Share

Chapter 42

MAAGANG NAGISING PARA makagayak sina Evie at Silver, sabay pa rin silang nagaalmusal sa hinanda ni manang Joy ngunit napansin nito na tila tahimik at walang umiimik sa dalawa simula ng makita niya ang mga ito.

Inayos na ni Evie ang mga gamit niya at tanging mga gamit niya lang na dala papunta rito ang iuuwi niya, iniwan niya ang lahat ng binili sa kanya ni Silver. Inilagay na rin niya kaagad ang bagahe sa kotse at gayun rin ang ilang gamit ng aso.

Mabuti na lamang at mauupo siya sa tabi ni Steve sa back seat ng sasakyan kaya panatag siyang hindi na sila muling maguusap masyado ni Silver.

Napakatahimik ng naging byahe nila na isang beses lamang din sila nag-stop over.

"Hello, Benj?"

(Eeevz! How are you?) kulang na lang tumili na ito.

"O -- okay lang naman. Pauwi na kami."

Kaagad napatingin sa rear view mirror si Silver habang nagmamaneho nang marinig si Evie na nagsalita.

(Oh nice! How's Steve?)

"He's doing good. -- Ahm, ikaw? Kamusta ka dyan sa office? Kaya mo pa ba?" tila napapangiti naman si Evie at nakikita iyon ni Silver kaya napapasalubong naman siya ng kilay.

(Well, so far. This is the longest days you aren't in the office. Tinatambakan nila ako ng tinatambakan, pati yung sa convention, ako ang bunubulabog nila.)

"Bakit hindi nila ako tawagan? Akala ko pa naman kaya na nila yun kaya hindi yata ako ginugulo."

(Ahm, well I told them you're in an emergency leave nga. So, no work calls and text.)

"Pasensya ka na ah, babawi ako. Papasok na ko bukas."

(Thank goodness! Ah, by the way, kasama mo ba si Silver?)

Napatingin naman din si Evie sa rear view mirror at saktong napasulyap naman doon sa kanya si Silver rin.

"Ahm, yes. He's here. He's driving."

(Great! Can I talk to him?)

Medyo alangan man pero umusad si Evie at dumungaw kay Silver.

"Si Benj, kakausapin ka raw." at dahil nasa kahabaan sila ng highway, inilapit na lang ni Evie ang phone niya sa tainga ni Silver.

"Hey Benj, what's up?"

(Hey buddy! How are you?)

"Good, I'm good." napapatingin naman si Evie sa kanya.

(I don't know how to thank you, man. For look after Evie. I know -- this is so embarrassing --)

"No, man! Don't mention this. She's -- she's close to me too."

(Ahm, really? I'm glad --to know. How is she there?) hindi malaman ni Benjamin kung bakit tila may kaunting lungkot at inggit siyang nadarama.

"I think she's doing well." sabay napalingon saglit kay Evie na tila nagtataka sa kanila kung ano ang pinaguusapan nila ni Benjamin. "Yeah, I'm taking her home with Steve."

(Great! Thanks man!)

"Alright, see you then!"

Inalis na ni Evie ang phone niya sa tainga ni Silver at ibinalik sa kanya ngunit patay na pala ang tawag. Naupo na siyang muli sa tabi ni Steve.

"Di ba dapat -- magpahinga ka muna ng isang araw pa? Papasok ka kaagad bukas?" pagbasag na ni Silver sa katahimikan na naman nila.

"Baka wala na kong sahurin." pormal lang nitong sagot.

"Eh si Steve?"

"Mukhang okay naman na siya. Uuwi na lang ako ng lunch break para mabigyan siya ng gamot."

"Aren't you hungry?"

"No."

Yun lamang ang malamig na tugon ni Evie at hindi na rin muli nagsalita si Silver hanggang sa makarating na sila ng compound na tinitirahan ni Evie.

Naipasok at nakapagparada na rin naman na si Silver sa loob ng compound. Maingat niyang binuhat na si Steve habang nauuna na si Evie sa pagpanik sa unit niya.

