Share

Chapter 2: Maxima

Parang naginit ang buong mukha ko sa sinabi niya. Kasama pa ang matamis nitong ngiti. Come to think of it, she kinda looks familiar.

Matagal-tagal na rin simula nang makaramdaman ko ang ganitong klase ng pakiramdam.

But I immediately shrugged off the thought.

I can't be feeling these things right now. Not in a middle of a mission, not to mention in a middle of a raging war!

Plus, I have no time for affairs. Marami akong tungkulin sa aking lahi, at iyon ang mauuna. Hindi ang pansarili kong interes at kaligayahan.

Because the last time I chose happiness, it ended up breaking my heart.

Hindi pwedeng wala akong gawin. Ito na lang ang tanging sakripisyo ko sa aking pamilya.

I need to focus on the task at hand! I just need to conjure up a plan to win this civil war of the Azsarians.

Nakakabwisit, ayaw ko mang gawin ito ngunit kailangan. I am not used to doing these big thinking of plans and tactics for war. I'm an elf prince for God's sake!

Hindi dapat ako kasama sa mga giyera. At kung kailangan man, ang inisip ko ay para sa yon sa mahal kong emperyo, sa Nazeru. But here I am, in a war torn nation. Isang nasyon na walang pag-kakaisa dahil may sari-sarili silang mga pananaw.

Malapit na kami sa Traia at kanina pa rin akong hindi nagsasalita, tila natuod na sa kinauupuan. Dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero tila naiilang ako sa lapit namin sa isa't isa.

Mabuti na lamang at ilang minuto pa, bumungad na sa harapan namin ang isang bayan sa pagitan ng isang mataas na bundok at asul na dagat. Ang centro nitong kastilyo na nagmumukang pyramid dahil sa nagtataasan nitong gusali, kung saan ang mga mahaharlika lamang ang nakatira. At ang labas nito na napupuno ng maliliit na bahay at maiingay na tindahan.

The city of Traia.

Ang bayan na dapat naming protektahan laban sa mga tribong sila'y kinakalaban. Kung sakaling matalo sila ng mga taga desyerto ay mapipilitan silang mamuhay sa malawak na karagatan ng Traia o di kaya naman ay sa masukal na gubat sa kabundukan.

Mismong ang dakilang pinuno na ng buong Azsare ang nanghingi nang tulong sa Nazeru upang tulungan lumaban ang mga taga rito. Dahil na rin sa alam ng Hari nang Nazeru na kailangan naming mga elves na mas makilala pa sa mabuting paraan, kami ang una niyang tinawagan para asikasuhin ang problemang ito. Siguro naisip niyang, mas mabuting ipagawa na lamang ito sa amin kaysa siya. Its like hitting two birds in one stone. At sa kasamaang palad, ako pa sa buong lahi namin ang naatasan para sa misyong ito.

Nasa bungad na kami ng Traia nang nagpahinto sila dahil hanggang dito na daw ang kanilang hinto. Isang malaking arko ng bato ang nasa harapan namin, kasama ang isang malaking pader na nagsisilbing panangga ng mga tao sa mga sumasalakay na kalaban.

"Salamat." sabi nang babaeng nakaangkas sa likuran ko nang ibaba ko na siya. Matagal pa siyang tumingin sa akin sabay ngumiti muli. Kailangan pa ba niyang gawin iyon? Pinigilan ko ang sarili ko.

Ganun din ang ginawa ng dalawa pa niyang mga kasama, then followed by a curtsy.

Naglakad na sila papasok sa arko. Ngunit hindi pa man nakakalayo at bago pa mawala sila sa paningin ko, ang babaeng may kulay kayumanggi na buhok ay muling bumaling ng tingin sa akin.

"Paalam, Aragorn.." pinta pa rin ang matamis nitong ngiti.

Ang pinipigil kong emosyon ay naging halata na sa mukha kong namumula. Hindi ko man kita, pero ramdam ko ang grabeng pagiinit nang aking mukha. Bwisit, kailangan pa ba niyang banggitin ang pangalan ko?

Para bang sumabog ang puso ko sa sandaling banggitin niya ang pangalan ko. Ngunit hindi puwede.

Kagaya nang nauna kong sinabi, hindi ako pwedeng makaramdam ng ganitong mga bagay lalo na at nasa kalagitnaan pa ako ng misyon.

Kung sakaling matapos ito kaagad, pagiisipan ko ang bagay na iyon.

