Lola, ano ‘to?” Tanong ni Samantha nang iaabot sa kanya nang lola Leanne niya ang isang puting sobre. Nasa reception sila noon nang kasal nila ni Drake. Maging si Drake ay napatingin din sa iniabot nang matandang babae sa dalaga.
“Regalo ko. Kahit naman ayoko talaga sa ideya nang kasal na ito. Hindi naman pwedeng wala akong ibigay sa iyo at sa asawa mo. I never expect na ang bunso nang angkan ang unang ikakasal. Wala naman akong magagawa.” Wika nito saka napatingin kay Leandro na hindi naman kumibo.
“Thank you. Pero hindi na po sana kayo nag-abala.” Magalang na wika nang dalga saka tinanggap ang iniabot na sobre. Nabigla pa ang dalaga nang makita ang laman nang sobre saka napatingin sa lola niya na nakangiti sa kanya. Simple namang kinuha ni Drake ang sobre sa kamay nang dalaga.
“Alam kong gusto mong---”
“This is not necessary.” Biglang wika ni Drake. Napatingin naman si Samantha at Leanne sa binata. “May pasok kami sa university. I think this kind of stuff can wait.” Anang binata.
“Ano ka ba. Regalo sa atin yan ni Lola sayang naman. Isa pa, gusto ko rin namang mag punta--”
“Kung marami kang oras sa mundo you can go alone.” Anang binata at tumingin sa kanya. simple namang napakagat nang labi si Samantha.
“The date of the travel is open, you can go there anytime you want. I don’t have ill intention.” Wila n ainis na wika nang matanda.
“Thanks lola. I like the gift, really.” Wika nang dalaga at ngumiti nang matamis dito. Minsan lang siya bigyan nang regalo nang lola niya at hindi naman niya gustong sumama ang loob nito dahil sa sinabi ni Drake. Hindi rin naman niya mapipilit si Drake na maging masaya lalo na at napilitan lang ito sa kasal nila.
*****
Anong ginawa mo?” Tanong ni Drake sa dalaga nang mag bato ito nang barya sa fountain. Kasalukuyan silang nasa Harap nang Trevi fountain sa Italy. Ito ang regalo sa kanila nang lola Leanne niya. Hindi niya alam kung saan nalaman nang lola Leanne niya na gusto niyang pumunta sa Italy. Pero masaya siya sa regalong iyon. Hindi rin naman kasi siya nakakaalis nang bansa kung hindi kasama ang lolo niya. Lahat ibinibigay sa kanya nang lolo niya at kapag sinabi niyang gusto niyang pumunta sa ibang bansa tiyak na ititigil nito lahat nang trabaho para sa kanya. Alam niyang masyado nang busy ang lolo niya at tumatanda na rin ito hindi naman habang buhay magkasama sila. Kaya naman hindi na siya masyadong humihiling dito na gusto niyang bumisita sa ibang bansa. At tiyak din naman niyang hindi ito papayag na umalis siyang mag-isa. Mabuti nalang kasama niya ngayon si Drake.
Sa five days trip na iyon. Nabisita na nila ang ilan sa mga tourist destination sa Italy. Pero parang siya lang ang nag-eenjoy sa nangyayari. Habang si Drake naman ay tila sumasabay lang sa kanya at walang emosyon ang mukha. Hindi naman niya ito masisisi. Napilitan lang naman itong sumama sa kanya at para na din ata hindi sumama ang loob nang lola Leanne niya matapos ang tahasang pagtanggi nito noon sa reception.
“It’s a myth. If you throw one coin, you wish of returning.” Wika nang dalaga saka napalingon sa tubig kung saan niya ibinato ang barya niya.
“Bakit? Gusto mong bumalik dito?” Wala sa loob na tanong nang binata.
“Yes.” Masiglang wika nang dalaga saka humarap sa binata. Bigla namang natigilan si Drake. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinag nang araw pero sa nakikita niya parang ang ganda nang ngiti nang dalaga she is shining iyon ang nasa isip niya. And that smile.
“Lahat nang bansang napuntahan ko. Gusto kong silang bisitahin uli. If given a chance. Especially, this place. Dahil kasama kita.” Anang dalaga na lalong lumawak ang ngiti sa labi. Habang nakatingin ang binata sa dalaga. Bigla pumasok sa isip niya ang sinabi nito noon. “I will make you fall inlove with me.” Bumalik sa memorya niya ang mga binitiwang salita nang dalaga. Bakit naman nito gugustuhing mainlove siya dito? Ano ang motibo nang dalaga? Is this not a marriage for convenience? Hindi niya maintindihan ang dalagang ito.
“Ano ka kindergarten? Naniniwala ka diyan?” wika nang binata saka tumalikod.
“Kahit isang porsyento lang ang pag-asang makakabalik ako dito panghahawakan ko yun.” Wika nang dalaga saka lumingon sa fountain. “Isa pa, Gusto kong bumalik dito nang kasama ka.” Mahinang wika nnag dalaga. Pero alam niya sa puso niya Malabo ang hinihiling niya. Bukod sa Isang taon lang ang kontrata nila. Hindi rin naman siya magugustuhan nang binata dahil sa laki nang galit nito sa pamilya niya.
“Ano ba. Tatayo ka nalang ba diyan. Iiwan na kita.” Wika ni Drake na huminto sa paglakad saka napatingin sa dalaga.
“Andiyan na.” wika nang nang dalaga saka lumingon sa binata. Nang muling lumingon sa kanya ang dalaga bigla ulit siyang natigilan.
“May problema ba ang mga mata ko?” anang binata nang muli tila Nakita niyang maliwang ang ngiti nang dalaga and it seems like his heartbeat skip a bit. Dapat siyang Magalit sa dalaga pero kapag nakikita niya ang ngiting iyon parang gustong humina nang lahat nang defenses niya at ang galit niya tila himalang humuhupa. He just can’t stay angry with her. Not with that smile.
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib