Shadowed Visions (Visionary, #1)

Shadowed Visions (Visionary, #1)

last updateLast Updated : 2021-11-13
By:  Airi SnowOngoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
14Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Damien's life was forever changed after the car accident that killed his mother. He lost what’s most important to him and gained abilities he didn’t even want, never even wished for, and started a series of tragedies that led to him being unable to distinguish between what’s real and what’s not. From then on, uncontrollable, dark visions chased after his every waking moment, not letting him escape even in his dreams. Just when he thought he could finally get back to his old life, the ghost of a young girl puts him right onto the path of an arrogant and domineering ace police detective, Gunther Oliviera, who’s after a sick killer targeting young girls, bleeding them dry until they die. Gunther believes that Damien knows something and he’s just not telling. But how could Damien even tell the detective anything when he’s getting his information from the killer’s dead victims themselves? Damien’s not going to risk being brought back to the loony bin. But danger still finds him when someone from his past realizes he’s back and is determined to get revenge. In a race against time, Damien and Gunther must uncover the dark secret at the heart of their province, before it’s too late... Will Damien finally be able to face the path that fate had chosen for him, or will he choose to forge a new path and move forward, along with the darkness?

View More

Chapter 1

Prologue

Hindi ito ang unang beses na pumatay siya ng tao, pero kung ikukumpara sa iba-- sa mga normal at pangkaraniwan, sa mga ordinaryong tao-- ang pumatay siguro ng isa ay marami na.

Ang pumatay… Hindi ito madali, pero hindi rin naman gano'n kahirap na tulad ng sa una niyang inaasahan.

Sa simula, noong wala pa siyang karanasan, ay masyadong kumplikado ang proseso. 

At madugo. 

Kahit na pinag-aralan pa niyang mabuti ang tungkol sa anatomiya ng tao batay sa mga impormasyong kanyang nakalap ay hindi pa rin naging madali ang lahat. 

Ang ilang suson na meron sa pagitan ng balat at buto, ang eksaktong mga posisyon ng lamang-loob at ang pagkakaayos nito, pati na rin ang lokasyon at sistema ng ugat at ng sirkulasyon ng dugo sa iba’t-ibang bahagi katawan-- lahat ‘yon ay inaral niyang mabuti bilang paghahanda. 

Hindi na niya mabilang kung ilang libro ang kanyang binasa para lang malaman kung paano ito gagawing mas malinis, pero nang subukan na niya ay nangapa pa rin siya. Lumabas ang kanyang pagkabaguhan, at hindi man sadya ay nagkalat siya talaga, lalo pa at makalat talaga ang napili niyang paraan para gawin ito.

Iba pa rin ang karunungang dala ng tunay na karanasan, ibang-iba kaysa sa pagpatay sa mga mumunting hayop na kanyang unang pinagpraktisan.

Walang katulad ang karanasang iyon. 

Ipinaramdam nito sa kanya ang katotohanang siya ay napili.

Maraming paraan para pumatay ng tao. Sa sobrang dami, doon niya napagtanto at napatunayan ang taglay na karupukan ng isang katawang lupa; marupok sa parehong literal at metaporikong kahulugan nito.

Noon nabuo ang hangarin niyang ito ay talikdan, ang maging higit kaysa sa limitasyon at hangganang mayroon ang isang tao.

Hindi niya nais na manatiling tao lang.

Maingat ang ginawa niyang pagpili sa naging una niya. You remember your first and he wanted it to be a great memory, kaya sinigurado niyang napunan nito lahat ng mga katangiang hinahanap niya. 

Ilang buhay na ang nagdaan at nawala sa mga kamay niya ngunit ang unang beses ay isa sa mga pinaka-espesyal na alaalang kanyang pinakaiingatan sa kaibuturan ng kanyang puso… kung meron nga siyang puso.

