
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid
Synopsis
Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip.
Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya.
Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya.
Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita.
Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Read
Chapter: Ralph&Hershey 5.Hurt5. Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey "Wake up, babe," naalimpungatan siya dahil sa mumunting halik na dumapo sa mukha niya. "Hmmm!" reklamo niya. Dumapa siya sa pagkakahiga dahil inaantok pa siya. "Hapon na. Bangon na," rinig kong sabi ni Ralph. "Hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil sigurado akong tuluyan na nila tayong paghihiwalayin kapag hindi pa tayo bumalik sa City," malumanay na saad ni Ralph. Natigilan siya sa akmang pagrereklamo sana. "Inaantok pa ako!" "Over sleep ka na. Bangon na. Maligo ka na para mahimasmasan ka. Para magising ang diwa mo," pilit siyang ibinabangon ni Ralph. Binuhat siya nito at dinala sa banyo. Sabay na silang naligo. Pagkabihis nilang dalawa, may nakahandang tanghalian na. Ilang sandali pa, sumakay na sila sa maliit na motor yacht ni Ralph, 30 minutes lang ang layo mula dito sa private resort niya hanggang sa pampang. Kaya mabilis lang akong nakarating sa pampang. Palabas pa lang sila sa motor yacht ng may makit
Last Updated: 2025-09-23
Chapter: Ralph&Hershey 4. Makelove4. Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga "Wow, ang ganda ng lyrics. I'm so in love. Sobrang na-touch ako sa kanta na ginawa mo para sa ating dalawa. God! I love you so much! Sana pagdikitin mo na lang kami para hindi na magkalayo pa," puno ng saya ang boses niya.Kilig na kilig siya. Teary-eyed pa habang pinapakinggan ang bawat stansa at bigkas ng kasintahan nito."Do you like it?" Malamyos na tanong ni Ralph."My God, I super love it," bulalas naman niya.Kinilig naman si Ralph sa sinabi ni Hershey. Nagniningning ang mga mata at mas lalo pang kumislap ng tumatama ang ilaw ng apoy sa mga mata niya."Sinasabi mo lang yata iyan kasi boyfriend mo ako. Like you want to praise me," biro ni Ralph.Bumusangot siya. "Kelan pa ako nagsinungaling sa sinasabi ko? Vocal ako sa pagpuri sayo, huh! Perfect ang pagkakablend ng boses mo. Sinasabi ko naman kung may mali o pangit sa pagbigkas mo, lalo na sa tono," ingos niya.Natatawa naman itong itinabi ang gitara at lumapit siya kay Hershey.
Last Updated: 2025-09-22
Chapter: Ralph& Hershey 3. Bonfire Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Nang tapos na silang kumain, tinulungan na niya ang kasintahan na maglinis sa kusina. Pinagpunas lang niya ako sa mesa at ang iba ay si Ralph na ang gumawa. Maliksi ito at ang bilis niyang gumalaw. Gamay na gamay na nito ang ginagawa, samantalang ako wala pa ring alam sa kusina. Kahit maghugas, hindi pa siya marunong. Noong nagpresinta siya na maghugas, isang oras niyang natapos. Tapos, pagod na pagod at nangalay ang mga kamay sa paghugas ng mga plato. Eh, ang kunti lang naman 'yung hugasan. Proud na proud naman si Ralph kahit papaano kasi nakagawa raw ako ng mabuti nang walang nababasag na baso o plato sa lababo. "Tulungan na kita maghugas," presinta ni Hershey. Umiling agad si Ralph. "I can do it, babe," sagot niya. "Para magamay ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan natin. At kapag nasanay ako, hindi na ako aabot pa sa isang oras mahigit sa paghuhugas," saad niya. Hindi kasi siya pinapayagan magtrabaho sa b
Last Updated: 2025-09-20