Pagkapasok nila ng bahay, inilapag muna ni Evie ang mga gamit sa sofa at mabilis na inayos ang higaan ni Steve malapit sa salas. Buhat-buhat pa rin ito ni Silver na iniintay namang matapos si Evie.

"Dito na lang siya."

Dahan-dahang lumuhod para maibaba ni Silver si Steve sa higaan nito at panay naman ang kawag ng buntot ng aso. Hinimas naman ito ni Silver sa ulo. Napansin niyang pumasok ng kwarto si Evie kaya nagtungo naman siya ng kusina nito para makainom ng tubig man lang.

Lumabas na si Evie ng kwarto na tila may kausap sa phone ngunit naibaba na rin nito bago pa makalapit sa kanya sa kusina.

"Nagpa-deliver ako, you can stay para makakain ka muna bago umuwi." yun lamang ang sinabi nito at uminom rin ng tubig.

"Akala ko -- paalisin mo na kaagad ako eh."

Tinapos muna ni Evie ang paginom bago humarap na kay Silver.

"May konsensya naman ako. Alam kong pagod ka mag-drive saka -- alam kong gutom ka na rin. Might the way of saying thank you." paglagay na niya ng baso sa lababo at kaagad naman siyang hinigit ni Silver para mayakap. Sa pagkabigla niya, hindi na siya nakapalag.

"Agh! Nakakapagod." saad naman ni Silver ng mayakap si Evie. Sinubukan ni Evie na pumalag ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap rito at iniyuko pa ang ulo niya sa ulo din ni Evie. "Please, just lemme hug you. Magre-recharge lang ako."

"Silv --"

"Sobrang miss na kita, mommy." tila nagsusumamo ang tinig ni Silver. Gustong manlambot ni Evie ngunit tinatatagan niya pa rin ang sarili.

Labis na rin nananabik si Evie na mahagkan si Silver, isang araw pa lang silang nagiiwasan ngunit pakiramdam niya isang taon na naman ang lumipas. Pasimple na lang niya rin itong hinagkan at nang maramdaman rin ni Silver ang pagkakayakap niya, mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

Napakasarap sa pakiramdam nila na nasa bisig ng isa't isa, pansamantalang nakalimutan ang suliranin nila, gusto na nilang maluha na ngunit matindi ang pagpipigil nila parehas.

NANG dumating ang pagkaing pina-deliver ni Evie, naghain at kumain na rin naman silang dalawa.

Habang nagliligpit, napansin ni Evie na tila napapahilot ng sintido niya si Silver kaya uminom na ito ng gamot. Gusto man niyang usisain ito ngunit pinipigilan niya pa rin ang sarili.

Lumapit naman si Silver kay Steve at nag-insist na bigyan ito ng pagkain dahil maghuhugas pa si Evie ng ilan nilang pinagkainan.

Nang matapos si Evie ay dinungaw niya kaagad sina Silver at Steve at nakita niyang nakasandal na si Silver sa pader at mukhang nakatulog habang hawak pa ang treats na pinapakain dapat kay Steve. Kumakain pa rin naman ang aso mula sa kamay ni Silver ngunit nakatulog na nga ito.

Napabuntong hininga at iling na lang si Evie dahil mukhang napagod nga si Silver, maaga rin kasi silang nagising kanina kaya nilapitan na niya ito at hinawi ang may kahabaan ng buhok.

"Silv? Silver?" marahan niyang kinalog ito para magising. "Silver, gising."

Naimulat nga ni Silver ang mga mata at kaagad napatingin sa kanya.

"Ay, sorry." tila nataranta naman itong bumalik sa ginagawang pagpapakain kay Steve.

"Sa sofa ka na lang -- matulog. Kaysa dyan sa tabi ni Steve." saad pa ni Evie at inabot na ang hawak nitong treats.

"Ah hindi, okay lang."

"Sige na, magpahinga ka muna dun."

Nahiga na nga si Silver sa sofa ni Evie at ito naman ay magpalit muna ng damit. Napahinto siya sa may labas ng pinto ng kwarto niya at sinisilip si Silver sa may salas.