Nang siya ay makilala niya, alam niyang ito na ang itinakdang maging kanyang una. Hindi niya alam kung paano niya nalaman iyon subalit sa simula pa lang ay alam na niya. Walang duda sa kanyang isipan na sadyang pinagtagpo sila ng tadhana. 

Ang kanilang unang pagkikita ay nakaukit na sa kanilang mga kapalaran, at ang papel na ginampanan niya sa buhay nito... sa katapusan ng buhay nito, ay ang siyang pinakamalalim na uka sa linya ng maikli nitong kasaysayan sa mundo.

Nang dumating ang tamang oras, hindi naman siya gaanong nahirapan para makuha ito at madala sa kinalalagyang pabor sa kanya. Madaling malinlang ng panlabas na kaanyuan ang karamihan. Ilang beses niya itong napatunayan.

Wala pag-aalinlangan sa kanyang isipan nang isagawa niya ang mga sumunod na hakbang, ang kanyang simula at ang wakas naman para sa kanya

Tandang-tanda niya ang panginginig ng kanyang mga kamay dala ng nerbiyos, ang nakabibinging pintig ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib, ngunit walang atubili sa kanyang isipan nang isinagawa niya ang paunang hiwa sa malambot na balat ng kanyang hirang.

The euphoria of that first cut, it was so… addictive. Hindi niya napigilan ang kanyang kamay nang ulitin nito ang aksiyon na iyon. Kumalat ang mga linya ng pula, kasama ang sangsang ng dugo.

Dugo. Napakaraming dugo. Sampung porsyento ng bigat ng isang tao ay binubuo nito. Kung gaano karami ay malalaman mo kapag pinanood mo ang pagsirit nito hanggang sa ito ay kumalat nang kumalat hanggang sa masaid ito sa huling patak.

Ang matingkad na pulang kulay ay kaakit-akit at walang katulad sa kanyang paningin. 

At ang amoy…

Nanunuot sa kanyang ilong ang metalikong lansa. Noong una ay halos bumaliktad ang sikmura niya dahil sa napakatapang nitong amoy pero ngayon ay nasanay na siya. 

Sa pakiwari niya ay alam na niya ang eksaktong amoy at pagkakaiba ng dugong galing sa hayop sa dugong galing sa tao, pati na rin ng dugong galing sa sariwang sugat, dugong galing sa blood transfusion, maging ang dugo na galing sa regla ng isang babae. 

Isa o dalawang beses na rin niyang natikman ang bawat isa sa mga ito. Higit sa lahat, ang lasa talaga ang hinahanap-hanap na niya. Meron sa mga ito na kanyang paborito at hindi malilimutan.

Sa dami ng klaseng natikman niya ay p'wede na siyang maging isang blood connoisseur. Sayang nga lang at wala siyang mapagbabahagian ng talento niyang iyon. Sayang talaga.

Hindi maiwasang manginig ng kanyang bawat kalamnan dala ng kasabikang malasap iyong muli.

Ngayon ay naririto na siya sa puntong ito ng buhay niya. Handa na siyang harapin kung sino siyang talaga. Handa na siyang harapin ang mabigat na responsibilidad na iniatang sa kanyang mga balikat. Hindi lahat ay makakaunawa sa kanyang layunin ngunit sa huli ay alam niyang maiintindihan din nila na para sa nakabubuti ng nakararami ang kanyang gagawin.

Huminga siya nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. Hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Marami pa siyang kailangang gawin.

Tila umaawit ang lahat ng kanyang mga pandama sa muli na namang pagdanak ng dugo sa kanyang harapan.

Isang kakaibang thrill ang hatid sa kanya kapag pumapatay siya ng tao. Nakakaadik. Nakakahayok.

Habang pinagmamasdan niya ang unti-unting pagkawala ng liwanag sa kanilang mga mata, at ang paglamig ng kanilang dating mainit na katawan, ay ang siya namang pagdaloy ng mahihinang kuryente ng pagnanasa, ng pananabik sa kanyang mga ugat.

