SIGHT-SEEING PA rin si Evie sa kabuuan ng building habang nakatayo pa sa tabi ng kotse ni Silver.
"Tara sa loob." saad pa ni Silver at sabay naman na silang naglakad papasok roon.
Pinagbuksan naman sila ng guard at napatanaw kaagad si Evie sa kabuuan ng receiving at reception area. Parehong silang lumapit sa may reception.
"Good afternoon madam, Sir."
"We have an appointment, Silver Alessandro." sagot naman ni Silver sa receptionist.
"For a moment Sir." tila may kinalikot ito sa monitor ng computer niya bago nakangiting nilingon muli sila. "On third floor Sir, show room three."
"Thanks." yun lamang at nagtungo na silang elevator.
Pagkarating sa ikatlong palapag ng gusali ay kaagad silang naglakad at hinanap ang show room 3 na tinutukoy sa kanila. Kaagad rin silang pumasok sa glass door nun.
"Hi Ma’am Evie, Sir Silver. I'm Sunshine, I'm going to assist you from choosing your gown and suit up to your stylist and makeup artists. Please follow me." bungad ng isang Attendant na member ng LGBTQ+. She/He looks a real woman at all because of her long straight hair, fully makeup and wearing formal polo and blazer with black pants and heels. Kung hindi ito magsasalita, hindi mahahalatang hindi siya tunay na babae.
Nginitian lang naman siya ni Evie ngunit si Silver ay naka-serious mode on.
"Here are our available evening gowns, what kind of event po ba ang pupuntahan natin?" magiliw na saad nito pagkarating nila sa area kung saan sandamakmak na long evening gowns na naka-display at nakasampay sa mga racks.
"Formal Year-End party." sagot naman din ni Evie.
Sa sobrang dami, hindi malaman ni Evie kung paano o saan pipili sa mga ito. Kahit iniisa-isa niya ang tingin sa mga naka-display sa mannequin, hindi siya makapili pa rin.
May lumapit rin isa pang member ng lgbtq+ na halos parehas ng gayak ni Sunshine.
"This is our resident stylist, Amore. She'll help you two to choose a proper and appropriate gown and suit on your occasion."
"Hello everyone. Let's choose for Madam's gown first and then to Sir."
Sumunod naman sina Evie at Silver sa nagngangalang Amore at dinala sila nito sa tabi ng mga naka-display gowns.
"Do you have any prefer gown to wear, Ma’am?" nakangiting tanong pa nito kay Evie.
"Ahm, just simple and plain. I don't want to much revealing too."
"Sure ka Ma’am? Ang ganda pa naman ng body type mo, bagay na bagay sayo kahit backless o open sides."
"Ahm.." tila undecided naman si Evie dahil nahihiya rin siyang narito si Silver habang pinipiliin siya ng maisusuot. Tiningnan niya ang binata na nakatingin na sa mga naka-display gowns at tila ito pa ang namimili.
Lumapit naman si Evie kay Amore at bahagyang bumulong rito. "Pwede bang -- unahin niyo na lang siyang pilian ng suit? Naiilang kasi ako eh." tila nahihiya pa nitong request na kinatawa ng bahagya ni Amore sabay turo pa kay Silver sa hindi kalayuan.
"Of course Madam, I know exactly how you feeling." tumugon ito sa may likuran ni Evie. "Ahm, Miss Sunshine!"
Kaagad naman lumapit ito sa kanila.
"Please assist Mr. Silver to his suits. Ako ng bahala dito kay Madam Evie."
"Sure!"
Nabigla naman si Silver dahil pinaghihiwalay na sila ni Evie kaya tila nagprotesta siya.
"Teka lang?"
"Kami na pong bahala sa wife niyo Sir, surprise na lang ang final result niya mamaya." paghawak pa ni Amore sa magkabilang braso ni Evie mula sa likod nito.
"Ahm, hindi niya --"
"Hindi kasi ako sanay malayo yan sa akin eh." pagsingit ni Silver kaya pinanlakihan siya ng mata ni Evie.
Tila pareho namang kinilig sina Sunshine at Amore sa narinig.
"Nako Sir, promise! Mas lalo kang mai-in love kay Madam mamaya kapag naayusan na siya!" proud pang sagot ni Amore rito.
Sinasamaan naman ni Evie si Silver ng tingin dahil pinalalabas na naman ni Silver na asawa siya nito. Hindi niya malaman kung maganda o hindi ito.
