LOGINTatlong bagay ang alam ni Mira Rivera tungkol sa kanyang boss: matalino si Ethan Mendez, seryoso, at bukod sa lahat, off-limits. Bilang demanding na CEO ng Mendez Tech, inaasahan ni Ethan ang kahusayan at pagsunod mula sa lahat ng kanyang empleyado. Ngunit matapos ang isang maulang gabi, hiniram na damit, mga sandaling pilit na itinatago, at isang hindi inaasahang kahilingan, nagsimulang maglaho ang hangganan sa pagitan ng Boss at Assistant. Alam ni Mira na bawal mahulog sa kanyang boss. Ngunit habang unti-unti niyang nakikilala nang husto ang kanyang boss, lalo siyang nahihirapang panindigan ang distansya na pinangako niyang hinding-hindi niya tatawarin. Because sometimes, the most dangerous thing about getting too close to your boss isn't losing your job—it's falling in love with him.
View More“Knock, knock!”
Napatingala ako mula sa ginagawa ko sa laptop. Isang pagod na ngiti ang ibinigay ko sa taong nasa pintuan ng opisina ko.
“Uyyy, ginabi ka na naman. Late night ka na naman, ha?” pabirong sabi ni Jessica. Napatawa na lang ako—alam na kasi ng buong departamento namin kung gaano katindi magtrabaho ang CEO namin. Gusto niya laging perpekto at hindi tumatanggap ng pagkatalo.
“Ano pa nga ba. Ganoon pa rin.”
“Kaya ibig sabihin, hindi ka na naman makakasama sa amin, ha, Mira?” tanong niya, sabay taas ng kaliwang kilay. Palagi na lang kasi akong hindi nakakasama sa mga lakad ng mga naging kaibigan ko sa kumpanya.
“Pasensya ka na naman. Alam mo naman na ako ang sisisihin ni Sir kapag hindi ko naipasa ang mga reports sa umaga, kaya nagmamadali akong tapusin ang lahat ng kailangan.”
Hindi sumagot si Jess. Tinititigan lang niya ako.
“O, bakit ganyan ka tumingin?”
“Wala naman. May naisip lang ako… ah, huwag na lang. Basta babawi ka, ha?”
“Promise.”
“Sige na, Queen of All Workaholics. Kita tayo bukas.”
Nang makaalis si Jess, bumalik na ako sa paggawa. Pero maya-maya, may kumatok na naman. Akala ko si Jess na ulit kaya sumigaw ako habang nagta-type: “Ano na naman ang kailangan mo?”
“Excuse me?”
Natigilan ako at dahan-dahang tumingin sa pinanggalingan ng boses.
Oh, shit!
It was my boss. Ethan Mendez.
Ang perpeksyonista at mahigpit na CEO ng Mendez Tech. Siya mismo ang nasa pintuan ko, at mukhang hindi siya masaya.
Dahan-dahan akong tumayo. “Pasensya na po, Sir. Akala ko po kasi si Jessa na ulit ang kumatok.”
Hindi siya gumalaw at hindi nagsalita. Medyo hindi na ako komportable sa pagkakatitig niya sa akin.
“Sir?”
He cleared his throat. “Ano na ang status dun sa daily monitoring reports na kailangan ko para sa meeting bukas?” Tanong niya sa akin.
“Halos tapos na po, Sir.”
“Halos? Ms. Rivera, alam mo naman kung gaano kahalaga na makuha ko ang mga ulat na iyon agad, hindi ba?”
“Opo, Sir. Konti na lang po, ipapasa ko na sa inyo.”
“Siguraduhin mo.” Pagkatapos ay aktong palabas na siya sa opisina ko.
Napahinga ako nang malalim. Akala ko tapos na. Pero lumingon siya: “At Ms. Rivera…?”
“Sir?”
Tumingin siya sa ibaba at sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko—nakabukas pala ang dalawang butones ng damit ko.
Oh, for the love of God!
“Fix it.” He left me dying with embarrassment.
Ilang oras na ang lumipas nang walang ibang abala. Natapos ko na ang lahat ng ulat na kailangan ni Sir Ethan. Ipinadala ko sa email, nai-print, at nailagay ko na sa mesa sa boardroom.
Sa wakas, makakauwi na rin ako. Tiningnan ko ang orasan—halos alas-dose na pala ng gabi.
“May masasakyan pa kaya ako pauwi?” Tanong ko sa sarili.
