Share

Chapter 58

TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.

Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.

Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.

Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver.

"Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya.

"Alas nueve daw."

Nahalata ni Silver ang pagiging malungkot sa itsura nito habang nakatingin sa bata at pinupunasan ang kaunting dumi sa bibig.

"I know, you're sad about it."

"Wala naman din akong magagawa."

"Don't be sad na mommy, pwede mo pa naman siguro mabisita ang bata habang -- habang hindi pa siya nakukuha ng nanay niya."

"Sana nga daddy. Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Kahit isang linggo palang siya sa akin, feeling ko ang tagal ko na siyang nakasama."

Inabot naman ni Silver ang kamay nito na nasa mesa.

"It's okay, mommy. Hayaan mo, gagawa na tayo ng atin." seryosong saad nito pero halatang inaasar niya si Evie kaya inirapan kaagad siya nito.

"Ewan ko sayo!"

Saka naman natawa si Silver rito at subo lahat ang dulo ng cone ng ice cream na kinakain.

Nang matapos na rin si Evie at ang bata na kumain ay nilinisan na niya ulit ito. Pinunasan niya ang kamay at bibig nito ng wet wipes.

"Ayan! Very good naman talaga ang baby na toh oh."

Nang matapos ay binuhat ulit ito ni Silver at iniupo ang bata sa balikat niya.

"Ayan! Kapit ka lang baby ah." saad pa nito na inaalalayan ng isang kamay ang bata sa balikat niya. "Para mahawakan ko rin ang mommy Evie mo." paghatak nito sa may beywang ni Evie papalapit sa kanya.

"Ingatan mo yang bata ah."

Naglakad muli sila papasok sa loob ng mall, nasa balikat pa rin ni Silver ang bata habang nakakapit ang kanang kamay sa beywang ni Evie na nagtutulak ng stroller.

Labis ang tuwang nararamdaman ni Evie ngayon na katuwang niya si Silver sa pagaalaga sa batang kinupkop niya. Ramdam niya ang suporta nito sa kanya gaya ng ibang tao na nasa paligid niya.

Nang makapasok sila sa loob ng mall at naglalakad-lakad, nakaramdam naman ng panunubig si Evie kaya nag-aya itong magbanyo muna. Nang matapos siya ay si Silver naman ang nagbanyo dahil magbyahe rin sila pauwi na.

Nakatayo at nagiintay sina Evie at ang bata malapit sa may entrance ng restroom, hawak naman niya sa kamay ang bata habang nakahawak rin sa stroller.

"Toffer? Baby?"

Hindi kaagad napansin ni Evie ang babaeng nagsalita sa gilid nila hanggang sa nakalapit ito at lumuhod sa tabi ng bata.

"Toffer, ikaw nga! Nandito na ang mama!" pagyakap nitong bigla sa bata.

Halos mapanganga sa gulat si Evie dahil sa babae.

"Mama!"

Natauhan na lamang siya ng bumitiw ang bata sa pagkakahawak niya at makitang niyayakap na rin nito ang babae.

"Toffer, baby."

Bubuhatin na sana ng babae ang bata ngunit mabilis na pinigilan iyon ni Evie.

"Ah Miss, sandali lang --"

Napatingin naman kaagad ang babae kay Evie saka tumayo ng maayos. "Ako ang mama niya, anak ko siya!"

"Ah Miss, sorry pero hindi mo pwede bastang kunin ang bata sa akin." sinusubukan ni Evie na kumalma dahil nakakaramdam siya ng kabog sa dibdib.

"I -- I'm sorry. Sobra lang akong natuwa ng makita ko na ang anak ko. Halos mabaliw ako nung maiwala ko siya rito at -- teka sorry, sorry! Ikaw ba ang nakakuha sa anak ko?" bumakas naman rito ang sinseridad.

"Ah, oo. Ako nga. Pero bakit -- hindi mo man lang nai-report ang pagkawala niya?"

"I'm sorry, Miss. Mahabang istorya. Pero --" paghawak pa nito sa kamay ni Evie. "Maraming salamat sayo."

Kinarga nito ang bata na hindi naman na napalag na sumama sa kanya. Tila nagmamadali siya ngunit kahit nabibigla pa rin si Evie napagtanto nito ang dapat gawin.

"Ahm Miss, sandali. I'm sorry pero -- hindi mo pwede bastang kunin sa akin ang bata." pagpigil nito sa babae na nabigla rin sa ginawa niya. Nakahawak lang siya sa braso ng babae.

"At bakit hindi? Anak ko siya! Kita mo nga, sumama kaagad sa akin."

"I might believe you pero hindi nga basta yun. Kailangan natin i-report ito sa mga pulis dahil may pending record doon ang bata."

"Sa mga pulis? Hi -- hindi pwede!" halatang nagagalit na ito at natataranta.

"At bakit hindi? Bukas nga naka-schedule siyang kunin sa akin ng DSWD. Kung hindi ko maii-report ito, baka isipin nilang ninakaw ko ang bata. Kung ikaw ang totoong ina niya, kailangan mong patunayan yun sa harap ng mga pulis." pagpapaliwanag pa ni Evie rito.

"Hindi! Hindi pwede! Bitawan mo ko!" pagpupumiglas nito habang karga at yakap mabuti ang bata pero mahigpit rin ang kapit ni Evie at sinubukang agawin ang bata sa babae.

"Kung ayaw mong sumama sa amin sa presinto, hindi mo makukuha ang bata!"

Tila lumikha na sila ng eksena roon na pinagtitinginan ng mga taong napapadaan. Tila dalawang ina na nagaagawan sa bata. Bigla naman ng umiyak ang bata dahil siguro nasaktan na at naguluhan sa kanila.

"Tingnan mo! Natatakot na ang bata!" sigaw naman ng babaeng nanggagalit habang nakapayakap pa rin sa anak.

"Kailangan mo nga munang sumama sa amin para mapatunayang ikaw ang ina ng bata! Dahil hindi ako papayag na basta mo siyang kukunin!"

Pilit lumalayo ang mag-ina ngunit pinipigilan at hindi binibitawan ni Evie ang mga ito.

"Mommy! Mommy!"

Sa wakas! Nakaramdam ng kapanatagan si Evie ng marinig ang boses ni Silver na malapit na sa kanila.

"Mommy, what's going on?!" pagpigil nito at paghihiwalay sa dalawang babaeng nagaagawan sa bata.

Intense man ang sitwasyon, pilit ni Evie kinalma ang sarili at bumitaw na sa babae. Napatingin naman si Silver sa bata at sa babaeng may karga nito ngunit tila bigla siyang tinakasan ng bait ng makita ang babae.

"Ti -- Tin?" hindi makapaniwalang saad nito na nakapatulala lang sa babae.

Narinig ng babae ang pagtawag sa kanya kaya napalingon na rin siya kay Silver. Para naman itong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkagulat.

"Silver?"

Namuo naman ang pagtataka kay Evie ngunit kasabay nun ang kakaibang kaba at takot sa kanyang dibdib. Bigla rin siyang nanlamig at kinilabutan.

"Ikaw si -- Tin?" hindi makapaniwalang tanong ni Evie na nangingilid na ang mga luha.

Nagsasalitan naman silang tatlo ng tinginan na hindi malaman ang mga susunod na sasabihin. Tanging iyak ng bata na lamang ang umaalingawngaw sa pagitan nilang tatlo.

Nakailang lunok ang ginawa ni Evie para mapigilan ang emosyon, mabilis ang tibok ng puso niya kaya malalalim ang hugot ng hininga niya para makalma ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

"Hindi -- hindi mo pwedeng basta kunin ang bata sa amin. Kailangan mong sumama sa presinto para patunayang ikaw ang nanay niya." pagmamatapang pa ni Evie na pinipigilan kumawala ang mga emosyon dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari.

"Ako nga ang mama ng batang toh at -- si Silver. Siya ang ama!" pagturo pa nito kay Silver na parang natutuod.

Nagkatinginan naman sina Evie at Silver. Humahalam na naman ang mga luha niya habang pagsusumamo naman ang kay Silver.

Humarap si Silver kay Tin na tila tinatatagan ang sarili.

"Kung totoo ang sinasabi mo, bakit ayaw mong ipa-DNA ang bata?" hinawakan pa nito ang braso ni Tin na tila nanggagalit. "Bakit ka nagtatago at tumatakas?!"

"Bitawan mo ko!"

"Tama na yan! Sumama ka na lang sa amin sa pres --"

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!" tinangka nitong tumakbo habang karga ang umiiyak na bata ngunit mabilis na humabol si Silver sa kanya at buong pwersang inagaw ang bata sa kanya.

"You cannot run away from this, Tin! Kailangan mong sumama sa presinto." giit nito habang karga ang umiiyak na bata at hawak ng mahigpit sa pulsuhan ni Tin.

"Bitawan mo ko! Ibalik mo sa akin ang anak ko!"

"Kung totoo ang sinasabi mong ako ang tatay nitong bata, may karapatan akong kunin siya sayo!"

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Tin at naluluhang hindi makapaniwala.

"Hindi! Hindi!" pagpupumiglas pa nito ngunit mahigpit na siyang hawak ni Silver.

Naglapitan na ang guards at namagitan sa kanila.

"Sir, tumawag po kayo ng mga pulis, doon kami sa presinto maguusap-usap." pagbitiw nito kay Tin na hinawakan naman ng mga guards sa magkabilang braso.

"Bitawan niyo ko! Hindi ako sasama sa inyo! Ibalik niyo na lang sa akin ang anak ko!" pagwawala pa nito pero hindi siya pinakinggan.

Didiretsong admin office sila habang iniintay ang pagdating ng mga pulis para hindi na rin makawala si Tin.

Tila nawalan ng imik si Evie habang pinupunasan ang mga kumakawalang luha bago pa man may makakita sa kanya. Itinulak niya ang stroller at pasunod na sa mga guards ng lapitan at hawakan siya ni Silver sa may braso niya ngunit mabilis siyang nagpumiglas.

"Mommy! Mommy, wait!" paghabol pa nito habang karga pa rin ang umiiyak na bata.

Hindi pa rin umiimik si Evie na diretso lang ang tingin habang naglalakad.

"Mommy, sandali lang."

"Kailangan lang niyang patunayan sa presinto na siya ang nanay, ibibigay ko naman ang bata." baritonong saad lang nito.

"Oo nga, mommy pero --"

"Ayan na! Nandyan na ang hinahanap mo. Pwede mo ng gampanan ang obligasyon mo." tila pagpipigil ng emosyon nito kaya hindi makatingin man lang kay Silver.

"Could you please just look at me? Hindi ko rin naman inaasahan ito eh."

Nakapasok na sila sa loob ng admin office at papasok muli sa isang parang conference room ng tumigil muna si Evie at hinarap na si Silver.

"Grabe rin magbiro ang tadhana noh? Noong una, pinagtagpo tayo sa trabaho. Ngayon, ako pa ang nakatagpo sa nawawalang anak mo."

"Hindi pa naman --"

"Saka na tayo magusap tungkol dyan. Kailangan muna natin makarating ng presinto para maayos ang record ko sa bata. Ayoko namang lumabas na kidnapper." pagpasok na nito sa loob, napabuntong hininga at bagsak balikat na lamang din si Silver na sumunod sa kanya.

PAGKAPASOK pa lamang nila, lumapit kaagad si Tin sa kanila at sinusubukang agawin ang bata kay Silver.

"Ibalik niyo sa akin ang anak ko! Please! Huwag niyo siyang kunin!" pagmamakaawa na nito.

Kaagad namang lumayo si Silver kahit inaabot siya ni Tin. Nakatingin lang sa kanila si Evie na hindi mabasa ang reaksyon kung nalulungkot, naaawa o nagagalit ba.

"Makukuha mo ang bata pagkadating nating presinto." giit pa ni Silver.

"Please, Silver. Akin na ang anak ko."

"Kapag napatunayan dahil sa kapabayaan mo ang pagkawala ng bata, mananagot ka sa batas."

"Hindi! Wa -- wala ka bang awa sa -- anak mo ha?! Kapag kinuha siya sa akin, sinong magaalaga na sa kanya? Ikaw?!"

"Kung totoong anak ni Silver ang bata, bakit kailangan mo siyang pagtaguan?" pagsingit na ni Evie na tila nanghahamon.

"Wala kang pakialam! Kung -- kung ayaw niya sa bata, eh di huwag!" singhal pa nito.

"Gusto ko munang mapatunayang ako nga ang ama nito. Niloko mo na ko noon sa paghuthot ng pera, hindi ko hahayaang makawala ka pa."

Tila nagaalangan naman si Tin dahil sa mga narinig, alam niyang wala na siyang kawala kay Silver ngayon.

"Huwag kang magalala, oras na mapatunayang anak -- anak nga ni Silver ang bata, makukuha mo naman ang dapat na suporta mula sa kanya. Pero DSWD na ang bahalang humusga kung kanino dapat mapunta ang bata." walang emosyong saad pa ni Evie.

"At bakit, ha? Gusto niyong makuha sa akin ang anak ko?! Matapos ng pinagdaanan kong hirap dahil ayaw kaming suportahan ng -- ng tatay niya, kukunin niyo lang siyang basta?!" paglapit at singhal pa nito kay Evie na hindi naman nagpapatinag.

"Huwag mong sigawan ang asawa ko!" paghigit ni Silver kay Tin para mailayo kay Evie.

"Hindi mo naman matanggap di ba? Bakit kailangan mo pang patunayan?" singhal pa nito kay Silver.

"Dahil kung siya ang totoong ama, may karapatan siya!" si Evie naman ngayon ang lumapit kay Tin na tila nanlilisik ang tingin. "Pero kung hindi, ipakukulong kita." tila banta nito na mas lalong kinabigla at takot ni Tin sa kanya kaya napaatras ito ng bahagya.

"Akala mo siguro, hindi namin alam kung bakit ni hindi ka makapunta sa mga pulis para i-report ang pagkawala ng bata? Nakita ko sa cctv footage na may tinataguan kang humahabol sayo kaya naiwan mo ang bata sa food stall." napatingin pa saglit si Evie kay Silver na nakatingin lang din sa kanya. "It makes sense ang sinabi ng private investigator na nagtatago ka sa mga pinagkakautanga mo. I wonder rin -- ilang lalaki kaya ang nahuthutan mo na pinaniwala mong ama niyang bata?!"

Sabay pang nabigla sina Silver at Tin sa sinabi ni Evie.

"A -- anong sabi mo?!" pagkabigla pa rin nito.

"Pinagkakautangan mo ba yung humabol sayo? -- o jowa ng lalaking naloko mo?"

Sasampalin sana ni Tin si Evie ngunit mabilis nitong nasalag ang kamay ni Tin at mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan.

"Sige, subukan mo! Nang mas mawala sayo ang anak mo! -- after all, hindi niya deserve ang inang ginagamit siya para makahuthot ng pera!" malakas na pagtulak niya rito kaya napaatras lang si Tin.

Bakas rito ang pagkakunsensya dahil mukhang bistado na siya. Hindi naman makapaniwala si Silver sa konklusyon ni Evie pero may posibilidad ito dahil na rin sa pagtatago sa kanya at tanggi ni Tin na ipa-DNA test ang bata.

Pilit namang kinakalma ni Evie ang sarili na kahit pa mabigat na sa loob niya ang nangyayari, kailangan niya pa rin itong harapin.

Napalingon naman si Evie kay Silver na nagsusumamo ang mga mata sa kanya. Tila nagpapasalamat ito dahil siya ang kinampihan. Pero ng mapabaling siya sa batang karga nito, kaagad siyang nagtaka at napalapit rito dahil ang lalim ng hugot ng hininga na parang humihikbi ngunit hindi naman umiiyak.

"Daddy? Ang daming pantal ng bata." pagobserba niya sa bata sabay hawak sa mukha at braso nitong napupuno ng malalaking pulang pantal.

Inilapit ni Silver ang bata kay Evie para masuri ito, bumakas naman ang pagaalala sa kanila.

"Anong ginawa niyo sa anak ko?!" pagaalala din ni Tin ng makalapit sa bata at tiningnan rin ito.

"May allergy reaction siya." saad na ni Evie ng mapagtanto ang lagay ng bata.

"Allergy?! Bakit? Anong pinakain niyo sa kanya ha?! Pinakain niyo ba ng berries?!" natataranta ring tanong ni Tin.

Napaisip naman sina Evie at Silver rito.

"Yung ice cream! Strawberry flavor yun." saad pa ni Evie.

"Ano?! Pinakain niyo ang anak ko ng strawberries?!" lalong nataranta ito at natakot. "Dalhin natin siya sa ospital please?! Yung dati niyang allergy reaction -- halos nawalan siya ng hininga dahil namaga ang lalamunan niya."

Dali-daling nanakbo silang tatlo palabas ng admin office.

"Ma’am, Sir, saan po kayo --"

"Sa ospital! Doon niyo na padiretsuhin ang mga pulis!" nagmamadaling saad ni Silver habang nananakbo.

Nagmamadali silang nananakbong parking habang nakasunod kay Silver. Malayo-layo ito ngunit hindi nila alintana ang pagtakbo sa pagkakamadali.

Nang makarating sa sasakyan, kaagad na inilagay ni Silver ang bata sa back seat at sumakay roon si Tin. Sumakay naman na din sa passenger's seat si Evie at si Silver na ang nag-drive.

"Toffer! Toffer! Huminga ka anak!" pagaalala pa ni Tin habang nakapakarga sa anak na nanghahapo na.

Sinusulyapan naman siya ni Evie mula sa likod na labi ring nagaalala sa bata.

"I'm sorry, hindi namin alam na -- allergic ang bata sa strawberry."

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mananagot kayo!" galit pang singhal nito kay Evie.

Hindi naman na nakaimik si Evie dahil aminado siyang pagkakamali nila ito.

"Sinabi ng huwag mong sigawan ang asawa ko!" singhal din ni Silver. "Malay ba naming -- allergic pala ang bata sa strawberries di ba?!"

"Kung hindi mo inayawan ang bata noon, eh di sana alam mo rin yan!"

"Hindi ko inayawan! Gusto ko lang makasigurado dahil alam mong lasing ako nun."

"Pinagdududahan mo ako tapos ngayon gusto mong malaman kung anak mo ba talaga?!"

"Dahil yun ang sinabi mo!"

"Tama na!" sigaw na pagpagitan na ni Evie sa sigawan din ng dalawa kaya natigil ang mga ito. "Pwedeng isipin muna natin kaligtasan ng bata ngayon?!" panay ang habol pa rin ng hininga ni Evie pero pilit siyang nagpapakalma. "Ipapa-DNA test na lang ang bata ng matapos na toh!"

"At -- at bakit ha?! Para kung mapatunayang kay Silver nga ito, kukunin niyo sa akin ang anak ko?!"

"Bakit parang mas takot kang malaman namin kung anong totoo?!"

Tila natameme naman si Tin sa bwelta ni Evie. Napapasulyap saglit si Silver din kay Evie na napapanatag at kinakampihan siya nito kahit alam niyang mabigat sa loob ni Evie ito.

"A -- anong sabi mo?!"

"Kung sigurado ka talagang kay Silver yan, hindi ka tatakas at magtatago noon pa man!"

"Wala kang pakialam!"

"May pakialam ako dahil asawa ko ang niloloko mo!" sigaw rin ni Evie.

Pilit na kinukubli ni Silver ang pagngiti niya sa pagtatanggol sa kanya ni Evie.

Nang makarating silang ospital ay nananakbo sila ulit na tatlo habang karga muli ni Silver ang bata patungong emergency room.

"Ano pong nangyari sa bata?" pagsalubong ng nurse sa kanila.

"Allergic reaction, nurse."

"Sige po, pakihiga na lang dito ang bata."

Inihiga nga ni Silver ang bata sa iaang hospital bed habang nakasunod rin sa kanya sina Evie at Tin. Kaagad kinabitan ng oxygen device ang bata para makahinga muna ng maayos.

"Pasensya na po Ma’am, Sir. Sa labas na lang po muna kayo. Kami na pong bahala sa pasyente." pagpigil at pagpapalabas na sa kanila ng isa pang nurse bago nito isira ang makapal na kurtina na nagtatakip sa kanila sa loob.

Lahat sila ay nagaalala at hindi pa makampante dahil sa kondisyon ng bata. Halos nangingiyak na si Tin na halos idukdok ang sarili sa pintuan ng emergency room. Naupo naman na si Evie sa waiting seat ngunit labis pa ring nagaalala. Napansin na siya ni Silver kaya naupo na rin ito sa tabi niya.

"Mommy." paghawak nito sa kamay ni Evie, naramdaman niyang nanginginig at nanlalamig ito kaya mas lalo niyang hinipitan ang hawak. "Stop worrying na."

"I can't. Kasalanan nga nating --"

"We didn't know. Huwag mo ng sisihin sarili mo, mommy."

Lumipas ang ilang minuto na naging tahimik lang sila habang nagiintay kung anong mangyayari sa bata. Ni hindi mapakali si Tin habang sobrang nagi-guilty pa rin si Evie.

May lumabas na nurse mula sa emergency room kaya sinalubong kaagad ito ni Tin, napatayo na rin sina Evie at Silver papalapit sa nurse.

"Nurse? Kamusta po yung bata sa loob? A -- ako ang nanay niya."

"Ligtas naman na po ang bata, medyo namamaga ang lalamunan niya at pinapantal pa, pero tinurukan na namin siya ng anti-histamine. Under observation na lamang siya kaya ililipat muna sa ward ng observation room." sagot ng nurse sa kanya na kinahinga naman nila ng maluwag.

"Maraming salamat po nurse."

"Kailangan ko lang pong makuha ang information ng bata, Ma’am. Ano pong pangalan ng pasyente?"

"Christoffer Cruz."

"Edad niya po?"

"Three years old."

Habang ini-interview pa ng nurse si Tin, napaatras na si Evie na halatang napanatag na dahil ligtas na ang bata kahit pa nakakaramdam siya ng bigat sa dibdib niya lalo't alam na niya ang tunay na pagkatao ng batang kinupkop. Labis rin siyang nagalala rito at natakot kahit pa hindi niya isatinig.

Pabalik na sana si Evie sa pag-upo sa waiting seats at kasunod naman niya si Silver nang mapansin nila ang dalawang police officer na papalapit sa gawi nila kaya napahinto na lang sila sa kinatatayuan.

"Magandang gabi po, Ma’am." paglapit at kuha ng atensyon ng pulis sa nurse na kausap ni Tin. Humarap naman ito sa mga pulis at itinigil ang pagsusulat. "Nakatanggap po kami ng tawag mula sa admin office ng mall, tungkol sa agawan daw ng bata. Sabi dito raw isinugod ang bata dahil nagka-allergy reaction."

"Ah yes po Sir, nandito po yun bata. Siya po yung nanay." pagturo nito kay Tin na tila natatakot kaya napaatras.

"Ahm, magandang gabi po. Natatandaan niyo po ba ako? Ako po yung nag-report last week at pabalik-balik sa presinto niyo na may napulot po akong bata." pagsingit na ni Evie sa mga pulis.

Tila napatingin sa kanya ang mga ito at nagiisip pa.

"Yung kukunin na lamang po ng DSWD kasi wala pang nag-claim o nagre-report na nawawala ang anak nila." pagpapaalala pa nito.

Tila nagliwanag naman ang mukha ng isang pulis. "Ahh ay oo! Naaalala ko na." bumaling ito sa kasamang pulis. "Siya po yung nagpunta sa presinto nun na may napulot daw po siyang bata sa mall. Tapos ni walang nagre-report man lang kung may nawawalan ng anak kaya hinayaan ni chief na sa kanya muna hanggat hindi pa nabibisita ng DSWD."

"Ganun ba?" napatingin naman ito kay Evie. Sumunod ay tumingin kay Tin na tila sinusuri ito. "Ikaw ba ang talagang nanay ng batang nawawala?"

"O -- opo Sir."

"Bakit ni hindi mo ni-report na nawawala anak mo?" tila seryoso ito at sinisermunan si Tin. "Kung maaari, maimbitahan kayo sa presinto para doon natin maiayos ito."

"Sige po --"

"Hindi ako sasama!"

Lahat naman ay napatingin kay Tin.

"Ma’am, kung hindi po kayo sasama, papaano po namin mapapatunayang kayo ang totoong ina ng batang nawawala? Hindi po basta pwede niyo kunin ang bata sa nakapulot sa kanya. Kailangan niyo po sumailalim sa proseso lalo't nakarating na ito sa DSWD." paliwanag pa ng officer.

"Sasama po ako. Willing naman po akong ibalik ang bata sa tamang proseso." saad pa ni Evie sa mga ito.

Halatang alanganin pa rin si Tin, bakas rito ang takot at pangamba kung sakaling sumama siya sa presinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status