Ilan pa ang dumaan at nawala sa kanyang mga kamay. Ang bawat isa sa mga iyon ay nagpataas sa kanyang ekspektasyon para sa susunod na daranas nito.

Bumaling ang kanyang atensyon sa kanyang panibagong hirang.

Ang walang buhay na katawan ng isang dalagita na nakahiga sa kama ay tila isang mamahaling manikang porselana na hinubaran ng magarbo nitong kasuotan. Ang maputing kutis at mga malakristal na mga mata nito ay may kakaibang kinang sa ilalim ng malamlam na liwanag ng ilaw na bumbilyang nakasabit sa taas nila. Ang mapupulang mga labi nito ay gaya sa isang matamis na mansanas na parang kay sarap kagatin.

Hindi niya maiwasang mabighani. Bawat isa sa kanyang mga hirang ay sadyang katangi-tangi.

Isinawsaw niya ang isang hintuturo sa isang maliit na kopita ng dugo nito at inihatid sa kanyang sariling labi at saka ito dinilaan.

Isa ang dugo nito sa pinakamasarap na natikman niya. Manamis-namis, nakalalasing, at nakapagpapabuhay sa kanyang buong pagkatao.

Nakaramdam siya ng panghihinayang na patay na ito.

Mas gusto niya kasi ang lasa ng dugo kapag ito ay sariwa pa, kapag buhay pa ang pinagkukunan niya, kapag ito ay nagkakakawag at pumapalag pa, habang may mga impit na hiyaw na nagmumula sa may busal nitong bibig.

Kung sana ay hindi ito isa sa mga napili, makakasama pa sana niya ito ng mas matagal.

Nakakapanghinayang talaga. Naisip tuloy niyang manguleksyon ng mga paborito niyang lasa ng dugo. Pero saka na. Kapag natapos na niya ang lahat ng kinakailangan niyang gawin ay magsisimula siyang mangolekta.

Bumuntong-hininga siya at dinampot ang isa sa mga itinuturing niyang importanteng tool-of-the-trade na nasa steel table sa tabi niya. Isa lamang ito sa mga espesyal niyang kagamitan na inilaan talaga niya para sa trabahong iyon.

 Ang nag-iisang ilaw sa madilim na silid na iyon ay tila isang spotlight na nakatutok sa kanila.

Ininspeksyon niya ang hawak na scalpel. Inilapit niya ang hintuturo sa talim nito at saka bahagyang idiniin nang hindi sinusugatan ang sarili. Sapat na ito para maramdaman niya kung gaano ito katalas, kung gaano ito nakamamatay.

Napangiti siya. Ibinaba niya ang hawak at kumuha ng surgical gloves at isinuot iyon.

Bumalik ang kanyang atensyon sa dalagitang nasa kama. Banayad niyang hinaplos ang noo nito, ang malambot nitong pisngi, at ang nakaawang nitong malambot na labi.

Napakaganda talaga...

Kahit sa kamatayan ay sadyang kabigha-bighani ang mga babaeng dalisay at walang bahid ng dungis na tulad nito. Kaya sila ang nahirang. Hindi sa mundong makasalanan sila nababagay kundi sa isang paraiso.

Siya ang maghahatid sa kanila sa pinakamagandang paraiso. Sigurado siyang pasasalamatan siya ng mga ito.

Huwag kang papatay. Isa ito sa sampung utos ng Diyos.

Buti na lang hindi siya Kristiyano. Malinis ang kanyang konsensya.

