Share

KABANATA 1

Author: Vaughnyume
last update Last Updated: 2025-10-11 13:14:56

“Tiya! Tiyo! Mauna napo ako. ” Saad ng dalagang si Vivian habang pasakay ng tricycle, paalis na kasi ito ng baryo.

Ngumiti ang tiyo't tiyahin niya at kumaway ang mga ito sa kanya...

“Mag-iingat ka doon, hija. B-balitaan mo kami kapag nakarating kana. ” umiiyak na Saad ng kaniyang tiyahin. Bigla nalang itong yumakap sa asawa nito at nagsimulang humagulgol.

Hindi rin maiwasan ni Vivian ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya napatingala ito.

‘Ayos lang yan, Viv. Babalik ka rin pagkatapos ng anim na taon. ’ Saad ng dalaga sa kanyang isip.

Mailing iling niyang Iwinaksi sa kanyang isipan ang nakakalungkot na ideya ng kanyang pag alis at humarap mula sa mga taong nag aruga sa kanya.

“Opo, Mauna napo ako... ” pagpapaalam niya. Kinalbit niya ang driver at sinenyasan ito na umalis na. ‘Hanggang sa muli... ’

.

.

.

Nang makababa si Viv ay pinagsadlahan niya ng tingin ang malaking Gate. Kung tutuusin ay parang higante ang nakatira sa loob nito dahil sa sobrang laki.

Napabuntong hininga siya ng maalala nanaman ang kanyang Tiya Isabel at tiyo Arlon. ‘Kung kasama ko ang mga ito ay malamang na matutuwa sila na makakita ng ganitong kalaking gate, lalo na si Eric.’ Saad niya sa kanyang isip. 

May kalayuan ito, napabyahe pa siya ng ilang oras para mag-apply ng trabaho dito. Yun rin kasi ang nais ng kaniyang yumaong lola. 

Matapos niyang pindutin ang doorbell ay nanatili siya sa tapat ng Gate, nagpalinga-linga kahit napakainit, hanggang sa may magbukas non.

“Oh, Ma'am. Magandang umaga po, Ano po bang maipaglilingkod namin? ” bungad ng guard. May katandaan na ito dahil sa marami na itong puting buhok. Matangkad rin ito at kulubot na ang balat, ngunit mukha namang mabait dahil sa magandang bungad nito. 

“Magandang umaga rin po, manong. Huwag niyo na po akong tawaging ma'am dahil mag-apply po akong bagong kasambahay. ” nakangiting tugon ni Viv. Sinuklian siya nito ng ngiti at sinenyasan pumasok. 

Inihatid siya nito sa tapat ng malaking mansion. Nag-angat siya ng tingin sa nakakalulang tingin nito. Umalis ang guwardiya at mabilis niyang tinawag ang mayordoma at niyakap si Viv ng matanda. 

“Napakalaking bata mo na, Viv. Kay bilis naman ng panahon at dalaga na agad ang batang katulong ko sa paghugas ng plato. ” masayang bati niya. Niyakap niya ito pabalik. Ito si lola Martha— barkada ng kanyang lola. 

Nakasama na ni Vivian ito noon pa, anim na taong gulang palang kasi siya ng dalhin siya ng kanyang lola. Kaya ang ibang memorya niya ay napakalabo—kung kaya't hindi ko agad nakilala ito.

“Sampung taon na rin ang nakakaraan. ” aniya at humiwalay sa yakap. 

Saglit niyang nilibot ng tingin ang loob ng mansion matapos ni Vivian na tumuloy doon. Masaya siyang marami ang nagbago at mas gumanda ang mansion... 

Pero ang ngiti sa labi ni Vivian ay mabilis na naglaho ng dumapo ang kaniyang mga mata sa kulay asul na mata na minsang naging pamilyar sa kanya. 

‘Teka... Sino siya? ’

“Hija, parang natigilan ka at—” tila naputol ang kanyang sasabihin. 