Chapter: Ralph and Hershey 2. Cooking 2. Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Tapos na silang naligo, at nagtungo na sila sa kusina. Saktong laki lang ang beach house niya dito. Private resort niya ito na regalo pa raw ng yumao niyang mga grandparents. Ang cute ng kitchen niya, very organized rin ang mga condiments at mga gamit sa kusina. Maaliwalas tingnan. First time niyang pumunta dito dahil ngayon lang siya nakatakas sa mga bodyguards niya. Alam niyang galit na galit na ang Mommy niya at ang Kuya niya sa kanya. Sigurado siyang baka idamay na naman nila ang boyfriend niya. "Anong gusto mong ulamin ngayon, babe? Ipagluluto kita ng masarap na ulam with love," kindat ni Ralph sa kanya. Matamis siyang napangiti at yumakap sa likuran ng kasintahan. Humalik siya sa malapad nitong likuran bago humiwalay at tumabi sa kanya. "Kahit ano, hindi naman ako maarte sa pagkain. Ikaw lang naman ang napaka-peaky sa mga pagkain eh," ingos niya. "You know the reason, babe," sagot naman nito. "Yeah. Kaya mag-aaral
Last Updated: 2025-09-19
Chapter: Ralph& Hershey 1. Dagat 1. Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga. Puno ng halakhakan sa tabi ng dagat na kung saan ang dalawang taong nagmamahalan ay masayang naghaharutan, puno ng saya at tawanan. "Nandiyan na ako!" natatawang sigaw ni Ralph habang hinahabol niya si Hershey. Tumili siya at natatawang tumakbo palayo kay Ralph. Silang dalawa lang ang tao dito at libre sila sa lahat ng gusto nilang gawin. Walang sisita sa kanila, walang makikialam o kokontra. "Huli ka!" malakas na tawa ang bumalot sa kapaligiran dahil sa pangingiliti ni Ralph sa kanya. "Ang daya!" tili ni Hershey habang natatawa siyang na-corner ni Ralph. Mabilis na pinulupot ni Ralph ang mga kamay sa bewang ni Hershey. Nagpaikot-ikot silang dalawa hanggang sa matumba sila sa buhanginan. Nakadagan si Hershey sa ibabaw ni Ralph. Alam na naman niya na ayaw siyang masaktan kapag siya ang naunang natumba at tumama sa buhanginan. Very caring talaga ang boyfriend niya. Malambing at mapagmahal na lalaki. Napangiti siya habang n
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Special Chapter 3Special Chapter 3 Masaya akong pinapanood sila ng lumapit sa akin si Marge kasama sina Melody at Lala. Masaya ako na kahit papaano ay mga mababait na babae ang napuntahan ng mga kapatid ko. Si bunso Marge ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Gaya ni Lala, itong si Melody ay hanggang ngayon ay nahihiya pa rin sa akin. Kahit noon pa, na bago lang sila na kinupkop ni Tatay. "Ate Marga, pwede raw bang ikaw ang kakanta mamaya sa party?" tanong ni Marge. Katatapos lang ang selebrasyon ng birthday ng anak ni Lala at Marlon. Sinabay na namin ang birthday ng kambal ko. Kaya maingay at masaya kanina. Mamayang gabi naman ang party ni Dolan at Melody para sa engagement party nila. "Sino may sabi?" tanong ko. "Ah, eh, ahm... gusto ko kasi ang boses mo ate. Maganda at very soulful kapag kumakanta ka. At gustong-gusto ko po ang boses mo Ate Marga," nahihiyang sagot naman ni Melody. "Huwag ka ng sumipsïp sa akin. Alam mo naman na gusto kita para sa kapatid ko. Iba na lang wag ako!" sabay irap ko. Tum
Last Updated: 2025-09-17

Billionaire One Night Stand with the Saleslady
Si Jela ay isang simpleng saleslady na nagtatrabaho sa isang high-end na department store. Sanay na siya sa simpleng buhay, tahimik, iwas sa gulo at paulit-ulit na routine sa buhay—trabaho, bahay, ulit. Iwas siya sa mga katrabaho upang maiwasan ang mga intriga sa kanyang buhay. Gusto niyang panatilihing lihim ang kanyang buhay, lalo na pagkatapos ng isang gabing pagkakamali at nagbunga ang kapusakang iyon.