"Ayos ka rin Nikerym ah." komento ni Garfiel nang mapabaling ako sa kanya sa minutong makaalis na ang tatlo. Tinaasan ko siya nang kilay dahil don. "Lakas mo maka chansing sa babaeng yon. Ano, sulit ba?"

"Huh?" hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Alin ang sulit?

"Pinaglololoko mo ba ako, Garfiel?" I sneered.

"You were not in your usual self earlier. Mukha kang tuod, you looked like a stick, Nikerym." panggagatong pa ni Iston.

"Tsk, whatever." naiiling na asik ko sa kanila. There they go again with their playful teases regarding girls.

Tuluyan na kaming pumasok sa arko ngunit ngayon ay hawak na namin ang renda nang aming mga usa. Sinabi ko na rin sa dalawa na pwede silang maglibot muna habang ako ay dadalo sa pagpupulong na gagawin sa kataas-taasang bahagi ng kastilyo.

☆☆☆

"Sorry, but I have many things to do regarding my own kingdom." tutol agad ni Amaya, ang emperatris ng karagatan sa suhestiyong kailangan niyang tumulong dito sa Traia. "I suggest that someone should take the responsibility."

Nasa loob na kami ng bulwagan kung saan nagaganap ang nasabing pagpupulong. Every available official and high ranking warrior of Azsare was informed to coming here but only a few came. Tanging ako lamang ata ang walang dugong Azsarian.

The always busy Empress of the Ocean, Amaya is here despite her late arrival earlier. Arfiore, a female general who always went out on missions is also here, maging ang Komandante na si Vianne ay naririto rin. Ang matalik kong kaibigan na si Admiral Yvanne ay nandirito pati na ang isa sa mga tanyag na mandirigma dito sa Azsare na si Ralsei.

Kami lamang ang nagpaunlak sa ipinadalang mensahe ng paghingi ng tulong ng Hari ng Traia. At ang makulong sa iisang silid kasama sila ay nakakapanliit sa akin.

I do not belong here, but since I was ordered, I needed to be here. For the honor of the elven race and for the sake of our empire, Nazeru.

Ang mga taong andito ngayon ay tila may mga importanteng gagawin kaysa sa pagkikipaglaban sa mga rebeldeng taga desyerto. Pero tila wala sa kanila ang malugod na tutulong sa pagpuksa sa mga rebeldeng iyon.

"Sangayon ako. Maging ako ay abala rin sa pagprotekta sa mga bayan at baryo sa timog, wala akong oras para protektahan pa ang siyudad na ito." reklamo pa ni Komandante Vianne. At maging si Arfiore na isa ring babaeng heneral ay ganoon din daw ang ginagawa.

Wala naman talaga akong aasahan pang iba. Sa limang kasama ko sa pagpupulong halos lahat sila ay ayaw makigulo sa gyerang ito.

Tanging si Ralsei ay Yvanne lamang ang nagsabing malugod na tutulong lumaban sa gyera. Ngunit sa mismong laban na raw sila sisipot dahil hindi nila gustong mamuno pa sa ilang mga baguhang hukbo.

"I will gladly help, if war is to happen, King Peruvious." magalang na sagot ni Yvanne sa hari, " But I still have things to do, I cannot train soldiers in mere months. Kung inyong papayagan ay isasabak ko sa laban ang aking lakas sandatahan."

"Magsasanay rin ako ng aking mga estudyante kaya't hindi ako makatutulong sa ngayon, ngunit nais ko rin tumulong kung may mangyari mang digmaan." dagdag pa si Ralsei.

Hindi naman ako makatanggi pa dahil kautusan ito ng aming hari. Dalawang hari ang nagutos sa akin nito at hindi ko sila kayang biguin.

At kahit tungkulin ko pa iyon, para bang wala akong lakas para gawin ang mga bagay na naka-atas sa akin.

"It is settled then! Only Aragorn is to train Traia's men to become full pledged warriors. And the others have their word that they could assist him if war is to happen in my city." pagkaklaro ng Hari sa mga napag-usapan namin.

"Goodluck to you, prince and thank you all for your time. I would gladly repay you all someday in Traia's glory." he ended the meeting.

Tila kulang pa para sa akin ang kanyang mga sinabi at ang gawing motisbasyon na iangat sa lipunan ang aking lahing pinanggalingan.