Mahal ko ang trabaho ko. For someone na hindi naman nag-umpisa sa corporate world, sobrang swerte ko na makuha ang trabaho bilang executive assistant ng CEO ng pinaka-successful na tech company sa bansa. Maraming namumuhunan at mga kilalang tao ang humahanga sa kumpanya at pinupuri rin ang matalino at batang CEO nito.
The same CEO na humihingi palagi ng perfection sa mga tauhan niya. To be fair, we all knew what we signed up for. Working with the best means becoming the best too.
Not to forget na napakagwapo rin ni Sir Ethan Mendez. Hindi lang siya kilala bilang isa sa pinakamatalino sa bansa—isa rin siya sa pinakagustong pakasalan ng marami. Sayang lang na walang parangal para sa pagiging mahigpit—siguradong mananalo siya doon.
Papunta na ako sa elevators nang makita ko si Sir Ethan sa kanyang opisina. Nakasandal siya sa upuan, nakapikit ang mga mata. Bakas sa mukha niya ang pagod.
Tiningnan ko siya nang ilang sandali. Hindi ko alam, pero gusto ko sanang lapitan at tanungin siya kung okay ba siya. Pero naisip ko, baka hindi niya magustuhan, kaya hindi ko na ginawa.
As if sensing my presence, he opened his eyes and turned his head in my direction. Nagtagpo ang aming mga mata at nanatili kaming nakatingin sa isa’t isa ng sandali.
Ano bang ginagawa mo, Mira? Sinaway ko ang sarili ko. Iniwas ko na ang aking mga mata, tumango nang bahagya sa kanya, at lumabas na ng gusali.
That stare unnerved me, if I’m being completely honest.
“Nakakainis naman.” Hindi ako makakuha ng masasakyan. Pagod na pagod na ako at ayaw ko nang maglakad o sumakay sa bus. Gusto ko lang makauwi at magpahinga.
“Halos kalahating oras na pala akong naghihintay dito.” And to add to my growing misery, nag-umpisa na din umulan. Natatawa na lang ako sa sitwasyon ko ngayon.
“It can’t get any worse than this, right?” Biro ko sa sarili.
Wrong.
Isang madilim na sasakyan ang huminto sa tabi ko. Bumukas ang p***o at narinig ko ang boses sa gitna ng ulan:
“Get in.”
Tumingin ako kung sino ang nagmamaneho—si Sir Ethan pala.
“Ah… ayos lang po ako, Sir Ethan. May hinihintay na akong masakyan,” I lied.
Hindi siya naniwala. “Hindi ko na uulitin. Sumakay ka o manatili ka sa ulan habang naghihintay sa wala.”
Hindi pa rin ako gumalaw.
“Isa…”
Mabilis akong sumakay sa sasakyan niya. Doon ko lang napansin—basa na pala ako ng ulan.
“Pasensya na po, Sir. Nabasa ko po ang sasakyan niyo.”
“Hindi masisira ‘yan sa konting tubig. At saka, nakakaawa ka na nakatayo lang doon.”
Ah… hindi naman pala siya ganoon kasama.
“At hindi ka pwedeng magkasakit—marami ka pang gagawin. Hindi ko pwedeng mawalan ng tauhan.”
Scratch that. Wala pala siyang puso.
Tahimik ang biyahe. Walang musika, walang usapan. Ilang beses kong sinubukang makipag-usap, pero sa isang tingin lang sa kanya, hindi ko na nagawa. Nakatuon ang pansin niya sa pagmamaneho dahil lumakas pa lalo ang ulan.
“Sir… hindi ko pa po pala nasasabi sa inyo ang tirahan ko.”
“Alam ko kung saan ka nakatira, Ms. Rivera. Nasa employee records ang address mo. At saka, malapit lang naman sa akin ang tinitirhan mo.”
Talaga?
Habang iniisip ko ang sinabi niya, may inabot siya sa akin.
“Ano po ito?”
Tumingin siya sa akin nang may pagkainis. “Damit, Ms. Rivera. Basa ang suot mo and, quite frankly, you are distracting me.”
“Ano po?”
“Isuot mo lang sa ibabaw ng basang damit mo.”
“Salamat po, Sir. Ipapalinis ko po ito at ibabalik sa inyo agad.” Papa-laundry ko po siya and return it to you ASAP.” Sagot ko habang sinusuot yung T-shirt na binigay niya. The shirt smelled of him. Things have gone from bad to downright torturous for me.
“No, keep it. I don’t intend to use it again.”
