Share

Chapter 43: Gold

DZION's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa office ni Dex upang makibalita tungkol sa pag-iimbestiga niya sa sealing wax. Alam ko namang hindi niya uunahin 'yon dahil mas mahalaga ang trabaho niya bilang Supremo. Pagkarating ko sa harap ng pinto ng kaniyang office ay bigla akong napatigil sa akmang pagbukas niyon. May naririnig akong parang nag-uusap sa loob kaya idinikit ko ang aking tainga sa pinto at nakinig.

"Ano nang balita kay Yanna?" narinig kong tanong ni Dex sa kausap. Wala akong narinig na sagot, marahil ay through phone call ang pag-uusap na 'yon. "Okay, imbestigahan mo lang si Yanna."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Binuksan ko na ang pinto at saka pumasok doon. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni Dex habang may nakalagay pang cellphone sa kaniyang tainga. Dali-dali naman niyang ibinaba iyon at itinago sa kaniyang bulsa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status