“Anong ibig mong sabihin? Magpaliwanag ka!” Kailangan niya ng sagot.“K-kwan…ang ibig kong sabihin…” Napalunok si Irene, kita sa kanyang mukha ang kaba. “May lunch sana kami ni Mateo kanina. Nang tumawag ka sa kanya, nandoon ako…sa opisina niya…”Sa sandaling iyon, parang biglang lumiwanag ang lahat kay Natalie. Nagkaroon ng linaw ang lahat para sa kanya—nang tumawag siya kay Mateo kanina, kasama pala nito si Irene—ang babaeng orihinal na may-ari ng butterfly hairpin.Ibig sabihin, nagkita na naman silang dalawa kahit na nangako na si Mateo sa kanya. Malinaw na pinependeho siya nito. Ilang beses na kaya silang nagkikita ng hindi niya nalalaman? Marahil, higit pa sa kanyang inaakala.Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa kanya.Bago pa siya makapag-react at muling pagbuhatan ng kamay si Irene para malabas niya ang galit na nadagdagan, biglang may lumitaw na mga anino sa pasukan ng storage room. Dumating na si Mateo at kasama niya sina Isaac at Tomas.“Natalie!” Agad na nagtagpo an
“J-justin…” Nanlambot ang mga tuhod ni Natalie at tuluyan na siyang at bumagsak siya sa sahig. Dahan-dahan niyang inabot ang nanginginig niyang kamay sa kanyang kapatid, ngunit saglit siyang natigilan, takot na baka mas mapalala niya ang kanyang kalagayan. “A-anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?!”Napuno agad ng luha ang kanyang mga mata, at halos paos na ang kanyang tinig. “Justin, nandito na si ate. Gumising ka na… kausapin mo ako…sige na….”Pero hindi sumagot si Justin. Nanatiling sarado ang mga mata nito at mababa ang pagtaas-baba ng paghinga. Sa sandaling iyon, naglaho ang lahat ng pasensya at rason niya. Biglang tumayo si Natalie mula sa pagkakaluhod sa tabi ng walang malay na kapatid at ang kanyang mga mata ay namumula sa galit habang matalim niyang tinitigan sina Janet at Irene.“Kayong dalawa. Kayo ang may gawa nito.” Hindi ‘yon isang tanong—kundi isang tiyak na pahayag mula sa kanya.“H-Hindi…” Mabilis na umiling si Janet, takot na takot sa nakamamatay na tingin ni N
Inakala ni Irene na nawawala na sa wisyo ang ina kaya niya nagawang dukutin si Justin. Naghihintay ang kanyang ama para sa isang liver transplant at tumangging tumulong si Natalie, at hindi rin niya pinahintulutan na magpa-test ang bunsong kapatid at kahit anong pakiusap nila ay matiga pa rin ito. At dahil sa pagmamatigas na iyon, lumalim ang galit ni Janet sa magkapatid.Naiintindihan iyon ni Irene. Hindi na niya kayang sisihin pa ang kanyang ina.**BANG!Biglang umalingawngaw ang malakas na pagkatok sa bakal na pinto. Isa, dalawa, tatlong beses, hanggang sa tuloy-tuloy na kalampag na ang sumunod.“Buksan mo ‘to, Janet! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto at ibalik sa akin ang kapatid ko!”Kapwa nanigas sina Janet at Irene, nagpalitan sila ng kabadong tingin—tinginan na puno ng kaba. Nasa bahay nga nila si Natalie at natunton sila nito sa storage room. Ang pintuang kahoy na lang ang pagitan nila ngayon.“A-Anong gagawin natin?” Tanong ni Irene sa ina.“Una, buhatin natin siya
Dahil naroon si Alex madali niyang napigilan ang kasambahay. Hindi niya naging problema ang kunsintidor na katulong ng madrasta. Wala itong nagawa kundi panoorin na lang si Natalie habang patungo ito sa storage room.Nataranta ito at nagsimulang sumigaw, “Madam! Madam! Madam—mmph!”Bago pa ito makasigaw ng husto, mabilis na tinakpan ni Alex ang bibig nito. “Oh, akala ko ba, wala ang madam mo dito?!”**Sa Loob ng Storage Room.Nakangising nakikinig si Janet sa sinabi ni Irene. “Tingnan mo nga naman. Sino ang mag-aakalang ganito ka kaswerte?” Tuwang-tuwa siya. “Hindi ba sabi ko sayo? Tadhana ito! Ayaw talaga ng langit na maghiwalay kayo ni Mateo—para ka talaga sa isang marangyang pamilya, anak!”“Mom.” Kumunot ang noo ni Irene, halatang nababanas na sa ina. “Pwede ba, simula ngayon, huwag kang gagawa ng kahit ano ng hindi mo muna ako kinakausap. Baka mabulilyaso pa tayo kasi padalos-dalos ka.”“Sige na, sige na, huwag ka ng magalit—” Bigla siyang natigilan, at dumilim ang kanyang mukha
“Huh?” Nanlaki ang mata ni Janet sa narinig. “Anong pinagsasabi mo dyan? Akala ko ba hiwalay na kayo? Ibig mong sabihin… may pag-asa pa na maging bongga ang kinabukasan natin? May pag-asa pang maging Garcia ka?”“Mhm.” Hindi malinaw ang naging sagot ni Irene dahil napakaaga pa para magsalita ng tapos.“Talaga?” Lalong lumiwanag ang mukha ni Janet. Agad niyang hinawakan ang kamay ng anak, puno ng kasabikan. “Dali, ikwento mo sa akin lahat! Paano mo nagawa ‘yan?”“Mommy…”**Matagal ng hindi lumalapit si Natalie sa dating pamilya. Alam niyang matagal nang pinalitan ang mga kandado at security codes sa buong lugar at walang ibang paraan kundi ang pumasok sa mismong gate. Habang papunta siya doon, naisip na niyang kahit kumatok siya, hinding-hindi siya papapasukin ng mga katulong kahit pa kilala siya ng mga ito.Pero hindi na niya kailangan mag-alala—dahil kasama niya si Alex.Pagdating sa harapan ng bahay, inutusan niyang iparada ang sasakyan sa tapat ng gate. Pagkatapos ay bumaba sila p
“Sino pa nga ba? Kundi ang sarili kong pamilya!” Parang isang matinding dagok na pumasok sa isipan ni Natalie iyon at hindi ito nawala.Habang pinag-iisipan niya ito, lalong naging malinaw na posible nga. Ang alitan niya sa dati niyang pamilya ay hindi simpleng away na maaaring kalimutan. Sa paglipas ng mga taon, ito ay naging isang malalim na sugat na walang lunas—patuloy lang itong nabubulok.Naalala niya si Rigor sa ospital—ang kanyang matamlay at desperadong mukha. At si Irene, na paulit-ulit siyang pinipilit na i-donate ang kanyang atay, hanggang sa nagawa nitong ipagkanulo siya sa lalaking umatake sa kanya para mapahamak siya at magkaroon sila ng pagkakataon sa atay niya.“Hindi. Posible kayang, dahil hindi nila siya mapilit, si Justin naman ang napagdiskitahan nila? Sumosobra na talaga sila!”Agad na tumayo si Natalie, hindi siya pwedeng maupo lang at maghintay sa ospital ng balita tungkol sa kapatid. Kailangan niyang pumunta sa dating bahay. Kahit na maliit lang ang posibilida