Share

Chapter 13 : Paghilom

GANAP na nang isang buwan matapos maihatid sa huling hantungan ang ama ni Arianne. Kahit mahirap, pilit na hinarap ng kaniyang pamilya ang lungkot at pangungulila. Hindi naman sila nahirapan sa pagpapalibing , dahil hindi naman sila pinabayaan ng Hotel uno. Sinagot na ng kaniyang pinagtatrabahuan ang funeral fee ng kaniyang ama.

Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Arianne dahil sa nangyari. Resulta din siguro iyon ng madalas niyang pagpapapagutom at pagkukulong sa kwarto. Hindi kagaya ng dating masigla at matatag na aura, si Arianne ay larawan ng nalalantang bulaklak at isang punong kahoy na natutuyo ang mga dahon. Lumubog ang mga mata niya, medyo namutla ang kulay ng kaniyang balat at umimpis ang katawan.

Gayunman, sinikap ni Aling Leah na maitaguyod ang kaniyang mga anak. Hindi nito hahayaan na matapos lang dahil sa nangyari nag buhay nilang mag-anak. Ang malaking problema pa nito ay ang pantustos sa pag-aaral nina Joshua at Chen-chen. Kahit pa sabihing libreng tuition na ngayon sa k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status