I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo

I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo

last updateDernière mise à jour : 2026-11-18
Par:  SchuylerMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
3Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

May asawa na ako. Pero ang lalaking nakabuntis sa akin ay hindi ang asawa ko. Kundi ang sarili nitong tiyuhin. Akala ko, ang pinakamalaking problema ko ay ang bigla kong paggising sa katawan ng ibang babae. Until I discovered that I was Isabella Montecillo—a woman trapped in a miserable marriage, with a husband who hated her and a life full of secrets. At parang hindi pa sapat ang lahat ng iyon, may isa pa akong problemang kailangang harapin. Buntis ako at ang ama ay si Gabriel Montecillo. Ang tiyuhin ng asawa ko. Isang makapangyarihang tao na hindi ko dapat lapitan, lalong hindi dapat mahulog sa kanya. One night was all it took to turn a complicated life into an even bigger mess. Ang plano ko? Simple lang. Ingatan ang baby ko, umiwas sa dagdag na problema, at iwasan ang mga pagkakamali na ginawa ni Isabella. Pero paano kung ang lalaking dapat kong iwasan ay siya pang ayaw akong pakawalan? Paano kung sa kabila ng pagiging asawa ng pamangkin niya, si Gabriel naman ang unti-unting nagiging tahanan ko? I'm carrying his child, but I'm still wearing another man's ring. And when the truth finally comes out, will Gabriel fight for us—or will I lose everything just to be with the man I should never have loved?

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

Beep. Beep. Beep. Napadilat ako sa paulit-ulit na tunog.

“Nasaan ako?” mahinang tanong ko.

“Dahan-dahan lang, Mrs. Montecillo.”

Napalingon ako sa doktor na nakatayo sa tabi ng kama ko.

“Nasa ospital ka. Dinala ka rito matapos kang mawalan ng malay. Don't worry, maayos naman ang lagay mo at ng baby mo.” 

“Anong baby?” 

Sandaling natigilan ang doktor. May pag-aalala sa kanyang mukha. 

“You are two months pregnant, Isabella. Mukhang kailangan mo pang magpahinga. I’ll come back later, okay?”

Marahan niyang isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas.

Mrs. Montecillo? Baby? Two months pregnant?

Napakunot ang noo ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi ng doktor. Ang huling natatandaan ko ay nagbabasa ako ng romance novel bago matulog. Paano ako napunta sa ospital?

Isabella Montecillo.

Then I remembered.

Siya ang babaeng ipinagpalit ng mayamang asawa sa sarili niyang kaibigan. Ang babaeng niloko, inabuso, at nawalan ng lahat. She was the tragic heroine of the novel I was reading!

“Paano nangyari ito?” 

Napatingin ako sa mga kamay ko. Elegante ang mga daliri, maputi ang balat, at manicured ang mga kuko. Hindi ito ang mga kamay ko. 

Panaginip ba ito? Kinurot ko ang pisngi ko.

“Aray!”

Okay. Hindi ito panaginip. Ibig sabihin… Nasa katawan ako ni Isabella Montecillo? Napahawak ako sa tiyan ko.

Pero paano ako…siya… nabuntis?

Bago pa ako tuluyang makapaniwala sa nangyayari, biglang sumakit ang ulo ko. Sunod-sunod na mga imahe ang nag-flash sa isip ko.

Isang mamahaling hotel.

Isang bote ng alak.

Isang babaeng umiiyak habang hawak ang cellphone na nagpapakita ng litrato ng kanyang asawa at matalik na kaibigan. My husband had cheated on me.

Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng babaeng iyon.

Isabella. Mga alaala niya ang mga ito.

“Mukhang nakakarami ka na ng inom.”

Napalingon ako sa lalaking umupo sa bakanteng bar stool sa tabi ko.

“Excuse me? Sino ka para pagsabihan ako?”

Mahina siyang natawa bago umorder ng sariling inumin.

“Let’s just say I’m a concerned stranger. Are you okay?”

“Mukha ba akong okay?”

“I guess not.”

Sinulyapan ko ang lalaking katabi ko. Matangkad siya, malapad ang mga balikat, at may mukhang parang hinugot sa isang fashion magazine.  Pero ang mga mata niya ang talagang nakakuha ng atensiyon ko. 

They were a beautiful silver gray.

“So, what brings you here?” tanong ng lalaki sa akin.

“My husband cheated on me,” bigla kong sabi.

Napatingin siya sa akin.

“I'm sorry to hear that.”

“Don't be. Hindi naman ako kawalan sa kanya.”

“Is that what you think?”

Napatawa ako nang mapait.

“That's what he made me believe.”

“Sounds like he doesn't deserve you.” 

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa mga salita niya kaya bigla akong lumapit sa kanya. Marahan kong idinampi ang daliri ko sa hita niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko.

“I think you’ve had enough. Let me help you get to your room.”

Napatingin ako sa kanya. 

“Are you for real?”

Kinuha niya ang key card ko at tinanong kung ano ang room number ko.

Matapos kong sabihin, nag-iwan siya ng ilang bills sa bar bago niya ako inalalayan sa pagtayo. Tahimik kaming naglakad patungo sa elevator lobby. Pagkapasok namin sa elevator, tinulak ko siya, pagkatapos ay hinalikan ko siya.

Normally, hindi ko gagawin ang ganito sa isang lalaking hindi ko kilala. But tonight was different. Kailangan kong makalimot. Kahit sandali lang.

“What are you doing?” bulong niya malapit sa labi ko.

“Shut up and kiss me.”

His silver eyes looked at me. Then he kissed me.

Nang nakarating na kami sa pintuan ng aking hotel room, tumigil ang lalaki ngunit hinila ko siya papasok.  Muli ko siyang hinalikan pagkapasok namin.

“Is this what you really want?” tanong niya. “Tell me no, and I'll stop.”

“No. Don't stop.”

Pagkarinig sa sagot ko, tuluyan niya akong hinalikan. 

His hands and lips explored my body, making me shiver with every touch.

Nang gabing iyon, wala na akong ibang naramdaman kundi ang init ng kanyang katawan at ang mga halik niyang tila gustong angkinin ang bawat bahagi ko.  

Bago ako tuluyang makatulog, naramdaman ko ang kanyang mga braso na yumakap sa akin at isang halik sa tuktok ng aking ulo.

Kinabukasan, umalis ako habang mahimbing pa siyang natutulog.

***

Napaupo ako at napatakip sa aking bibig nang matapos ang dagsa ng mga alaala ni Isabella. Kung ganoon, yung lalaking yun ang ama ng baby sa sinapupunan ko?

Pero sino siya?

Hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat sa sitwasyon ko, biglang bumukas ang pintuan.

Pumasok si Raphael Montecillo at hindi siya nag-iisa. May babaeng nakasunod sa kanya.

Si Annette.

Isabella’s college friend and Raphael's mistress.

“Finally, gising ka na.”

Iyon lang ang sinabi ni Raphael. Walang kamusta. Walang tanong kung maayos ba ang pakiramdam ko. Sa halip, basta na lang niyang ibinagsak ang isang folder sa ibabaw ng kumot ko.

“Sign those papers, Isabella.”

Napatingin ako sa folder.

Divorce papers.

Napahigpit ang hawak ko sa folder. Alam ko kung ano ang susunod na mangyayari.

Sa orihinal na kuwento, dahil sa pagmamahal at tiwala ni Isabella kay Raphael, ipinagkatiwala niya rito ang pamamahala sa kanyang mga ari-arian. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya.

Nang maghiwalay sila, nagawa ni Raphael na angkinin ang halos lahat ng kanyang mana.

Hindi ako papayag na mangyari ulit ang lahat ng iyon. Lalo na ngayon na may baby na akong kailangang protektahan.

Kinuha ko ang mga papeles at ibinato sa mukha ni Raphael.

“Hindi ako pipirma.”

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

“You're being stupid, Isabella. Ayoko nang makasama ka dahil si Annette ang mahal ko.”

Ang kapal talaga ng mukha!

“Raphael, hayaan mo muna siya,” malambing na sabi ni Annette. “Baka magbago ang isip niya kapag nakapagpahinga pa siya.”

Napailing ako.

“Hindi ko kailangan ang fake concern mo, Annette.”

May sasabihin pa sana si Raphael nang bigla siyang napatingin sa bedside table. Doon nakapatong ang ilang medical records na iniwan ng doktor. Kinuha niya ang isa at binasa.

“Ano 'to?”

Hindi ako sumagot.

Unti-unti siyang napatingin sa akin.

“Buntis ka?”

Nanatili akong tahimik.

“Magsalita ka, Isabella. Akin ba 'yan?”

Tinitigan ko siya.

“Hindi.”

Halos magdilim ang mukha niya sa galit.

“So, you cheated on me? Sino ang ama ng batang iyan?” 

Napatawa ako. Seriously?

“Sino ba ang unang nagloko sa ating dalawa?” balik-tanong ko. “At wala kang karapatang malaman kung sino ang ama ng anak ko.”

“Isabella!”

Mukhang sasampalin niya ako kung hindi lamang siya napigilan ni Annette.

“Huwag, Raphael!”

“Sige, saktan mo ako!” hamon ko. “Diyan ka naman magaling, hindi ba?”

Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Pero hindi na ako ang dating Isabella na tahimik at hindi lumalaban.

“Pipirmahan mo ba ang mga papeles o hindi?” mariin niyang tanong.

“Pipirmahan ko ang divorce papers, but only if you return my inheritance.”

“Nagpapatawa ka ba?”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Anong nangyari sa iyo? Hindi ka naman ganyan dati.”

Hindi ako sumagot.

“You think you can make demands now?” malamig niyang tanong.

“I'm only asking for what's mine.”

“Pagsisisihan mo ito, Isabella.”

Mabilis siyang lumabas ng kwarto; kasunod si Annette.

Nang tuluyan silang makaalis, isa-isa kong pinunit ang mga dokumento bago ko itinapon sa basurahan. I wasn't going to make the same mistakes Isabella made.

Pero hindi rin ako puwedeng basta kumilos nang walang plano. Raphael was a powerful man. Marami siyang connections, at kontrolado niya ang finances nilang mag-asawa.

Hindi magiging madali ang laban na ito, pero wala akong balak umatras. Napahawak ako sa tiyan ko.

“Don't worry, baby. I'll protect you.”

Pero ang problema, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. 

Una, kailangan kong mabawi ang mana na iniwan ng mga magulang ni Isabella at makalaya kay Raphael nang hindi nawawala ang lahat.

Pangalawa, kailangan kong malaman kung sino ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon.

Paano ko siya hahanapin? Wala akong pangalan. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mga mata niya at ang gabing pinagsaluhan namin. Pero sa ngayon, mas dapat kong unahin ang sitwasyon ko kay Raphael.

Sa pagkakaalam ko, wala nang ibang malapit na kamag-anak si Isabella na maaaring makatulong sa kanya.

Teka. May isang tao na maaaring makatulong sa akin.

Gabriel Montecillo.

Siya ang tiyuhin ni Raphael at isa sa pinakamakapangyarihang miyembro ng pamilya Montecillo. Mas malaki ang impluwensiya at kapangyarihan niya kaysa sa pamangkin niya. He was someone Raphael couldn't easily mess with.

Kung may isang taong puwedeng tumulong sa akin, siya na iyon. Kailangan ko siyang makausap.

The only problem? Paano ako lalapit sa isang lalaking hindi ko pa naman nakikilala para humingi ng tulong?

Pero wala akong ibang pagpipilian. At kung tama ang pagkakaalala ko sa nobela, hindi siya ang tipo ng lalaking madaling lapitan.

In fact, he was described as a man who hated being bothered. Well, too bad for him.

Because I wasn't just going to bother Gabriel Montecillo. I was about to turn his entire world upside down.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status