Share

KABANATA 2

Penulis: Vaughnyume
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-11 13:26:46

Pasado alas kwatro ng hapon ng matapos si Vivian sa paglilinis ng kwarto. Pabalik na sana siya sa Maid Quarters ng masalubong niya ang tila naliligaw na lalaki.

“Uhm? Miss, Do you know where the bathroom is? ” Tanong nito..

Saglit na nakatitig si Vivian dito. Isa itong mestiso, kayumanggi ang buhok at Green na mata. Hindi na magtataka si Vivian dito dahil mukha naman itong may lahi— at higit sa lahat... Gwapo ito.

“Mayroon po sa taas, sa kaliwang banda malapit sa dulo. ” pagtuturo ni Vivian ng direksyon. Iyon lang ang alam niya dahil do'n naman siya nagcr kanina.

“S-salamat... ”nahihiyang saad ng binata. Tumango naman si Vivian at nauna ng naglakad paalis. Naalala niya kasing maghahanda na sila sa mga lulutuin para sa hapunan.

.

.

.

Pagbalik niya sa Maid's quarter ay mabilis niyang pinalitan ang damit gamit ang binigay na Maid's outfit. Mas pinili niya yung komportable siya at dumiretso sa kusina.

Abala yung mga lumang maid at yung dalawang baguhan na kagaya niya ay tumutulong na sa paghiwa. Habang si Manang Martha naman ay ang tumitikim ng niluluto.

“Patawad at ako ay nahuli. ” paghingi niya ng paumanhin sa lahat. Ang iba ay tinaguan siya, umiling nalang at nagpatuloy sa ginagawa, si Manang Martha naman ay ngumiti sa kanya.

Mabilis siyang tumulong sa paghahanda. Siya na ang nag-asikaso sa pagbabalat at pag-aabot ng ingredients sa mga taga luto. Alas-Sais na ng matapos ang nga ito at nagpahinga.

“Ang gwapo ng Señorito. ” Saad ni Glayd. Napahagikgik ang lahat sa sinabi niya, maliban sa mga matatandang maid at Vivian. ‘Masungit at Demanding naman. ’ Saad niya sa isip.

“Oo nga, ang swerte ng mapapang-asawa niya... Mayaman na gwapo pa. ” dagdag ni Ezra. Mas lalong pumait ang mukha ni Vivian at nagsimulang humakbang ng patago para umalis.

“Swempre... Alagang alaga si Señorito Atticus ng Don at Señorita. ” sabat ni Stella.

“Shh! Wag kang maingay Stella. Hindi nais ng señorito na may bumanggit ng pangalan niya, baka matanggalan ka ng trabaho! ” suway ni Ezra.

Tuluyang nilisan ni Vivian ang kwarto at nag timpla ng maiinom na kape sa kusina.

‘Si Señorito? Ayaw na may bumabanggit ng pangalan niya? Ano 'yon may sumpa? ’ hindi maiwasan ang kuryosong tanong sa isip ni Vivian.

Hinanap niya ang asukal at nilagyan ng kaunti ang kaniyang mug. Pumait nanaman ang mukha niya habang iniisip ang sabi sabi sa Señorito ngunit hindi niya parin maiwasan ang matawa.

‘Siguro nga ay may sumpa ang pangalan nito. Babanggitin ko pa ngalang ay parang umiikot na ang sikmura ko. ’ dagdag niya sa mga ika.

“Why are you smiling? ” napanlingon siya ng marinig ang pamilyar na boses. Binalot siya ng kaba ng makita si Señorito na nakasandal sa Entrance ng pinto na papuntang dining area habang nakatingin sa kanya.

‘Pati ba ang pag ngiti, Bawal sa kanya? ’

“Answer me maid.” malamig na Saad niya. Kitang kita hindi satispado ang mukha nito.

“May naalala lang po... ” sagot ng dalaga. Tumalikod na ito at nilagyan ng mainit na tubig ang kape saka marahan na hinalo.

Akmang titikman niya na ang kape ng biglang may humarang na bisig sa gilid niya dahilan para makorner siya ng patalikod.

“That's mine... ” bulong ng binata sa tenga niya. Dahan dahang binaba ni Vivian ang mug. Yung tipong maingat siya dahil baka kung anong bagay ang dumikit sa katawan niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ni Atticus ang mug ni Vivian at lumayo. Tila nagulat parin ang dalaga kaya dahan dahan siyang umikot.

