Share

CAPITULO TREINTA Y UNO

Tumigil ang kalesa sa harapan ng tarangkahan ng hacienda. Unang lumabas ang heneral at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba. Kumunot ang aking noo at nilagpasan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na natatabunan ng pagpalatak ng sapatos ng kabayo paalis. Naglakad ako ng diretso hanggang sa nakasaradong tarangkahan, ngunit napansin kong nakakandado ito mula sa loob.

Nakatalikod ako sa heneral nang nagsalita siya.

"Ikaw na nga itong aking iniligtas sa kapahamakan, ikaw pa ang may ganang magsungit," anito, "desagradecida!" dagdag niyang pabulong na sigaw.

"Narinig ko iyon! Ngunit hindi ko naman hiningi ang iyong tulong, ikaw ang kusang tumulong sa akin heneral. Marahil alam mo na nga noon pa ang tungkol sa aking pagpapanggap, ang alam ko'y iyong ama ang nag-utos na dakpin ako,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status