Share

Chapter 23

PINAKAPIT MULI ni Silver si Evie sa kaliwang braso niya bago sila naglakad patungo ng assigned table. Pinaghila naman din ni Silver si Evie ng upuan bago ito pinaupo at umupo rin siya sa tabi nito.

Good for eight ang round table nila. Nasa kanan ni Evie si Benjamin, katabi nun ang date nitong si Sofie na nasa kanan din niya. Nasa kaliwa naman si Silver na ang kasunod ay ang president ng company nila na best friend ng ama ni Benjamin.

Hindi pa nagiinit sa kinauupuan niya si Evie, panay dungaw na nito sa mga tables na naroon. Yung iba kasi ay bakante pa, marahil wala pa ang ibang expected guests. Napansin naman kaagad ni Silver ang pagkaali-gaga ni Evie.

"Chill. Darating din mga yun."

"Oo nga, chini-check ko lang para matawagan ko yung coordinator ko at makapagsimula na ng program."

"In ten minutes, kung wala pa rin sila, pagumpisahin mo na ang program, Evz." saad naman ni Benjamin.

"Copy that."

May nag-serve naman na per tables ng VIP ng tubig at champagne.

"Let's toast for tonight?" saad pa ni Benjamin at hinaya ang champagne tulip sa kanila.

"Cheers!" saad nilang apat at pinag-toast ang mga champagne glasses nila sabay inom rito.

"Where's Khalil?" tanong naman ni Silver kay Benjamin. Narinig ito ni Evie at tila nabigla.

"They're invited too?" kaya pala may dalawang bakanteng upuan sa table nila na akala niya ay sadyang pinabakante lang ni Benjamin para hindi sila crowded sa mesa.

"Yeap. Kaso may emergency board meeting kanina daw sa Davao kaya hindi sila makakaabot ni Ingrid dito." sagot naman ni Benjamin sa mga ito.

"Sayang naman. Akala ko makikita ko ulit si Ingrid." panghihinayang pa ni Evie ngunit kinakatuwang palihim ni Silver. Dahil kung narito rin si Ingrid ay malamang iwanan siya ni Evie. At kung narito si Khalil, hindi sila matitigil na tatlo sa paguusap tungkol sa kung anu-anong bagay lalo na ang offer ni Khalil sa kanila na pagbenta ng lahat ng property nito sa Pinas.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang unang bahagi ng programa. Pinatawag ng host si Benjamin upang makapagpasalamat sa lahat ng dumalo.

Matapos ng ilang announcements at patungkol sa kompanya, nagkainan na rin sa wakas. At dahil nasa VIP table sila, hindi nila kailangang tumayo para sa kumuha ng pagkain sa buffet dahil may magsi-serve na sa kanila per course meal. Nagsimula namang tumugtog ang live band habang kumakain na ang lahat.

"The food is great." komento pa ni Silver habang kumakain ng calamari stack.

"Of course. Magaling si Evie pumili ng caterer eh. Sila rin yung nakuha mo nung mga nakaraang taon di ba?"

"Yeap. Chef Jan is a good friend of mine. Siya talaga ang nire-request kong magluto sa atin."

"Calamari yan, baka mamaga ka." bulong pa ni Silver kay Evie.

"Kaya nga konti-konti lang oh?" kinuha naman ni Silver mula sa plato ni Evie ang hindi nito nagalaw na pagkain dahil bawal siya rito, hindi naman siya pinigilan ni Evie.

"Dapat nagpa-serve ka na lang ng iba."

"Sawa na kong mag-salad."

Tila bulungan naman ng dalawa na napansin kaagad ni Benjamin, nakita rin nito ang pagkuha ni Silver ng pagkain mula sa plato ni Evie na hindi man lang ito nagreklamo. Naisip kaagad niyang mukhang malapit na ang mga ito sa isa't isa. Hindi rin naman niya malaman kung bakit simula noong nakita niyang magkasama sina Evie at Silver ay todo bantay na siya sa mga ito. Kung tutuusin, siya naman ang naglapit sa dalawa pa. Pero bakit pakiramdam niya ay ayaw niyang ma-out of place sa dalawa. Dahil dyan ay napagsasawalang bahala naman niya ang ka-date niyang si Sofie. Kanina pa rin nito napapansin si Benjamin na nakatingin kina Evie at Silver kaya lalo siyang naiinis kay Evie.