“A-akin po 'yan, S-señorito. ” turo niya sa mug na hawak ni Señorito Atticus. Ngumisi lang ito sa kanya at sumimsim sa kape. Tila nanlumo ang dalaga ng makita' yon.

Sa kanya dapat ang kape na 'yon at kung nais naman ng Señorito na magkape ay pwede siyang masabi dito at ipagtitimpla niya ito.

Inis at pagkauhaw ang nararamdaman ni Vivian. Napalunok nalang ito habang pinapanood niyang hinihipan at sinisimsim ng señorito ang dapat na sa kanya.

“It tasted so good.” komento ni Atticus. Nakita pang dinilatan at kinagat nito ang labi Napangiwi lang si Vivian at tumalikod sa binata, kumuha ng bagong mug at muling nagtimpla.

“Are you mad because I stole your coffee? ” tanong ni Atticus sa kanya. Hindi naman ito nilingon o sinagot ni Vivian. ‘Dapat ba akong matuwa? ’ Saad ni Vivian sa kaniyang isipan.

“Let me tell you this, maid...” Tila naalarma si Vivian sa lamig ng boses ni Atticus kaya nilingon niya na ito. Parang natuod naman ito sa kinatatayuan niya.

Ang señorito ay nakatingin ng diretso sa mata niya, habang ang dalawang kamay nito ay nakasalo sa baba niya. Napalunok nalang siya habang pinagsadlahan ito ng tingin.

‘Gwapo nga ito... ’

“You should always follow my orders, mind me first and lastly. ” mas lalong tumalim ang tingin ng binata sa kanya.

“You should prioritise me, don't ever had a second thought of me... Never ever, put me as a choice... ” banta nito sa kanya.

Napalunok lang si Vivian at tumango...

“I'm impatient and I become jealous easily overthings or someone. ” dagdag nito. Muli lang napatango si Vivian.

Tumayo ang binata at naglakad papunta sa pinto ng pinanggalingan habang hawak ang inagaw niyang kape pero huminto ito at nilingon siya.

“By the way... I don't fucking share what's mine, that's why don't expect na iiwan ko yong kape na'to diyan sa table na yan. It's mine now. ” tila nang-aasar na ika niya rito.

Kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Napanganga naman si Vivian.

.

.

.

Nauna pang nagising si Vivian sa alarma ng orasan nila Dahlia—roommate niya sa maid's quarters.

Agad niyang pinaghandaan ng almusal ang señorito dahil napag-alaman niya kay manang Martha kagabi maagang nagiging ito. Paminsan pa ay mainit ang ulo nito dahil hindi na paghahandaan ito ng almusal ng mga kasambahay. At si Vivian—bilang personal maid kuno niya ah responsable na sa bagay na'to mula ngayon.

Ayaw niyang masesante ng maaga dahil lamang sa hindi niya nagawang ng pang umagahan ang señorito at higit sa lahat, ayaw niyang makapangdamay pa ng kung sinong tao.

Inihanda ni Vivian ang Ham, bacon at strawberry sandwich at hot Choco sa isang malaking bed table at dinala 'yon sa kwarto ng binata.

Laking pasalamat niya lang dahil mabilis siyang pinagbuksan nito. Ngunit agad na bumungad ang  sa kanya ang masamang tingin nito.

“Just, what the h*ll?! ” sigaw ng binata. Walang sabi sabing itinabi siya ni Vivian at pumasok sa kwarto nito. Ibinaba niya ang pagkain sa pahabang kahoy na upuan sa dulo ng kama at nagsimulang ayusin ang kumot at unan sa kama.

“Kumain kana señorito,” abalang Saad ng ni Vivian habang hindi parin ito nililingon. “Huwag niyo na pong antayin na lumamig yan at mamuo ang mantikilya. ” dagdag niya pa.

Hindi niya narinig ang naging pagkilos ni Atticus kaya lumingon na siya rito. ‘Kay Aga-Aga ngunit hindi maipinta ang mukha ng señorito. Napakasungit at higit sa lahat, bipolar.’ Komento niya.

“Tsk.” pagpatunog ni Atticus ng kanyang dila at umirap.

Nagsimulang kumain ito. Hindi man halata ay perpekto ang pagkakaluto ng pagkain na 'yon para kay Atticus. Sobrang na appreciate niya.

Abala si Vivian sa pagtatapos ng paglilinis. Habang si Señorito Atticus ay Pinagmasdan lang ito habang kumakain.

