Share

Chapter 16

Allison POV

"Good morning, class!"  Napunta ang atensyon namin sa unahan nang pumasok ang science teacher namin. Dire-diretso niyang inilapag ang bag sa table. "Nandito na ba lahat?" tanong niya at inilibot ang paningin sa buong classroom.

"May kulang pa po! Isa! 'Yong kaklase ko na makikisit-in din," sigaw ni Cassandra.

Nakakunot na napatingin sa kaniya si Ms. Acachi. "Hmm..." Tumango siya. Saktong napadaan ang tingin niya sa akin dahil magkatabi lang kami ni Cassandra. "I watched your video, Miss Barcenas. Why did you do that?"

Tipid lang akong napangiti, bagaman nakaramdam ng pagkapahiya. "Please, don’t ask, Ma’am. That's too personal for me to answer," sabi ko. Yumuko ako sa kamay ko nang marinig na naman ang ilang tawanan.

"Okay. Just don't mind the other student, okay?" Ngumiti siya sa 'kin. "So, sino pa ang wala? Magsisimula na ang klase," tanong niya pa.

Nag-check na siya ng attendance namin at pagkatapos ay may isin

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status