Hello Dear Readers 🫶🏼 Tag-isa na muna po ang update. Nahihirapan po ako sa signal, since nakiki-connect lang po ako. Newes salamat sa inyong suporta. Salamat sa likes, comments and gems. God Bless You All 🫶🏼
Chapter 1"Sabi nila bahay ang lilinisan ko at nag-iisa lang ang magiging amo ko. Whooah! Parang palasyo naman ang laki ng bahay na ito. Baka kahit isang araw hindi ko matapos linisin ang buong bahay. Magkandaligaw-ligaw pa ako. Baka tigok ang abot ko nito," bulalas ko."Nagrereklamo ka ba?""Huh? Sino ang nagrereklamo?" tanong ko agad. "Hindi pa nga nagsisimula ang laban, susuko na ako? Para sa pamilya ko ang laban na 'to." Sabay lingon ko sa nagsalita, nagulat at napatulala pa ako."Follow me!" ma-awtoridad na sabi ng poging lalaki na ito. Siya ba ang amo ko?Naupo ito sa upuan niya. Parang opisina siguro niya ito. Ako naman ay nakatunganga lang. "Sit!" "Saan po sir?" kabado niyang tanong."Damn!" nainis na yata ang poging ito. "Mamili ka sa apat na upuan na nasa harapan ko kung saan mo gustong umupo! Don't waste my time, baka masesante kita agad!" iritadong sabi ni pogi.Nagulat ako, ito pala ang magiging boss ko. Napanganga ako, excited tuloy akong magtrabaho dito dahil araw-ara
Chapter 2Isang linggo ko na dito sa mansyon nakakapagod, nakakatakot, at nagagalit ang amo. Nakakawalang lakas ng katawan ang palaging pagsigaw ni sir. Parang araw-araw may regla. Nakakaubos siya ng lakas at pasensya. Kaya para gumaan ang paligid nagpatugtog na lang ako ng kanta. Wala namang sinabing bawal ang magbukas ng musika sa cellphone. Para kahit papaano, gumanda ang mood ko sa paglilinis ng buong bahay na ito. Anong akala ng amo kong ito, robot siya na isa lang ang kinuhang katulong? Ang kuripot naman ng gwapong gorilla na ito. Dahil Ilocano siya, Ilocano na kanta ang pinatugtog ko. May bigay kasi si Manang na cellphone para sa akin. Kapag may kailangang bilhin, isulat na lang sa cellphone dahil wala silang notebook at pen sa mansyon. Tsee! Kaloka ang yaman ng amo namin, pati papel at pen hindi kayang bilhin. Makabili nga kapag magpalengke kami ni Manang."Isem, isem, umisem ka man biagko," kanta ko habang naglilinis sa sala. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at feel na feel ko
Chapter 3Sa palengke na malapit lang sa exclusive subdivision kami namalengke. May dala kaming parang trolley para sa mga binili namin. Strikto na kasi ang lugar na ito. Bawal na ang paggamit ng maraming plastic. "Manang, may banyo ba dito?" tanong ko. Naiihi na kasi ako."Diretso lang ito, tapos kanan ka, makikita mo ang tindahan ng mga daing. Tabing-tabi lang iyon. Dalian mo dahil kailangan pa nating magluto ng ulam para sa amo natin," bilin pa nito."Sige po," nagmadali na akong nagtungo sa banyo.Pero paglabas ko sa banyo, nagkagulo ang mga tao. Dahil curious ako, sumunod naman ako sa mga nagtakbuhan. May sunog lang naman pala. Dahil chismosa ako at first time na makanood ng nasusunog na bahay, heto ako, nanonood na sa mga bombero na nakahawak sa hose na tinututok sa apoy. Pati ako, nakikisigaw na rin. Nalimutan ko na ang bumalik pa kay Manang. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kaya dali-dali kong sinagot ang tawag. Napa-facepalm ako at tumakbo na pabalik
Chapter 4"Oh, ang galing! Galing mong sumayaw, galing mong gumiling, galing mong tumuwad, galing mong tumambling. Pabibo ka talaga, la, la, la, la," kanta ko habang nagpapalit ng bedsheet ng amo ko. Wala ang amo ko, nasa gym ito nag-eensayo. Kaya ang yummy ng katawan niya, panay ensayo sa umaga ang ginagawa. Tapos, suplado na nga, masungit pa. Kaya bansag ko gorilyang dragon na dinosaur. Bagay na bagay niya ang pangalan, idagdag pa na yummy siya. Kasi bako-bako ang katawan, sobrang tigas, siguro ang mga muscle niya. Nakaka-excite siguro na panoorin siya habang nasa korte, nakikipag-debate sa kabilang kampo para lang ipagtanggol ang hawak niyang biktima. Ang hot at ang angas siguro ni sir. Baka ang pagsigaw niya sa akin ay ganoon din kapag nagtuturo siya sa university. Pero iba pa rin kapag nasa ganoon na field siya, alam kong professional ito. Dito lang sa bahay niya pinapakita ang masamang ugali."Mapisil nga minsan, yay," kinilig pa niyang sambit."Mapisil ang alin?" "Ay, tangi
Chapter 5 Napa-facepalm ako ng maalala ko na naman ang sinabi kong nag-violet si sir. Naalala ko kulay pala ang violet. Nakakahiya."Huhuhu... bwesit na 'yan. Paano kasi ang daming magkakatunog na salita sa English. Violet, Violence, Violent, Violins, and many, many more. Nagkandabali-bali na ang dila ko sa pagsalita ng English na 'yan. Nakakaintindi naman ako kaya lang, hindi nag-exercise ang dila ko sa pagsasalita ng English. Tagalog lang talaga at Ilocano ang kaya ng dila ko," maktol ko habang kausap ko ang sarili ko.Tapos na akong nagluto ng pananghalian ng amo namin. Master ang tawag ng ibang bodyguard at security guard ni sir Harrison. Pero kami ni manang Thelma, 'sir' ang tawag namin. Ano siya, tagapagmana ng mundo na master rin ang itatawag namin. Masyado naman siyang above the law. Pero napapikit ako ng maalala ko na naman ang paggulong-gulong ko sa sahig sa harapan ng amo namin. "Nakakahiya ka, self, talaga!" Kinutusan ko pa ang ulo ko. At least tumagal naman ako dito.