Matapos ang pagpupulong nasa isa akong kwarto ngayon kung saan kami nina Garfiel mamamalagi nang ilang araw o siguro aabutin nang buwan dahil sa mga baguhan. Tuturuan namin sila kung paano makipaglaban nang tama gamit ang aming mga kaalaman.

Napasalampak ako sa kama at huminga nang napagka lalim. I feel drained even though I didn't do anything recently. I just stared blankly at the ceiling letting my thought flood my mind.

Ngunit mabilis akong napailing dahil sa malalim na pag-iisip. Hindi dapat ako nag-iisip nang mga bagay-bagay dahil may tungkulin pa akong gagawin.

And to clear my mind, I decided to take a walk to the town. Para na rin kumilatis nang mga magagaling na mandirigma. I may be finding a diamond in the rough, better yet a needle in a haystack to be precise.

I wore a cloak to hide my identity. Sigurado akong kilala na ako nang mga tao sa bayan dahil sa entrada ko kanina kasama si Florel. At tiyak akong hindi nila magugustuhan kapag nakita nila ako sa bayan.

Bumaba ako sa kastilyo at nagsimula nang maglakad patungo sa maingay na bayan.

☆☆☆

Busy people filled the busy streets of Traia. Halos lahat nang tao kumakayod para lamang kumita nang pera. I just can't imagine that the well known Azsarian Nation have a crisis like this.

At sa paanong paraan pa kaya ako makakahanap nang matinong mga mandirigma?

But then, a overly familiar figure caught my attention. Her brown hair flows with the breeze of the wind. Mas umaangat ang kagandahan niya kahit pa sa malayuan.

May tungkulin pa ako ngunit hindi naman yatang masama na sundan ko ang tibok nang puso ko minsan.

Para bang sinasabi nito na kilalanin ko pa siya. Lapitan ko sya, kaibiganin.

Subalit hindi naman pwedeng magpakita ako ngayon sa kaniya gayong nagtatago nga ako sa lahat ng tao. Mas mabuti pa siguro yatang tignan ko na lang siya sa malayo. I'll just watch her from a distance.

Nagsimula na siyang maglakad paalis kaya naman kaagad ko siyang sinundan pero hindi ako masyadong nagpahalata.

As she walked and conversed with shopkeepers I nonchalantly followed her. Creepy man kung titignan dahil nakakakilabot naman talaga itong ginagawa ko, eh anong magagawa ko? I still don't know whats her deal for calling my name earlier at wala akong lakas ng loob para itanong sa kanya ng diretso.

She should be the one whose begging to know me more but it seems the other way around. I'm the one interested in her.

Dapat siya ang nakakandarapa na ngayon sa aking harapan. Pero ako itong walang lakas na lumapit sa kanya at kausapin.

What happened to the great Aragorn? The one that human girls flock and talk about? Nasan na ang prinsipe na halos tinitingala nang lahat? Nasaan?

Wala na eh. Aragorn nyo, duwag na.

I usually don't talk to people, even to my own kin. Sanay akong tahimik, pinagmamasdan lang ang mga nangyayari, magsasalita lamang kapag kinakausap. Tatango o iiling kapag tinatanong. That's why its hard for me to talk to her.

What if she don't like elves like me? I would definitely regret my decision for a lifetime.

But what if she don't? Para namang isusugal ko ang isang what if na yon. Its not a risk that I would like to take. Like what I have said, the last time I chose happiness ended up breaking my heart.

Ayaw ko namang mangyari ulit yon, especially in a middle of a war that I must guide. The citizens of Traia is counting on me to do the best I could. I just hope I don't dissapoint them or my race. I will be a big disgrace if I fail.

Umalis na ulit siya sa tindahang tinigilan niya. Ngunit akmang susundan ko na siya nang isang pagpigil sa aking balikat ang aking naramdaman. Nilingon ko siya. Sino na naman kaya ito? Baka gusto niyang masaktan.

"Shh! Huwag kang maingay!" pagtakip agad nito sa bibig ko kahit hindi pa man ako nakapagsasalita.

Her jet black eyes met mine. With her pointed nose and enthralling physique I would always recognize her. Isama mo pa ang maotoridad nitong boses na mas lalo pang nakapagpapaalala sa akin ng nakaraan.

Ang nakaraan naming dalawa.

Tumingin muna siya sa paligid bago ako bitawan. "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nito sa akin.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan, ano ang ginagawa mo rito?" pilit kong itinatago ang aking emosyon. What the hell is she doing here in Azsare?