Si Jupiter ay kilala sa kanyang malupit na taktika sa negosyo, ngunit kulang ang kanyang personal na buhay. Pagkatapos ng nakaka-stress na meeting sa kumpanya, naisipan niyang pumunta sa luxury bar. He spends a passionate night kasama ang isang kaakit-akit na babae. Sa isang gabi ng kapusakan, walang pangalan, walang contact details ang mayroon sila sa isa't isa.
He can't shake the memory of their night together. Bigla kasi siyang na-attach sa babae mula sa 'di malilimutang gabi. Pursigido siyang hanapin ang misteryosong babae na humatak sa kanyang puso.
Habang iniimbestigahan niya kung sino ang babaeng iyon, hindi niya akalaing nasa paligid lang pala ito. Na-recognize niya ang isang pabango na katulad sa pabango ng naka-one night stand niya. Pabango ng isang saleslady na nagtatrabaho sa pagmamay-ari nilang department store.
Habang lumalalim ang koneksyon nila, lalo pang lumalaki ang mga sikreto, mga intriga, at mga hadlang sa kanilang dalawa, lalo na ang malaking agwat sa estado ng buhay nila.
Ngayon, kaya ba nilang panindigan ang isang pagmamahalan na nagsimula sa isang gabing pagkakamali? Puso ba ang pipiliin o katahimikan para sa lahat?
Read
Chapter: Chapter 54Jela Hindi pa rin ito tumitigil sa panliligaw sa akin. Kaya noong kinuha ni Tito ang mga bata, nag-date kami ni Jupiter. Pinayagan ako ng Tito ko, kaya naisipan kong bisitahin ulit si Daddy sa sementeryo kasama si Jupiter. "Mag-date tayo sa sementeryo?" gulat na bulalas ni Jupiter. "Dadalawin ko lang si Daddy. Baka nagtampo na iyon sa akin dahil naging busy na ako, lately. Baka akala niya kinalimutan ko na siya," nalungkot ako bigla. Lumingon ako sa kanya. Kita ko ang pag-aalinlangan niya sa mukha. Nararamdaman kong takot ito sa sementeryo. "Gusto mo bang mag-motor tayo?" tanong ko. "No! I bring my own car," sagot nito agad. "Saan ka mas takot, sa sementeryo o sa motor?" naiintriga kong tanong. "Both! No more questions. Let's go para may oras pa tayong mag-date," sabi nito. Umiiwas lang ito kaya ayaw na niyang pag-usapan pa. Kaya ako na lang ang nagkwento kahit hindi siya nagtatanong. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan nito nang pagbuksan niya ako ng pinto. Dito na ako nag
Last Updated: 2025-09-19
Chapter: Chapter 53Jela "Mama, may binili po si Lolo Pogi at Lola Ganda na kotse namin," pagbabalita ni Jam kinaumagahan habang kumakain sila ng almusal. "Sinabi lang po namin na gusto namin ng gano'n, bumili na po sila agad, Mama," singit ni Jan. "Hindi namin sila pinilit, Mama ah. Sabi namin huwag na po, pero sila ang makulit at mapilit. Binilhan pa rin po nila kami. Kaya wala na po kami nagawa," mahabang paliwanag ni Jon. "Kulay puti po akin, Mama," sabi ni Jam. "Blue 'yung akin, Mama," sabi ni Jan. "Sa akin black po," dagdag ni Jon. "Sana po, Mama, hindi ka magagalit ah," mahina pang sabi ni Jan. Gumaan naman ang dibdib ko at masuyo ko silang nginitian. Kaya ko naman silang bilhan ng mga gano 'n, ako lang talaga ang pumipigil sa gusto nila na alam kong hindi naman napapakinabangan sa bandang huli. "Hindi nagagalit si Mama, mga anak. Ayaw lang ni Mama na ma-spoiled kayo. Pero masaya si Mama sa inyo dahil masaya ang mga babies ko," matamis ko silang nginitian. "Salamat po, Mama nam
Last Updated: 2025-09-17