“Viv, yan pala si Señorito Atticus—anak ng magiging amo mo, Si Señorita Katerina at Don Claudio. ” paliwanag ni manang Martha. 

Wala sa sarili napatango ang dalaga habang hindi pa rin ina-alis ang kanyang tingin sa gwapong binata—May Kaputian ito, matangkad at medyo payat. Di niya maiwasang bigyan ito ng ngiti ngunit agad na tumalikod sa kanya ang Señorito. 

‘Masungit... ’

Tahimik na nag tipon-tipon sa salas ang mga kasambahay ng mansyon, guwardiya at mga driver. Pati ang tatlong baguhan na si Stella, Nana at Vivian. 

Bagot at kinakabahan paring nanatili si Vivian sa pwesto niya. Habang ang Señorita Katerina at Don Claudio naman ay abalang binabasa ang mga Biodata nila. 

“I'm so glad to meet you again Vivian... ” Saad ng señora. Agad na nag-angat ng tingin si Vivian at sumagot.

“P-po? ” utal at kabadong saad nito. Naguguluhan sa naging reaksyon sa kanya ng babae. Hindi niya matandaan na nakita niya na ito noon. 

“You're such a grown up beautiful lady. ” nakangiting usal ni Señorita kay Vivian na nanating nakatitig lang sa kanya. 

‘T-teka, kilala nila ako? ’ 

“How old are you hija?” interview niya pa rin sa dalaga. 

“I'm s-sixteen po. ” sagot niya at napayuko. Alam ni Vivian na wala pa siya sa tamang edad para magtrabaho, ngunit ayaw niyang magsinungaling sa mga ito. Gusto niya na ring makatulong at makapag-ipon sa paparating na kolehiyo— lalo pa't na-advance siya ng dalawang taon. 

“Minor ka pa pala, is it ok to you if you work? ” takang tanong sa kanya ni Señorita Katerina. Nakikita ang concern ang kanyang mukha. Tumango naman ang asawa nito na si Don Claudio, na doon lang din nakitaan ni Vivian ng reaksyon.

‘Parang masungit rin ito katulad ng binata kanina. ’

Tango lang ang naging sagot ni Vivian, ngunit naging dahilan iyon para sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng Señorita.

“Sure then, would you like to be my son's personal maid? I mean, that's the only job that I have for you. ”

Mabilis namang tumango si Vivian. Sa totoo lang ay ayos sa kanya ang kahit anong trabaho. Basta masaya siya at makakapag-ipon. 

Bigla nalang bumukas ang pinto ng salas, dahilan kaya napalingon lahat doon. Bigla nalang pumasok yung binatang sinasabi ni Vivian na masungit. Maganda ang postura ng katawan. May proper etiquette at pukaw atensyon, ngunit walang paggalang ang pagpasok nito. 

Diretso itong nakatingin sa kanya. Ni hindi man lang inalis ang tingin nito at lumapit sa kanila. 

“Now you're here Hijo,” bungad ni Señorita Katerina at h******n ang binata. Nanatili lang ang mga mata nito kay Vivian. “I want you to meet Vivian... And new hired personal maid mo. ”

Nilamon ng kaba ang puso ni Vivian habang nakikipaglabanan ng titigan sa binata. ‘Bakit kaya siya nakatingin sakin?’

“Oh sya! Manang Martha will guide you around the house and house chores too. ” Nakaw atensyong saad ng Señorita.

Kusang napaiwas tingin si Vivian sa binata at humarap sa Mayordoma— si Lola Martha.

Matapos ang ilang pang interview sa ibang mga baguhan ay iginaya ni Manang Martha si Vivian sa iba't iba kwarto sa unang palapag at ngayon ay kasalukuyan itong naglalakad sa malawak na pasilyo papunta sa kwarto ng Señorito.

“Lola Martha, maaari ko po bang matanong kung gaano niyo po kakilala si Señorito? ” tanong ni Vivian, abala ito sa pagkutkot ng kanyang kuko. Halatang kinakabahan ang dalaga.