Pagkadating ng main course, nagtaka si Silver kung bakit ang lahat ng nasa table ay na-serve ng steak ngunit sa kanya ay salmon.

"It's still a steak. Salmon steak." saad pa ni Evie rito.

Wala na rin namang nagawa si Silver dahil alam niyang bawal sa kanya ang karne. May side dish itong mixed vegetables.

"I love how this steak medium well. Hindi rin ganoon kaalat." komento pa ni Benjamin.

"Indeed. Not a fan of steak pero it's a good one in this occasion. Can't wait for the dessert."

Tila sina Evie at Benjamin na naman ang nagkakausap ngayon. Nai-intimidate na naman si Silver dahil hindi siya makasingit. Mukhang itong dalawa lang kasi ang nagkakaunawaan dahil pati ang date ni Benjamin ay napapatingin sa dalawa kapag nagkakatawanan sila magusap.

Nang matapos ang main course, nagpahinga muna sila saglit bago ipa-serve ang dessert. Nag-excuse naman na muna si Evie para magtungo ng restroom na nasa malapit pa ng entrance.

Nagkatinginan naman sina Silver at Benjamin pagkaalis ni Evie na halos sabay umambang tatayo.

"Where are you going?" pagpigil naman ni Sofie kay Benjamin kaya naupo rin kaagad ito.

"Ako na." saad naman ni Silver at nagmamadaling tumayo at sunod kay Evie. Tila gets nilang dalawa na baka sumegway na si Evie sa pagka-busy nito sa pagaayos ng flow ng party.

"Can you just let your secretary be with her date?" medyo inis namang tugon ni Sofie kay Benjamin na hindi naman pinatulan nito.

"I'm sorry, baka lang kasi magpaka-busy yun. Maiiwan si Silver. You know that he's the newest investor kaya pinagkatiwala ko siya kay Evie."

"Whatever. Let them be."

Pero taliwas talaga iyon sa nais ni Benjamin. Ayaw man niyang lagyan ng malisya ang dalawa pero nai-intimidate siya sa katotohanang hindi siya ang inuuna ngayon ni Evie.

Palihim namang sinundan ni Silver si Evie hanggang sa makarating ito ng restroom pambabae. Pumasok rin siya sa panlalaki at mabilisan ding lumabas para maabangan si Evie sa gilid lamang.

Makalipas ng ilang minuto, lumabas nga si Evie ngunit hindi siya kaagad nito napansin dahil may lumapit na naman ritong dalawang coordinator. Kinausap nun si Evie at inabutan ng ilang papel. Parang chini-check naman ni Evie ito at biglang lumabas ng ballroom hall.

Pambihira! Totoo ngang baka iwan ako nito sa ere at magpaka-busy!

Sumeryoso ang mukha ni Silver at sinundan ang mga ito sa labas ng ballroom hall. Nakita niya kaagad na kausap ni Evie ang mga staff at organisers doon.

"I-assist niyo na lang kaagad sila sa assigned tables nila pagkadating ng mga hahabol." saad pa ni Evie na nakatalikod sa kanya. "Then, make sure malinis lagi ang paligid ah, mag-buss out sa tables para hindi dugyot tingnan. Yung restrooms, check niyo palagi baka madumi na rin at walang tissue."

Napapailing na lang si Silver sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Napakaswerte ni Benjamin maging sekretarya ito.

I wonder how it feels like to have her as my wife?

Napatingin naman kay Silver ang ilang naroon at tila nahihiya dahil minamasdan niya ang mga ito ngunit ni walang ideya si Evie na nasa likuran lang siya nito.

"Okay sige, let me know kung may problema ah?"

"Wala namang magiging problema, di ba?" pagsingit ni Silver na tila nananakot sa mga naroon.

Halos mapalundag si Evie sa gulat ng marinig ito at kaagad siyang napatingin sa likuran niya.

