Share

Aragorn: The Elven Charmspeak
Aragorn: The Elven Charmspeak
Author: fredrichalger

Prologue

Aragorn: The Elven Charmspeak

"Pakiusap, huwag mo na akong ipagtulakan muli."

It was like hearing his endearing voice for the first time again that my heart almost melted. Nakahawak pa ng mahigpit ang kamay niya sa pala-pulsuhan ko; pinipigilan akong umalis. Siguro natatakot na muli akong lalayo sa kanya at aalis nang walang paalam.

At kahit na malalim ang gabi, kita ko parin ang maiinit niyang mga matang matiim na nakatitig sa akin; inaasam-asam ako't ninanais mahagkan. Tila nangungulila sa aking matagal na pagkawala.

Ngunit hindi ko kaya siyang harapin. Napakalaki ng kasalanan kong nagawa sa kanya. Pero kahit na ganoon, bakit ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin?

He made one step closer to me that made my heart skip a beat. The moonlight shone upon us as we were just beside an open window. His warm brown eyes reminded me of desert heat and his lips reminded me of his burning kiss, ang kanyang nakatutunaw na halik.

Its been a while since I've felt this but I feel unworthy for him. Isa akong traydor, traydor sa pagibig na aming sinumpaan, trinaydor ko ang kanyang puso.

Hindi pa rin naaalis sa aking ang kaniyang titig at nagsisimula na akong mailang sa nangyayari. Napalunok ako sa katahimikang sumunod at lakas loob kong hinarap siya. He was wearing his usual brown suit, his brown shoulder length hair was tied back in a fashionable way. And his usually warm hazel eyes was piercing, making me still from where I stand.

His eyes were not usually like this...

"B-Bitawan mo ako, ano bang ginagawa mo sa akin?" imbes ay sagot ko sa kanya. His piercing gaze makes it uneasy for me to stare at him right back. Ni hindi ko magawang makapagsalita ng maayos. Lumingon ako sa maluwag na pagkakabukas ng bintana sa aming tabihan at muling bumaling sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Aragorn..." kinakabahan kong bigkas ngunit hindi ko kailangang magpakita ng emosyon.

"Do you still love me?" he whispered under his breath. He was so close to me that I could not even move. I can feel the warmth of his breath and his questioning stare. Halos magkalapit na ang tungki ng aming ilong at kaunting galaw lamang ay mas lalo kaming maglalapit sa isa't isa.

Napatingin ako sa ibaba upang malihis sa kanya. Bakit hindi ako makapagsalita?

Hindi ko alam ang aking isasagot. It would be shameless of me to say that I still love him despite all the suffering I've cause him.

Ngunit muli kong itinaas ang tingin ko sa kanya, dahilan upang muling magtama ang aming mga mata.

His face was red, he reeks of alcohol and clearly he's drunk. Pero sa tingin ko, ito talaga ang mga gusto niyang sabihin sa akin sa simula pa lamang.

"You're just drunk, Aragorn." sa halip ay sabi ko.

Nang sabihin ko iyon ay humakbang siya paatras at napangisi pa. Hinarap niya ang nakabukas na bintana at tumingala sa bilog na buwan.

"Nuuta, Maxima!" pagmumura niya sa kanilang wika. "Kahit nakainom ako o hindi, alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal pa rin kita.."

At muli siyang humarap sa akin, pero iba ang kanyang mga mata. Para itong nagmamakaawa, nalilito.

"Subalit ikaw, minahal mo ba talaga ako? O wala lamang ako sa'yo?"

Natahimik ako, I never knew that he would be this straightforward. But still, I deserve this and he deserves my honesty.

"Come on, Aragorn. Napagusapan na natin ito hindi ba? Tinapos ko na kung ano man ang namamagitan sa atin, isn't that enough?"

Napayuko siya kasabay ang marahang pagbagsak ilang hibla ng kanyang buhok.

"Yes, I know.. I know that." He souded hurt but I did not care nonetheless.

"Pero hindi ko pa rin matatanggap iyon hanggat hindi mo ako nabibigyan ng isang matinong rason, Maxima!"

