Share

Arranged Marriage with the Ruthless CEO
Arranged Marriage with the Ruthless CEO
Author: Lin Kong

KABANATA 1

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel…

Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya.

[Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta’t sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]

Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.

Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.

Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet. Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.

Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta. Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!

Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie. Pumayag lamang siya nang ipinatigil ng mga ito ang pagpapagamot sa bunso niyang kapatid. May autism kasi ito at hindi maaring itigil ang therapy at mga gamot nito.

Walang choice si Natalie.

Walang kwenta ang kanilang ama. Si Rigor mismo ang nagkanulo sa kaniya!

Humugot muna ng lakas si Natalie bago kumatok. Napansin niyang nakabukas ito nang kaunti hanggang sa tuluyan na itong bumukas. Napakadilim ng kwartong iyon.

Nakaismid si Natalie nang pumasok. “Mr. Chen, papasok na po ako. Ako po—”

Hindi na naituloy ni Natalie ang sasabihin dahil isang malakas na kamay ang humawak sa leeg niya. Idiniin siya nito sa pader. Sa sobrang lakas ay tila nabalian siya ng likod.

“Ikaw! Anong ginawa mo sa akin?” singhal ng lalaki sa kaniya.

Halos magkapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nito. Ramdam ni Natalie ang mainit na hininga ng lalaki sa mukha niya.

“H-Ha? H-Hindi ko alam kung anong sinasabi niyo. Bitawan niyo po ako. N-Nasasaktan po ako…”

Agad na binitawan ng lalaki ang mahigpit na pagkakahawak nito sa leeg ni Natalie.

Ang buong akala ng babae ay lulubayan na siya nito. Ngunit mali si Natalie. Binitawan lamang siya nito para mahawakan siya sa baywang. Tila hinuhulma nito ang katawan sa katawan ni Natalie.

Hindi makita ni Natalie ang kabuuan ng mukha ng lalaki. Ang alam lang niya ay nag-iinit ang katawan nito.

Maging ang hininga nito ay ramdam niyang mainit nang muli itong magsalita. “Miss, you have one chance. Stop me now and get out of my room!”

‘Mali ba ako ng pinasok na kwarto? Bakit niya ako pinapaalis? Hindi! Paano si Justin? Paano ang treatment niya kung ngayon pa ako aatras? Hindi!’ kastigo ni Natalie sa sarili.

“Hindi ako aalis. Nandito na ako. Tonight, I’m yours, Mr. Chen,” matapang na sagot ni Natalie.

Ang totoo ay wala pang karanasan sa mga ganoong bagay ang dalaga kaya nang i-angkla niya ang mga braso para mahalikan ang lalaki ay lumabas ang kaniyang kainosentehan.

Agad itong napansin ng lalaki. Ngunit may kung ano sa mga halik ng dalaga.

Nanabik siya!

“First time mo?”

“O-Oo.”

“Malalaman ko rin ‘yan mamaya.”

Agad na binuhat ng lalaki si Natalie papunta sa kama. Medyo napalakas din ang pagbalya nito sa kaniya. Sa pandinig ni Natalie ay parang may pinipigilan itong kung ano.

“Good girl, pagkatapos ng gabing ito, akin ka na!”

Hindi naging mahinhin ang lalaki, mapusok ito at bawat halik na dumadampi sa balat ni Natalie ay marahas.

“D-Dahan-dahan lang po! Parang awa niyo na po, Mr. Chen!”

Ngunit bingi ang lalaki sa mga pakiusap niya. Napapikit na lamang si Natalie. Wala ring nagawa ang mga iyak at pagsusumamo niya.

Mistula itong hayok na hayop na ngayon lamang makakakain matapos ng mahabang panahon. Buong gabi siyang inangkin nito nang paulit-ulit. Wala itong kapaguran.

Nagising si Natalie na masakit ang bawat bahagi ng kaniyang katawan. Ang unang sumalubong sa kaniya ay ang amoy ng alak, sigarilyo, at panlalaking pabango. Gusto niya ang amoy na iyon.

Nag-init ang bandang tainga ni Natalie nang bumalik sa alala niya ang mga nangyari sa kanila kagabi.