"Si -- Silver." halos mamilog ang mga mata nito sa pagkabigla.

Lumapit pa si Silver at tinabihan si Evie. "Wala naman magiging problema di ba? Para hindi niyo na muna istorbohin si Evie ngayon, party ito ng kompanya para sa mga masisipag na empleyado nila. Don't you think Evie doesn't deserve to enjoy this?" hindi naman matantsa ng lahat kung galit ba ito dahil puno ng sarkastimo ang sinasabi.

"Wa -- wala po Sir."

"Opo Sir, kami na pong bahala. Mag-enjoy na lang po kayo ni Miss Evie."

Napatingin naman ng masama si Evie kay Silver at binagsakan ito ng balikat.

"Hindi naman sila nakakaistorbo, nag-report lang din sila sa akin."

"Then mag-report na lang after ng party. Kung hindi pa siguro emergency dapat alam niyo kung papaano i-handle di ba?"

Doon napantanto ni Evie ang pagkaistriktong ugali ni Silver. Alam niyang seryoso ito sa mga sinabi kahit pa hinahaluan niya ng pagkasarkastimo.

"Opo, Sir. Pasensya na po. "

Pagpapakumbaba pa ng mga ito kay Silver na kinakahiya naman ni Evie.

"Let's get back on our table, shall we?" paghablot na ni Silver sa kamay ni Evie at wala na rin namang nagawa ang dalaga sa kanya kundi sumunod.

Magkahawak kamay silang pumasok at naglakad ng ballroom floor. May ibang napapatingin na naman sa kanila dahil medyo takaw pansin talaga ang katangkaran at kagwapuhan ni Silver, at gayun din ang magandang ayos pa ni Evie na hindi siguro inaakala ng lahat.

Pilit namang hinihigit ni Evie ang kamay niyang hawak ni Silver ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Napapayuko na lamang din siya sa paglalakad dahil napapansin niyang pinagchichismisan na naman siya.

"Kapag ako talaga nachismis sa office ng tungkol sayo, magre-resign na ko!"

"Eh di mabuti! Tapos sa akin ka na lang magtrabaho." seryosong sagot pa nito.

"Sira ulo ka ba? Bakit ako magtatrabaho sa kompanya mo eh umiiwas na nga ako sayo!" halos singhal naman ni Evie, wala siyang pakialam kung may makarinig sa kanila.

"Bakit kailangan mong umiwas? I thought you're a professional? So pure business lang."

"Huwag na huwag mo yan ipaparinig kay Benjamin! Ayokong isipin niyang ayoko ng magtrabaho sa kanila!"

"Eh kasasabi mo lang balak mo ng mag-resign kapag nachismis ka di ba? Nagmamagandang loob lang akong bigyan ka ng kapalit na trabaho."

"Ewan ko sayo!" sabay malakas na higit nito sa kamay niya at nag-cross arms para hindi na mahawakan ito muli ni Silver.

Naupo na rin sila sa tables nila pagkarating doon at napag-serve ng desserts.

Pagkalapag pa lamang ng Pistachios Pinacotta, natakam na doon si Silver ngunit bigla itong kinuha ni Evie at nilagay sa tapat niyang mesa. Napatingin na lamang siya rito at nag-wave ang hintuturo nito sa kaliwa't kanan upang magsenyas sa kanya.

"Nah uh? Don't ever think about it." pagsuway ni Evie rito.

"Konti lang eh." protesta pa ni Silver na hawak na ang dessert spoon niya.

"Utang na loob, huwag mo kong pagsugurin na naman sayo sa ospital."

Sakto namang may lumapit muli na waiter sa kanila at naglapag ng fruit platter kay Silver.

"Thanks."

"That's yours, much healthier. Buti talaga naabisuhan ko sila kanina bago ka dumating." saad pa ni Evie habang sinisimulan ng kainin ang dessert niya.

Minasdan muna ni Silver ang assorted cube chopped fruits ng watermelon, melon, honeydew, apple at papaya. Hindi naman niya mapigilang hindi mangiti dahil ito rin pala ang isa sa mga dahilan ng paglapit ni Evie sa mga staff kanina.

Narinig naman ni Benjamin ang usapan nilang dalawa at seryoso lamang na sinusulyapan sila.

"Benj? Benj?" pagtawag pa ni Sofie ng atensyon ni Benjamin.

Napamaang naman si Benjamin ng lingunin ang katabi.

"Sabi ko, pwede mo ba ako samahan sa wash room?"

Napatikhim bibig naman si Benjamin at napapaisip kung sasamahan ba niya ito o hindi dahil parang ayaw niyang iwanan sina Evie at Silver na.

"Please, I really need to go to the wash room." pagtayo na nito at hatak sa braso ni Benjamin. Wala na rin namang nagawa si Benjamin kung hindi samahan ito.

Habang may kanya-kanyang kausap ang nasa tables nila, focus naman si Evie sa pagkain lang ng desserts, gayun din si Silver ngunit hindi niya matiis na hindi kausapin ang dalaga.

"Thanks for this. Pero gusto ko talagang tikman yan."

"It's sweet and has some nuts! Gusto mo talagang maospital ka na naman eh noh?"

"Oo na! Hindi na nga eh." at balik naman si Silver sa pagkain ng fruit platter niya.

Pagkabalik nila Benjamin at Sofie sa table nila, nagsimula ulit ang program ng party. Pinatawag muli si Benjamin sa harap para maggawad ng parangal sa mga empleyado nilang naka-lima, sampu at labing limang taon ng nagta-trabaho sa kompanya ng Yu Solar Panels Inc. Pararangalan din ang mga agents na naging quota busters at recognition award sa mga investors na lima o higit pang taon ng naka-invest sa kompanya.

Nanonood naman sina Evie at Silver ng programa, nakikipalakpak rin sila kapag may tinatawag at pinaparangalan ni Benjamin sa harapan.

"That's Vladimir Brillantes, it's his fifth year as an investor. His business are computer supplies. Galing sa company niya ang lahat ng computer system na ginagamit sa mga office. And that beautiful lady in orange gown is his Wife, Ailene Brillantes." saad naman ni Evie kay Silver habang bahagyang natuturo sa mga taong pinaparangalan. Panay tungo lang din namam si Silver sa kanya.

"Mrs. Diane Adriano, she's also in her fifth year as an investor. She and her husband's business are crewing ship. Wala ngayon asawa niya kaya kapatid niyang babae ang kasama niya ngayon dito."

Masugit namang sinasabihan ni Evie si Silver at nakikinig naman ito sa kanya dahil kumukuha rin ito ng ideya sa mga iba pang investors tungkol sa business nila.

Panay sulyap naman si Benjamin sa table nila at napapansin na masinsinang naguusap sina Evie at Silver. Nakita niya ring nakapaakbay si Silver sa sandalan ng upuan ni Evie pero hindi ito alintana ng binata. Habang si Sofie naman ay nakatingin lang sa kanya at nginingtian siya, gayun na lamang din ang ginagawa niya rito.

"And I would like to announce and give a recognition too to the newest and biggest shared investor in Yu Solar Panels Inc. May I invite Mr. Silver Alessandro of S.A Construction Company to join us here at front." saad naman ni Benjamin at nagpalakpakan ang mga tao.

"Uy! Tawag ka na sa harap!" saad naman ni Evie at kinalabit si Silver na tila hindi pa napagtatanto ang pagtawag sa kanya.

"Ah, uhm." napatayo naman si Silver at napatingin din sa kanya ang lahat ng naroon. "Stand up too." saad naman nito ngunit hindi napansin ni Evie kaya niyukuan niya ito at kinuha ang braso para mapatayo.

"Ah, bakit?"

"Samahan mo ko sa harap."

"Huh? Ayoko nga --" nagugulantang napatingin naman si Evie sa harapan at tila pinatatayo din siya ni Benjamin kaya tumayo na lang din siya. Pinauna siya ni Silver sa paglalakad sa papunta sa harapan.