“Hija, si Señorito ay mabait na bata ngunit mailap ito at pili lang ang taong kinakausap.” Paliwanag ng matanda. “Huwag kang matakot doon sa batang 'yon. Mainipin at masungit lang iyon pero mas natitiyak pa nga akong mahuhulog sa sa Charms no' n eh.” dagdag pa nito.

Napangiwi lang siya sa sinabi ng matanda.

Alam ni Vivian na imposible 'yon dahil una sa lahat ay gusto niyang magkaroon ng maayos at magandang trabaho. Pangalawa, ang nais ng dalaga ay makapagtapos at makatulong sa kanyang tiyo at Tiya, kung posible man ang sinasabi sa kanya ni Manang Martha ay tiyak na hindi niya rin iintindihin 'yon at hindi na importante sa kanya yon.

Baguhan ang dalaga sa relasyon. Ngunit hindi niya ninais na magkaroon man lang ng ‘Crush’ o paghanga sa tao lalo pa't amo niya ito.

Ilang minuto pang paglalakad ay narating nila ang pinto sa dulo ng pasiya. Kulay Dark brown ito at mukhang bagong barnis dahil makintab pa sa mata.

“Oh Hija, maiwan na kita... Katukin mo nalang si Señorito at pag bubuksan ka no'n. Kailangan ko munang tapusin yung gagawin ko. ” paalam sa kanya ni Manang Martha. Tumango lang si Vivian bilang sagot at pinanood ang matandang makalayo.

Napabuntong hininga si Vivian habang pinagmamasdan ang pinto.

‘Kakatokin ko ba si Señorito? Tulog kaya ito? —huwag na lang siguro.... ’

Akmang aalis na ito ng bumukas ang pinto habang si Señorito ay masamang nakatingin sa kanya. Agad na humingi ng tawad si Vivian.

“I've been waiting for f*cking forty-six second. ” malamig na bungad ng Señorito. Napayuko nalang si Vivian.

Hindi niya inaasahan magiging mali ang desisyon niya. Tiyak na pag nalaman ng Señorito na balak niyang bumalik sa Maids Quarter ay mas magagalit ito.

“P-patawad po, S-señorito... ” nagsimulang manginig ang tuhod ni Vivian at nanatiling nakayuko. Hindi niya na ninais mangatwiran dahil baka mawalan pa siya ng trabaho.

“You need to be punished.”

‘Parusa?’ tanong ni Vivian sa kanyang isip. 

Tila natulala siya sa sinabi ng señorito. Hindi niya mahanap ang tama sa sinabi nito. Ilang segundo lang siyang nahuli ngunit may karapatang parusa agad na ibibigay sa kanya ang señorito. Paano pa kaya kung umabot na ito ng isang minuto?

“You need to clean my room... ASAP. ” masungit na utos ni señorito Atticus at pumasok sa kanyang. Napangiwi nalang si Vivian at sumunod naman ito.

Nagtataka itong nilibot ng tingin ang kwarto. Malinis ito. Halos makakapag salamin ka na nga sa linis ng paligid. ‘Anong lilinisin ko rito?’ Aniya sa kanyang isip.

Ngunit nanlumo si Vivian ng makitang hinuhulog ng Señorito ang mga gamit sa istante. Walang pakialam kung may nabasag doon. Ang mga libro, cd, koleksyon ng laruan, papel sa kanyang study table at mga damit nito ay ikinalat niya.

Nalaglag ang Panga ni Vivian sa ginawa ng binata.

“S-señorito... ” tawag niya dito at tumigil ang binata. 

“What?!” iritasyon ang bumalot sa mukha ni señorito Atticus ng lumingon ito kay Vivian.

“Are you going to disobey my orders? I can fire you—”

“Hindi po sa ganon! ” putol ng dalaga.