LUMABAS na sina Silver at Sunshine sa show room 3 habang naiwan pa roon sina Evie at Amore na tumutulong sa kanya sa pagpili ng babagay na gown sa kanya.
Matapos ang pilian ay lumabas na rin sila ng show room at dumiretso sa dulong kwarto. Nagkasalubong naman silang apat sa hallway. Nagkatinginan sina Evie at Silver ngunit hindi nagimikan.
Pumasok si Evie sa dulong kwarto habang sa katabing kwarto naman nun pumasok si Silver.
Bumungad kay Evie ang isang malaking makeup room, tila nasa loob siya ng isang saloon. Kompleto ng gamit roon at mga upuan. May ibang customers ring inaayusan na naroon.
Kaagad siyang pinapasok sa isang dressing room sa gilid ng kwarto at pinaghubad ng damit pati bra. Tanging white bathrobe lamang ang naging saplot na niya.
"Have a seat, Madam." paghaya pa ni Amore kay Evie sa dulo ring stool chair. Naupo roon si Evie at minamasdan ang sarili sa malaking salamin sa harapan.
"I will just call your hair and makeup artist. I-inform ko na rin siya about sa gown na napili natin sayo para siya na ang bahala kung anong babagay na hairdo and makeup for you Madam." masaya pa nitong saad kay Evie habang parehas silang nakatingin sa isa't isa sa salamin.
"Thank you, Miss Amore."
Habang nagiintay ay lumibot muna ng tingin si Evie sa dalawa pang babae pang inaayusan, ang isa ay mukhang mas bata sa kanya, halatang debutant ito, at ang isa ay mas nakakatanda sa kanya, malamang ay isa itong bride.
"There she is."
"Madam Evie, this is Renee." pagpapakilala pa ni Amore sa isa pa niyang kabaro. "Your husband requested the best hairstylist and makeup artist, so there she is!"
Gustong-gustong itama ni Evie ang sinasabi nilang asawa siya ni Silver kaso baka mawala ang special treatment sa kanya kapag ginawa niya ito kaya pinagsawalang bahala na lang din muna niya.
Weh? Baka nagpapalakpak tainga ka lang kasi!
Sinimulan ang pagaayos ng buhok ni Evie, shinampoo at hot oil pa ito bago tuluyang pagandahin. Sinunod na rin ang makeup niya.
"Ang ganda ng pagka-fair skin niyo Madam, anong skin care routine mo?" pagusisa pa ni Renee habang nilalagyan ng moisturiser sa mukha si Evie.
Nangiti naman si Evie rito habang nakapikit.
"Hiyang lang sa stress."
"Ay! Kung talagang nakakaganda ang stress, malamang dyosa na ko!" sabay naman silang natawa. "Alam ko ng babagay sayong makeup madam, bagay na bagay yun sa evening gown mo mamaya. For sure, tulo laway ang afam mo later!"
Panay ngiti na lamang si Evie sa mga sinasabi nito.
"Kapag nakita ka ni hubby, nako baka imbes sa party ang tuloy niyo, umuwi na lang kayo sa bahay at mag-loving loving!" kinikilig pa nitong saad habang naglalagay ng eye shadow kay Evie.
"Hindi naman siguro."
"Ilan na po ba ang mga junakis niyo, Madam?" pagusisa pa nito na hindi inasahan ni Evie.
"Ahm, wala pa eh. Aso lang."
"Ay taray! Kaya pala ang sexy sexy pa rin! Nako baka mamaya makabuo na kayo!" sinasakyan na lamang ni Evie ang kakulitan nito.
Magaan ang kamay ni Renee, ni hindi nasaktan si Evie sa pagaayos nito sa buhok niya at paglagay ng makeup. Nang matapos ay halos hindi rin siya makapaniwala sa itsura niya. Hindi niya rin akalaing may igaganda pa pala siya!
"Ay grabe! Hindi na nga ako masyado nag-effort pagandahin ka pero para pa ring dyosa na bumaba sa lupa!" proud namang hiyaw ni Renee habang nakatingin kay Evie sa salamin.
"Thank you, Miss Renee."
"Come on, Madam Evie, let's try your dress." pagtawag pa ni Amore ng atensyon niya.
Dumiretso na siyang dressing room at may isa pang tumulong sa kanila sa pagsusuot niya ng gown.