Gusto sana niyang bumangon ngunit agad siyang napigilan ng lalaki gamit ang makisig na braso nitong nakayakap sa baywang niya.

“You’re awake and cold.” Binalutan pa siya ng kumot nito. “Tama ka nga. Virgin ka. Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?”

“H-Hindi…”

“Akin ka na.” Nilaro nito ang pisngi ni Natalie. Bakas sa boses nito na natutuwa ito. “Maliligo ako… Or ganito na lang. Mag-shower tayo nang sabay. O gusto mo na ikaw na lang? Gusto mo kargahin kita papuntang banyo? May tub doon.”

Ikinagulat ito ni Natalie. Kagabi lang ay parang baliw na hayop ito. Ngayon naman ay maamong tupa na ito.

“O-Okay lang. Mauna ka na.”

Umismid ang lalaki. Iniisip nitong baka nahihiya lang ang babae kaya tinanggihan nito ang offer niya. “Sige, I’ll go first. Hintayin mo ako.”

‘Hintayin ko raw siya? Ano ako, bale? Sobra-sobra na nga ang ginawa niya sa akin kagabi. Nabalian yata ako. Aray ko. Gusto pa yatang makaulit ng mokong na ito,’ sabi ni Natalie sa sarili.

Nang bumukas ang ilaw ng banyo, nagkaroon din ng bahagyang ilaw sa buong kwarto ng suite na iyon. Bumalikwas ng higaan si Natalie.

Sa ginawa niyang pagbangon agad ay napatigil siya panandalian dahil sa kirot. Hindi niya malaman saan pero may masakit sa kaniya. Wala na siyang panahon para intindihin ang sakit na iyon.

Mabilis na dinampot ni Natalie ang mga damit niya. Sinamantala niya ang maingay na lagaslas ng tubig galing sa shower para lisanin ang lugar na iyon.

Hindi pa siya nakakalayo ay tumunog ang cellphone niya. Ang madrasta niya iyon. “Tita, nagawa ko na po. Pakiasikaso na po 'yong bayad para sa treatments ni Justin—”

“Ano? Nasisiraan ka ba? Ni hindi mo nga sinipot si Mr. Chen kagabi! Nasaan ka ba buong gabi?! Tapos hihingan mo ako ng pambayad sa mga gamot ng kapatid mo?”

“P-Po? Kakaalis ko nga lang, Tita Janet. Naliligo pa nga si Mr. Chen nang umalis ako,” paliwanag pa ni Natalie. Pero kinakabahan na siya.

“Sinungaling!” galit na galit si Janet sa kabilang liniya. “Bumalik ka na rito! Bilisan mo! Kapag hindi mo sinipot si Mr. Chen ngayon, hindi na ikaw ang ipambabayad ko sa mga utang! Ikaw mismo ang magbabayad!”

Pinatayan na siya ng madrasta ng tawag.

Bakit parang hindi ito nagbibiro?

Bukod pa roon ay hindi naman talaga sila malapit sa isa’t-isa para magbiruan sila.

‘Kung hindi si Mr. Chen ang kasama ko kagabi, sino ‘yon? Nako, Natalie! Ano ba naman itong pinasok mo?!”

**

Sa Golden Palace Hotel…

Pumasok na si Isaac, ang executive assistant ng lalaking nasa loob ng banyo, at agad na binuksan ang mga kurtina. Tanghali na.

Tumigil na rin ang lagaslas ng tubig galing banyo. Nakatuwalya na nang lumabas ang isang matipuno at gwapong lalaki. Siya si Mateo Garcia.

“Isaac, nasaan na siya?”

“Sino, sir? Wala naman akong nakita pagpasok ko dito sa kwarto mo eh.”

“May kasama akong babae kagabi.”

Napakamot ng ulo si Isaac. “Wala po talaga akong nakita.”

Tinanggal ni Mateo ang kumot at nakita niya ang patunay na may kaulayaw siya kagabi. Na nagsasabi siya ng totoo.

Nag-iwan ng bakas ang ginawa niyang pagyurak sa pagkababae ni Natalie kagabi.