Chapter 6 Margarita "Margarita!" sigaw ng amo ko. "Yes, Your Honor?" sigaw ko rin dahil nasa loob ako ng banyo naglilinis. Napasimangot na lang ako kapag pumapasok ako dito sa napakaganda niyang banyo. Ang lawak at ang ganda nito. Yayamanin talaga. "Faster cleaning my bathroom. I need you to clean my gym studio," "Bakit ngayon mo lang sinabi, sir?" "Nagrereklamo ka ba?" pagsusungit na naman ng amo ko. "Nagtatanong lang po ako, sir," "Bilisan mo na diyan! Lahat na lang ng iutos ko sa'yo, may tanong ka. Wala na ba akong karapatan na utusan ka, Margarita?" pagalit na tanong ni sir Harrison. "Hindi naman po sa gano'n, Sir, gusto ko lang din magkomento. Kasi may schedule po ang paglilinis ko sa mansyon mo, sir," sagot ko. "Nagdadahilan ka pa! Kung ayaw mong mautusan, pwede ka ng umalis dito para makahanap ako ng bagong kapalit mo," galit na sabi ni sir. "Huwag naman po, sir, sorry po," maamo kong sabi. "Faster cleaning! Kailangan kalahating oras tapos mo nang linisan ang g
Chapter 7Margarita Busy kaming dalawa ni Manang sa paghahanda ng mga request ni Sir na mga ulam para sa lulutuin namin. Dahil mamayang hapon daw, may mga darating siyang bisita dito sa mansyon niya.Mabuti na lang, maaga kaming namalengke kanina para hindi kami magahol sa oras ni Manang. Naghihiwa na kami ngayon para mabilis na lang magluto mamaya.Mga kaibigan daw niya ang mga iyon. Kaya heto kami ni Manang, abala sa kusina ngayon. Maaga rin akong natapos maglinis sa buong bahay kanina dahil alas kwatro pa lang ng umaga, gising na ako para lang maglinis."Margarita?" Narinig ko na tawag sa akin ni Sir."Yes, Sir. Busy po si Inday Margarita sa kusina, naghihiwa ng lulutuin namin mamaya po. Ano pong maipaglilingkod ko sa'yo, Your Honor?" sagot ko naman habang naghihiwa ng patatas.Lumingon ako sa gawi ng amo ko dahil hindi ito sumagot. Sakto naman na nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kakaiba akong nakita sa kanyang mga mata, pero nang makita niyang
Chapter 8"Pasensya na, mga sir, late dumating ang mga pambara sa lalamunan, nauna ang pantulak," sabi ko na biro sa mga bisita ni sir Harrison.Humalakhak naman ang mga bisita ni sir sa sinabi ko. Pero si sir Harrison, killjoy, ayaw tumawa. Masamang tingin lang ang ibinigay niya sa akin."You're funny," puri ng isang bisita ni sir sa akin."Ah, hindi naman po, sir. Bawal ang magbiro sa tahanan na ito, seryoso masyado ang amo ko. Nambabato ng mga article number, act number, rules, at disciplinary action. Baka bagsak ko sa kulungan," naging seryoso ang boses ko kunwari.Natawa na naman sila sa sinabi ko. Masiyahin ang mga kaibigan ni sir, pero siya lang ang bugnutin. Hindi marunong tumawa. Gusto ko siyang i-offer ang pera para tumawa lang kaso mas mayaman pala ang amo ko sa akin. Baka ako ang ma-offeran ng pera, tumahimik lang ako sa kadadaldal o baka palalayasin na."Makakaalis ka na dito! Nakakaistorbo ka na," pa-inis na sabi ni sir."Relax, bro," awat ng kaibigan ni sir Harrison."
Chapter 85Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hindi ko kamu
Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo
Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal
Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p
Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly."Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis."Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig. "Bwesit!"