Yung mood ni Atticus ay mas gumanda. Hindi katulad ng kaninang umaga lalo pa at ang bungad ay problema. Nawawalan kasi ng sales yung kumpanya niya kanina. Yun ang balita sa kanya ng secretary. Agad niyang pinahack ang location no'n ngunit hanggang ngayon ay wala.

“Isang krimen para sa akin ang pagtitig mo Señorito. ” Saad ng dalaga. Punong puno ng pagkailang.

Ngumisi lang ito sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. ‘Then... I'm a criminal. ’ Saad ni Atticus sa kanyang isip. Hindi niya maiwasan ang nakakalokong ngiti.

Pagkatapos na pagkatapos ni Vivian ay umalis agad ito. Hindi niya na kayang mag-stay pa ng isang segundo sa kwartong iyon. Kesahodang moody ang Señorito at pang-iinis lang ang ginagawa nito sa kanya. Baka pag tumagal pa ito doon ay masuntok na niya ito, ayaw niyang mangyari iyon at mawalan ng trabaho.

Tulala ang dalaga, nakasalumbaba habang hinahalo ang kape ng biglang gisingin ni Manang Martha ang diwa niya.

“Jusko hija, ang Aga mo namang mamorblema!” sigaw nito. Dahil sa gulat ay na itaas pareho ni Vivian ang kamay at sumbsob ang mukha niya sa lamesa.

“Patawad po, Manang Martha. ” ika nito matapos makabawi. Inayos ni Vivian ang sarili at muling humarap dito.

“Ano bang problema mo hija? ” may pag-aalalang tanong ng matanda. Umiling lang si Vivian.

‘Hindi ko maaring sabihin kay Manang na si señorito ang problema ko, maliit lang na bagay 'yon at isa pa... Baka kung ano pang isipin niya. ’

“Wala ho... ” pagsisinungaling ni Vivian. Saglit siyang pinagmasdan ni Manang Martha hanggang sa napabuntong hininga nalang ito.

“O, siya... Sige, pero kung meron man. Magsasabi ka hija, napakabata mo pa para sa mga komplikadong problema. ” Saad ni Manang Martha bago umalis.

Tanging tunog na lang ng pagsara ang pinto ang nagpahinga kay Vivian ng maluwag bago isipin naman ang utos ng señorito kanina.

Kailangan niya itong samahan sa Mall, dahil may bibilhin daw. Gusto niya namang huwag nalang sundin 'yon pero ayaw niya rin naman mawalan ng trabaho. Ilang buwan nalang at magsisimula na ang klase at kailangan niya ng magpursige para makapag enroll sa maganda paaralan.

Makalipas ang ilang minutong pagmumuni ay napagpasiyahan niyang maghanda sa pag-alis nila ni Señorito.

.

.

.

Paglabas niya ng mansion ay agad niyang naaninanag ang Señorito na nag-aantay lang malapit sa sasakyan nito. Sopistikado kung tignan ang binata sa kaniyang posisyon habang nakasandal sa puno. Kunot ang noo at mukhang nababagot.

Lumapit na kaagad si Vivian ng hindi inaalis ang tingin dito...

“Stop staring! And what took you so long? ” bunga ng señorito, mainit kaagad ang ulo.

Kumunot ang noo ni Vivian, ‘Assumero pala itong si Señorito... Ni hindi ko nga siya tinapunan ng tingin o tinitigan man lang. ’ tanggi ng dalaga sa akusasyon sa kanyang isip.

‘Isa pa, pwede naman siyang pumasok sa loob at doon nalang mag antay, parang kasalanan ko pa na nabagot siya.’ dagdag niya.

“Where's the key? ” iritadong tanong ni Señorito.

‘Napakademanding naman nitong lalaki na'to! Gusto agaran! ’

Dapat kanina pa sila nakaalis ng señorito ngunit hindi nangyari yon sapagkat hindi niya hawak ang susi kanina. Sinisi pa siya nito na siya raw ang nagtago kaya si Vivian na ang bumalik para hanapin 'yon sa kwarto ni Señorito. Hindi niya naman agad nahanap dahil hindi naman siya ang nagtago.

Tapos makikita niya lang pala sa CR, sa bulsa ng short nito. ‘Makakalimutin...’

Natampal ni Vivian ang kanyang noo at kinapa sa bulsa ng pantalon niya saka ito inabot sa Señorito.

“Tsk! Snail...” pang aasar pa nito. Nauna pang sumakay sa kotse habang si Vivian ay tumunganga lang sa tapat ng pinto sa passenger seat.