*******

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

No Comments
14 Chapters
Prologue
Hindi ito ang unang beses na pumatay siya ng tao, pero kung ikukumpara sa iba-- sa mga normal at pangkaraniwan, sa mga ordinaryong tao-- ang pumatay siguro ng isa ay marami na.Ang pumatay… Hindi ito madali, pero hindi rin naman gano'n kahirap na tulad ng sa una niyang inaasahan.Sa simula, noong wala pa siyang karanasan, ay masyadong kumplikado ang proseso. At madugo. Kahit na pinag-aralan pa niyang mabuti ang tungkol sa anatomiya ng tao batay sa mga impormasyong kanyang nakalap ay hindi pa rin naging madali ang lahat. Ang ilang suson na meron sa pagitan ng balat at buto, ang eksaktong mga posisyon ng lamang-loob a
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more
Chapter 1
Saturday, August 28, 5 AM May nakatayo sa tabi ng kanyang kama, pinagmamasdan siya habang natutulog. Hindi pa man lubusang nagigising ang diwa ni Damien ay alam na niya ito. Pigura ito ng isang babae, nakayuko sa tapat ng kanyang mukha kung kaya’t ang mga dulo ng mahaba nitong buhok ay halos lumapat na sa kanyang pisngi.  Tanging mga puti lamang ang kanyang nakikita sa mga mata nitong hindi kumukurap.  ‘Nandito ka na naman.’ nawika niya sa isipan. Gabi-gabi halos nitong ginagawa ang gayon, ang panoorin siya habang natutulog. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa kanya. Bukod sa walang sawa nitong panonood sa kanya habang siya ay natutulog o
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more
Chapter 2
Saturday, August 28, 7:30 AM Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Damien sa biglaang pagbabalik ng koneksyon ng kanyang kamalayan sa kanyang katawan. Ang pakiramdam ay katulad ng sa biglaang pagkahulog mula sa isang napakataas na bangin at bumulusok sa lupa ngunit ika’y nagising bago tuluyang maramdaman ang kabuuang impact ng pagbagsak ng iyong katawan. Isang segundo… dalawang segundo… unti-unting bumalik ang mga pandama ng kanyang katawan. ‘Alay…’ Bumalik sa kanya ang nag-iisang salitang binanggit ng batang kaluluwa sa parking lot. Dumilat ang mga mata ni Damien. Wala na ang babaeng multo sa kanyang kwarto ngunit may kakaunting lamig pa rin na natitira na hindi dahil sa nakabukas na aircon. Bumangon siya a
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more
Chapter 3
Saturday, August 28, 7:55 AM    Narinig ni Damien ang langitngit ng de-gulong na cart sa labas ng kanyang kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang orderly na nag-aasikaso sa kanya. Nakalimutan niya kung ano’ng pangalan nito dahil pang-ilan na itong pumalit sa mga nauna kaya hindi na siya nag-aaksaya ng panahon na alamin o tandaan pa ang  pangalan nito. Pumasok ito sa loob ngunit bahagyang natigilan nang maramdaman nito ang kakaibang lamig sa silid na iyon.     Lumunok ito. “Good morning, Mr. Argento. Masyado yatang mataas ang setting ng aircon dito sa kwarto.” Napatingin ito sa nag-iisang kama sa silid. Sa uluhan nito ay tila may hamog na bumabalot kung kaya’t malabo ang tingin niya rito. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-aakalang
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more
Chapter 4
Saturday, August 28, 11 AM Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan, nang marating ni Detective Gunther Oliviera ng Homicide Department sa lalawigan ng Anselmo ang crime scene. Mahaba at lubak-lubak ang kalsadang kailangang baybayin patungo sa pupuntahan kaya natagalan siyang marating ito. Doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ramdam na ramdam na niya ang pagod dala ng ilang araw na kakulangan sa tulog at pahinga. Sunod-sunod ang mga kaso ng mga bayolenteng krimen ang idinulog sa presinto nila nitong mga nakaraang araw at hindi na sila magkandaugaga kung ano ang uunahin nilang lutasin sa mga ito. Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa parehong kalagayan niya kaya hindi niya magawang magreklamo. Katatapos lang ng huling kaso niya, isang suspected murder ng isang mayamang negosyante
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
Chapter 5
Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan. “Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an
last updateLast Updated : 2021-10-31
Read more
Chapter 6
Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon.  Maraming  mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more
Chapter 7
Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba.  “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more
Chapter 8
Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan.  ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more
Chapter 9
Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon.  Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status