MasukHe loves to serenade the woman that he truly love. But how come that one day, he just find himself singing for her while enduring the pain that he never expect?
Lihat lebih banyakKapag ipinikit ko ang aking mata na isa na lamang ang nakakakita, pakiramdam ko nabubuo ang pangarap ko. 'Yung pakiramdam na dadalhin ka ng iyong imahinasyon sa mundo na ang lahat ng pangarap ay natutupad. Ang mundong 'yun ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Walang kalungkutan! Walang karamdaman at kapansanan! Walang pagdurusa at kapighatian! Walang nawawala o namamatay! Pero ang mundong 'yun ay hindi napupuntahan ng ating pisikal na katawan. Tanging ang malawak na isipan lamang natin ang kayang makarating doon kapag ginamit natin ang ating imahinasyon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala masarap managinip habang gising ay dah
Mabilis akong naglakad para makita ang listahan kung sino ang nakapasok sa musical play na gaganapin sa fiesta ng bayan sa susunod na buwan. Nakita kong nag-uumpukan ang mga tao para makita ang pangalan nila sa listahan. "Tim!" malakas na sigaw ni Juancio kaya naman kaagad ko siyang nilapitan. Malawak ang ngiti nito at inalog-alog ang aking balikat kaya kunot -noo ko siyang tiningnan. "Congrats pare!" Sabay yakap sa akin. Natulala ako at hindi nagawang gumanti sa yakap ng kaibigan dahil nahulaan ko kaagad ang anunsyo niya. "Seryso! Nakapasok ka!" sabi niya at inalog ulit ang balikat ko. "Totoo?" tanong ko, naninigurado. "Oo! Tara tingnan mo!" Hinatak niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Kahit yata hindi nag-audition ay nakihalo rito. Toccata,Timoteo Gusto kong tumalon dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko. Sa wakas! Pangarap ko 'to!
"Maraming Salamat Mr. Timoteo Toccata!" nakangiting sabi ng isa sa mga pipili para gumanap sa musical play. Nakangiti akong tumango at umalis sa silid kung saan naganap ang auditon. "Kumusta?" tanong ni Sir Alonzo sa akin. "Ayos lang naman po. Sana matanggap ako!" punong-puno ng pag-asa ang aking tono. Binigyan niya ako ng thumbs up at matamis na nginitian. "Sigurado akong makukuha ka." "Salamat po Sir, sana nga po." Nagpaalam din kaagad ako kay Sir para puntahan si Juancio sa canteen. Kaya nga lang, nakita ko kaagad ang katabi niyang si Lea. Iiwas na sana ako at nagdesisyong solo na lang na kakain kaso lang ay tinawag na niya
"Mr. Toccata?" tawag sa'kin ni Sir Alonzo isang araw habang naglalakad ako patungo sa room. Teacher ko siya sa Literature noong nakaraang taon.Naging paborito niya akong estudyante nang magkaroon kami ng play sa classroom. Ako ang gumanap na bida at sabi niya nagustuhan niya raw ang pagganap ko."Yes sir? Good afternoon po," sabi ko.Huminto ako para hintayin siya. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin nang matapatan niya ako."Kanina pa kita hinahanap," umpisa niya."Ah bakit po?" tanong ko."Fiesta kasi rito sa bayan natin sa susunod na buwan at ang paaralan natin ang naatasan na magperform. Nais nilang magkaroon ng musical theatre play."Lumawak ang ngiti ko kahit pa nagugulat. Excited sa mga susunod niyang sasabihin."Gusto mo bang sumali? Nagkulang kasi ng actor," tanong nito."Talaga po?!" tanong ko at naninigurado.Tumango siya at binigyan ako ng ngiting sigurado. "Pero kailangan mo mag-audition.Sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan