Share

Chapter 1: The City of Traia

Aragorn:

As the hot scorching desert heat carress my skin. Thin strands of my long brown hair slightly falls off my shoulders as the hot breeze of desert air pass through me and my mount.

Patungo kami sa isang kaharian sa Azsare, nakasakay sa aming mga usa at ngayon ay narating na namin ang hangganan nito.

I was accompanied by my two trusted partners, Iston and Garfiel. Kasama rin sila sa nakaraang laban ko sa mga taga desyerto kaya naman alam na rin nila kung paano mag-isip ang mga ito. It was quite a fierce battle and maybe I will have to fight them again, as I was ordered to do so.

By the command of Emperor Gaz, ruler the Nazerunian Empire and seconded by the King of the Desert Elves, my father, Arathorn. I was forced to come here to help assist a certain town from the desert bandits.

"Back again, aren't we? How nostalgic." said the man to my right wearing our native brown elven tunic with his long hair braided one of the sides.

I smirked at his statement for all I know he will be enjoying himself once we get there. "Huwag mo nga kaming pinaglololoko, Garfiel. You are just here for blue eyed blonde Azsarian girls."

Pinapatawag na naman ako ng kanilang pinuno dahil siguro sa isa na namang usapan tungkol sa pananakop nang mga tribo sa kanila. I fought with those tribes earlier in my previous battle at masasabi kong magagaling sila. They have the will to fight and a poweful determination to overthrow the throne.

"I wonder why would they rebel against the Traians. They look like reasonable people." Iston, with his hair adorned with a laurel leaf, paced with me and asked with a questioned look. It was more of a statement rather than a rhetorical question.

"Of course, they would rebel. Desidido sila sa kanilang pananaw na hindi pantay ang trato ng kanilang pinuno kaya naman sila na ang gumagawa nang paraan para sa ikabubuti nila. At dahil na rin sa rason na iyon, mas mahirap silang kalabanin. They are likely eager to kill their own nation than to be deprived and oppressed by a leader that they see not fit for the title." mahabang paliwanag ni Garfiel habang sumasabay sa pagtakbo nang aming mga usa.

I looked ahead and just shook off the thought. Masasabi kong tama naman ang pinapaglaban nila, may mali lang nga sa proseso ng kanilang ginagawa. They should've at least done this in a more legal and less bloody way. Yung walang buhay na makikitil, walang dugong dadanak at walang taong maaapektuhan. Napabuntong hininga ako, "Azsarians are really fearsome sometimes.Their drive is what makes them fearless of whats to come, hindi sila takot sa kung ano man."

Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Katulad ko ay alam din nila kung anong klaseng mga tao ang Azsarians. Matatalino sila at pinaninindigan kung ano ang pinaniniwalaan. Maybe that's why the Azsi desert tribes are willing to overthrow their current ruler.

The total wasteland earlier was replaced by houses and busy village people. Trees also began to pose in great numbers, indicating that we are indeed in Azsare. It was a village to be precise, base sa dami ng bahay dito. Ngunit tila kakaiba sa pakiramdam ang paninitig ng mga tao rito. Napadaan lamang kami at hindi pa man nakaka-alis ay tinapunan na kami ng mga masasamang tingin.

I guess they are part of the rebelling tribes. Base na rin sa mga asul na kasuotan nila.

Their assessing and scrutinizing gaze almost send chills to my spine. It almost feels that we foreigners are not welcome here in their land. Hindi ba nila alam na kaya kami andito ay para tulungan sila sa kanilang problema?

I dare not to make eye contact with them. I don't want to feel pity towards people, especially troubled ones. I just quietly trodded away from the little village and focused on my goal.

Prente lamang kaming nakasakay sa aming mga alaga at hinahayaan ang aming mahabang buhok na tangayin ng masarap na simoy ng hangin. Ang sarap ng hanging humahampas sa aking mukha, nilanghap ko pa ito. Hindi namin alintana ang init na dulot ng araw dahil sanay na kami roon. Dahil purong desyerto ang kabuoan ng Nazeru, sanay na ang aming katawan sa masangsang na pakiramdam na dulot ng mainit at tirik na araw sa aming itaas. At saka narating na namin ang gubat ng Azsare kaya naman medyo natatakpan kami ng lilim na dala ng mga matatayog na puno. Ang kaninang masangsang na simoy ng hangin sa disyerto ay napalitan ng isang malamig na pagdampi nang malamyos na hangin sa aming mga balat dulot ng mga nakapalibot na puno sa amin.

