Share

Chapter 94

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-05-14 23:54:00

Chapter 94

Margarita

"Ate!" malakas na tawag sa akin ng bunso kong kapatid na si Marge.

Tumakbo na ito palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Umiiyak na ito kaya niyakap ko na rin ng mahigpit. Naging emosyonal na kaming dalawa.

Ang dalawa ko pang kapatid ay yumakap na rin sa akin ng mahigpit. Nag-iyakan na kaming apat habang magkayakap.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin, Ate?" iyak na tanong ng sunod sa akin.

Hindi ako nagsalita. Ramdam ko ang bigat ng saloobin nila. Kakaiba ang iyak nila na parang pasan nila ang mundo. Baka puro chismis na naman ang abot nila sa mga tao sa barangay namin dahil sa nangyari kay Tatay.

"Si... Si Nanay nasa hospital, Ate. Isang linggo na siya roon. Hindi niya kinaya ang mga naririnig niyang chismis mula sa pamilya natin. Kahit hindi naman totoo, naaapektuhan pa rin kami," sumbong pa ng isa.

Nanlumo at nahabag ako sa binalita ng kapatid ko. Kumusta na kaya ang buhay nila noong wala akong komunikasyon sa kanila?

Nag-aaral pa ba sila?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Salot nmn pla talga itong magama ni joyce,naturingang kamaganak pero sila pa ang naninira hay nlng talga🩷🩷🩷🩷
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
pinsan m pla ung sangkut.. talaga Galit c Joyce sau . inggit lng sau..
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update bukas ulit.....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 159

    Chapter 159 Margarita Bumisita ang mga kaibigan ni Harrison dito sa hospital at nagpahayag ng suporta kay Harrison. Tutulong raw sila para mahanap na agad si Mateo. Kahit ang mga ito ay hindi makapaniwala na magagawa ni Mateo na saktan ang inosenteng bata. "Takot na takot 'yung asawa ko nang mapanood nito ang ginawa ni Mateo sa bata. Close rin kasi si Mateo sa mga anak namin. Tapos pinagbantaan ako ng asawa ko na hihiwalayan niya ako kapag patuloy pa rin akong makipagkaibigan kay Mateo," napakamot pa na saad ni Stephen. Mahina silang natawa sa kwento ni Stephen. "No wonder kapag magkasama kami, sometimes nababanggit niya ang pangalan ni Marga. Tapos ang bitter niya dahil biglang umalis si Marga sa restaurant niya dahil kay Harrison. Ang dami niyang hanas sa buhay," kwento naman ni Oliver. "Parang alam na namin ang dahilan ng pag-iiba ng ugali niya. At parang na-trigger ang ego niya." Hindi ko naman binigyan ng pahiwatig ang kabaitan ni Mateo sa akin noon. Nababaitan la

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 158

    Chapter 157 Margarita Pero ang ama ni Harrison nagtungo sa kama ni baby Molly. Sumunod roon si Hershey. "Baby Molly, nandito lang si Tita, hindi kita iiwan. Hindi ko kayo iiwan ni baby Hollis. I'm happy when I'm with you, kaya sana gumising ka na ha." Emosyonal na nagsasalita si Hershey habang nakahaplos ito sa kamay ni baby Molly. Pinabantayan ko kay Lala si baby Hollis dahil tumatawag ang pamilya ko. Lumabas na muna ako sa kwarto para hindi sila maingayan dito loob. Napatingin ako sa ina ni Harrison, inirapan lang ako ng ginang pero ngumiti naman ako sa kanya. Sabi nga nila, kung binato ka ng bato, batuhin mo siya ng tinapay. Pero walang ganoon, sayang ang tinapay na ibabato, kakainin ko na lang. Nailing ako sa naisip. Naalala ko pa lagi ang sinasabi ng Lola ko noon. "Kapag ginawan ka ng masama ng isang tao, wag kang gaganti. Kabutihan ang iganti dahil pinagpapala ang may mabuting kalooban." Pero ako, na bata, hindi ako sumasang-ayon sa sinabi ng Lola ko. Kaya ang na