"Here Madam, si mister niyo daw po mismo ang pumili ng mga ito sabi ni Sunshine." saad pa ni Amore pagkapasok sa dressing room at pakita kay Evie ang dala nitong crystallised silver stilettos at crystallised rectangular pouch bag.
May mga pinasuot rin sa kanyang set of jewelries na hindi niya alam kung gaano ito kahahalaga kay iniingatan na lamang niya dahil baka kailangan pa pala itong ibalik.
Hindi naman na nakaimik si Evie dahil nabibigla pa rin siya sa mga nangyayari. Masyado yata siyang na-spoiled ni Silver sa bagay na ito. Hindi niya expected na mararanasan pa niya ito.
"Oh!" Renee
"My!" Amore"Gosh!" SunshineTili naman ng tatlo nang tuluyang lumabas si Evie ng dressing room. Napangiti na lamang si Evie sa kanila na nakakaramdam ng hiya. Tumalikod siya para makita ang sarili sa full mirror. Napatulala siya sa sarili niya ng makita ito sa salamin.
"Couldn't thank you all enough for this." pagharap ulit ni Evie sa tatlong nagsilbing fairy god mothers niya. Kahit siya ay nagandahan sa sarili, tama ang fitting ng evening gown niya pati na rin ng sapatos nito.
"You're so welcome Madam! Hinihintay na po kayo ni mister sa baba." nakangising saad ni Sunshine rito.
"Bagay na bagay kayo Madam! Nakita ko rin siya kanina!" kinikilig pang dagdag ni Amore.
"Ay! Pasalamat ka Madam na asawa mo siya, kundi baka inagaw ko na!" biro pa ni Renee.
Inalalayan at sinamahan naman na siya ni Sunshine hanggang sa makababa sila ng ground floor. Ito rin ang may hawak sa malaking paper bag kung saan naroon ang black clothe cover at mga gamit na suot ni Evie kanina. Hinanap ng paningin ni Evie si Silver ngunit ni wala ito sa kabuuan ng palapag o kahit pa sa receiving area.
"Where -- is he?"
"Ay, baka nasa labas na po Madam. Sabi niya kasi pababain na lang po kayo pagkatapos niyo kasi ise-settle na niya ang bills niyo."
Pinagbuksan pa siya ni Sunshine ng pinto at nahinto sila sa may labasan. Pareho nilang hinanap si Silver doon ngunit wala ito roon.
"Ahm, excuse po Ma’am Evie." paglapit naman ng isang lalaki na pamilyar kay Evie.
"Yes po?"
"Pinapasundo na lang po kayo ni Sir Silver. Nauna na po kasi siya sa PICC." saad nito at napagtanto ni Evie na ito ang driver ni Silver.
"Ahm, okay po."
"Ay! Baka nanigurado si Sir na makakarating pa kayong party dahil kung makita ka niya kaagad ngayon, baka iuwi ka na lang niya! Amp!" kinikilig-kilig pa nitong komento.
Sumama naman na si Evie sa driver at hinaya siya nito sa rover na sinakyan nila kanina.
Ano naman kayang trip nun? Ang mokong iwan daw ba ako rito? Pasabi-sabi pang dapat sabay kaming dumating ng party mamaya!
Tahimik lamang si Evie habang nasa byahe, dahil naabutan na ng rush hour, malamang madilim na bago pa siya makarating ng venue. Kinakabahan talaga siya sa itsura niya ngayon, masyado siyang nako-conscious na baka maging attention seeker which is she never intended to.
Nanlalamig pa rin ang kamay niya hanggang sa makarating sila ng venue. Inihinto mismo ng driver sa tapat ng entrance ang sasakyan at may valet attendant namang nagbukas ng pinto sa kanya.
"Good evening Ma’am." magiliw na bati pa ng valet attendant.
"Thank you."
Naglakad na si Evie sa pahagdan patungo sa entrance ng venue. Maingat ang bawat hakbang niya dahil kailangan pa niyang itaas ng bahagyang dulo ng dress niya upang hindi niya maapakan at mas makahakbang siya ng maayos.
Pagkapasok ay kaagad niyang hinanap ang ballroom hall kung saan ang party nila at nakita niya rin iyon dahil sa podium at banner ng company nila na nasa labas ng pintuan, naroon ang isang attendant na nagchi-check ng invitations at isang security officer.
Papalapit na doon si Evie nang biglang may sumulpot sa kanang bahagi niya mula sa tagong hallway. Si Silver.
Nasapo niya ang dibdib niya sa pagkabigla ngunit napalunok na lamang siya ng makita ang binata. Naka-brush off ang buhok nito na parang dinilaan ng kalabaw palikod sa sobrang pagkapulido ng pagka-wax. Naka-light silver amerikano coat with black pants at black leather shoes ito, match ang dark violet necktie nito sa suot. Newly shaved din ang pagmumukha nito kaya mas maaliwalas tingnan, litaw na litaw ang pagka-mestizo ni Silver.
"Kailangan talaga biglang susulpot?" mabilis na nabalik ni Evie ang wisyo niya at sarkastikong saad nito kay Silver.
Hindi naman mapigilan ni Silver na mangiti ng abot tainga dahil nagulat niya si Evie, ngunit mas nagulat siya sa kagandahan nito ng makita sa malapitan.
Bagay na bagay rito ang see-through long fitted gown na may velvet violet curly designs na nagsisilbing takip sa dibdib niya at ibang parte ng katawan niya. Tila kulambo ang tela nito kaya kitang-kita ang likod niya, tagiliran at gitna ng hita dahil sa dulo ng dress ay another curly designs pero litaw pa rin ang ganda ng stilettos niyang si Silver rin ang pumili pati ang hawak na pouch bag at set of jewelries from earrings, necklace at bracelet. Nakalugay rin at in-emphasised ang long curly hair niya at naka-light smokey eyeshadows at red lipstick.
"So stunning!" komento pa ni Silver habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kabuuan ni Evie.
"Kahit anong dungaw mo dyan, hindi mo masisilip yan. May color flesh kamison pa yan sa loob." pag-irap pa ni Evie rito at nag-arm cross.
Napasapo naman ni Silver ang trimmed beard at nakangisi pa ring tingin kay Evie.
"Nginingiti-ngiti mo dyan? Sabay daw dapat magpunta sa party pero iniwan ako dun! Hilig talaga mangiwan sa ere." nakabusangot namang saad ni Evie at inirapan na naman si Silver.
"I just don't want to spoil myself. Gusto ko ring ma-surprise sa itsura mo ngayon and it doesn't fail me. You look beautiful and stunning. Baka kung nakita kaagad kanina, inuwi na lang kita sa condo ko, doon tayo mag-party na dalawa." puri pa nito ngunit hindi iyon nagpabago ng mood ni Evie.
Nagmartsa na lamang si Evie patungong pintuan at nilampasan si Silver ngunit hinabol rin naman siya nito.
Pagbubuksan na sana sila ng pinto ng harangin pa ito ni Silver sabay haya ng kaliwang braso nito upang doon humawak si Evie.
"Tara na, sabay nga tayo di ba?"
Sinamaan lang siya ng tingin ni Evie at padabog na kumapit sa braso niya na halos ikasubsob niya ang paghatak nito. Umayos sila ng tindig saka naman bumukas ang pinto.
Pagkapasok pa lamang nila ay tila nagkakagulo pa ang lahat ng naroon na empleyado mula sa Pasay at Makati branch ng kompanya, at ang mga board members at investors na kasama ang kani-kanilang partners. Marami ang nakapansin sa pagpasok ng dalawa, rinig nila ang bulungan na ng mga ito at matatalim na tingin na tila sinusuri silang mabuti.
"Omg si Miss Evie ba yun?"
"Oo nga? Ang ganda niya!"
"Sino yung kasama niya?"
"Baka boyfriend niya?"
"Ang gwapo naman! Sobrang tangkad!"
"Hindi kaya pagchismisan ako nito sa office?" saad ni Evie habang naglalakad sila ni Silver patungong assigned table nila. Napapansin niya kasing madaming nakatingin sa kanila at mukhang may mga sinasabi. Nginingitian na lamang niya ang nakangiti sa kanya kahit hindi niya masyadong kakilalang katrabaho.
Narinig naman niyang natawa ng bahagya si Silver ngunit nakapagpigil rin.
"Ano naman? Hayaan mo sila."
"Baka sabihin nakabingwit ako ng investor."
"Nakabingwit ka naman talaga ah? Dati pa."
Tiningnan ng masama ni Evie si Silver at pinagtaas ng sulok ng labi niya.
"Ang kapal mo, kung hindi dahil pinilit niyo ako, hindi ako mag-show up dito ng kasabay ka."
"Chill! Let's enjoy this party." pagngiti pa ni Silver rito ng matamis at mahinang pisil sa baba niya.
"Good evening Miss Evie, kanina pa po namin kayo hinihintay. Magsimula na po ba tayo ng program?" paglapit ng isa sa mga organiser sa kanila kaya napahinto sila sa paglalakad.
"Ahm --"
"Excuse me? Hindi ba't trabaho niyo ang ayusin ang flow ng program sa party na ito?" pagsingit naman ni Silver sa babaeng lumapit sa kanila.
"Hinihintay kasi nila ang go signal ko, baka kasi wala pa rito ang ibang board members at investors kaya hindi pa pwedeng magsimula." paliwanag naman ni Evie rito.
"Well, eh di dapat makipag-coordinate sila sa receptionist sa labas kung kompleto na ba ang list of guests. Hindi yung nakadepende silang lahat sayo. Paano mo naman mae-enjoy ang sarili mo sa party di ba? Date pa man din kita."
"Nako, pasensya na po Sir. Ahm -- sige po ako na lang pong bahala."
"It's okay, mamaya na lang siguro. I'll make a rounds muna." saad pa ni Evie sa babae at kaagad rin nitong iniwan sila. Binalingan naman niya ng masamang tingin si Silver. "Kailangan talagang sungitan yun?"
"As I said, chill ka lang dapat ngayon at ako lang ang intindihin mo."
"Ano ka? Anak ko?"
"Oo, padede mamaya ah?"
"Ugh?!" nabigla naman si Evie sa sinabi ni Silver at halos itulak niya ito ngunit nakakapit rin si Silver sa kamay niyang nakakapit sa kaliwang braso niya kaya hindi niya naitulak itong mabuti. "Ang bastos mo!"
"Oh, huwag kang sumimangot, dami pa naman nagagandahan sayo oh?" pangaasar pa ring pagngisi ni Silver rito.
At dahil nasa first table sila naka-assign, halos malibot nila ang ballroom floor sa paglalakad. Daig pa nila ang nag-fashion show doon. Proud na proud namang naglalakad si Silver dahil masaya siyang si Evie ang kasama niya, pakiramdam niya naipahayag niya sa lahat ng narito sa party na kanya lang si Evie ngayong gabi at walang ibang makakalapit rito. Habang si Evie naman ay halos takpan na ang mukha sa hiya dahil pakiramdam niya marami ng negative thoughts ang sinasabi sa kanya ng mga katrabaho niya. Hindi siguro inaasahan talaga ng mga ito na may date siyang kasama. Paniguradong chismis ang aabutin niya kapag nalaman pang si Silver ay ang newest investor ng kompanya.
"Hey, wait!" paghinto naman ni Silver na kinataka ni Evie.
"Bakit na naman?"
"Let's have a picture!" pagturo pa ni Silver sa photo booth na nasa sulok malapit sa fire exit ng silid. Napakunot naman ng kilay si Evie roon dahil hindi siya fan ng ganun. "Sige na! Lahat ng nandito may picture dun panigurado. For souvenirs yun di ba?"
Tinitingnan pa rin ni Evie ito ng masama at gayun din ang photo booth. May ilang mga nakapila pa para rin magpa-picture doon.
"Sige na, tara na!" paghatak pa ni Silver kay Evie at wala naman din itong nagawa.
Pumila sila para makapagpa-picture sa booth na ang background ay theme ng year-end party ng kompanya. Hindi rin fan si Silver ng ganito, ngunit dahil kasama niya si Evie, sasamantalahin niyang magkaroon man lang sila ng picture together.
"Evz! Silver!" sabay pa silang napalingon sa tumawag sa kanila mula sa likod ng pila. Sabay rin silang napangiti ng makita ang naniningkit na mata ni Benjamin dahil sa malapad na pagngiti nito.
"Hey!" pag-apir pa ni Silver kay Benjamin ng makalapit ito sa kanila kasama ang date niyang naka-abrisyete rin sa braso nito.
"Wow Evz? Is that really you?" hindi naman makapaniwalang komento ni Benjamin na kinatuwa naman ni Evie.
"Ako pa ba?" tila naging confident naman si Evie dahil si Benjamin ang pumuri sa kanya.