Ngunit agad kaming tatlong naalerto nang makarinig nang isang impit na sigaw di kalayuan sa pwesto namin. Kaagad kaming nagtungo sa direksyon ng ingay. Tinalon ng aming mga usa ang mga matataas na halaman na nakaharang sa aming pupuntahan. Napatingin ako sa aking dalawang kasama sa likuran, hindi nila alam kung ano ang madadatnan namin pati ako ay tila kinakabahan din. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon, dahil ang pagliligtas sa mga taong ito ang mas mahalaga.

Sa di kalayuan ay agad ko nang naaninag ang isang clearing. Naroon ang dalawang lalaki at tatlong babaeng nakaupo na lang sa damuhan. At base na rin sa suot ng mga lalaki, isa sila sa mga tribo ng desyerto, likely the village we have seen earlier. Mukhang napagdiskitahan nila ang tatlong walang laban na babae. Base sa kilos nila, nanghihingi sila nang pera sa mga babae ngunit panay lamang ang iling ng tatlo, indikasyon na wala silang maibibigay.

No, hindi nanghihingi, namppuwersa sila na magbigay ang tatlo ng pera dahil halata naman sa kasuotan ng tatlo na galing ang mga ito sa bayan o siguro sa kapital.

"Garfiel," utos ko at hindi na umabala pang tumingin sa kanya. Alam na niya ang kanyang gagawin.

Sa isang iglap, ang tunog ng isang palaso na matinis na humahawi sa hangin ang dumaan sa aking kanang tenga. Tumama ito sa may balikat nang isang lalaki at nabaon ito sa katawan ng isang puno. Sa layo ng distansya namin sa kanila tiyak akong malalim ang pagkakabaon nito sa puno. Kaagad naman lumapit dito ang kasama nito. They both looked at the direction of where the arrow was shot, looking for the person responsible for it.

Akmang tutulungan na nang isa niyang kasama ang lalaking nakadikit sa puno ng nagpatama na naman si Garfiel ng ilan pang mga palaso gamit ang kanyang pana. Rain of arrows again pierced the surrounding. Ang paghawi nang mga ito sa hangin ay tila musika sa aking tenga. Ngayon, dalawa na silang napako sa katawan ng dalawang malalaking puno, nagpupumiglas para makawala.

Kaagad naman kaming lumapit sa mga babae upang tulungan sila.

"S-salamat.." nahihiyang sambit ng mga ito. Hindi na bago sa amin iyon dahil sanay kaming tumulong sa mga gaya nilang nangangailangan.

"Walang anuman mga binibini." sabi pa nang dalawa habang ako naman ay tinanguan lamang sila. Bumaba na lamang ako sa alaga kong si Florel at aalalayan na makaakyat sa aking alaga ang isa sa mga babae.

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay pero napaatras siya. Bakas sa mukha ang pagkagulat, nanginginig din ito sa takot. Bakit?

I was confused by her sudden demeanor but was answered by a hand that touched my shoulder. Pilit pa ako nitong ipinaharap sa kanya.

"Sino ba kayo?! Ha?!" singhal nito sa harapan ko. Marahil ay nakawala na ang isa sa kanila sa pagkakapako sa puno.

Ngumisi ako sa kanyang salita. Hindi ba niya ako kilala?

Sabagay, ang mga tulisan na kagaya niya ay malayong makilala ang isang katulad kong dugong bughaw. Even so, I still want to play with them a little longer.

Kung kaguluhan lang naman ang madadatnan ko sa bayan ng Azsare, might as well entertain myself instead of involving myself with their problem. Mamaya ko na pproblemahin kapag nasa harap ko na ang mismong problema.

Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko na siya naman niyang ikinagulat. Nanatili pa rin akong nakangisi tila naaaliw sa kapangahasan niya. Kung tanging kilala lamang niya kung sino ako, tiyak hindi niya pipiliing akong kalabanin.

His change of expression told me that he is furious. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtabig ko sa kanyang kamay. Tinaasan ko na lamang siya nang kilay, mas gusto ko pa siyang lalong asarin. The angry look on his face was enough to make me entertained.

Ang pagmamaliit nila sa akin ay kaya kong tanggapin, hanggat alam ko kung ano talaga ang totoo. Na mas mataas ako sa kanila. Pero hindi lang sila ang puwedeng mangmaliit, I must return the gesture. Hindi lang sila ang pwede dapat ako din.

Ang marahas niyang pagsugod ay mabilis kong nailagan. His speed are no match against mine. Namangha pa ako dahil may hinugot siyang isang patalim mula sa maliit na lalagyan niya sa bewang.