Tila napapaisip siya ng malalim ngunit wala naman patutunguan. Sobra na rin niyang nami-Miss ito ngunit ayaw niyang magpanggap na ayos lamang sa kanya ang lahat ng nangyayari. Oo nga't mahal niya ito ngunit labis na naman siyang nasasaktan dahil kay Silver na naman.

Hindi niya alam kung matatanggap ba niya kung sakaling may anak nga si Silver sa ibang babae dahil siya mismo sa sarili niya ay may hindi rin matanggap tungkol sa kanyang sarili. Ni hindi niya alam kung matatanggap pa rin ba siya ni Silver kung sakaling malaman rin ito.

Kaya napapaisip siya kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ito o tapusin na namang muli bago pa dumating ang araw na magiging pinakamasakit para sa kanila.

I'm so sorry, Silver. Sana maintindihan mo rin ang pinagdadaanan ko. Hindi rin madali para sa akin ito.

Hindi naman na niya napigilan pakawalan ang mga luha sa mata niya ngunit kaagad na lang din niya itong pinunasan.

TAKIP silim na ng magising si Silver, mas guminhawa ang pakiramdam niya dahil nakapagpahinga. Nakita niya kaagad na tila may ginagawa si Evie sa may kusina kaya minasdan na lang muna niya ito.

Maya-maya pa ay nakaamoy na si Silver ng mabangong amoy ng niluluto kaya mas nabuhayan ang dugo niya. Bumangon na siya at lumapit rito sa kusina. Napansin naman na ni Evie ang presensya niya ngunit patuloy lamang ito sa ginagawa.

"Pwedeng makikape?" bungad naman na ni Silver rito.

"Sige lang, magtimpla ka na lang. Magpainit ka na lang sa electric kettle." sagot lamang ni Evie rito at gayun na lamang din ang ginawa ni Silver.

Habang nagkakape at nakaupo sa dining table, minamasdan lang naman ni Silver si Evie sa ginagawa. Napansin rin naman ni Evie ang mga tingin ni Silver sa kanya ngunit pinagsasawalang bahala na lamang niya.

"Dito ka na maghapunan bago umuwi."

"Who am I to refuse?"

"As if I didn't know na gusto mo rin."

Palihim na nangiti si Silver bago sumimsim ng kape.

*Arf!

Sabay napalingon sina Evie at Silver sa pagtahol ni Steve at napatigil sa mga ginagawa ng magkatinginan rin sila.

*Tok! Tok! Tok!

Nabigla rin sila ng marinig ang katok sa pintuan kaya kaagad itong nilapitan ni Evie.

"Benj?!" halos manlaki ang mga mata niya ng makita si Benjamin sa labas ng pinto.

"Hey Evz!" buong ngiti niya rito at sinalubong ng yakap ang dalaga. "I've Missed you!"

Nabigla si Evie ngunit napatapik na lang din itong yakap kay Benjamin.

"Tu -- tuloy ka." gayun nga ang ginawa ni Benjamin nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.

"Uy Silver! Mabuti't nandito ka pa!"

Nabigla rin si Silver ngunit hindi ito nagpahalata.

"Benjamin?" tila natigilan ito sa paginom ng kape.

"Ang bango ah? Nagluluto ka?" baling naman na nito kay Evie na pabalik na rin sa kusina.

"Ahm, oo."

"Tamang-tama pala ang pagdating ko! Makikikain na ko! -- ah nga pala, I bought your favorite, brazo de mercedes cake." natutuwa namang saad pa nito at naupo na rin sa tapat ni Silver sa dining table.

"Thanks. Anything to drink?"

"No, I'm good."

Tila natatahimik naman si Silver at pinagpatuloy ang paginom niya ng kape habang bumalik naman na si Evie sa ginagawang pagluluto.

"Thanks, man. Nagaalala rin ako baka masyadong nakakaistorbo si Evie sayo. Alam kong hindi ka rin makapasok sa office mo dahil sa kanya."

"It's okay, I'm more willing to help. Kargo ko rin siya."

Habang naguusap sina Silver at Benjamin ng patungkol rin sa trabaho at sa nalalapit nilang site inspection, pinapakinggan lang ni Evie ang usapan nila habang tinatapos na ang gawain.

Mukhang masinsinan na ang usapin ng dalawa patungkol sa negosyo kaya si Evie na lang mismo ang naghain sa kanila.

"Oo nga, nandoon na rin naman tayo, bisitahin na lang din natin ang resort niya doon."

"I agree."

"Kain muna tayo."

Hinain na ni Evie ang niluto niyang chopseuy at steamed stuffed bangus.

"Oh wow? Dapat siguro -- at least once or twice, dito kami sa bahay mo makiki-dinner noh? Ano sa tingin mo, Silv?" tila biro pa ni Benjamin na kinamaang naman ni Evie.

"Ahm, no problem. Yun kung -- okay lang kay Evie." sabay naman sila napatingin ni Benjamin kay Evie.

Hindi naman makasagot kaagad si Evie at tila nagiiwas ng tingin.

"O di kaya -- on my place na lang!" biglang bwelta na ni Benjamin na tila nagpapalusot.

"Sure." pagsangayon naman rin ni Silver.

"Sure, ikaw ba magluluto?" tugon naman na ni Evie sa boss.

"Ah eh.." napapakamot naman ng ulo si Benjamin sa tanong ni Evie. "Alam mo namang -- wala akong talent sa ganyang bagay." natawa naman sila sa honest na pagsagot ni Benjamin.

"Kahit ako ng magluto." pagpresinta naman na din ni Silver.

"Eh di si Sofie? Siya paglutuin mo." sabat pa ni Evie na kinatahimik bigla ni Benjamin.

"Ahm, kain na nga lang muna tayo! Mukhang masarap yang chopseuy mo ah?" pagiiba na ni Benjamin ng usapin kaya kumain na lamang din sila.

Hindi malaman ni Silver kung matutuwa siya dahil dumating si Benjamin o manghihinayang dahil mukhang wala na silang pagkakataon ni Evie na makapagsolo na.

Matapos ng hapunan nila ay kaagad na nagligpit si Evie, nais sana tulungan siya ni Silver ngunit nabulungan niya ito na intindihin na lamang si Benjamin dahil baka makahalata ito.

"Samahan mo na lang si Benj, kaya ko na toh." walang emosyon rin namang saad ni Evie habang naghuhugas ng pinagkainan nila.

Napasandal na lang si Silver sa kitchen counter at minamasdan si Evie sa ginagawa. Napatingin rin siya kay Benjamin na mukhang kinakamusta si Steve sa pwesto nito.

"Sige na, doon ka na. Susunod na lang ako sa inyo." saad pa ni Evie kaya napabuntong hininga na lang si Silver.

May kaunting kurot ito kay Silver ngunit sinunod na lamang niya ito kaya sinamahan niya si Benjamin.

Nang matapos si Evie ay naghain siya ng dessert na dala ni Benjamin, dahil sa hindi pupwede si Silver sa kahit anong matamis, naghiwa na lang siya ng natitirang kiwi fruit niya na nasa ref para rito. Lahat naman sila ay nasa salas na.

Nakaupo sa solo chair si Evie habang magkatabing upo sina Silver at Benjamin sa mahabang sofa.

"Mabuti naman at okay na rin si Steve." panimula naman ni Benjamin na mas malapit kay Evie. Nasa dulo naman si Silver na tila nananahimik.

"Oo nga eh. Couldn't thank you enough for saving him. Both of you." napangiti naman si Benjamin sa kanya at napatingin si Silver sa kanila.

"Don't mention that."

"Ahm, kamusta na nga pala si Sofie?" biglang tanong rin ni Evie na tila kinapipi saglit ni Benjamin.

"Ah, hehe! I think she's fine. Kailangan na daw niya kasing makauwi kaagad nun, kaya -- napauwi tuloy kami." nakangiting sagot naman din ni Benjamin rito.

Namasdan namang mabuti ni Benjamin si Evie at hindi na niya mapigilan ang sarili na magusisa.

"Ikaw? Kamusta ka na?" mas seryosong tanong niya rito kaya napalingon naman si Evie sa kanya. "Bakit parang -- dumami ang mga gasgas at kalmot mo? Hindi pa rin pa pala magaling?" paglapit pa niya rito at mas inusisa ang mga galos ni Evie.

Tila nailang naman si Evie at hindi malaman kung papaano maitatago ang sarili dahil sinusuri siya ni Benjamin. Napapasulyap din siya kay Silver na nakatingin sa kanya. Halatang-halata kasi ang mga bagong gasgas ni Evie sa braso at leeg.

"Ahm, o -- okay lang ako. Matagal lang siguro talaga -- mawala." palusot naman ni Evie at sinusubukang ilayo ang sarili.

Nagkapaalaman na sina Benjamin at Silver, hinatid sila ni Evie sa baba at sa may gate ng compound. Dahil sa labas ng compound nakaparada si Benjamin, nauna na itong lumabas at iintayin na lamang si Silver makalabas ang kotse.

Bago pa man makasakay si Silver sa kotse, nilapitan niya si Evie na nakaabang sa kanya malapit sa kotse nito.

"Sa -- salamat sa paghatid samin ni Steve." tila naiilang pa nitong saad at papaalis na sana patungo sa labas ng compound ngunit mabilis siyang nahigit ni Silver at niyapos. Pumalag naman siya ngunit mahigpit ang yakap ni Silver sa kanya. "Silv, baka may --"

"Saglit lang, mommy. Mami-miss kita eh."

"Baka may makakita satin."

"Promise, aasikasuhin ko kaagad yun. Siguro -- mas makakatulong sayo kung -- kung may kompirmado ng resulta --"

"It's not like that, Silv."

"Pero sana kung -- kung ano man ang magiging resulta ng DNA test, matanggap mo pa rin ako." hindi naman na mapigilan ni Silver ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. "Mahal na mahal kita, mommy." saka niya ito hinalikan sa ulo at pinakawalan sa pagkakayakap.

Nakita ni Evie ang emosyon ni Silver na pilit pang tinatago sa kanya, hindi rin naman niya napigilan ring manlambot at humalam ang mga luha sa mata na parang may tumusok sa dibdib niya.

Nais niya pang magsalita ngunit dumiretso na si Silver sa loob ng sasakyan nito.

Nang makaalis ang mga ito ay bagsak balikat na lamang siyang pumanik at bumalik sa kanyang unit.

Pagkasara pa lamang niya ng pinto ay sabay na bumuhos ang mga luha sa mga mata niya. Kahit anong buntong hininga niya ay hindi pa niya mapigilan ang emosyon niya kaya padausdos na lamang siyang napaupo at sandal sa pintuan habang iniiyak na lamang ang sakit na nadarama.

KINABUKASAN, tila nagulat ang lahat sa opisina ng makita na si Evie na pumasok. Panay ang bati sa kanya ng lahat ng empleyadong nakikita siya at magiliw lang din naman niya itong binabati.

Gaya ng nakagawian, siya ang nauna kay Benjamin at nakita niya ang tambak na papel na nasa mesa niya at mesa ni Benjamin kaya napapailing na lang siya at nangingiti dahil na-imagine na niya kung gaano kahirap si Benjamin habang wala siya.

Inayos at sinalansan niya ang mga papel, maaga niyang sinimulan suriin ang mga ito para mabawasan ang tambak na gawaing naiwan niya.

Nang dumating si Benjamin ay napagusapan na rin nila nag tungkol sa site inspection nito sa Palawan kasama ang team ni Silver, sa makalawa na kaagad ito kaya nakapagpa-book na siya ng flight ng boss niya.

"Kamusta na ang preparation niyo para sa convention?" tanong pa ni Benjamin habang nakasubsob sa mesa at pumipirma.

"Nakausap ko na kanina sina Ofel at Harvey. Na-approved ko na rin ang ginawa nilang brochures, at ipapa-approve ko na lang kako itong mga ilalabas naming gamit para sa display." sagot pa ni Evie habang nakaupo sa visitor's chair.

"Great!" napaangat naman na siya kay Evie na tila natutulala.

"Huwag kang mahihiya magtawag ng staff kung kailangan mo pa ah? Habang wala ako, ikaw na muna ulit ang bahala."

Bumalik naman kaagad sa wisyo niya si Evie at napatingin sa boss niya. "Ahm, oo naman. Ia-update naman kita from time to time."

"May ipapasa nga pala ako sayong bidding, kaka-email lang din sa akin ng logistic sa Makati branch." saad pa ni Benjamin at tumuon sa laptop niyang nasa harapan din niya.

"Ah, sige. I-email mo na lang sa akin."

Napatingin naman si Evie kay Benjamin na abala sa pagtutok nito sa laptop niya. Nakita niyang biglang nag-ring ang phone ni Benjamin sa tabi nito at nabasa niya sa caller ID na si Sofie ang tumatawag.

"Uy, yung baby girl mo, tumatawag oh?" tila pangaasar ni Evie rito kaya napasulyap sa kanya saglit si Benjamin. "Hindi mo ba sasagutin?"

"I'm busy."

"Hindi ba't sinabihan na kita patungkol dyan? Nasabihan mo ba siya na busy ka? Kaysa ganyan na -- mukhang ignore mo na naman?" pagsulyap muli ni Evie sa pagtunog muli ng phone ni Benjamin.

Napatigil si Benjamin sa ginagawa at paseryosong humarap na kay Evie.

"I dumped her."

"What?!" mabilis na napapakurap si Evie ng marinig ang sinabi ni Benjamin sa kanya. "Ha -- how -- why?!"

Napahinga ng malalim si Benjamin at hindi malaman kung papaano sasabihin kay Evie ang katotohanan.

"Uy Benj? Bakit nga? Akala ko pa naman seseryosohin mo na?"

Napabalik ng tingin si Benjamin kay Evie na seryoso pa rin ang itsura.

"Ano? Anong dahilan?" tila naiinip naman na si Evie dahil panay tingin at buntong hininga lang ang sinasagot sa kanya ni Benjamin. "Benj, para ka dyang hindi mairi? Ikukwento mo ba o ikukwento mo?!"

"It's her fault."

"How come it's her fault? Ano? Suko ka na sa kanya?"

"Hmm.. She -- I saw her -- threw something in the water -- that's why Steve almost get drowned." alangan pang saad ni Benjamin at napapatiim labi.

"What?! What did you -- just said?!" halos manlaki naman ang mga mata ni Evie sa pagkabila.

Natahimik si Benjamin habang nakatungkod ang mga siko sa mesa niya.

"Ugh?! Seriously, she did that?!" bagsak balikat naman si Evie na napasandal sa kinauupuan at napapanganga na lang. Tila nagaakyatan na ang mga dugo niya sa ulo dahil sa galit.

"Calm down, okay? I talked to her, she said it wasn't her intention, it was an accident that Steve have washed away from shore and --"

"How can I calm down?! She still almost killed my dog?!" halos singhal na ni Evie na nagpipigil ng galit niya.

"I know, our lives became at risk too. Well, I know ganyan magiging reaksyon mo kaya -- inuwi ko na lang kaagad si Sofie."

"So that's it?! Ganun lang yun?!"

"Hindi ko siya kinakampihan, okay? Ayoko lang na -- magpangabot kayo dahil -- kakagaling mo lang sa pakikipagaway doon sa Georgia na yun."

"Pero Benj?!"

"I dumped her. I know what she did is unacceptable, I was so disappointed to her too."

"She'll never get away from this. Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin, Benj." tila humahangos naman si Evie dahil sa panggigigil.

"I know. I can't believe she did that too. But -- she's gone."

Bumalik na si Evie sa cubicle niya nang mapakalma na rin ang sarili, hindi siya makapaniwala na si Sofie pala ang may kasalanan kung bakit halos malunod na sila ng aso niya. Pasalamat na lamang si Sofie na hindi niya ito nalaman kaagad habang naroon pa sila kung hindi ay baka ito ang lublob niya at lunurin.

Huminga muna siya ng malalim bago simulan ulit ang ginagawa. Kahit pa nagpapasubsob na naman siya sa trabaho niya, hindi pa rin mawala sa isip niya si Silver. Inaalala niya ito at panay sulyap siya sa phone niya kung sakali man kokontakin siya nito ngunit wala kahit isang text o tawag man lang mula rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status