"Akala ko ba ayaw mong maging attention seeker, but look at you now! Para kang kokoronahan!" biro pa ni Benjamin na kinatuwa naman nilang lahat. "Dude, ikaw na muna ring bahala kay Evz ah? Huwag mong aalisin sa paningin mo yan dahil panigurado, magiging busy yan dito sa party."
"Oo naman." humigpit naman ang braso ni Silver dahilan para maipit ang kamay ni Evie na nakahawak roon.
"And by the way, this is Sofie, my date." pagpapakilala na ni Benjamin sa kasama na kanina pa pekeng ngumingiti sa mga ito pero nginitian pa rin siya ni Evie.
"Hi!" matipid pang ngiti nito na halatang na-intimidate sa pagpuri ni Benjamin sa sekretarya.
"You know Evie, di ba? And this is Mr. Silver Alessandro of S.A Constructions company."
"Nice to meet you."
Matipid na ngiti lamang ang tinugon ni Silver rito.
"You look dashing as well, Benj." puri pa ni Evie na kinatuwa at hiya rin ni Benjamin kaya napahawak pa ito sa batok. Nakasuot ito ng dark blue amerikano coat with black polo inside and black pants with brown leather shoes at white tie.
"Hindi naman masyado." nahihiya pa ring tugon nito.
Napansin rin naman ni Evie ang sexy halter back red satin evening gown ni Sofie, bagay na bagay ito sa kaputian ng dalaga. Nakalugay din at nakakulot ang buhok nito.
"I love your dress, you look amazing." walang halong kaplastikang puri ni Evie dahil nagandahan naman talaga siya sa dalaga ngayon.
"Th -- thanks. You look beautiful too." naiilang pang sagot ni Sofie dahil alam niyang nagkaroon ng tensyon sa kanila ni Evie noong una nilang pagkikita.
Pumila ulit sila sa photo booth at pinauna na nila sina Benjamin at Sofie makuhanan ng litrato.
"Hey, look at here!" saad ni Silver kaya napatingin sa kanya si Evie ngunit napansin nito ang hawak niyang phone at nakatapat sa kanila ang front camera.
"Ay, ano ba yan?" inis namang tugon ni Evie dahil nakuhanan ni Silver na nakatingin siya rito.
"Tingin ka kasi sa camera."
"Ayoko nga ng selfie."
"Please? Isa lang."
Umirap pa si Evie bago lingunin ang camera ng phone ni Silver ngunit hindi man lang siya ngumiti.
"Finally, we have a picture together." nakangiti pa rin nitong saad dahil napapayag niya si Evie.
"Sabi mo isa lang, nakarami ka ng pindot."
"Syempre, para marami akong souvenir. Ang gwapo ko pa naman ngayon, pero hindi man lang ako pinuri ng isa dyan? Date ko pa man din!" pasaring pa ni Silver habang nakatingin sa mga nagpapakuha ng litrato.
Inirapan lamang muli siya ni Evie.
"Oo na, gwapo mo tonight. Lalo siguro kung hindi mo ko iinisin."
Lihim namang napangiti si Silver sa narinig.
Nang matapos sina Benjamin at Sofie magpakuha, dumiretso na sila sa assigned tables nila. Sumenyas na lamang si Benjamin na sumunod sila doon pagkatapos nila sa photo booth.
Pumuwesto sina Evie at Silver sa gitna ng camera. Inalis ni Evie ang pagkakakapit kay Silver at casual lang tumayo sa tabi nito.
"Okay, on three! -- One, two, --" saad pa ng photographer. At bago pa mag-three sa bilang, biglang kumapit si Silver sa beywang ni Evie at nilapit ito sa kanya. Sa pagkabigla ni Evie, tila may kirot sa tiyan niya kaya natuod na lamang siya sabay napatingin kay Silver. Ganoong pose ang nakuhanan sa kanila ng camera.
"Nice shot! Another one! -- One, two--"
Napatingin naman na si Evie sa camera at pasimpleng ngumiti na lamang habang nakakapit pa rin si Silver sa beywang niya. Little did she know, si Silver naman ang nakatingin sa kanya na para bang siya lamang ang babaeng titingnan nito habang buhay.
"Nice one! Last shot po tayo, give me your sweetest smile in one, two --"
Sa huling shot ay pareho na silang nakangiti sa camera.
Inintay nila ang printed photo na pinagawang dalawang kopya ni Silver para tig-isa sila ni Evie.
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open