Napangisi na lang ako dahil sa kahangalan niya at sa pagmamaliit sa kakayanan ko. Sa isang kisap mata ay inilihis ko ang aking espada sa loob ng kaluban nito. Its metal surface gleamed with the touch of light from the sun above, dazzling like diamonds refracting light. Rinig ko pa ang nililikha nitong tunog habang inaalis sa lalagyan nito, na parang tila matagal itong naghihintay para lamang makalasap ng dugo. At sa sandaling makalapit na siya sa akin ay kasabay din ang pagtapat ko sa kanya ng aking espada, dahilan para matigilan siya sa kanyang pwesto para maiwasan ang naudlot niyang kamatayan.

Sayang, isang maling hakbang niya lamang ay natarak na sana ang aking sandata sa kaniyang mukha. Hindi pa siya tuluyang namatay. Hindi dapat siya nakikipag laro sa isang kagaya ko.

Mukhang hindi sapat ang kaalaman niya na isa akong elf, isang nilalang na di hamak na mas mataas sa kaniyang isang hamak na tao lamang. Ang laro na dapat ay libangan ko lang ay naging isang laro na nang kamatayan para sa kanya. Iba ang gusto kong laro pero mukhang ayos din naman ang suhestiyon niya. Pagbibigyan ko siya at papaunlakan ang larong gusto niyang laruin.

Nakatayo lamang siya sa harapan ko, hinihintay ang aking sunod na atake. Kaya naman itinaas ko na ang aking espada at akmang ihahampas na sa kanya. Pero agad kong naramdaman ang isang presensiya sa may aking kaliwa.

Napaatras na lamang ako dahil sa isang pagbulusok ng hangin mula sa aking kaliwang direksyon. Ramdam ko ang pagbuo nang isang maliit na hiwa sa aking kaliwang pisngi, kasabay ang bahagyang pag agos ng kaunting dugo mula rito.

Bahagya pa akong namangha sa ipinamalas nitong bilis. Ngunit mas mabagal pa siya sa akin.

Dahil masyado akong natutuwa sa kahangalan ng unang nakalaban ko, tila nawala na sa isip ko ang isa pang kasamahan nito. Isang maling desisyon at hakbang ko lang ay maaaring ikaresulta nang kamatayan ko. At nakakahiya naman kung mamatay ako ngayon.

Hindi na rin ako natutuwa sa ginagawa nila. Ang makinis kong kutis ay tila nadungisan ng sarili kong dugo, at sila ang may sala. Sa pagkakataong ito, hindi ko na sila pag bibigyan pa.

Ang pagmamaliit nila sa akin ay isang kalapastanganan. Marami na silang nilabag sa aking moral ngunit ang pag hamak sa aking balat ay isang sa mga kasalanang hindi ko mapapatawad. Tatapusin ko na ang larong ito. I'm done playing with them.

"Tapusin mo na kasi sila, Nikerym. (Captain)" Iston spoke with impatience. Ayaw niya na pinaghihintay siya, lalo na at alam niyang ako ang nakikipaglaban. Kung gusto kong patagalin pa ang paglalaro, ay gagawin ko.

Pero hindi ko tatanggapin ang alok nila. I can handle this situation freely. They underestimated me, therefore they shall pay the price. I should kill them.

Sa distansya namin sa isa't isa, nagpalitan kami ng mga tingin. Mga banta na handa na naming patayin ang isa't isa. Inihanda nila ang sarili nila sa pag atake at ganun din ako.

Mali sila ng nakalaban. Mali ang pinili nilang laban at mas lalong mali ang pag-hamon sa taong kaharap nila ngayon.

They don't know who I am, that's a fact. I'm Aragorn, prince of the desert elves and the known conqueror of the Nazerunian desert and I never fight an enemy if I know I'm going to lose. Hinding-hindi ako pipili nang laban na sa una pa lamang ay alam kong matatalo ako.

At sa una pa lang, alam kong ako ang mananalo.

Marahas silang sumugod habang ako ay nanatili lamang na nakatayo, hinihintay lamang ang tamang pagkakataon. At habang papaliit ng papaliit ang distansya namin sa isa't isa, saka ko na hinanda ang sarili.

Ang mga mata nilang may bahid ng kasakiman ay lumapat sa aking matang mapanghusga. Gamit ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng aking mga ninuno ay agad na akong bumigkas, "Tigil!"

At mula sa kanilang kinatatayuan ay kaagad silang tumigil na parang maamong mga aso na sumunod sa utos ng kanilang amo. Ang kanilang motibasyon para paslangin ako ay napalitan ng sapilitang pagsunod sa utos ko.