Chapter: Chapter 52Confrontation Jela Pinag-iisipan ko pang mabuti kung bubuksan ko na ang boutique shop ko o saka na lang. Somehow, tama naman ang Tito at Tita ko. Kasi kapag nasa boutique na ako, pwede ko lang dalhin ang mga bata kapag uwian na nila. Kaso, medyo malayo lang sa apartment namin ang boutique ko. Along Taguig ang boutique shop ko. Medyo malayo konti sa apartment namin. Siguro hihiram na lang ako ng sasakyan kay Tito. Nire-renew ko pa rin naman ang license ko since may motor ako. Si Jan yata ang magmamana sa akin dahil gusto raw niyang maging car racer at motor racer. Nandito ako ngayon sa café, nag-search ng mga bagay na kailangan sa boutique ko. Lahat kasi ng laman ng shop ko noon ay binenta ko na sa mga may boutique noon. Mas mababang halaga lang sa normal price. Nag-order na ako ng sewing machine , dalawa, tag-isa kami ni Jam. Sure akong matutuwa kapag nalaman niyang binilhan ko siya ng sa kanya. Pero nawala ang pag-iisip ko ng mga kailangan sa boutique ng may umupo sa harapan
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 51They know Jupiter? Tuwang-tuwa ang mga bata na pumasok sa loob. Palinga-linga sa paligid. "Wow, may balloon po!" bulalas ni Jan. "Lolo Pogi, pwede ba kami kumuha o maghingi po?" tanong rin ni Jam. "Itatanong natin mamaya sa manager ng restaurant," magiliw naman na sagot ni Tito. "Sige po," sagot naman nilang tatlo. Lumapit na sila sa front desk at kinausap ang nasa counter na isang lalaki. Nang sabihin ni Tito ang reservation niya, ay iginiya na sila sa lamesa na pinareserba ni Tito. Pinagitnaan ni Tito at Tita si Jam. Ang dalawang lalaki naman ay nasa gilid ni Tita sa kabila at ganoon rin ang isa sa gilid ni Tito. Para lahat raw ay maasikaso nilang dalawa. Pabilog naman ang mesa kaya maganda ang pagkakapwesto naming lahat. Malayo ako sa tatlo kong anak. Ang tumabi kasi kay Jan at Jon ay ang bunso at pangalawa, tapos ako at si panganay. "Pwede po tingin rin po kami sa libro ng mga pagkain, Tito Pogi?" tanong ni Jon. "Sure, apo. Here." Binigyan niya isa-isa ang ta
Last Updated: 2025-08-25
Chapter: Chapter 50Saw him in the restaurant Jela "Let's go eat in the restaurant now!" anunsyo ni Tito ng medyo dumilim na. Pagod na ang mga bata, na nakikipaglaro sa mga Tito nila. Iba yung saya at halakhak nila, mas matunog at lalo silang sumigla dahil sa mga Tito nila. Akala raw ng mga bata wala silang totoo na Tito at mga Lolo at Lola. Ang alam lang nila ay namatay na ang Daddy ko kaya wala na silang Lolo. At sinabi ko rin na may sariling pamilya na ang mommy niya kaya silang apat na lang ang magkakasama sa mundo. "Wow kasama po kami Lolo Pogi?" nagpaawa pa na tumingin si Jan sa Lolo niya. "Yes, apo ko. Happy?" "Yeeeseng!" sigaw ng tatlong bata. "Happy po. Happy-happy!" sambit ni Jam at Jon. "Mama, makapasyal na ulit kami. Pede po maglaro rin sa maraming balls?" bulong ni Jan sa akin. Di ko sure kung narinig nila ang sinabi ni Jan. Mas mabuting hindi na lang nila narinig. "Hindi pa ba kayo pagod maglaro, anak?" mahinang tanong ko naman. "Iba po iyon, Mama, iba rin po ang nil
Last Updated: 2025-08-25
Chapter: Chapter 49Chapter 49 Meet My Kids Jela "Holy sh!t!" bulalas ng bunsong pinsan ko. "God-damned it!" gulat rin na sambit ng panganay. "Wow!" namamangha sa gulat naman ang pangalawa sa magkakapatid. "Is this for real?" saad na bulalas ni Tito. "Jela!" bulalas pa nila sa akin. Sumimangot ako dahil sa reaksyon nila. Hinila nila ako mula sa aking kinauupuan patayo. Mahigpit nila akong niyakap. Napatili pa ako sa pagbuhat nila sa akin. "Huwag ninyong yakapin ang Mama namin, po!" malakas na sabi ni Jon. Pero ang dalawang bata ay tuwang-tuwa pa sa nakikita. Pati si Jam nakikitawa na rin. "Ibaba niyo ako!" inis na sambit ko. "Na-miss ka namin ilang dekada ng wala kang paramdam sa amin. Hindi kami kaaway, Jela!" sabi ng panganay na anak ni Tito. Hindi ako umimik. "Sabi ni Mommy nagtatrabaho ka bilang isang saleslady sa isang mall? Nagpapakahirap kang magtrabaho kung pwede ka namang magpatayo ng business na gusto mo o kahit huwag ka na magtrabaho marami ka namang pera," dagdag pa
Last Updated: 2025-08-15
Chapter: Chapter 157Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Kapapasok pa lang namin sa gate ay kita ko na ang napakalawak na bulwagan kung saan gaganapin ang reception. Dito na rin sila mismo ikakasal garden wedding raw. Hindi pa tapos pero sigurado akong bongga at sosyal ang araw ng kasal nila Kuya Lucas at Greene. Masaya ako para sa kanila. Napangiti ako ng makita ko ang mga anak namin na naglalaro sa labas ng mansion kasama si Lily at iba pa nilang mga pinsan. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko ng naging magkasundo na lahat ang mga bata. Nag-sorry rin sila sa kambal noon kaya naging maayos na muli ang pagkikita nilang lahat. Napatigil sila ng makita nilang may paparating na sasakyan. Lumiko ang sasakyan at sa parking lot ito tumigil. Agad akong bumaba ng tumigil na ang sasakyan. Sumunod naman si Zaprine sa akin. Ang kasambahay na raw ang bahala sa mga gamit naming dalawa. Kumaway si Zaprine sa mga batang naglalaro ng bola sa malawak na bakuran ng mansion ni Lolo Francisco. Napansin naman nila kami k
Last Updated: 2025-02-14
Chapter: Chapter 156Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nasa Spain na ang mga anak ko at ang pinsan nilang si Lily with their grandparents. Mag-isang linggo na sila doon. Sunod na lang kami ni Zaprine dahil may emergency pa dito sa hospital. Isang araw pa lang nila sa Spain panay tawag na ni bunso sa amin. Gusto na raw niya umuwi at namimiss na niya kami.Ako minsan ang nahihiya kapag sinusundo niya ako dito sa opisina ko. Laging may dalang bulaklak at regalo na kung ano-ano. Kung gaano ito kalambing noon ay mas lalo na ngayon, very clingy. Basta na lang nanghahalik kapag gusto nito. Hindi na nahiya sa mga staff ng hospital. Heto nga at naka-akbay na naman habang palabas na kami ng hospital. Mamayang gabi na kasi ang flight namin pauwing Spain. Sa makalawa na ang kasal ni Kuya Lucas at Greene. Laging nireremind ni Kuya Lucas na dapat nando'n na kami bago pa magsimula ang kasal nila.Ayaw raw niyang maging malungkot ang asawa to be niya kapag hindi kami makadalo. Paranoid na raw ito na baka hindi kami
Last Updated: 2025-02-13
Chapter: Chapter 155Love Amidst the Danger AriaYumakap rin sa amin si Blessa. Hindi namin alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan at nagyakapan na tatlo. Alam ko na kahit ito gumaan na rin ang pakiramdam niya. Ito lang pala ang way para mawala ang lahat ng agam-agam sa sarili. Kapatawaran lang pala ang kailangan para maging okay na kaming lahat.Halos dalawang oras kaming nakikipagkwentuhan kay Greene. Lahat ng nangyari sa kanya dito sa loob ng kulungan kweninto niya sa amin. Marami rin pala siyang pinagdaanan hirap dito sa loob ng kulungan. Kung wala pang nagbanta na pulis sa kanila ay baka daw hanggang ngayon ay magulo pa rin ang loob ng selda. At may tumutulong raw sa kanya dito kaya hindi gaano mahirap para sa kanya ang lahat. "Tinapangan ko ang sarili ko sa loob ng selda dahil kapag namatay ako, hindi ko na masasabi ang lahat ng ito sayo. I want to tell you how sorry I am for all the bad things I did to you. Para sa gano'n ay mapawi naman ang bigat na dinadala ko araw-araw dito sa puso ko,"
Last Updated: 2025-02-11
Chapter: Chapter 154Love Amidst the Danger Aria"Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Blessa. "Kanina pa ako ready, sasabak na ba tayo sa gyera?" biro ko. Tumawa naman ito. "Kelan ka pa marunong magbiro?""Kanina lang," sagot ko naman. Sabay pa kaming tumawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod na kay Blessa. Sana panginoon maging maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Greene.Kausap na ni Blessa ang isang pulis, ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Blessa. Maya't maya pa ay iginiya na kami ng isang pulis sa visitor area, para sa mga bumibisita sa mga kamag-anak na nakakulong dito.Iniwan na kami ng pulis hinintay na lang namin ang pagdating dito ni Greene. "Alam mo ba na maganda ang record dito ni Greene. Marami raw siyang natutunan at narealise sa buhay. Marami rin siyang nagawang maganda dito sa loob ng kulungan. Nagtuturo siya ng mga gustong manahi na naging libangan na ng ibang mga kababaihan na nakakulong dito. Naging motivational speaker siya sa mga katulad niyang nakakulong rin,"
Last Updated: 2025-02-11
Chapter: Chapter 153Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Naging hands on kaming dalawa ni Zaprine sa mga anak naming tatlo. Ang gusto kasi ni Zaprine ay maging close kaming Lima. Walang dapat favorite at walang hindi favorite sa pamilya. Dapat pantay kami lahat. Ngayon may event sila sa school ng kambal, lumiban pa kami sa trabaho masuportahan lang namin ang mga anak namin. Gusto kasi namin na nando'n kami sa lahat ng klase ng event sa paaralan nila. Hindi pa rin nawawala ang panganib sa paligid namin kaya marami pa rin body guard si Zaprine. May dalawa rin yaya na nakabantay sa loob ng paaralan para sa kambal. Sabay silang kumakain sa tanghalian sabay rin silang uuwi. Gano'n palagi ang routine nila. Palaging nagpapakarga ang bunso namin sa Daddy nito. Hindi nawawala ang oras ng asawa ko sa mga bata lalo na sa akin. Kada buwan ay pinapacheck up niya kami ng mga anak namin. Masyadong matatakutin na kapag may nagkasakit sa amin ay agad niya kaming dinadala sa hospital. Kahit alam niyang kaya ko naman
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Chapter 152Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Hindi ko talaga kinaya ang mga rebelasyon niya sa akin. Grabe naman siya mag-revenge ng palihim para sa akin. Nakakatakot! "How about Greene? Hahayaan mo na lang rin ba na gano'n ang ginawa niya sayo? She almost killed you, remember! Kung lalaki lang siya o hindi lang siya kapatid ng asawa ng pinsan ko. Matagal ko na siyang pinatay!" madiin at may galit sa boses nitong sambit."Stop it! Ayokong nakikita kitang ganyan kabayolente. Ayokong makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw. Sabi ko naman sa'yo na ang panginoon na ang bahala sa kanya! Naawa rin naman ako sa nangyari sa kanya at... oh wait," kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.Mapanuring ko siyang tinignan sa mata. Mukhang guilty naman ito agad. Napakamot pa sa batok niya. I knew it. Pero bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako."What's on your mind is true, sweetheart. Kilala ko ang ilan sa mga pinahiya ni Greene at binastos sa mga party or event na dinadaluhan nito noo
Last Updated: 2025-02-08