Chapter 80 Margarita Naging normal ulit ang takbo ng buhay ko dahil hindi na nagpakita pang muli si Sir Harrison. Pero sa kaibuturan ng puso ko, umaasam na sana dumalaw siya dito. Sa isip ko naman, ayaw ko na lang siyang makita. Heto at may komunikasyon ulit ako sa pamilya ko at nakikibalita sa bahay tungkol kay Tatay. Sana matulungan kami ng PAO. Sa linggong nagdaan, may palaging nagbibigay ng bulaklak sa aming dalawa ni baby Molly. Iba rin ang binibigay kay baby Hollis. Palagi silang natutuwa at masayang-masaya sa mga natatanggap nilang mga laruan, pagkain, at kung ano-ano pa. May kutob na ako kung sino ang salarin kundi si Sir Harrison. Siya lang naman ang nasa isip ko na magbigay ng mga ito sa aming mag-iina. Sino pa nga ba? "Hello po, anong bibilhin niyo?" rinig kong tanong ni baby Molly sa lalaking nakatayo sa harapan ng mga tinda naming ulam. "Pwede bang bilhin ang Nanay mo?" biro ng lalaki. "Bawal po. Hindi po siya pakain at hindi puwedeng bilhin. May Tatay na po kami
Chapter 79 Margarita Masayang nakikipagkuwentuhan ang dalawang bata kay Sir Harrison. Hahayaan ko na muna sila sa ngayon. Deserve rin naman ng mga anak ko ang maging masaya at makausap ang ama nila kahit hindi pa nila alam na ama nila ang kausap nila. Si Sir Harrison na rin ang umaasikaso sa dalawang bata. Gustong-gusto naman nila, at masaya ang mukha ng mga bata sa pag-aasikaso sa kanila ni Sir Harrison. Ramdam ko na gustong-gusto ng mga bata ang presensya ni Sir Harrison. Alam kong naghahanap na sila ng ama, ayaw lang nilang magtanong sa akin tungkol sa Tatay nila kung nasaan. Dahil nasabi ko na sa kanila na wala silang Tatay. Sinabi ko rin na hindi ko alam kung nasaan ang Tatay nila. "Tatay, titinda rin po kami ng ulam na luto ni Nanay. Tikim mo po luto niya, sarap po," daldal ni baby Hollis. "Mas masarap pa ang luto ni Nanay ng epagiti kaysa po ito," turo ni baby Molly sa spaghetti na kinakain niya."Shh..." pigil kong suway agad sa anak ko. "Totoo po, pero masarap rin nama
Chapter 78 Margarita "Mado labing labing, you," kanta ng anak kong lalaki. Sumigla sila lalo at naging hyper dahil sa sobrang saya. First time kasi nilang makakain sa loob ng MacDo. "Mali Kuya, Mado labing ko to," sabay pakita sa dalawang daliri niya.Nagbangayan pa talaga silang dalawa kung sino sa kanila ang tama. Mahina namang natawa ang lalaking ito.Wala na akong nagawa. Wala akong laban sa mga batang ito at sa lalaking kinaiinisan ko! Sa lalaking ito yata nagmana sa katigasan ng ulo ang mga anak ko.Nakikinig naman ang mga anak ko, pero kapag may gustong gawin, sabihin, at maglaro sa mga bawal, ginagawa talaga nila. Nakasimangot akong sumunod sa kanila dahil pati ang anak kong si baby Molly ay humawak na rin sa kamay ng lalaking ito. Sa isip ko, sinusuntok ko ang mukha ng lalaking ito. Galit na galit ang isip ko sa pagsuntok at sabunot sa lalaki. Masamang tingin pa akong nakatingin sa likuran nito. Bigla itong tumingin sa likuran, sakto namang inambaan ko siya ng su
Chapter 77 Margarita"Ang danda po ng kochi niyo po. Salamat po sa pasakay sa amin," salita ni baby Hollis nang umandar na ang sasakyan. "You're welcome, little boy. Are you happy?" masuyong tanong ni sir Harrison sa anak ko."Opo, happy happy po," masayang sagot niya sabay hagikhik nito. Napapagaan ng anak ng mga anak ko ang loob ko sa simpleng kasiyahan nilang ito. "Huwag kang mabait sa mga bata," mahina kong sabi kay sir Harrison. "Why not?" sabay lingon sa akin."Don't 'why not,' why not me!" sikmat ko. Mahina naman itong tumawa. "Nanay, aaway mo po siya?" singit na naman ni baby Hollis. "Oo... este hindi, baby ko. Sinabi ko lang na mag-drive siya, bawal magsalita," umirap pa ako nang lihim. "Okay lang naman, Nanay, na masalita po siya. Kamay naman po ang gamit sa pagdyab, hindi po labi," napa-facepalm ako sa sagot ng anak ko. Wala na yata akong kakampi dito sa loob ng sasakyan. "Pati ikaw, baby Hollis, bawal ka rin magsalita," seryoso kong sabi. "Papanis po laway natin