Pumasok si Señorito sa isang clothing store habang si Vivian naman ay naiwan sa labas ng store at naupo sa gilid kung saan may bench. Labag sa loob niyang nilantak ang suhol nitong vanilla ice cream na tig dose.

“Ano pa bang aasahan ko. Ahh, akala ko kasi kasama ang gusto ng señorito. Yun pala ay tagabuhat. ” pa bulong bulong na Saad ni Vivian. Napanguso nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Hanggang sa magulat nalang ito dahil may pares ng sapatos sa harap niya. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin. Kinikilala ang lalaking nasa harap niya.

“Hi, miss... ” bati ng lalaki, sumilay ang mahiyaing ngiti. Ngunit nagtataka parin si Vivian.

‘Nakita ko na siya, pamilyar pero di ko kilala. Saan ko nga ba ito nakita? ’ Tanong ni Vivian sa kanyang isip.

“Can't remember me? That's sad...” kunwariy nasaktan ang lalaki ko bago tumawa. “I'm the lost guy... ” kwento niya. Ikinunot lalo ng noo ni Vivian. “I was the guy who asked you, where the bathroom is...” pilot ngiting dagdag niya.

Doon lang pumasok sa isip ni Vivian ang eksenang 'yon at nag Tatalon talon.

“Ikaw nga! ” aniya at nakipag-apir.

“Yeah... ” tango niya bago ilahad ang kamay.

“I'm Salvi...”

Mabilis na tinanggap ni Vivian ang kamay ng lalaki at nagpakilala rin.

“Ako nga pala si Vivian. ” nahihiyang Saad niya.

Saglit pa silang nag titigan at tumawa ngunit agad ding naglaho 'yon ng tumukhin ang lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanila ng masama.

‘S-señorito?’

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 15

    Sunod sunod na nabilaukan si Vivian dahil hindi niya mapigilan ang pagtawa kay Atticus. Magmula kasi kanina ay nag paikot ikot at nag pabalik balik si Atticus. Madalas niya ring sabunutan ang sarili, mapadaing ng mahina at tila kinakausap ang sarili.Halos panonood nalang ang ginawa ni Vivian habang inuubos ang pagkaing hinanda sa kaniya ni Atticus. Tinabihan niya naman ito ng kalahati.“Señorito! ” sigaw ni Vivian. Todo pigil siya ng tawa habang tinatawag ang kaniyang alaga. Hindi narin siya mapakali sa kaniyang puwesto kaya siya na ang lumapit sa binata.“Señorito, hindi kaba kakain? ” masuyong tanong niya dito. Nag puppy eyes PA siya upang hindi talaga siya tanggihan ng binata. Mabilis na umiwas ng tingin si Atticus at sinapo ang mukha. Napansin din nito ang pamumula ng tenga ni binata kaya medyo nag aalala siya.Mabilis pa sa alas Kwatrong dumapo ang kamay ni Vivian sa noo ni Atticus. Medyo tumingkayad pa ito sapagkat hindi niya abot ang binata.“Parang hindi ata Normal ang temper

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 14

    It was nearly dawn when Vivian woke up from the sound of the flowing water. She could barely see it from the tinted windows inside the car, but, yet, she knows she's in the forest.There are a lot of trees outside. The cold breeze coming from the slightly opened windows.Kinusot ng dalaga ang kaniyang mata at naupo. Nasa isang masukal na gubat sila ngayon. Humiga siya ng malalim at naglibot naman ng tingin sa sasakyan. Nakatakip sa katawan niya ang Suit ni Atticus ngunit wala rin naman ito sa loob. Siguro iniligay ni Atticus yun bago lumabas upang hindi siya kalamigan sa loob. Marahang tinanggal ni Vivian ang Suit at tinupi 'yon bago siya lumabas ng sasakyan. Pilit inaaninag ni Vivian ang madilim na gubat. Kahit papaano naman ay may mga nakikita siya. Inayos niya pa ang suot niyang gown bago humakbang. Takot man at kinakabahan ay tahimik parin siyang humakbang sa nakita nitong liwanag sa di kalayuan. Sa tingin nito ay nagmumula ito sa sinusunod na kahoy, na amoy niya rin ang iniiha

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 13

    Kitang kita ni Vivian ang mga malungkot na titig nito sa kaniya. Puno rin yung ng pag-aalala habang tinitignan siya nito.“Are you okay? ” tanong nito.Mabilis umiling si Vivian, para alisin si Atticus sa kaniyang isipan at ngumiti kay Weng.“Are you sure? You look troubled. May problema ba Viv. ” malambing na Saad ng binata.“Wala, nalulula lang siguro ako sa taas ng hagdang niyo. Isa pa, masyadong maraming bisita... Nakakahiya. ” pabirong turan ni Vivian at muling nagpilit ng ngiti. Salamat nalang at tinanggap ni Weng ang rason niya at iginaya ito muli pababa. Hindi na inulit ni Vivian ang pagkakamali. Diretso man ang pustura sa pagbaba. Hindi niya na ninais na mahagip pa ng mata niya si Atticus. Ayaw niyang magkaroon ng distraksyon ng dahil dito. Pagkatapos makababa sa mahabang hakbang ay may lumapit sa kanila na mga maid. May name tag na nilagay at tinali ang kaliwang kanang kamay ni Vivian ng blue na laso na konektado sa stage. Kay Weng naman ay itinali sa kanan niyang kamay. Si

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 12

    Hindi nila alam kung ilang oras pa silang nanatili sa lugar na 'yon. Natagpuan na lang nila Vivian ang bawat isa na pinapanood ang pagbaba ng araw.Ngayon ay dalawa nalang silang natira dahil umalis ang dalawa para may pag usapang mahalaga kuno ang mga ito. Nakasandal sa balikat ni Vivian si Atticus habang pinagmamasdan ang araw. Hawak hawak naman nito ang kamay ng dalaga habang marahang minamasahe iyon.They look so lovely together while the sun waves its final goodbye. Nothing as peaceful as that in Atticus' memory. He was happy to fill the emptiness on his heart until it overflowed with Vivian's warmth and saving grace.They went down the hill after the long journey and got home. Pareho silang pagod at dumiretso sa kwarto ngunit mulat ang parehong mata ni Vivian habang iniisip ang napag-usapan kanina. Pakiramdam niya ay mali ang sumang-ayon sa alok ni Weng kanina. Hindi naman na kailangan ang bagay na 'yon lalo pa' t wala na silang koneksyon sa isa't isa.Wala namang nararamdamang

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 11

    Inilahad ni Atticus ang kamay sa lalaking katapat niya ngayon. “It's nice to meet you... You're her old suitor? Right? ” Saad ng binata.Nagdadalawang isip na tinanggap yun ni Weng at tumango saka napayuko. Sunod sunod itong napalingon. Bakas ang pagsisisi at kalungkutan sa mga mata niya.Sa kabilang banda ay nanatiling nakatingin si Vivian kay Atticus. Paano niya naman nalaman ang bagay na iyon. Wala naman siyang napagkwentuhan sa Casa Sigertem? Saan niya naman nakuha ang impormasyon.Nang makabawi ay dahang sayang inalis ni Vivian ang pagkakahawak ni Vivian sa bewang nito. Kusang gumalaw naman ang kamay nito sa kamay naman ni Atticus at hinawakan ng mahigpit ito. Nanginginig sa galit ang bibig ni Patty sa kanilang dalawa habang nakatitig pa rin ito kay Atticus na animo'y nagkaroon ito ng puso sa mata. ‘Sino ba nag hindi mapapatitig sa gwapong binata na katabi ni Vivian ngayon. ’Pinagsadlahan ng tingin ni Vivian ang kabuuan ni Atticus. Nakapantalon ito ng maong at naka fitted na s

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 10

    Umaga ng magising sa ingay sa labas si Vivian. Napaunat siya at sandaling nilibot ang kwarto. Magulo ang higaan...Mabilis na bumangon si Vivian ng maalala si Atticus. Hindi niya pa pala nahahandaan ito ng almusal. Tinanghali natin siya ng gising.Akmang lalabas na ito ng makitang maayos ang kama. Parang walang nahiga dito. Binaba niya ang tingin sa magulo niyang higaan, doon niya lang napansin ang dalawang unan na nakapwesto roon.‘H-hindi kaya...’Tumakbo palabas ng kwarto si Vivian at hinanap si Atticus. Akmang kukumprontahin ito ng matigilan siya sa eksena sa kanyang harapan...“G-ganito po ba? Is this right?” problema Dong Saad nito. Napa-kamot pa sa kaniyang batok ng mahinang tumawa ang tiyahin ni Vivian.“Oo, tama iyan hijo... Aba't naghahalo ka lang eh. Mukhang hirap na hirap kapa! ” napa halakhak ito. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Atticus sa kanyang labi at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nanatili lang si Vivian sa pwesto niya. Pinapanood ang ginagawa ng mga ito. Hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status