Share

Chapter Fifty Six: Arianne: It's my turn!

"NOOOOOHHHHHHHHH!"

Pawis na pawis ang noong napabalikwas ng bangon si Blake mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napakasama ng panaginip niya, para talagang totoong-totoo ang napanaginipan niya.

Chineck niya sandali ang sarili at baka totoo ngang nangyari iyon. Tinampal niya pa ang sariling mukha at kinurot ang sariling braso upang tiyaking buhay nga siya at panaginip lang iyon.

Tumigil lang siya sa nakakatawang ikinikilos niya nang matiyak na panaginip lang iyon. Nakumpirma niya iyon ng makaramdam siya ng sakit.

Natatawang napakamot siya ng ulo.

Sinulyapan niya ang anak na katabing natutulog.

Mahimbing na mahimbing pa rin itong nakapikit.

Inalis niya ang kumot na bumabalot sa kaniya at nagpasyang kumuha ng maiinom sa kusina.

Mapusyaw na liwanag lamang ang hatid na dala ng lampshade na nasa ibabaw ng kaniyang maliit na round table.

Gayunman, nagawa nitong mabigyan siya ng liwanag para makatayo at makakilos ng maayos nang hindi nakakadisturbo sa anak o makalikha ng kahit na mahinang ingay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status