Nagsalubong naman sila ni Benjamin ng shake hands na wagas ang mga ngiti nila sa isa't isa. Nabibigla man, natutuod naman si Evie dahil hindi niya malaman kung bakit pa siya sinama ni Silver sa harapan. Napatayo na lamang siya sa likod ng dalawang lalaki at ng host habang pumapalakpak.

Inabot ni Benjamin kay Silver ang plaque at magiliw naman ding kinuha iyon ni Silver.

"Thanks, dude." saad pa ni Silver.

"Welcome to our company."

Pinag-pose naman sila ng photographer para makuhanan. Sabay na nila Silver at Benjamin hinawakan si Evie sa magkabilang siko nito para maipapwesto sa harapan na at pinaggitnaan nila ako.

"Kasama ba talaga dapat ako?" nagtataka naman si Evie sa mga ito.

"Of course!" sabay rin nilang sagot sa dalaga.

Napangiti na lamang din si Evie sa habang nakaharap sa camera at nakaharap sa mga taong naroon sa party. Naiilang man pero nag-go with the flow na lamang din siya. Kinuhaan silang tatlo ng litrato ng photographer habang pinapakita ni Silver ang plaque niya.

Sabay naman ring bumalik sina Evie at Silver sa table nila na pansin na pansin ng lahat ang simply sweet gestures nito kay Evie.

Napansin na namang muli ni Evie na tila mapanghusga ang mga tingin sa kanya ng mga tao at nagbubulungan habang nakatingin sa kanya. Mabilis nawala ang ngiti niya at napalitan ng hiya.

"Chin up, sayang ang ganda mo tonight." sabay ngiti pa nito kay Evie at pinaghila siya ng silya. Napatingin lang si Evie sa kanya na hindi maitago ang hiya saka naupo.

Tila hindi pa rin nawawala ang kaba ni Evie kaya para siyang hinihingal.

"You okay?" pagsita naman ni Silver sa kanya pagkaupo nito sa tabi niya.

"Ahm, oo. Okay lang." sabay abot nito ng champagne niya at ininom lahat.

MATAPOS ang recognition program, nagsimula na ang totoong party. Inalis na ang ibang mesa at pinalitan ng mga mas matataas na mesa upang doon na lamang ilapag ang mga drinks. Tanging mga mesa na lang ng VIPs ang natira.

Eto na ang pagkakataon ni Evie para masamahan at maipakilala si Silver sa mga ibang investors. Ngunit hindi gaya ng napagusapan, pilit na sumama rin si Benjamin sa kanila kaya kasama rin si Sofie na mag-rounds.

"Having a good night ladies and gentlemen?" bati ni Evie sa kabilang table ng maunang lumapit ito roon.

"Evie! You look so stunning!"

"Hindi nga kita nakilala kanina kung hindi ka pa nagpuntahan harap."

Natuwa naman si Evie sa pagbati rin sa kanila ng mga ginang ng investors.

"Thanks Mrs. Brillantes, Mrs. Adriano. You are all beautiful tonight as well. Parang hindi uso pagtanda ah?" at natuwa rin naman ito sa sinabi niya.

Nangingiti na lamang din si Benjamin dahil si Evie talaga ang pinangsusuga niya sa ganitong bagay. Magaling kasi itong makipagusap at makisama sa kahit na sino. Napansin rin ito ni Silver at labis siyang napahanga ni Evie dahil alam nito kung kailan dapat magpaka-professional, casual o hindi. He definitely needs her by his side too.

"This is Mr. Silver Alessandro of S.A Construction company. As our newest investor, I would like him to introduce to you all." paghaya pa ni Evie kay Silver na nasa tabi niya.

"Nice to meet you, Mr. Alessandro. Welcome to our family."

"Pleasure is mine, Mr. Brillantes."

Saglit na usap lang ang nagaganap at lumilipat-lipat na sila ng ibang tables ng VIP. Minsan ay si Benjamin ang nakikipagusap sa mga ito kaya nagkakaroon naman si Evie ng pagkakataong makapuslit at kausapin ang mga staff ng event.

"Miss Evie!"

"Miss Fe!"

Nagbeso sila ng salubungin siya ni Fe, pabalik na sana siya sa table kung nasaan sina Silver at Benjamin.

"Ang ganda mo naman! Wala akong masabi sa pa-off shoulder mo!"

"Haha! Naman! Pero grabe! Hindi talaga kita nakilala kanina! Sabi ko nga, sino yung dyosa na kasama ni Sir Silver?!"

Natatawa naman si Evie kay Fe na naka-red off shoulder satin gown.

"Haha! Minsan lang toh, samantalahin na natin!"

"Akala ko talaga may wife na si Sir Silver, pero in fairness ah? Bagay na bagay pala kayo? Para kayong power couple kanina nung sabay kayong pumasok at naglakad!"

"Obviously, I'm his date pero bilin lang yun ni Benjamin. Ako kasi nagpapakilala sa kanya sa board."

"Hanggang dito talaga work related pa rin eh noh? Eh teka? Sino ba yung bagong girlaloo ni Sir?"pagusisa pa rin nito.

"Ah, si Sofie, she's a med rep."

"Ahh.. Maganda siya pero mas maganda ka! Ang sama nga makatingin sayo."

"Hayaan mo na yun!"

"Tara muna sa table namin!"

Pinaunlakan naman ni Evie ang pagaaya ni Fe at nagtungo nga sila sa tables nito. Nakipagbatian at kwentuhan naman siya sa ibang katrabaho para mapabulaanan rin ang namumuong chismis na sa kanya.

"Boyfriend mo na ba Evie yung investor natin na yun?"

"Ay, hindi noh!"

"Pero date niyo ang isa't isa."

"Oo pero walang halong malisya. Nagkataon lang na pinasama ako sa kanya ni director para ma-guide ko siya dito sa party at baka hindi kasi um-attend." natutuwa pang paliwanag nito at alam niyang naliwanagan ang mga ito.

"Ahh.. Pero in fairness, bagay kayo ah?"

"Nako hindi ah? Work related lang. Pure business!" nakangiting paliwanag pa rin nito sabay inom ng champagne niya.

"Let's cheers!" sigaw pa ni Fe at taas ng glass niya.

"Cheers!" sigaw naman halos nilang lahat na nasa stand up table.

Napalakas ang hiyawan sa table na yun kaya nakuha nun ang atensyon nila Silver at Benjamin. Pareho nilang napansin na naroon pala si Evie at nakikipagsaya.

Naiinis man, alam ni Silver wala siyang karapatang tawagin o hadlangan ang pagsasaya naman nito sa party.

"Pakilala mo naman sa amin si Sir Silver! Ang gwapo niya talaga! Wala pa ba siyang asawa?" saad pa ng isang katrabaho nila na parang gustong sapakin ni Evie ngunit tinawanan na lang din niya.

"Sure! Later, kapag nahatak ko siya doon kina director. Usapang business at work pa rin kasi. Buti nga nakapuslit ako!"

"Siguro kung kami ikaw? Hindi kami aalis sa tabi nun. Ang gwapo kaya! Ang tangkad pa! Afam na afam!" kinikilig pang bulyaw ng isa pang babaeng katrabaho. Tinawanan na lamang sila ni Evie.

Susme! Kung alam niyo lang!

"THIS is actually the first time I've seen her enjoying herself in a party." saad pa ni Benjamin na nakakuha ng atensyon ni Silver kaya napatingin ito sa kanya. Napansin kasi ni Benjamin na kanina pa rin patanaw-tanaw si Silver sa mesa kung nasaan man si Evie na tila sinusundan ito ng tingin.

"Let her be. Kanina ko pa nga rin kinokontra ang pagka-busy niya dito sa event."

"I hope you two get along good." pagngiti pa ni Benjamin sa kaibigan.

"We are. She's nice and easy to get along with. Ang swerte mong nakatagpo ka ng ganyang empleyado."

"As I said before, she's not just an employee for me -- but also a good friend, like a sister. Well maybe, a role model too of an ideal wife."

Sumimangot naman si Sofie ng marinig ang usapan nila Benjamin at Silver sa tabi niya. Akala siguro ng mga ito hindi niya sila pinapansin dahil kunwari ay umiinom lang siya ng champagne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status