Share

Chapter 4

Aurelia's POV

Nakatulala ako habang nakatayo sa harapan ng malaking bahay-hindi mansion na 'to, hindi na ito matatawag na bahay sa laki at lawak. Binalingan ko si Kuya driver.

"Sigurado ka po ba Kuya na dito ang address? Baka po nagkamali lang kayo?" duda kong tanong at tiningnan ang address na binigay ni papa, tama naman ang nasa address.

Binaba ni manong ang mga dala kong bagahe sa compartment ng kotse at bumaling sa akin. "Opo ma'am, ito po lugar na nasa address," napakamot ng ulo si manong habang nagpapaliwanag.

Matipid akong ngumiti. "Hehe sige po Kuya salamat." Nasa isang exclusive subdivision ako ngayon, tumunog ang cellphone ko at si papa ang tumatawag.

Nakahinga ako ng maluwag at sinagot ang tawag. "Hello anak, nasaan ka na?" tanong ni papa.

Napatingin muli ako sa mansion. "Nandito po ako sa sinabi ninyong address pa, sa harap ng mansion na ata ito."

"Sige antayin mo ako."

"Sige po." Inayos ko ang mga bahagi ko napabaling ako sa pintuan ng gate ng bumukas ito, nanlaki ang mata ko ng makita si papa mula doon na lumabas, he's wearing formal suit, ganon parin ang itsura niya walang pinagbago gwapo pa rin. "Papa," tawag ko at tumabok at niyakap siya. I really miss him.

Ginulo ni papa ang buhok ko. "Dalaga na talaga ang anak ko ah, dati maliit ka palang ngayon halos hindi na kita makilala," tumatawang biro niya.

Namumula ang pisngi kong humiwalay kay papa at napatawa rin. "Grabi ka naman pa, kamusta ka na pa? Maayos kalang mas lalo ka atang bumata at gwapo, sigurado ka pag nakita ka ni mama kikiligin 'yon sa 'yo," panunukso ko, namula bahagya ang pisngi ni papa. Confirmed miss na niya si mama at kinikilig pa.

Napailing siya at tumawa na para bang nagbibiro ako sa kanya. "Ikaw talaga, saan na ang mga gamit mo? Iyan na ba lahat?" Kinuha lahat ni papa ang gamit ko at pumasok na kami sa mansion.

Hindi ko pa rin maiwasan ang namangha sa laki at expensive ng lugar na ito, sa harap ng malaking gate ay mahabang pathway at sa harap nito ay mayroon malaking puting fountain, dumadaloy doon malinis na tubig mula sa taas nito pababa, mayroon itong apat na palapag, sa harap ng fountain ay double door, napaawang ang bibig ko ng kusa itong bumukas.

Wow hi-tech?

Malawak na sala ang unang makikita pagpasok sa mansion, iniwan lang namin ni papa ang gamit ko sa Living room at dumeretso kami sa pool area. Napapalibutan ng rosas, Gumamela at iba't-ibang klase ng bulaklak ang makikita sa kapaligiran malaki at malawak ang swimming pool area na matatagpuan sa backyard ng mansion, una kong napansin ang lalaking nagbabasa ng dyaryo, he peacefully sat at the couch while sipping his hot coffee. Hindi ko alam pero habang papalapit ako sa kaya ay biglang tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba.

Napatingin ako kay papa ng umubo ito para kunin ang attention ng Mr. Vandross. "Sir, nandito na po ang anak ko," magalang na saad ni papa at pumunta ito sa tabi niya.

Binaba ni Mr. Vandross ang binabasang dyaryo at nagkasalubong ang tingin namin, he's wearing reading glasses mas nakakadagdag yon sa awra niya, ang kanyang mga gray na mata ay mapapasunod ka talaga, sa palagay ko'y nasa early fifty years old palang siya at kahit may edad na may bakas pa rin ang kagwapuhan nito noong bata pa kahit ngayon.

"Take a seat young lady." Tinuro niya ang kaharap na upuan.

Tumingin ako kay papa, tumango lang siya at ngumiti. Naupo ako, hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan ay parang gusto ko ng tumayo dahil kinakabahan talaga ako.

Ano kayang kondisyon 'yon?

Tumikhim siya at binaba niya ang hawak na dyaryo.

"Nandito ka dahil tinanggap mo ang alok ko, ang kapalit ay ako ng bahala sa pag aaral mo," malalim ang kanyang boses at seryosong sabi niya habang nakatingin parin sa akin.

Napalunok ako at ngumiti. "Opo Sir."

Ngumiti siya, at umiling. "Don't call me Sir, hija. Tito Anthony instead."

Nakahinga naman ako ng maluwag, mabait naman pala siya. Kahit papaano ay nawala ang kaba ko.

Tumingin siya kay papa na nakatayo sa tabi niya. "Marko get the Contract to my Office and pen also," he command. Tumango naman si papa at umalis. "I have few more questions to you hija and I want you to answer me honestly."

Napaupo ako ng tuwid. "Opo Tito Anthony."

"Nagka boyfriend ka na ba?"

"Wala pa po tito."

"Why?"

"Wala pa po sa isip ko 'yan, saka sabi ni papa pag aaral muna bago pag ibig," nakangiti kong sagot.

He nodded. Inabot ni papa ang dalang itim na envelope kay Tito Anthony. Inilabas niya iyon at tumingin sa akin at muling binalik ang paningin sa contract. Pirmahan niya 'yon sa harap ko at inabot sa akin.

"Read it, all the details you need to know are there, if you want to back out it's up to you, hija." Kinuha ko agad ito ng inabot niya sa akin.

"CONTRACT TO SEDUCE ASHISH ABISHEK VANDROSS MY SON"

'Yan ang nakalagay doon, ilang beses pa ako napalunok dahil nanunuyo ang lalamunan ko habang binabasa ang nasa kontrata. He is really serious about it. Napatingin ako kay papa na nakatingin din sa akin, isang maliit na ngiti ang sumulat sa labi ni papa ah tumango din siya.

I do it for my Dreams, it's for my future also. Inabot sa akin ni papa ang mamahaling ballpen. Muli kong binasa ang title ng contract.

"Contract to seduce my son Ashish Abishek Vandross."

Nanginginig ang kamay kong pirmahan yon. Wala ng atrasan ito, para sa pangarap ko.

Tumayo si Tito at nakipagkamay sakin, nanginginig ang kamay kong tinanggap ang pakikipag kamay niya. "Thank you hija na pumayag ka sa kasunduan natin, sana ay walang makakaalam maliban sa 'ting tatlo, I'm doing this for my Son. I want him to be a good person not my headache. Everything you need is your father explain to you. At magkakaroon ka ng kopya ng kontrata pati narin background ng anak ko para hindi ka na mahirapan pa, I need to rest excuse me."

Tumango ako. "Salamat din po Tito gagawin ko po ang lahat ng nasa kontrata."

Tumango siya at umalis. Naiwan kaming dalawa dito ni papa. Tinignan ko siya, parang mayro'n bumara sa lalamunan ko. Lumunok ako muli ng laway. "A-Alam mo rin po ba papa ang laman ng kontrata? At okay lang po ba 'yon sa inyo?" Umaasa parin ako na hindi alam ni papa.

Tumango siya at ngumiti ng matipid. "Anak pasensya na, ayaw ko man pumayag pero para sa pangarap mo naman ang nakasalalay. Alam ko na gustong-gusto mo na makapag aral sa UP Manila at ito ang tanging solusyon." Napabuntong-hininga siya. "Sandali lang Relia at kailangan ko munang ipa photocopy ang contract," aniya at kinuha ang kontrata at inilagay sa black envelope.

"Sige po."

Nang makaalis si papa ay hindi ko mapigilan ang sarili ng kwestyunin ang desisyon ko.

"Tama ba ang ginawa kong pagpayag sa alok ni Tito Anthony? Kasi sa ginawa ko para narin akong nakulong ay walang kalayaan, pero pangarap ko rin naman ang kapalit, wala na akong magagawa napermahan ko na 'yon, meaning wala ng atrasan to."

"'Yan ang kopya ng kontrata." Inabot sa akin ni Papa ang itim na envelope. "At ito naman ang personal details ni Atticus." Inabot din niya ang gray na envelope, hindi ko muna yon binuksan hindi pa ako handa na makita siya. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse, papunta sa condominium kong saan daw ako titira malapit lang daw 'yon sa UP.

Gusto ko ng bukasan upang makita ang background niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nakarating kami sa sikat na condominium dito sa Pilipinas na pagmamay ari ni Tito Anthony. Dala ko ang isang bag habang dalawa naman ang dala ni papa, dumaan muna kami sa reception area, kinausap lang ni papa yong babae at mayro'n pinapermahan sa akin, matapos non ay binigay na ang room key.

Sumakay kami sa elevator, nanlaki ang mata ko ng makita na VIP room pala ang card na hawak ko. "Papa bakit naman po VIP ito? Subra naman po ata 'to?" Konpronta ko habang hindi maalis ang mata sa card.

Tumingin sa akin si papa at ngumiti. "Utos 'yan ni boss anak. Wag ka mag alala wala ka naman babayaran dito, lahat ng kailangan mo siya ng bahala, kaya mag aral ka ng husto anak Relia, at wag mong kakalimutan ang nasa kontrata, alam kong mahihirapan ka pero naniniwala ako na ang tunay na pag ibig ay kayang baguhin ang tao nagmamahal."

Nangunot ang noo ko at napatingin sa kanya, nagkasalubong ang tingin namin, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Anong ibig mong sabihin pa? Ang tunay na pag ibig ay kayang baguhin ang isang tao nagmamahal pa?"

Tumango siya. "Oo, walang imposible sa pagmamahal basta galing sa puso hindi sa utak, kasi ang utak ay pwedeng diktahan ang puso pero kapag ang puso mo ang nag dikta malalaman at nararamdaman mo din 'yan sa tamang tao kung siya na talaga. Alam mo ba kung bakit ayaw namin ni mama mo na magkaroon ka ng boyfriend noon?"

Napangiti ako at inalala ang sinabi niya dati. "Kasi bata pa ako at pag aaral muna bago pag ibig?" yan ang sagot niya sa akin dati ng tinanong ko siya.

Umiling siya. "'Yan ang sinabi ko dahil tama din 'yan, pero ang totoo ay hindi ko nakikita sa mga nanliligaw sa 'yo na masaya ka sa kanila, gusto kasi namin ni mama mo na mapunta ka sa taong mamahalin ka at ituturing kang Prinsesa wala ng iba."

Hindi na proseso ng utak ko ang sinasabi ni papa, pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi niya ako pinayagan pumasok sa relasyon dahil baka masira lang nito ang kinabukasan ko.

Nakarating kami sa 40 floor ng condominium, this is so huge and high, inabot kami ng 5 minutes sa elevator, mula first floor to 40 floor. Dinala na namin ang mga gamit ko at nandito kami sa VIP floor tiningnan ko ang number ng key card at number 12 ito, huminto kami sa pintuan na nakalagay sa taas ng pintuan. Swipe ko lang ang card at nilagay ang password na sinabi sa akin kanina ni papa, sa unang pagpasok ko ay makikita ang malaking TV at nakahilera ang mga libro at tatlong malalaking couch na dark red ang kulay. Ang theme ng lugar ay puti at light brown, I love the combination of it, hindi masakit sa mata at nakaka fresh pa sa pakiramdam.

Pumasok kami ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw, mas lalo akong namangha sa ganda at laki ng lugar, ang mamahal pa ng mga gamit, gawa sa mamahaling kahoy ang kabinet at lamesa sa living room.

Inilapag ni papa ang isang black credit card sa kahoy na lamesa. "Yan ang gagamitin mo anak pang bili ng mga kailangan mo araw-araw, at buwan-buwan ay papasok ang allowance mo diyan, at kung may mga kailangan ka at tanong tawagan mo lang si papa ha."

Tumango ako at niyakap siya. "Opo pa, na miss po kita sobra sana po sa sunod ay makauwi ka sa 'tin, miss ka narin po ng mga kapatid ko-ni mama."

Ginulo ni papa ang buhok ko. "Oo naman anak, mag papaalam ako sa boss ko at sana payagan ako," sagot niya at humiwalay sa akin.

Napatingin ako sa relo kong suot at alas dose na pala ng hapon at medyo kumukulo na rin ang tiyan ko. "Pa dito ka na po mananghalian magluluto po ako," aya ko sa kanya.

Ngumiti siya at umiling. "Hindi na anak, may trabaho pa ako at kailangan ako ng boss ko, o sige na aalis na ako mag ingat ka dito, tawagan mo ako agad kong may kailangan ko at tanong."

Kahit na nanghihinayang ako na hindi ko siya maipagluto siya ay ngumiti at tumango nalang ako at hinatid siya sa labas ng condo unit ko.

"Opo pa, tatawag po ako agad sa iyo," sagot ko at nag thumbs up pa.

Pinanood ko lang siyang umalis papalayo, pumasok na ako at nilibot ang buong lugar, bali meron dalawang kwarto na pareho ang design, mayroon itong dalawang pintuan ang isa ay bathroom, namangha ako ng makita ang laki ng bathroom, mayron shower area at at sa katabi nito ay toilet area, may malaking salamin din at kabinet sa gilid, binuksan ko ito, apat ng body towel, dalawang bathrobe at medicine ket sa ilalim naman ay trash can.

Matapos ko malibot ang buong bathroom at pumasok ako sa kabilang pintuan kung saan makikita ang lalagyan ng mga damit, dalawang malalaking kabinet at isang pang kabinet sa ilalim ng isang kabinet ay lalagyan ng sapatos mayro'n din sabitan ng bag at sa kabilang side ng mga kabinet ay yong upuan.

Ganun din ang design ng kabilang kwarto, napahawak ako sa aking tiyan ng muling kumulo ito. Pumasok ako sa kusina, dalawang table island na kahoy ang design kulay brown din ito, dalawang high chair, hindi ko na kailangan pang bumili ng mga gamit dahil halos lahat ng kailangan ko ay nandito na, may refrigerator din, binuksan ko ito at wala ito laman, napabuntong-hininga ako at napagdesisyunan na bumaba nalang at bumili ng grocery, dinala ko ang mga kailangan ko at inilagay lahat yun sa gray kong shoulder bag.

Sinigurado ko munang lock bago ako umalis, sumakay ako sa elevator, after 5 minutes ay nasa ground floor, sumakay nalang ako sa dumaan na bus, kaunti lang ang tao doon, ilang minuto lang ay nakarating kami sa station na bus, nag bayad muna ako bago bumaba, binuksan ko ang data ng cellphone ko at pumunta sa G****e map, at nag search kung saan ang malapit na Mall dito, agad ko naman itong nakita at walking distance lang naman kaya sinundan ko na, nakarating ako sa SM. Una kong pinuntahan ang grocery store, kumuha ako ng cart at naglibot-libot habang kinukuha ang mga bibilhin at kailangan ko sa pagluluto.

Malaki ang grocery store nila hindi tulad samin na maliit lang at hindi lahat ng kailangan mo ay nandoon, nilagay ko na lahat sa cart ang mga gusto ko at kailangan, namili na rin ako ng mga karne ng manok at gulay narin hindi ko rin pinalampas ang prutas, hindi ko namalayan na napuno ko na pala ang malaking cart na dala ko. Ilan na kaya ito lahat? Mukhang napa sobra ako ng nakuha, dumeretso na ako sa counter at binayaran ang mga binili ko, bali nasa tatlong malalaking box lahat iyon, bumili narin ako ng bigas ang daming nakatingin sa akin tao siguro nagtataka kung bakit sobrang dami kong binili, una sa lahat pang isang buwan ko na lahat ito o sobra pa, at hindi ko din naman lahat yan mauubos, napaawang ang labi ko ng makita ang babayaran ko.

"10,530 pesos po lahat ma'am," sabi ni ate na nasa counter.

Napalunok ako at tumango. "Sige miss wait lang." Nanginginig ang kamay kong kinuha ang credit card na binigay ni Papa.

Agad naman niyang kinuha at swipe doon sa machine at automatic paid ang nakalagay. Binalik niya yon sa akin.

"Thank you ma'am." Tumango nalang ako habang nakatingin sa mga pinamili. Grabe ang gastos ko.

Nang matapos na pack ng mga binili ko ay iniwan ko muna doon at babalikan ko din, maraming tao ngayon sa SM may mga foreign din akong nakasalubong at ang iba ay napatingin pa sa akin mula ulo hanggang Paa, ngumiti nalang ako kahit naiilang sa ginagawa nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng taga province? May mali ba sa suot ko, naka black jeans, sando na puti na pinatungan ng jacket na jeans at sapatos na sneakers.

Napahinto ako ng napadaan ako sa school supplies, oo nga pala ang aaral ako at kailangan ko ng mga gamit sa school, pumasok na agad ako doon at namili, yong mga importanteng gamit lang din ang binili ko, hindi rin ako tumagal doon at umuwi narin ako, nagpatulong lang ako kay manong guard upang dalhin lahat ng pinamili ko. Saktong pag labas namin ng mall ay may dumaan grab at sinakay namin lahat sa loob ng kotse. Since malapit lang naman ang mall sa condominium ko ay agad akong nakauwi. Tinulungan din ako ng bell boy na dalhin lahat sa condo unit ko, binigyan ko nalang siya ng tip sa pagtulong sa akin.

Nang maipasok ko na lahat ng pinamili ko sa kusina ay nag umpisa na akong mag trabaho, nag saing habang nagluluto ang kanin ay sinabayan ko na ng ulam, gutom na talaga ako pasado alas tres na ng hapon ng makauwi ako. Bali adobong sitaw nalang muna ang niluto ko, matapos kong kumain ay inayos at sinalansan ko na ang mga pinamili ko sa refrigerator at mga kabinit dito sa kusina. Bago ako umalis ay nilinis ko muna, napabagsak ako sa malaki at malambot na kama sa kwarto ko, wala pa pala ako naka ayos ng mga gamit ko, napa buntong-hininga ako at naligo.

Oo nga't laki ako sa probinsya pero hindi naman ako igno sa mga updated na gamit dito, mahilig kasi ako manood ng mga movies at lagi kong nakikita kung paano nila ginagamit ang mga upgraded na gamit, ginamit ko narin ang binili kong shampoo at sabon, habang naliligo ako ay hindi ko maiwasan titigan ang sarili ko sa salamin, mayron human size na salamin dito sa shower area, I grownups so fast, tama si papa ang laki na ng pinagbago ng katawan ko, dati na wala akong dibdib ngayon ay mayro'n na at biyaya pa ng maykapal na medyo sumubra na nga ang biyaya, mayro'n naring hugis ang katawan ko, hindi ko ito napansin sa mga taon na lumipas dahil busy ako sa pag-aaral at pagtatrabaho at pagtulong kay mama. Tumangkad na rin ako, mana ako kay papa, ang height ni papa ay 6'1 at ako naman ay nasa saktong 5'9 konti lang naman ang diperensya.

Tinapos ko na ang paliligo at nagbibihis ng damit, pinagpapantasyahan ko munang magpahinga at hindi inaasahan na natutulog ako.

*Ringggg*

Napatakip ako ng tainga dahil sa ingay malapit sa tainga ko, kinuha ko ito at sinagot na nakapikit pa rin. "Hello."

