Share

Chapter 15

Allison POV

“Sis, huminahon ka nga. Uminom ka muna!” galit na sabi sa ‘kin ni Cassandra at iniabot sa ang isang baso ng tubig.

Nanginginig man ang kamay ay kinuha ko iyon para inumin. Pana’y pa rin ang iyak ko kahit nasa bahay na kami. Nasa kwarto kaming dalawa dahil hinila niya na ako paalis sa library, hindi ko namalayang dumating pala siya at napanood ang eskandalong ginawa ko.

“A-anong gagawin ko, sis?” Pinunsan ko ang luha sa pisngi ko at inilapag ang baso sa ibabaw ng table. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng tubig na ininom ko.

“Gagawin? Wala kang gagawin! Ano ba, Allison? Bakit mo ginawa ‘yon?!” Namula sa galit ang kaibigan ko. “Anong pumasok diyan sa kukote mo? Nag-iisip ka ba, ha?” sigaw niya pa.

Napayuko ako sa kamay ko dahil nagsisimula na siyang awayin ako. “Ayoko kasing maghiwalay kami kahit ako pa ang nakipagbreak sa kaniya. Ang sakit sa dibdib sis,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status