LOGINSi Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
View MoreMabilis ang mga pangyayari parang nagmamadali si Greyson. Hindi pa ako pumapayag kitain ang pamilya niya, sinabi ko sa kanya na hindi pa ako mentally ready lalo pa at nasa force-marriage ang dating namin ngayong dalawa. Itinuring naman niya ako ng tama, babae, at may respeto naman siya kompara sa iniiisip ko sa kanya. Though, hindi naman ganoon kabilis makikilala ang isang tao. Maaaring ganito lamang siya dahil hindi pa kami kasal, hindi pa niya nakukuha ang kanyang gusto, at kung ano man ang tunay niyang anyo ay bahala na. Wala na akong pakialam kung lumabas siyang demonyo pagtapos ng kasal. Kung maging mapanakit siyang lalaki sa ‘kin, wala na rin akong pakialam. Bagsak na bagsak na ang pakiramdam ko at wala na akong makakapitan. Gusto ko na lang mabuhay ang batang ito at maging masaya ang magulang ko. Hindi na bale kung anong danasin ko, sumuko na rin naman ako. Katulad nang sinabi ko sa kanya ay gusto kong maging pri
Weird. That’s all I can say kapag naaalala ko kung paanong wala halos naging tanong sa ‘kin ang magulang ni Kristine at nakinig lang sila sa ‘kin na para bang lahat nang sasabihin ko ay ayos lamang sa kanila. Weird, but a good kind of weird dahil nga pumayag naman sila na pakasalan ko ang anak nila.“Sir, bumalik na si Ms. Del Castillo,” sabi ni Mr. Cruz.Napasandal ako sa swivel chair.“What do you think? Nagkaroon kaya nang magandang outcome ang pagpunta ko sa kanila?”“Hindi ako sigurado, sir, pero gusto ka niyang makausap mamayang lunch break.”Nangiti ako.“Okay, cancel my lunch appointment.” Ito ang importante sa ‘kin ngayon dahil ang career ko ay matatapos depende sa sagot ni Kristine.“Saan kita i-reserve for lunch, sir?”“The usual.”“Sir, kaninang umaga bago ka makarating hinahanap ka ng Directress at gusto niy
Kung gaano kahirap ang bumangon sa araw-araw iba ang araw ng linggo na sumunod. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pag-asa lalo at sinabi ni nanay na gusto akong makausap ni tatay at sa tingin niya ay hindi para magalit o saktan ako. Napatawad na kaya niya ako? Makakasama ko na kaya uli si nanay? Pero paano ito? May dinadala na ‘kong bata baka kahit patawarin ako ni tatay ngayon ay baka magalit pa rin siya sa ‘kin kapag nalaman niyang nabuo ang kahihiyan na nagawa kong iakyat sa pamilya namin. Pero bahala na, miss na miss ko na talaga ang mga magulang ko. Umuwi ako sa maynila para bumalik sa amin. Kumakabog pa ang dibdib ko habang bumababa sa tricycle na nasakyan ko. May mga taong napatitingin sa akin at tinatawag ako, kiming ngiti lamang ang tugon ko sa kanila. Palabas si nanay noon at nagulat siya nang makita ako sa gate. “Tine!” “Nanay!” Naiyak kaagad ako. Pagbukas niya ng gate ay kaagad ko siyang niyakap. Mainit ang naging pagyakap namin, t
“Kumain ka muna kaysa titigan mo ako na parang gusto mo akong patayin.”Naglalaro ang ngiti sa labi ng demonyong lalaking kausap ko. Gusto kong sampalin siya nang kaliwa’t kanan kung puwede ay mag-anak na sampal pa. Chill na chill siya na parang wala lang sa kanya ang lahat, iyon bang nakikipaglaro lang ako sa kanya at wala itong malaking epekto pareho sa aming dalawa.“Sir, sumama ako sa iyo dahil gusto kong umalis na sa company. Hindi ko gustong maging malapit sa iyo dahil mas lumalala lang ang mental health issue ko. I hope na mapagbigyan mo ako.” Kinuha ko sa bag ang resignation ko at inilapag ko sa mesa bago marahang iniusog sa kanya.Tiningnan niya lang iyon pero hindi pinansin.“Sir, kung iniisip mo na gagamitin ko sa iyo ang bata o hihingi ako sa iyo para sa kanya, huwag kang mag-alala hindi ko iyon gagawin. Ipinapangako ko rin na iiwasan ko nang husto na makatagpo ka pa ulit.” Sinusubukan kong kumalma. Un






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews