LOGINNagising si Maxine sa ospital sa Maynila na walang matandaan, hindi maalala ang sarili niyang pangalan o ang nangyari bago siya na-ospital. Hinarap niya ang mundong hindi niya kilala, kasama si Anthony, isang lalaking mayabang na tila may alam sa kanyang nakaraan, at si Amanda, isang mahinahong babae na may lihim na intensyon at protektado ni Anthony. Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban para maibalik ang alaala, natutuklasan ni Maxine ang mga piraso ng relasyon niya, lalo na kay Mikael, isang misteryosong lalaki na posibleng kasintahan niya.. Habang hinaharap ang galit at pagkukulang ng pamilya, at mga suliraning pinansyal, nakita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Claudine at iwinaksi ang kanyang nakaraan. Sa gitna ng nakalimutang nakaraan, komplikadong pamilya, pagmamahal at pagtataksil, kailangang piliin ni Maxine kung haharapin ba niya ang nakalimutang buhay o sisimulang muli ang bagong yugto ng kanyang buhay.
View MoreSa mahabang hallway ng isang ospital sa Maynila, mga mahinang tunog ng makina ang maririnig at ang mga lakad ng mga tao sa labas na tila mga nagmamadali. Sa loob ng isang kwartong madilim, nakahiga si Maxine, maputla at tila walang muwang sa bigat ng mundong bumabalot sa kaniya . Ang liwanag na nagmumula sa malaking bintana ay kumikislap sa puting benda na nakabalot sa kanyang ulo.
At nang dumilat siya,walang bumungad.Hindi pangalan. Hindi alaala. Pagpasok ng nurse, May dala itong clipboard na tila may bahid ng pag-aalala sa kanyang isip. “Bed 16, Miss Maxine,How are you feeling? Wala pa rin po ba… kahit ano? Pinilit ngumiti si Maxine, kahit ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga labi. “Pasensya na… hindi ko pa rin maalala. Ni password ng phone ko, hindi ko alam.” Tumango ang nurse, sabay buntong-hininga. “Kailangan na po nating matawagan ang pamilya mo dahil malaki na po ang hospital bill mo” At biglang tumahimik ang loob ng kwarto “May emergency contact po ba kayo” wika ng nurse Saglit siyang natahimik. “Ako…” wika ni Maxine. sagot sa kanyang utak na tila may kurtinang di mabuksan. Pero bago pa man makabuo ng kahit anong paliwanag, biglang sumalpok ang pinto. Malakas at walang pakundangan. Biglang bumukas ang pinto, and the moment he stepped in, parang bumigat ang buong kwarto. Siya si Anthony, makisig, matangkad, naka-tailored suit na halatang mamahalin. “How many times are you going to pull this same stunt, Maxine?” mainit na bungad ni Anthony “Dragging Amanda with you and ending up in a car accident? Do you even realize she could’ve been disfigured because of you!” Nanginig ang kamay ni Maxine nang marinig ang boses ng lalaki na punong puno ng yabang at galit .Nang marinig nya ang boses ng lalaki parang may naaalala siya ngunit, she couldn’t quite remember what it was. Sa likuran ni Anthony, halos nakatago sa anino at nakatayo ang isang babae na mahinhin ang anyo, ngunit kita sa mga mata niya na siya ay may binabalak. Siya si Amanda- ang kapatid ni Maxine at babaeng pinoprotektahan ni Anthony. “Anthony…” mahina at mahinahon niyang tawag, sabay hawak sa manggas ng lalaki. “Okay lang ako. Hindi sinasadya ni ate Maxine ang nangyari…” wika niya, at halata sa malambot at mahinahong tono ng boses niya ang pag-aalala. Kumupas ang kanyang ngiti, nanginginig ang mga daliri habang mahigpit niyang hinihila ang manggas, na para bang sinusubukang iparamdam kay Anthony ang katotohanan sa likod ng aksidente , na hindi sinasadya, na walang dapat sisihin. “Magaling na ang sugat ko, please don’t scold her anymore… buti na lang talaga, when the windshield shattered, hindi tumama sa mukha ko” habang naka kunot-kilay at halata ang pag-aalala at kita sa mga mata ang pagkakilig habang nasa likod ni Anthony Napatingin si Maxine sa dalawa, at sa isang iglap ay binalot siya ng matinding kalituhan. Hinawakan niya ang benda sa kanyang ulo, at umaasang baka sakaling may maalala kahit man lang maliit na detalye Pero wala. Wala talaga. Naramdaman niya ang pagod sa pag iisip kung ano nga ba ang nagyayari ngunit siya ay mas lalong nanghihina at nawawalan ng lakas na harapin ang dalawang nakatayo sa kanyang harapan. Nagpatuloy si Anthony at mas lalo pang uminit ang sumunod na nangyari…. “Let me make this extremely clear. Didiretsohin na kita! Hindi kita gusto, Maxine.”sambit ni Anthony habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Maxine. “Limang taon. Limang taon kang nakasunod sa’kin na parang kawawang aso. Ni minsan ba, hindi ka natauhan? Hindi ka nandiri?” Para bang nabingi si Maxine. “Five years? Ako? Hinabol ka?” Napayuko siya at pilit na inaalala kung ano nga ba ang totoo Kumapit si Amanda sa braso ni Anthony at ngumiti.“ Anthony…tama na” pabulong niyang sinabi at tila nagpapa-cute habang sumisiksik sa tabi Dahil dun lalong lumamig ang tinig ni Anthony. “And by the way… Amanda and I? We’re not just friends. We’re becoming husband and wife. Hindi ko sya kayang iwan ng basta basta lang. Para sayo?” saad ni Anthony. Halata sa tono ng boses nito na parang wala siyang pakialam kahit pa may masaktan Nakaramdam si Maxine ng sakit dahil sa sinabi ni Anthony, at unti-unti siyang nanliit . naramdaman niya na para siyang sinisiksikan ng mabibigat na hindi niya alam kung saan nanggagaling. “Pasensya na…” aniya, halos pabulong. “Pero hindi ko kayo kilala.” Napalingon si Anthony. Kita sa kanyang mga mata ang pagtataka pero sa loob ng ilang saglit, unti-unti itong napalitan ng mapanlinlang na ngisi, at sinabi nyang “hindi mo kami kilala? Really, Maxine? bagong script moba yan?” Hindi siya umimik. Hindi dahil nagpapakaplastik siya, kundi dahil… totoo. Wala siyang maalala, kahit anong pilit niya. At bago pa sumabog ang tensyon, biglang nagbago ang palabas sa TV. Lumabas roon ang larawan ng isang lalaking naka wheelchair sa isang corporate event. Nakasuot ng black suit, nakasumbrero, at kalahati ng mukha ay nakatago sa lilim. “Ang pinakabatang tagapagmana ng pamilya Villamin, si Mikael, ay bumalik na sa bansa…” ani ng news anchor, habang naglalabas ng larawan sa screen. “…may mga balitang naaksidente siya dalawang taon na ang nakalipas at nawalan ng kakayahang gumalaw ang kanyang mga binti…” Huminga siya nang malalim. At bigla syang may naalala……“Him…” bulong ni Maxine. “Parang pamilyar ang mukha nato… siya yung nakikita ko sa panaginip ko ,ilang araw na… siya ba ang boyfriend ko?” pabulong nyang sambit at tumingin sa kanila “May alam ba kayo tungkol sa kanya ?Alam n’yo ba ang number niya? Paki-sabi naman na pumunta siya dito” Si Anthony ay napahagalpak ng tawa, isang maikling “HA!” na puno ng panlalait. “Yan! siya yan! siya ang boyfriend mo! my uncle, Mikael.” wika ni Anthony ,at tila nakangiti habang itinuturo ang TV. Mabilis niyang kinuha ang cellphone ni Maxine at inilagay ang contact number ng lalaki Kasabay nito, marahang nagtakip ng bibig si Amanda “Anthony… sigurado kaba?dalawang taon ang nakalipas ,dahil sa kanya,ang uncle mo-” pilit na pag-aalala sa boses niya, pero kita ang saya sa ilalim niyon. Yinakap ni Anthony ang bewang ni Amanda,habang diretso ang tingin kay Maxine “This is perfect,” bulong niya kay Amanda, saka tumingin muli kay Maxine. “Here’s his contact. Gamitin mo. Maxine…” Lumapit siya, akmang yumuko para itutok ang tingin sa mga mata niya. “Mas mabuti pang panindigan mo na ’yang drama mo nang mahigit isang linggo ngayon. Dahil kapag bumalik ka na naman sa’kin, dont expect.” Tumalikod ang dalawa at lumabas, iniwan sa paligid ang mabigat na kwarto, tanging mahina at mabagal na tibok ng puso ni Maxine ang naririnig niya. Walang alaala. Walang pangalan na malinaw. Walang mukha ng sinumang minamahal. Ngunit sa sulok ng isip niya… May aninong nakaupo sa dilim, nakayuko, at tila naghihintay. Isang lalaking hindi niya maalala pero tila kaya siyang pakinggan ng hindi hinuhusgahan.Isang boses na baka matagal na niyang nalimutan. Marahan niyang hinawakan ang kanyang telepono,at napatingin sa mga numero.Kumakabog ang puso ni Maxine habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.Sa sandaling iyon, para bang bumibigat ang bawat paghinga niya, hindi dahil nahihirapan siyang huminga, kundi dahil sa bigat ng mga alaala, problema, at takot na ayaw niyang harapin. Ang kwarto niya, na dati’y parang ligtas na espasyo, ngayon ay tila kulungan na.Nang makapasok siya sa kanyang kwarto, agad agad niyang hinahanap ang mga papeles at mga dokumento.Binuksan niya ang huling drawer… at napatingin siya sa isang kumpol ng sertipiko. CPA, CFA, at iba pang credentials na tinatawag na golden tickets in the field of finance.Sa pagkakita nya ng mga papel na iyon ,bigla syang may naalala na sumasalamin sa kanya ang mga papel na tila ilang taon niyang sinakripisyo, pinag-puyatan, at iniyakan. Lahat ng hirap, lahat ng pangarap. Pero kahit gaano kahalaga ang mga iyon, sa bahay na ito, tila wala itong saysay. Para bang kahit maging pinakamagaling siya, may kulang pa rin sa pan
Pagkatapos kumain ni Maxine, naglakad siya palabas, at halatang nahihiya“Uh… pwede mo ba akong mapahiram muna kahit maliit lang?” mahina niyang tanong na halos hindi makatingin kay Claudine."Hmmm..." Napabuntong-hininga si Claudine ’Yung cufflinks na binigay mo kay Anthony last week? Thats twenty thousand!! Tapos ngayon sasabihin mong wala kang pera?”Napakamot sa ulo si Maxine"By the way, about my hospital bill yesterday… someone paid for it. But I’ll pay it back once I have money.”Hindi na nakapagsalita si Claudine. Binuksan niya ang kanyang bank account at nag-transfer ng 10,000 pesos kay Maxine. Pagkatapos ay tinapik niya ang balikat nito.“Matagal nang nililimitahan ng family mo yung gastos mo. Lahat ng ipon mo napupunta sa lahat ng regalo mo para kay Anthony .Pati relatives mo sa other side, pinipilit mo pang pasayahin" napakamot ng ulo si Claudine“Pero sige na. Wag mo ng bayaran ‘yan. At kung wala kang matutulugan mamaya, bumalik ka lang dito.”Napayuko si Maxine, bahagya
Ramdam ni Maxine ang bigat sa kanyang dibdib habang nakatingin kay Claudine na hindi nya alam kung anong sasabihin.Binigyan ni Claudine ng bagong set ng pajama si Maxine at inilagay sa kanyang kama.“May sariling banyo ka sa room mo. Go shower ka na and take a rest. Super pagod na talaga ako ngayon bes, kaya hindi na kita makakausap ng matagal ha”Tahimik na tumango si Maxine at pabulong na sinabi “Thanks po”Napansin niya si Claudine na pumunta sa isa sa mga pinto ng kwarto, at agad niyang naintindihan na ang isa pang kwarto ay para pala sa kanya.Kinuha niya ang pajamas, nag-shower, at unti unting gumaan ang katawanHalos matutulog na siya nang may narinig syang tunog galing sa kanyang cellphone,agad nya ito tiningnan at nakita nyang nagmessage pala ang kanyang nakababatang kapatid na si Clifford“Ate! just got home. Ngayon ang birthday ni ate Amanda diba? bakit wala kapa? Sabi ni Mom, nag layas ka na naman… grabe, when will you stop ba? Balik ka na, ha! Yung luto ng yaya dito hin
Tinanggap ni Maxine ang sampal na iyon. Tinanggap niya ang nangyari na parang wala na siyang choice.Mabilis na lumapit si Amanda kay Mrs. Elvira para pakalmahin ito“Mom… I’m fine. Promise. Kailangan ko lang talaga . Natatakot lang ako na baka mag-breakdown ulit si Ate, kaya hindi na ako humingi pa ng mas malaki.”Pagkatapos ng nangyari sa labas ng bahay agad-agad namang binuksan ni Maxine ang pinto ng taxi na nakaparada sa tabi.“Kuya… tara na po…”Pero wala siyang maalalang kahit anong pangalan ng lugar. Kaya’t napatingin na lang siya sa bintana ng sasakyan habang pinapanood ang kanyang pamilya na unti-unting naglalakad papasok ng bahay, na para hindi siya kailanman naging parte nito.Napailing ang taxi driver“’Yan ba pamilya mo o kaaway? Wala ka pang sinasabi, bigla ka nalang sinampal. Alam mo, kahit one hundred pesos hindi ko tatanggapin sayo,bumaba ka na muna.”Pagsabi nito, agad na tumulo ang luha ni Maxine.Kahit siya, gusto rin niyang itanong “Pamilya ba talaga ako ng mga yon












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.