“Then... ” mabilis na humakbang si Atticus kay Vivian na abala pa rin sa pagtingin sa mga kalat na ginawa nito. “Clean this mess. ” bulong niya sa tenga ni Vivian.

Biglang kinilabutan si Vivian sa ginawa ni Atticus at kitang kita ang gulat sa mukha nito.

“I'll be expecting that this whole place will be clean when I come back! And you must leave before I bring Elliest up here.”

Mabilis na umalis si Atticus at pagbagsak na sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ito dahil kahit papaano ay naka-hinga siya ng maluwag.

‘Mukhang matatagalan ako. ’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 15

    Sunod sunod na nabilaukan si Vivian dahil hindi niya mapigilan ang pagtawa kay Atticus. Magmula kasi kanina ay nag paikot ikot at nag pabalik balik si Atticus. Madalas niya ring sabunutan ang sarili, mapadaing ng mahina at tila kinakausap ang sarili.Halos panonood nalang ang ginawa ni Vivian habang inuubos ang pagkaing hinanda sa kaniya ni Atticus. Tinabihan niya naman ito ng kalahati.“Señorito! ” sigaw ni Vivian. Todo pigil siya ng tawa habang tinatawag ang kaniyang alaga. Hindi narin siya mapakali sa kaniyang puwesto kaya siya na ang lumapit sa binata.“Señorito, hindi kaba kakain? ” masuyong tanong niya dito. Nag puppy eyes PA siya upang hindi talaga siya tanggihan ng binata. Mabilis na umiwas ng tingin si Atticus at sinapo ang mukha. Napansin din nito ang pamumula ng tenga ni binata kaya medyo nag aalala siya.Mabilis pa sa alas Kwatrong dumapo ang kamay ni Vivian sa noo ni Atticus. Medyo tumingkayad pa ito sapagkat hindi niya abot ang binata.“Parang hindi ata Normal ang temper

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 14

    It was nearly dawn when Vivian woke up from the sound of the flowing water. She could barely see it from the tinted windows inside the car, but, yet, she knows she's in the forest.There are a lot of trees outside. The cold breeze coming from the slightly opened windows.Kinusot ng dalaga ang kaniyang mata at naupo. Nasa isang masukal na gubat sila ngayon. Humiga siya ng malalim at naglibot naman ng tingin sa sasakyan. Nakatakip sa katawan niya ang Suit ni Atticus ngunit wala rin naman ito sa loob. Siguro iniligay ni Atticus yun bago lumabas upang hindi siya kalamigan sa loob. Marahang tinanggal ni Vivian ang Suit at tinupi 'yon bago siya lumabas ng sasakyan. Pilit inaaninag ni Vivian ang madilim na gubat. Kahit papaano naman ay may mga nakikita siya. Inayos niya pa ang suot niyang gown bago humakbang. Takot man at kinakabahan ay tahimik parin siyang humakbang sa nakita nitong liwanag sa di kalayuan. Sa tingin nito ay nagmumula ito sa sinusunod na kahoy, na amoy niya rin ang iniiha

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 13

    Kitang kita ni Vivian ang mga malungkot na titig nito sa kaniya. Puno rin yung ng pag-aalala habang tinitignan siya nito.“Are you okay? ” tanong nito.Mabilis umiling si Vivian, para alisin si Atticus sa kaniyang isipan at ngumiti kay Weng.“Are you sure? You look troubled. May problema ba Viv. ” malambing na Saad ng binata.“Wala, nalulula lang siguro ako sa taas ng hagdang niyo. Isa pa, masyadong maraming bisita... Nakakahiya. ” pabirong turan ni Vivian at muling nagpilit ng ngiti. Salamat nalang at tinanggap ni Weng ang rason niya at iginaya ito muli pababa. Hindi na inulit ni Vivian ang pagkakamali. Diretso man ang pustura sa pagbaba. Hindi niya na ninais na mahagip pa ng mata niya si Atticus. Ayaw niyang magkaroon ng distraksyon ng dahil dito. Pagkatapos makababa sa mahabang hakbang ay may lumapit sa kanila na mga maid. May name tag na nilagay at tinali ang kaliwang kanang kamay ni Vivian ng blue na laso na konektado sa stage. Kay Weng naman ay itinali sa kanan niyang kamay. Si

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 12

    Hindi nila alam kung ilang oras pa silang nanatili sa lugar na 'yon. Natagpuan na lang nila Vivian ang bawat isa na pinapanood ang pagbaba ng araw.Ngayon ay dalawa nalang silang natira dahil umalis ang dalawa para may pag usapang mahalaga kuno ang mga ito. Nakasandal sa balikat ni Vivian si Atticus habang pinagmamasdan ang araw. Hawak hawak naman nito ang kamay ng dalaga habang marahang minamasahe iyon.They look so lovely together while the sun waves its final goodbye. Nothing as peaceful as that in Atticus' memory. He was happy to fill the emptiness on his heart until it overflowed with Vivian's warmth and saving grace.They went down the hill after the long journey and got home. Pareho silang pagod at dumiretso sa kwarto ngunit mulat ang parehong mata ni Vivian habang iniisip ang napag-usapan kanina. Pakiramdam niya ay mali ang sumang-ayon sa alok ni Weng kanina. Hindi naman na kailangan ang bagay na 'yon lalo pa' t wala na silang koneksyon sa isa't isa.Wala namang nararamdamang

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 11

    Inilahad ni Atticus ang kamay sa lalaking katapat niya ngayon. “It's nice to meet you... You're her old suitor? Right? ” Saad ng binata.Nagdadalawang isip na tinanggap yun ni Weng at tumango saka napayuko. Sunod sunod itong napalingon. Bakas ang pagsisisi at kalungkutan sa mga mata niya.Sa kabilang banda ay nanatiling nakatingin si Vivian kay Atticus. Paano niya naman nalaman ang bagay na iyon. Wala naman siyang napagkwentuhan sa Casa Sigertem? Saan niya naman nakuha ang impormasyon.Nang makabawi ay dahang sayang inalis ni Vivian ang pagkakahawak ni Vivian sa bewang nito. Kusang gumalaw naman ang kamay nito sa kamay naman ni Atticus at hinawakan ng mahigpit ito. Nanginginig sa galit ang bibig ni Patty sa kanilang dalawa habang nakatitig pa rin ito kay Atticus na animo'y nagkaroon ito ng puso sa mata. ‘Sino ba nag hindi mapapatitig sa gwapong binata na katabi ni Vivian ngayon. ’Pinagsadlahan ng tingin ni Vivian ang kabuuan ni Atticus. Nakapantalon ito ng maong at naka fitted na s

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 10

    Umaga ng magising sa ingay sa labas si Vivian. Napaunat siya at sandaling nilibot ang kwarto. Magulo ang higaan...Mabilis na bumangon si Vivian ng maalala si Atticus. Hindi niya pa pala nahahandaan ito ng almusal. Tinanghali natin siya ng gising.Akmang lalabas na ito ng makitang maayos ang kama. Parang walang nahiga dito. Binaba niya ang tingin sa magulo niyang higaan, doon niya lang napansin ang dalawang unan na nakapwesto roon.‘H-hindi kaya...’Tumakbo palabas ng kwarto si Vivian at hinanap si Atticus. Akmang kukumprontahin ito ng matigilan siya sa eksena sa kanyang harapan...“G-ganito po ba? Is this right?” problema Dong Saad nito. Napa-kamot pa sa kaniyang batok ng mahinang tumawa ang tiyahin ni Vivian.“Oo, tama iyan hijo... Aba't naghahalo ka lang eh. Mukhang hirap na hirap kapa! ” napa halakhak ito. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Atticus sa kanyang labi at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nanatili lang si Vivian sa pwesto niya. Pinapanood ang ginagawa ng mga ito. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status