Share

Chapter 50

Allison POV

"Honey, tara na," naiinip na turan ni Trisha. Natawa tuloy si Jazzer at pinisil ang pisngi nito.

"Fine."

Saglit akong tiningnan ni Jazzer para magpaalam bago sila tumalikod. Naglakad na sila papunta sa kabilang table. Tumatawa si Jazzer habang nakasimangot si Trisha na parang inaasar ito. Nanikip ang dibdib ko at umiwas ng tingin.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay naisahan ako. Naalala ko ang sinabi ni Angel tungkol sa kanilang dalawa. Mapakla akong napatawa. Bakit ba nakalimutan ko 'yon?

Tinanaw ko si Jazzer. Pinaglalaruan niya ba ako? Bakit niya ako hahalikan kung gano'ng may girlfriend na pala siya?

Mabilis akong tumayo. Lumapit ako kay tita Caitlyn at tinanong kung saan ang banyo. Dali-dali akong pumasok doon pagkaturo niya. Nag-lock ako isang cubicle.  Tinakpan ko ang bowl para makaupo ako roon. Doon sunod-sunod na tumulo ang luha ko ko. Paulit-ulit ko iyong pinunasan pero hindi &

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status