LOGINPabalik-balik si Mateo habang dala ang isang personal hotpot at lahat ng sangkap na gusto ni Natalie. Nauna ng mag-alok ng tulong si Andrew pero tinanggihan din ito ni Mateo. Si marie ay hindi na rin nagtangka dahil alam niyang mainit ang dugo sa kanya ng lalaki dahil sa nangyari kay Natalie kaya nanatili siya sa isang sulok.
Napansin siya ng isang waiter at nag-alok ng tulong. “Mr. Garcia, ako na po ang gagawa niyan, sir.”
“Hindi na kailangan. Hiniling ito ng asawa ko. Paano ko naman ipapagawa sa iba?”
“Sige po, sir. Kung may kailangan po kayo…sabihin niyo lang po ako.”
Pabalik-balik si Mateo habang dala ang isang personal hotpot at lahat ng sangkap na gusto ni Natalie. Nauna ng mag-alok ng tulong si Andrew pero tinanggihan din ito ni Mateo. Si marie ay hindi na rin nagtangka dahil alam niyang mainit ang dugo sa kanya ng lalaki dahil sa nangyari kay Natalie kaya nanatili siya sa isang sulok.Napansin siya ng isang waiter at nag-alok ng tulong. “Mr. Garcia, ako na po ang gagawa niyan, sir.”“Hindi na kailangan. Hiniling ito ng asawa ko. Paano ko naman ipapagawa sa iba?”“Sige po, sir. Kung may kailangan po kayo…sabihin niyo lang po ako.”
Dahil nagprisinta na si Marie na maging tagapagsilbi ni Natalie, wala na ring nagawa ang kaibigan kundi ang tanggapin ang alok nito. Naglagay si Marie ng buttered shrimp sa plato ni Natalie. Nitong mga nakaraang araw kasi ay puro seafoods ang gusto nitong kainin kaya iyon ang naisip niyang ibigay. Matataba at presko ang mga hipon at mukhang masarap, naglagay din si Marie sa sarili niyang plato dahil pati siya ay natatakam.Naglagay din siya ng carbonara at fried chicken pati mga hiwa ng presko at matatamis na prutas. Tiningnan lang ito ni Natalie.“Ayaw ko niyan, Marie.”Napakurap si Marie, hindi niya inaasahang tatanggihan iyon ni Natalie samantal
Dahil lahat ng tao ay nakatingin sa kanya, wala ng nagawa pa si Natalie kundi ang sumang-ayon. Hindi magiging maganda kung magiging eskandalosa siya dahil siya ang nasa tamang estado ng pag-iisip kumpara kay Irene na kasalukuyang nasa isang kaawa-awang sitwasyon. Idagdag pa na siya ay kaka-promote lang at hindi magiging kaaya-aya kung sa unang araw niya bilang regular na empleyado sa ospital at magpapasimuno siya ng gulo.Ang harapin ang lahat ng may propesyonalismo ang tanging paraan na kung saan hindi siya magmumukhang kawawa at katawa-tawa. Bukod pa roon, alang-alang kay Justin, hindi siya maaaring kumontra sa kagustuhan ni Mateo—iyon ang napagkasunduan nila.Pinilit siyang ngumiti at hinarap ang mga kasama ng taas noo. “Director, mauna na po
Tumahimik ang buong silid. Lahat ng mata ay nakatuon sa dalawang babaeng nasa gitna ng isang maselang eksena. Hindi ito inaasahan ng lahat.Napahiya si Natalie. Gusto na lang niyang mawala sa kinatatayuan. “Diyos ko. Lamunin na lang sana ako ng lupa. Bakit ako ang kailangang dumanas ng ganito?”Nagpigil siya ng luha at galit dahil hindi ito ang tamang pagkakataon para pairalin ang sariling emosyon. Pinilit niyang hilahin si Irene palayo. “Wala dito si Mateo! Kung gusto mo siyang hanapin, tawagan mo siya!”Hinawakan niya sa braso ang nagwawalang babae, tinangkang hilahin palabas. “Bumalik ka na sa kwarto mo. Maniwala ka, wala siya dyan!”“Ayoko! Hindi ako aalis!” Nagpupumiglas si Irene, umiiyak at sumisigaw, “Gusto kong makita si Mateo! Gusto ko siya ngayon! Ilabas mo siya. Ako ang mahal niya at hindi ikaw kaya bakit mo siya tinatago sa akin? Ano ang karapatan mo para gawin ito? Kasal lang kayo sa papel pero ako—ako ang nilalaman ng puso niya!”“Sabi ng wala siya rito—” Hindi pa man na
Pagkatapos umalis sa departamento—hanggang sa pababa ng hagdan at palabas ng gusali ng surgical wing—nananatiling malamig ang ekspresyon ni Natalie. Ramdam na ramdam ni Mateo ang galit na sumisingaw mula sa kanya.“Natalie,” habol ni Mateo sa kanya habang marahang hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka galit?”At dahil siya na rin ang nagtanong, hindi na nagpa-cute pa si Natalie. “Ako ang dapat magpakain sa kanila dahil mga kasama ko sila sa trabaho. Pero ikaw ang nagdesisyon ng hindi man lang ako tinatanong.”“Ha?” Tila seryosong naguluhan si Mateo. “Ako lang naman ang pumili ng lugar. Hindi mo ba gusto ’yung pagkain sa Cozyroom? Wala naman akong masamang intensyon sa ginawa ko, eh.”“Gusto?” Galit na galit si Natalie, hindi na siya nagtimpi pa. “Alam mo ba kung gaano karaming tao ang meron sa department namin? Kasama ang mga doktor at nurse, higit tatlumpu!”“Eh, ano ngayon?” Tanong ni Mateo, halatang hindi pa rin maintindihan kung ano ang pinagmulan ng galit niya.“Ano raw? Kahit pa
Napuno ng masiglang atmospera ang doctor’s lounge. Isang magandang balita nga ito. Kapag may bagong doktor na nagkakaroon ng break na kagaya ng kay Natalie—maligaya ang lahat lalo pa at alam naman nila kung gaano niya pinagsikapan na makamit ito. May nagbiro ng masaya sa loob ng silid.“Dr. Natividad, paano ba ‘yan, ang ganda ng balitang ’to—hindi mo ba kami ililibre? Thanksgiving ba. Hindi ba nakagawian na ganoon? Hehe!”“Tama! Si Dr. Natividad natin ay si Mrs. Garcia na rin naman. Dapat lang ilibre kami ng maayos!” Sundot naman ng isa pa.“Libre lang? Dapat party na ’yan!”“Oo nga—party time!”Natatawa at nagsisigawan ang lahat sa silid. Parang bigla itong naging isang maliit na salu-salo—puno ng sigawan, tuksuhan, kantyawan at masayang ingay. Parating abala ang mga doktor sa kani-kanilang gawain sa ospital kaya kapag nagsama-sama sila, nabibigyan silang magkaroon ng pagkakataon na mamuhay sa labas ng mga propesyon nila.Napatingin si Norma sa kanyang alagang residente. Tumango ito