“She left, Isaac.”

“Isaac, may naglagay ng gamot sa drinks ko kagabi.” Hindi kailanman sasabihin ni Mateo na maaring dahil espesyal at birhen ang babaeng nakasiping niya kaya niya ginawa iyon. “I-review mo nga ang CCTV kagabi at hanapin mo ang babaeng kasama ko kagabi.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (67)
goodnovel comment avatar
Mhelita Santos Bernardo
mukang maganda Ang story
goodnovel comment avatar
Victoria Cerenio
Ganda naman po Ng story nyo nakkabaliw naman
goodnovel comment avatar
Abigael Ibay
pinahaba na ng author ang story ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 552

    Malamang ay masyado ng matagal ang paghihintay ni Natalie—kaya umalis na siguro ito. Napagod na siguro at nagpasya ng umuwi dahil abalang tao din si Natalie, isa itong doktora at bukod doon, buntis pa ito. Hindi napigilan ni Isaac na manghinayang.“Sayang naman. Kung sana nakapaghintay pa siya ng konti…” may panlulumong palatak ni Isaac sa isip niya.Pero sa mismong sandaling iyon, lumabas si Natalie mula sa banyo at agad na nakita sina Mateo at Isaac na pababa na sa hagdan papunta sa harap ng gusali. Nagpapasalamat siya na hindi niya kinailangang magtagal sa banyo dahil kung nagkataon, nagkasalisi na naman sila.Hindi na nag-isip pa si Natalie, dali-dali siyang sumigaw. “Mateo! Sandali!”Napahinto sa paghakbang si Natalie sa tawag ng kanyang pangalan. Ang buong akala niya ay -guni-guni lang niya iyon. Ngunit nagpatuloy ang pagsigaw mula sa likuran kaya gulat siyang napalingon at nakita si Natalie na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila.Halos tumatakbo ito.Kumunot ang noo ni Ma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 551

    Hindi naman ito ganap na ikinagulat ni Natalie. Alam naman niya ang mga posibilidad ng mga kung anong pwedeng mangyari doon. Ang totoo, bago pa siya pumunta sa opisina nito, inihanda na niya ang sarili—hindi rin naman niya inaasahang basta-basta na lang siya haharapin ni Mateo lalo pa at pagkatapos ng mga kinakaharap nilang eskandalo ng sunod-sunod nitong mga nakalipas na araw.“Ngayon, ano na ang susunod? Uuwi na lang ba ako? Iyon na ‘yon? Paano ang mga kasama kong umaasa na mapapapirma ko siya para ituloy ang pondo ng team namin? Hindi pwede! Maraming maapektuhan!”Sandaling natigilan si Natalie, tapos tumingin sa waiting area ng lobby. “Pwede ba akong maghintay doon?” Tanong niya.“Hindi na po muna kayo magpapahatid?”Umiling si Natalie. “Hindi na muna. Nandito na rin ako kaya mas okay siguro na maghintay na lang ako dito. Salamat na lang. Dito na lang muna ako sa lobby niyo. Okay lang naman siguro, ano?”“Ah… syempre naman po, Mrs. Garcia.” Hindi siya pinigilan ng receptionist. Wa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 550

    “Naku bata ka.Wala namang problema, kung ayaw mo sa master’s bedroom, may mga guest room tayo dito...pero sigurado ka bang kailangan mo talagang umalis? Delikado na para sa isang babae ang magbyahe ngayon lalo na at buntis ka.”“Ate Tess, hindi na talaga akma para sa akin ang manatili rito.” Matatag ang desisyon ni Natalie na umalis sa mansyon.Gabi na at nag-aalala si Tess, kaya tinawag nito ang family driver para ihatid siya pauwi. Hindi na tumanggi si Natalie, walang mga taxi na dumadaan sa area na iyon at marami sa mga ride-sharing drivers kapag alanganin na ang oras ay ayaw niyang bumiyahe. Pagdating niya sa townhouse, hindi siya agad nakatulog.Hindi niya nakita si Mateo ngayong gabi, at sabi ni Tess, ilang araw na raw itong hindi umuuwi sa mansyon. Palaisipan sa kanya kung saan ito tumutuloy ngayon.“Ibig sabihin...may ibang bahay siya? Saan pa kaya siya maaaring puntahan? Baka... sa kompanya? Kahit saan siya nagpupunta sa gabi, kailangan pa rin niyang pumasok sa trabaho kinabu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 549