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 157

    Chapter 157 PAK! Malakas na sampal ang natamo ng ina ni Harrison dahil sa pabalang nitong pagsagot kay Lolo. "Noon pa man, sakit ka na ng ulo ng pamilya mo! Alalahanin mong ikaw ang dahilan kung bakit sila maagang namatay! Huwag na huwag mo akong pakikitaan ng kabastusan mo dahil kahit matanda na ako, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo!" napisi na ang pagtitimpi ni Lolo. Gulat na gulat rin ang ina ni Harrison sa ginawa ni Lolo sa kanya. "Huwag na huwag mong idadamay ang namayapa kong mga magulang!" inis na may galit sa tono ng ginang. "Ngayon nasasaktan ka? Ganito rin ang gagawin ng magulang mo sa'yo kapag pabalang kang sumagot," ganting sagot ni Lolo. "I accept it because they are my parents and you are just my father-in-law. We are not related. You have no right to hurt me..." sampal ulit ang natanggap ng ina ni Harrison. Tinakpan ko agad ang mata ng anak ko. Ayokong makakita siya ng ganitong eksena. "Mom! Stop being rude to everyone!" suway ni Harrison. "I

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 156

    Chapter 156 Margarita Sa isang private room naka-confine ang mag-ama ko. Nagpaiwan na muna ako dito para may magbantay sa kanila. Mabuti na lang marunong makinig ang anak kong lalaki. Napapayag namin siyang sumama sa Lolo at Lola niya. Kauuwi pa lang nila kanina sa mansion nang tumatawag na siya. Ang cute na bata eh. Sobrang iyak rin niya kaninang makita ang kalagayan ng kakambal niya. Nahabag kami sa eksenang iyon. Pati kami ni Harisson ay hindi mapigilang hindi mapaluha sa nasaksihan. Mahal na mahal ni baby Hollis ang kapatid. Kahit nagsusuplada ang kapatid ay mahaba pa rin ang pasensya. "Bangon ka na para makakain ka na at makainom ng gamot mo," sabi ko kay Harisson. Tinulungan ko na itong bumangon bago hinila ang table bed para makakain na ito. Napansin kong nakatitig siya sa akin. Kaya tipid akong ngumiti sa kanya. "Mapapatawad mo ba ako kapag hindi ko naagapan si baby Molly? Paano kung namatay siya..." tinakpan ko ang labi nito. "Okay na ang lahat, waiting na

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 155

    Chapter 155 Margarita Nagpumilit na sumama si Harisson sa ICU para bisitahin ang isa naming anak. Kaya nagpakuha ng isang wheelchair si Lolo para sa kanya. Sa kandungan ng ama naman sumakay si baby Hollis. Magkayakap ang mga ito habang itinutulak ko ang wheelchair na sinasakyan nila. Pagkarating namin, may biglang tumunog sa ICU kung saan nakaratay ang anak ko. Nagulantang kami lahat."May masama bang nangyari kay baby Molly? Anong nangyayari?" malakas kong tanong.Iniwan ko ang hawak kong wheelchair at patakbong sumunod sa huling staff na papasok sa ICU. "Anak ko ang nasa loob. Gusto ko siyang makasama," malakas kong sambit. "Hindi po pwede, misis!" "Papasok ako sa ayaw at sa gusto mo! Kailangan ako ng anak ko. Kailangan niya ako. Kaya hindi pwedeng hindi ako papasok. Anak ko siya!" mariin kong sagot at hindi ako nagpaawat! Pumasok pa rin ako at hindi na niya ako napigilan pa. Wala na silang nagawa nang nasa loob na ako. Tinakpan ang salaming bintana para hindi makita sa la

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 154

    Chapter 154 Margarita Bitbit ni Manong ang dala naming pagkain at bag. Naisipan kong manatili dito sa tabi ng anak ko. Sobrang bigat ang dibdib ko sa nangyari sa anak ko. Masakit na masakit na pati ito ay dinamay ng walang pusong lalaki. Akala ko pa naman mabait ito. Karga-karga pa niya noon si baby Molly at nakikipagkulitan, tapos sasaktan niya. Tangina niya! Sana sumuko na siya! Wala naman kaming naging kasalanan sa kanya para saktan niya kami, lalo na ang anak ko! Nagtanong kami sa counter kung saang room naka-confine ang anak ko at si Harisson. Tinanong na rin namin si Hershey kung nandito pa sa hospital. Dahil naka-confine rin ito. "Good morning, mga madam and sir. Nasa ICU pa po ang bata. Si sir Harisson po naka-confine sa private room," sabay sabi sa number ng private room. Bago kami pumasok dito sa hospital, pinagmask ko na muna ang anak ko para sa safety niya, katulad ng ginawa ni Harrison noong dumalaw sila sa akin. "Ako na lang sana ulit ang nakaratay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status