Sa wakas ay natapos ko na rin ang report. Matapos ko itong i-email at gawan ng kopya, muling nagtungo ako sa opisina ni Sir Ethan — eh, Ethan pala.Sa totoo lang, medyo nakakailang na isipin siya as Ethan and not just Sir Ethan. It felt too intimate to be calling him by his first name alone.But his insistence on being called by his first name kapag kaming dalawa lang left no room for argument.So, Ethan, it is.Kumatok ako sa pinto. Sa medyong alanganing tinig, tinawag ko, “E-Ethan, narito na ang report na kailangan mo. Nai-send ko na rin sa iyong email.”“Sige. Titingnan ko mamaya.” Sagot niya. Hindi man lang siya lumingon sa akin habang sinasabi iyon.Nakakailang.“Uhm, sige po. Aalis na ako.” Tumalikod na ako upang umalis.“Wait, Ms. Rivera.”“Ano po iyon, Si—Ethan?”“Salamat sa pagpasok mo ngayong araw.” Iyon lamang ang sinabi niya bago muling ibinaling ang pansin sa kanyang ginagawa.Dahil may oras pa, nakahabol ako sa kasiyahan ng aking mga kaibigan. Napasigaw si Tony nang maki
Patuloy na gumugulo sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon. Paulit-ulit kong inaalala ang pakiramdam ng pagyakap niya sa akin.Halos sampalin ko na ang sarili ko para magising na ako sa ganitong kalokohan. Hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala namang talagang ibig sabihin. Masyado na yata akong nahahawa sa pagiging madrama ni Tony.Boss mo siya. Huwag mong kalimutan iyan, Mira!Kinabukasan, tinawagan ako ni Sir Ethan.“I need those reports before the day ends.” Utos nya. Dali-dali kong tinapos ang report na kailangan niya. Noong sumunod na araw, halos pagalitan niya ako sa harap ng mga katrabaho ko dahil sa isang pahinang nawawala sa report na ibinigay ko noong nakaraang hapon — hanggang sa biglang lumitaw ang pahinang iyon sa kanyang mesa, kung saan madali itong makikita.“Pinahihirapan ka yata ng boss mo recently.” Obserbasyon ni Tony. “Mukhang may LQ ah”“Shut up, Tony.”Akala ko natapos na a
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina ng boss ko, pero tumigil muna ako saglit para tumingin sa salamin. Sinigurado kong maayos pa rin ang nakatali kong mahabang buhok. Nakasara na ang lahat ng butones at walang anumang hindi maayos sa suot ko. Sapat na ang isang beses na nagkaroon ng ganoong pagkakamali. Hindi ko na kakayaning mahiya nang ganoon ulit.Kumatok ako nang minsan sa pinto ng opisina niya.“Come in.”“You wanted to see me, Sir?” Tanong ko mula sa pintuan.“Isara mo ang pinto at umupo ka, Ms. Rivera.”Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng mesa niya.“Bago ang lahat, nakita mo ang nangyari kanina?” Tanong niya.Tumango ako bilang sagot.“Ano ang narinig mo?”“Sir?”“Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko?”“Hindi po, Sir. I mean, narinig ko lang po na nagbitiw si Sir Pete at galit siya dahil sa mga dahilan na hindi ko alam.” Mabilis akong sumagot.Tumango siya. “Nakita kong dumaan siya sa harap mo. May sinabi ba siya sa iyo?”“Wala po, Sir
“Mira! Gising na, ‘nak!” Sabay katok ni Ma, “Baka ma-late ka sa trabaho.”“Opo, Ma.” Sagot ko.Hindi agad ako bumangon kasi inaalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Parang panaginip lang. Halos kalahating taon pa lang ako dito, at sa loob ng mga buwang iyon, bihira kaming magkausap nang masinsinan ng boss ko. “So, ano ang nagbago? Dati naman okay lang kaming mag-usap sa chat, email o tawag sa phone sa opisina. Ano ang nagtulak para magkaroon kami ng ganoong interaksyon kagabi? Ano ang nagbago?” Usisa ko sa sarili.Nang makarating kami sa tapat ng bahay, bumaba siya at binuksan ang pinto ko. Walang imik, binuksan lang niya ito, at nang makalabas na ako, sumakay siya ulit at umalis. Hindi na niya hinintay na magpasalamat at mag-goodbye ako.Hinanap ko by touch ang damit niya. Tinanggal ko kasi ito agad pagpasok ko sa kwarto kagabi. Baka kasi masira o madumihan. Mukhang mahal pa naman. Nang nahawakan ko, inilapit ko sa mukha ko at inamoy.Aaaarrghhh… it still smells of him.Dali-dali ko












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews