaga!" Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Kung inis lang ba, galit o frustration. "Kanina ka pa hinahanap ng mga bata, nandito ka lang pala," napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Nasa tabi ko na pala i

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 87

    Chapter 87 Margarita Biglang nag-flashback ang unang dating ko rito. Nakakahiya at nakakatanga ang unang pasok ko sa mansion na ito. Napangiti ako hanggang sa nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng galit, sakit, sama ng loob, at lungkot. Sa labas lang ako nakatanaw habang binabaybay namin ang daan patungong mansion. Masasabi kong na-miss ko ang lugar na 'to."Saan po, Tatay, ang bahay ninyo?" usisa ni baby Hollis. Hindi na naman siguro ito nakatiis.Tinuro naman ni Harrison ang mansyon mula sa di kalayuan. "Whoaah!" bulalas ng kambal. "Yan po ba ang bahay niyo, Tatay? Ang ganda! Ang laki pa, hindi kaya kami liligaw diyan, Tatay?" bulalas na tanong pa ni baby Hollis. "Diyan tayo titira, mga baby ko. Happy?" sagot ni Harrison."Whoaah, talaga po? Gusto ko po riyan tumira, Tatay. Ang ganda po ng bahay, parang bahay po ng Barbie," masayang bulalas ni baby Molly. "Ipapakita ko mamaya ang sarili ninyong kwarto, mga baby ko. Sana magustuhan ninyo," malamyos na sabi ni Harrison.

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 86

    Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 85

    Chapter 85 Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hind

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid    Chapter 84

    Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 83

    Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 82

    Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 81

    Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly. "Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis. "Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig.

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 80

    Chapter 80 Margarita Naging normal ulit ang takbo ng buhay ko dahil hindi na nagpakita pang muli si Sir Harrison. Pero sa kaibuturan ng puso ko, umaasam na sana dumalaw siya dito. Sa isip ko naman, ayaw ko na lang siyang makita. Heto at may komunikasyon ulit ako sa pamilya ko at nakikibalita sa bahay tungkol kay Tatay. Sana matulungan kami ng PAO. Sa linggong nagdaan, may palaging nagbibigay ng bulaklak sa aming dalawa ni baby Molly. Iba rin ang binibigay kay baby Hollis. Palagi silang natutuwa at masayang-masaya sa mga natatanggap nilang mga laruan, pagkain, at kung ano-ano pa. May kutob na ako kung sino ang salarin kundi si Sir Harrison. Siya lang naman ang nasa isip ko na magbigay ng mga ito sa aming mag-iina. Sino pa nga ba? "Hello po, anong bibilhin niyo?" rinig kong tanong ni baby Molly sa lalaking nakatayo sa harapan ng mga tinda naming ulam. "Pwede bang bilhin ang Nanay mo?" biro ng lalaki. "Bawal po. Hindi po siya pakain at hindi puwedeng bilhin. May Tatay na po kami

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status