"Ngayon, lumuhod kayo sa aking harapan." utos ko pa, na malugod naman nilang ginawa.

Itinaas ko na ang aking espada gamit ang kanang kamay at ipinwesto sa kaliwa. Handa na akong kitilin ang kanilang walang kwentang mga buhay.

Pero agad kong naisip ang reaksyon ng babae kanina. Naalala ko sa mga mata nito ang takot. Ramdam ko ang matinding takot nito sa kamatayan. Siguro kapag nakita nilang papatayin ko ang dalawang ito, maaaring matakot sila sa akin.

Hindi, hindi sa akin kundi sa buong lahi namin. Sa aming mga elf.

Iisipin nila na ang isang elf na kagaya ko ay may kakayahan rin palang pumaslang nang mga walang laban na tao. Tatakbo sila palayo sa amin at ikakalat ang balita na makasisira sa relasyon namin sa mga tao.

Maipapalabas na; Ang isang walang awang elf ay nakitang walang habas na kinitil ang buhay ng dalawang walang kalaban-laban na tao.

Oo, may tyansa na maaaring iba ang maging reaksyon nila at kampihan kami dahil sa pagliligtas ng kanilang nga buhay, pero paano kung hindi?

Isang malaking kasiraan iyon sa aming mga elfo. Isang maling kasiraan yon sa relasyon namin sa mga tao. I can't risk my own kin's reputation by just making a single mistake.

Masasayang lamang ang pinaghirapan nang aking ama, ng aming lahi. Kaya't hindi ako puwedeng magkamali sa mga desisyon. Ang buong lahi namin ang nakasalalay dito.

Kaya naman, ibinaba ko ang aking espada at nagpakawala nang isang buntong hininga. Mukhang walang dadanak na dugo ngayon. Umaasa na lang ako na sana, tama itong ginawa kong desisyon.

Ang dalawang taong nakanilay sa aking harapan ay pilit inaangat ang tingin sa akin. Nagiintay na mahatulan nang kamatayan. Pagbibigyan ko sana sila sa kanilang nais ngunit dahil sa tatlong babaeng kasama namin, hindi ko ito magagawa. Makakasama lamang ito sa reputasyon namin.

Nakakababa man ng aking dignidad ay kinakailangan ko itong gawin. I need to lower my pride just for the sake of our race.

Muli, itinapat ko ang dulo nang aking espada sa kanila at pinanlisikan sila ng tingin. Isang tingin na sumisigaw ng otoridad na hinding-hindi nila pwedeng suwayin.

"Makinig kayong mabuti." pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa.

"Iparating ninyo sa inyong pinuno na itigil na ang walang kwentang digmaan. At kung hindi niya mapapagbigyan ang aking alok, kamatayan ang hahatol sa kanya." malamig kong bigkas, dahilan para mangilig sila sa takot.

I can see their heads shaking with fear, bodies trembling with much realization of their impending deaths. Isang pagsuway lamang nila ay kamatayan ang kasagutan. I almost hear their ragged breaths due to the uncontrolable thrill that I imbued.

Tsk, mga tao nga naman, madaling mapaikot lalo na kapag nasa bingit na ng kamatayan.

"Maliwanag?" tanong ko pa sa kanila na hindi na nakatingin sa akin, sa halip ay nakatulala na lamang sa lupa. Tanging pagtango lang ang naging sagot nila dahil sa kawalan ng mga salita.

"Alis!"

At sa pagsabi non ay agad silang kumaripas nang takbo papalayo sa kinaroroonan namin. Hindi sila karapat dapat sa aking presensiya, mga walang binatbat.

Hinarap ko na ang aking mga kasama. Ngunit bumungad na naman ang maamong mukha ng babae kanina.

Ang mabait nitong mukha ay tila mapangahas na iniimpluwensyahan ang aking isip. Nakatingin ito sa akin na para bang sinasabing tama ang aking ginawa.

Kung hindi dahil sa kanya, danak na ngayon ang dugo nang dalawang lapastangan kanina. Hindi dapat ako nagpadala sa aking emosyon ngunit hindi ko maatim ang takot sa kanyang maamong mukha. Dahil na rin ata sa takot na kamuhian ng mga taong katulad niya ang lahi namin.

Pero kahit na, dapat sinunod ko pa rin ang aking sariling pananaw.

Ngunit sa isang matamis na ngiti, at mapagpasalamat na mga mata, ang mas lalo pang ikinagulat ko ang salitang lumabas sa bibig niya.

"Salamat." bigkas nito, suot ang isa sa mga pinakamatamis na ngiti na nadatnan ko sa aking tanang buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status