"Anak Relia kamusta? Nagkita naba kayo ng papa mo?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

Agad akong napamulat at napatingin sa tumatawag, si Mama nga. "Opo ma, sorry nalimutan kong tumawag ma, nakita ko na po si Papa at hinatid na niya ako dito tinuluyan ko. Kayo po kamusta?" Umupo ako sa kama at nag inat ng katawan. Napatingin ako sa oras, pasado alas sais na ng gabi.

"Okay lang kami ng mga kapatid mo anak, ikaw nga ang inaalala namin, mag ingat ka diyan anak ka, malaki ang Manila at hindi 'yan tulad ng lugar natin, maraming masamang loob diyan kaya mag ingat ka talaga ng husto," paalala ni mama.

Hindi ko maiwasan na mapangiti. "Opo mama, wag po kayong mag alala mag ingat po ako, kayo din po." Tinali ko na ang buhok ko at sinimulan ko ng alisin ang mga damit ko sa malita kong dala.

"O sige na anak, tumawag lang ako para kamustahin ka, nag alala lang kami dahil hindi ka pa tumatawag kaya't kami na ang tumawag, sige na mag ingat ka diyan anak Relia, I love."

Napangiti ako. "I love you more, sige po ma hindi ko kakalimutan ang mga paalala ninyo." Tinuloy ko na ang pag lalagay ng mga damit ko sa dressing room dito sa loob ng kwarto ko, lumabas ako ng matapos at pinagpyestahan kong mag timpla ng kape, sa heater nalang ako nagpainit ng tubig at kumuha ako ng lalagyan at doon ko nilagay ang greatest na kape at asukal sa kabilang lalagyan.

Matapos mag timpla ay nilagay ko yon sa lamesa dito sa Living room at muling pumasok sa kwarto at kinuha sa bedside table ang contract at info ni Mr. Vandross. Naupo na ako sa sofa at una kong binuksan ay yong contract, muli kong binasa 'yon.

This contract is provided by Mr. Anthony Vandross, father of Ashish Abishek Vandross, in this contract discussing the rules and roles of Ms. Aurelia Medija daughter of my right hand Marko Medija.

Mr. Anthony will provide the full allowance, and other needs of Ms. Aurelia from 1st Year College to 4rth Year College.

RULES

-Always beside my son.

-Act like his boyfriend.

-Seduce him.

-Be with him day and night but it's okay not to be with him on school days.

-Be patient with him,

And etc...

Halos hindi ko maalis ang paningin ko sa rules ni Tito Anthony, mas napanganga pa ako sa mga nahuli roles niya even the rules.

At sa baba ng contract ay yong perma namin ni Tito. Sa totoo lang ay hindi ko 'yon napansin dahil sa natuon ang atensyon ko sa full expenses ang atensyon ko. Napatingin ako sa isa pang envelope kung nasaan ang info ni Ashish, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok na puso ko na para akong inatake sa puso sa sobrang bilis halos ito na lang ang naririnig ko maliban sa aking malalim na paghinga.

Nilabas ko na 'yon sa envelope at una kong nakita ang kanyang picture, para bang huminto ang mundo ko ng makita ang pagmumukha niya. Una kong napansin ang kanyang dark gray na mata, mana siya kay tito mas dumagdag pa sa ganda ng kanyang mata ang straight at makapal ang kilay. His has this seducing jawline and his Roman nose is attractive and his thin red lips is perfect smirked.

Siya ba talaga si Ashish? He looks like a falling angels.

Napatingin ako sa kanyang info.

Name: Ashish Abishek Vandross

Age: 25

Status: Single

Blood type: Positive A

Height: 6'10

Weight: 80 kg

Work: Working at Vandross Company.

Problem that you need to fix is his being a fuck boy, and I want you to change him for the better of him.

Natulala ako. What the! Fuck boy?

Napainom ako ng kape wala sa oras at mapatalon at napatili ako ng napaso ang dila ko sa init pala ng kape ko. Mukhang nag kamali ako ng desisyon sa buhay, God help me to change him.

Ayaw ko man mag isip ng iba pero what if...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status