At saka hindi ko naman pwedeng sabihin na may sinusundan akong isang babae. Baka pagisipan pa niya ako ng masama, I would look like a creep following someone I've just met.

Isipin niya pa na iniwan lang niya ako saglit naghanap na agad ako ng iba at sa isang weirdong paraan pa. I'm not like that. Meron din naman akong dignidad.

"Why are you wearing that trashy cloak?" pagiiba niya sa usapan.

I mentally sighed. Andito na naman kami, I ask a question she brings in a new topic. Para bang lagi na lang siyang may itinatago sa akin.

Oo, naiintindihan ko dahil parte iyon ng trahabo niya. But still, can she explain even just a little to give me a little context

"Answer me, Maxima. What are you doing here?"

She rolled her eyes as if she just lost a duel with me. "Ano pa nga ba? Andito ako para magtrabaho."

There she goes, the girl who breaks my heart constantly with her sarcastic remarks and comebacks. Tinatarayan na naman niya ako, siya lang ata ang babaeng may kaya akong kausapin sa ganitong paraan.

Yes, she is the reason of my broken heart. And it keeps breaking whenever I see her goddamn beautiful face.

She was the happiness I unfortunately lost. Na para bang dati-rati sa kanya lamang umiikot ang mundo ko. I had less responsibilities back then but still that wasn't enough to get her the attention she wanted. I can say that I'm happy when I am with her but I didn't know if she feels the same.

Siguro dahil rin sa marami akong pagkukulang sa kanya. Mga pagkukulang na hindi ko man lang napunan at hindi ko na ata kaya pang punan.

Maxima was the secretive kind. The kind that is always a mystery, keeping secrets that even her family cannot know. Kahit sa akin, hindi rin ako naging exception man lang. She hides many things, mga bagay na siguro hindi ko na malalaman pa.

She is Zaralean afterall. They are always mysterious as hell, never saying anything unless they like to, hides every emotion that may identify as weakness and keep all secrets to themselves.

They're selfish that way and this girl right here in front of me is a level much higher than the average. If you look at her exterior she may seem easy-going and selfish but its an entirely different story once you get to know her.

Hindi ko nga lang alam kung nakilala ko ba talaga siya nang lubusan katulad nang inaakala ko. I hope...

"Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito? Nakaka abala ka nang trabaho eh." she hissed with sass highly evident.

Ako pa talaga ang may kasalanan kung bakit hindi siya makapagtrabaho nang maayos? Wow, how I miss that attitude of hers. A smirk slowly formed from the side of my lips amused by her cheeky demeanor.

I will never get bored of her everchanging attitude. Sa akin lang ba siya ganito? I hope so.

Gusto ko sa akin lamang siya ganito umasta. Possesive it may seem, but can you blame me? I like girls who can handle themselves. Girls that can even spar with me if they wanted to. I want girls who are true to themselves even with unwanted flaws.

I like her.

No, that's too shallow for a statement.

I love her.

Yes, but there's someting more than that...

I want her.

Yes, that's it! I fucking want her. I want her so badly that I want her to want me too.

Hindi naman sa sinasabi kong napilitan lang siyang mahalin ako ngunit parang ipinapamukha niyang may kulang sa akin eh. Kahit hindi niya sinasabi yon, alam ko sa sarili ko na may pagkukulang ako sa kanya. And just as the secretive person that she is, hindi niya masabi yon kaya hindi ko na lang inaabala ang sarili kong tanungin yun sa kanya.

"I'm just doing my job too. At nakakaabala ka rin." prente kong tugon sa kanya, tila kinakalaban.

Tinaasan niya ako nang kilay, nagtatanong kung ano ang sinsabi kong trabaho. "What exactly is your job, Aragorn?"

Mukhang pinagdududahan niya ako. Pagak sana akong matatawa kung kami pa but that's not the case anymore.

I still love the way she questions me. Magtatanong nang kung ano-ano hanggang sa makuha niya ang gusto niya. Yes, she's that manipulative.

"That's none of your business, Maxima."

Tumayo na ako nang tuwid, like a great prince that I am. I need to act confident in front of her, since I know she likes men who can ride with her audacity and everchanging mood swings.

I still want to be her ideal man, kahit na hindi na kami. I still want her back.

Inirapan niya lang ang naging sagot ko at tila bahagyang napaisip.

"Okay, Aragorn. I won't ask. But since your here in Azsare..." she paused with her hopeful jet black eyes gazing upon mine.

"Can you come with me?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status