Share

Chapter 52

Allison POV

Wala akong nagawa. Umakyat ako sa taas at diretsong tumungo sa pinto ng kwarto ni Jazzer. Ilang ulit akong bumuntong-hininga. Nang makampante ay lakas loob ko iyong binuksan. Bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto ni Jazzer.

Walang aircon sa loob kaya sariwang hangin ang sumalubong sa balat ko. Nakabukas kasi ang malaking bintana na nasa gilid ng kama niya, doon nagmumula ang liwanag. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto para hanapin si Jazzer pero hindi ko siya nakita. Mabuti na lang hindi ako kumatok dahil tiyak na wala rin palang tutugon.

Napatingin ako sa pinto ng bathroom dahil nakarinig ako ng lumalagaslas na tubig mula sa loob. Napangiwi ako, nagkaroon na ng ideya. Mukhang naliligo pa siya.

"Buti na lang," bulong ko at naglakad palapit sa kama. Ipinatong ko roon ang paperbag na dala ko.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto ni Jazzer. Laking gulat ko nang makita ang mga litratong nakadikit sa dingding. Bumil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status