Share

Chapter Eight: Pangunahing Tauhan

GAYA ng napagkasunduan, nagkaroon ng matagumpay dinner date sina Arianne at Jake. Dinala ng binata ang dalaga sa di naman gaanong mamahaling restaurant. At tulad ng inaasahan, muling nagproposed si Jake sa dalaga. Pero hindi gaya ng dati, hindi na nagkaroon pa ng kahit na anong romantikong presentasyon maliban sa banda na siyang naghaharana sa kanila. Unang dumating sa nasabing restaurant si Jake. Ilang minuto din ang hinintay niya bago makita na paparating na si Arianne. Suot nito ang damit na ipinabili niya at ipinadala. Ang totoo, hindi siya ang bumili noon o pumili. Nagpatulong siya sa isang sikat na make-up artist at marahil ay ito na rin ang sumukat ng damit na nababagay para kay Arianne.

Napamaang pa siya ng makitang papasok na si Arianne. Sobrang ganda nito sa suot nito ngayon. Walang-wala si Lovi Poe kumpara rito. Lalo siyang napahanga nito sa natatagong kagandahan nito. Nang malapit na ito sa kinaroroonan niya ay nginitian siya nito ng ubod tamis. Gumanti naman siya ng ngiti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status