    Pagkaalis niya sa opisina ng Assistant direktor, bakas na bakas sa mukha ni Natalie ang pagkabalisa. Pumayag siya, oo—pero pagkatapos ng pagpayag niya, ano na? Malaking suliranin sa kanya ang binigay na obligasyon sa kanya ng direktor at hindi niya nagawang tumanggi. Noon nga na maayos pa sila ni Mateo ay hirap na hirap siyang humingi ng pabor, ngayon pa kaya na malabong-malabo na sila?Hindi pa siya nakakalayo mula sa opisina ng direktor, mabagal ang mga hakbang niya dahil tumatakbo ang isipan niya. Iniisip niya kung paano niya kukumbinsihin si Mateo na pirmahan ang second installment ng project funding ng team nila. Iniisip niya kung paano niya gagawin iyon gayong ayaw na siyang makita at makausap nito.“Natalie!”“Huh?” Laking gulat niya ng makita si Marie na naghihintay pa rin sa kanya, naroon ito sa isang bench na nagkalat sa hallway. “Nandito ka pa pala?”Agad nitong hinawakan ang braso niya. “Oo naman. Wala na akong duty, eh. Tsaka ngayon ko lang napansin, lalo na yatang lumaki

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 548

    “Tungkol saan ang dokumentong ito?”Kinuha ni Isaac ang folder at mabilis na sinulyapan ito—galing ito sa departamento ni Director Norman Tolentino sa ospital na kaanib ng Garcia Group of Companies. Dati, inaprubahan ni Mateo ang isang sponsorship package para sa departamento nila dahil naroon si Natalie. Sa totoo lang, dahil lang sa suporta ng kumpanya kaya nakapagsimula ang project team ni Dr. Tolentino.Hindi ito one-time na fund approval—may kasunod pa itong mga installment. Ngayong lumipas na ang isang quarter, panahon na para ilabas ang pangalawang bahagi ng pondo para sa proyektong ito.Pero iba na ang panahon ngayon. Napakarami ng nagbago at hindi malayong maapektuhan pati ang ospital sa alitan ng mag-asawa.“Susubukan ko,” buntong-hininga ni Isaac. Pero sa totoo lang, wala siyang gaanong pag-asa.Pumasok siya sa opisina at inilapag ang folder sa mesa ni Mateo, kasama ang mga iba pang papeles na kailangan nitong i-review at asikasuhin para sa araw na ‘yon. Marami-rami rin ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 547

    Wala pa ring sagot mula kay Mateo, kaya nagpadala ulit ng mensahe si Natalie. Hindi siya pwedeng humarap sa matanda ng mag-isa dahil mag-iisip lang ang matanda ng kung ano-ano at iyon ang iniiwasan niya.‘Hindi mo man lang ba ako masagot? Saglit lang naman daw ‘yon.’Pero pagkasend niya, biglang nag-lag ang screen—at lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. May pulang exclamation mark na lumitaw sa tabi ng mensahe.“Ha?” Napatingin si Natalie sa screen, hindi makapaniwala. Ang paglabas ng pulang exclamation mark at malinaw na tanda na na-block siya. “Totoo ba ‘to…? Binlock niya ako?”Galit si Mateo, aminado siya na nasaktan niya ito at naiintindihan niya ‘yon. Pero usapang si Lolo Antonio ito. “Ganoon na ba siya kabulag sa galit, pati si Lolo hindi na niya iniintindi? Kalalakihan talaga. Makasarili. Mababaw. Lahat na yata.”Napabuntong-hininga si Natalie, pero kahit ganoon, nagpasya pa rin siyang dalawin ang matanda dahil nakapangako na siya kanina na darating siya para sa hapunan. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status