Napaatras ako dahil sa tono niya. It just that his presence was starting to overwhelm me. There was something surreal about him as he stood beside the open window under the moonlight as if he was different from the Aragorn that I knew before. He changed at sana hindi sa masamang paraan, dahil ayaw kong malaman na ako ang may kagagawan kung ganoon nga.

He felt so unreal right now. Is it because he's drunk? Or maybe I'm feeling his power again? Charmspeak?

Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maintindihan. Parang may pilit kumukontrol sa isip ko pero pilit ko rin iyong nilalabanan.

Hindi ko na napigilan pang mapapikit ngunit ng magmulat muli.. tumambad sa akin ang kanyang mapangakit na mga mata.

Ang kanyang matang mapangalipin sa kahit anong nilalang na tumingin dito.

"Love me again, Melamin. (My love)" his hazel eyes were starting to glow white. "Please, love me again.. hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

Ang pagbigkas nito'y para akong nililinlang pero ang sarili ko'y pawang gustong bumigay.

Napailing-iling ako, umaasang matanggal ang pawang hipnotismo sa mga salita niya, pero hindi ko na ata mapipigilan pa.

"A-aragorn.. itigil mo ito!" palarit ko na sana'y pumunta sa katinuan niya.

"Please..Maxima.. I can't.. I just can't.. patayin mo na lang ako." isang takas na luha ang pumatak sa kaliwang mata nito. Habang ako'y nanatiling nakatayo lamang sa harapan niya, hindi alam ang sasabihin at gagawin.

I should run.. pero tanging iyon na lang ang ginagawa ko. At ang makita siya sa ganitong kalagayaan ay nakakasugat sa puso ko. Dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

He caressed my cheek with his both hands. His hands were warm just like the desert where he came from at ganoon din ang kaniyang pagmamahal. Isang pagmamahal na hindi ko nasuklian.

Hinawakan ko iyon at pilit marahan pang idiniin ito sa aking pisngi; dinadama ang dulot nitong init na kailanman ay hindi magagawa ng iba kundi siya lamang.

Naramdaman ko pang itinaas niya ang aking mukha para tumingin ako sa kanya.

His handsome face that I will never forget. His warm hazel eyes, thin lined brows, pointy ears, pointed nose, red, kissable lips and his signature smirk.

Wala na yata akong mahihiling pa. Pero iyon ay isa lamang pantasya. Dahil hindi ako karapat-dapat sa kanya. Isa akong babaeng maraming pagkakamali at gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain. Hindi ako babagay sa isang matipuno, mabait at makisig na prinsipeng katulad niya.

I am not worthy of him...

Pero itong ginagawa niya. Ang pag angkin niya sa akin, ang pagmamahal niya sa akin...

Parang gusto ko na lang bumigay at mahalin siya nang walang pakundangan at restriksyon.

Subalit kailangan kong alamin ang aking mga limitasyon at alam kong ang pagmamahal sa kaniya ay hindi pwede.

Totoo ngang minahal ko siya, pero tila may kulang dati sa pagmamahal na ibinibigay niya. At ngayong pinupunan na niya ang mga pagkukulang na iyon, ako naman itong may problema.

I have other things that needs me more than just love. At hindi ko naman dapat siya kailangang idamay sa lahat ng problema ko.

He's done enough. At nagpapasalamat ako don.

"Melamin," his eyes gazed upon mine. "you make me go crazy.. I hate it. But I can't hate you. When I close my eyes, you haunt me and I find you in my memories, your warmth and gentle caress still here." turo niya sa kaniyang dibdib. "your melody.. still alive.. it's just your body that is gone."

"..Aragorn.." ang kaniyang mata'y puno ng sinseridad at pangungulila, nasasaktan ako.

"There are things that I might not say, but still feel every day.. There are moments I act like I do not care, but I still wish for you to be there.. by my side.. loving me like the way I love you."

Magsasalita pa sana ako pero naunahan niya ako bago pa man ako makagawa ng kahit anong ingay.

"I love you, Maxima.. there is no doubt about that.. the question is, do you love me too?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status